CHAPTER 07

1264 Words
CHAPTER 07 'She's Back!!!' "No need! You dont have to pick me up today. I will just grab a cab going to the airport." I said to my chauffeur through the phone. [Are you sure Ms. Walkerson?] he asked. "Yeah. Don't bother. "Yun na lang ang huli kong sinabi at tuluyan ko nang pinatay ang tawag. Today is my flight! Hindi naman ako masyadong nagmamadali dahil nasa private airlines ang kinuha kong flight pabalik sa Pilipinas at ngayon ay tapos na ang lahat ng kailangan kong gawin. I just grab my coat and Im done. Wala na akong gamit na kailangan pang dalhin kasi pinauna ko na yung mga bagahe ko kagabi sa driver ko kaya nga hindi ko na siya pinapunta pa ngayon. I reach for my Chanel bag and my mini baggage, and now I'm ready to leave this home. Binuksan ko na yung pinto ng bahay ko at hindi ko maiwasan na awtomatikong mapahinto nang makita ko si Kuya sa mismong harap ng unit ko at nakasandal pa siya sa pader. Nang makita niya ako ay agad siyang umayos nang pagkakatayo tsaka ako hinarap. "Ihahatid na kita. "Mahinang wika niya sa akin at mabilis siyang lumapit para kunin sa kamay ko yung isang maliit na maleta ko. Wala naman na akong sinabi pa sa kaniya at hinayaan ko na lang siya dahil alam ko naman na hindi siya magpapa pigil. Tsaka, sayang ang effort niya sa paghihintay sa akin sa labas kung tatanggihan ko pa siya. Nauna siyang naglalakad sa akin habang ako naman ay nasa likod niya lang. Akala ko ay aalis ako ng hindi man lang kami nag-uusap dahil na rin sa nangyari sa pagitan namin kahapon. Hindi din niya ako tinext or tinawagan kagabi kaya hinayaan ko na lang siya pero I know Kuya-- alam kong hindi niya ako matitiis. Nakarating na kami sa parking area ng hotel at pinag buksan niya pa ako ng pinto ng kotse niya. Walang salita naman ako na pumasok sa loob habang hinihintay siya na mailagay sa likod ng kotse yung maleta ko. "Kumain ka ba bago ka umalis sa condo mo? "Tanong niya nang tinatakid niya na yung seat belt niya at ini-start na yung engine ng sasakyan. "No. Nasa private airplane naman ako kaya aalagaan nila ako doon. Dont worry."walang emosyon na sagot ko sa kanya habang patuloy lang ang ginagawa kong pag bo-browse sa cellphone ko. Ilang segundo siyang hindi nagsalita sa tabi ko kaya akala ko ay wala na siyang sasabihin pa pero hindi nagtagal at nagsalita na naman siya. "Wag mong pababayaan ang sarili mo doon. Tsaka, lagi kang tumawag sa akin kapag may problema ka sa kompanya. I'm always free basta pag dating sayo. "Wika pa niya. Hindi na lang ako umimik. Yan naman kasi ang lagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing umaalis ako ng California, like kapag may business trip ako. Hindi na bago sa akin na marinig ko ang mga salitang yun mula sa kaniya. "Hmm. By the way, nakausap mo na ba si Chairman? "Tanong niya dahilan kung bakit itinigil ko na ang pag ce-cellphone ko at seryoso lang na tumingin sa kalsada. "Wala naman akong dapat sabihin sa kaniya. Ayaw kong ma- stress siya sa akin. Mahina na ang puso niya diba? I dont want him to die too because of me. You know what I mean, right? "Sabi ko sa kanya tsaka ko siya binatuhan nang mabilis na tingin kung saan napansin ko na napatigil siya sa sinabi ko. "Sabihin mo na lang na nasa isang business trip ako kapag hinanap niya ako sayo. "Pagdudugsong na sabi ko pa. Wala naman siyang naisagot sa akin kaya naman sumandal na lang ulit ako sa upuan ko at muling kinuha ang phone ko at doon na lang nag focus. ~~~ Hindi nag tagal ay nakarating na kami sa airport. Hindi ko na siya hinintay pa na maunang makababa dahil mabilis ko nang binuksan yung pinto at lumabas ng kotse niya. Hinintay ko lang siya na maibigay sa akin yung maleta ko na kinuha niya sa likod ng sasakyan. Lumapit siya sa akin at ibinigay sa akin yung gamit ko tsaka tatalikod na sana ako pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan. Hinarap ko siya. "What? "I asked him coldly. "Ngayon ko lang toh sasabihin sayo-- don't you dare na makipagkita ka sa lalaking yun or else, susunod ako sa Pilipinas para kunin ka. Natapos mo man ang trabaho mo o hindi. "May awtoridad na wika niya sa akin at base sa ekspresyon ng mukha niya ay alam kong seryoso siya doon. Hindi ko naman maiwasan na mapangisi dahil doon at nakita niya naman agad ang naging reaksyon ko. "I'll be smarter this time. "Makahulugan na sambit ko sa kanya at ako na mismo ang nag tanggal ng kamay niya mula sa pagkaka-kapit sa akin at hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin at tsaka tuluyan nang tumalikod para umalis. . . Third Person's POV Sunod sunod na nag bow ang piloto at ang mga flight attendant sa baba ng eroplano nang tumigil na ito sa private airlines ng Pilipinas. Alas tres ng hapon siya naka balik. Hinihintay na lang nila na bumaba ang VIP passenger nila na si Breigh, hindi din naman nagtagal at tuluyan nang lumabas ang dalaga habang naka taas-noo ito. She inhaled the warm air from the out side. 'Hindi pa rin nagbabago ang Pilipinas, mainit pa rin. ' na sambit na lang niya sa isip niya tsaka tuluyan na siyang bumaba. Agad na hinarap siya ng piloto. Hindi lang naman kasi siya basta-bastang piloto dahil siya ang President ng Airlines na yun kung saan nag volunteer ito na siya mismo ang maghahatid kay Breigh pabalik sa Pilipinas dahil VIP nga ito. "It's nice to be your Pilot Ms. Walkerson. "Naka ngiting wika ng piloto sa dalaga. Ngumiti naman ng simple si Breigh. "The pleasure is all mine Mr. Scwazeneger. " "My team and I are hoping that you will mention our airlines for your upcoming interviews and TV appearance here in Philippines. " "Sure will. "Nakangiti pa rin na wika ni Breigh tsaka nag shake hands silang dalawa bago siya tuluyang dumiretso sa isang Bugatti La Vointure Noire na kanina pa naghihintay sa pagdating niya. Naitawag na kasi sa kaniya ng acting President ng Up Land Company dito sa Pilipinas na si Ylmar Gregorius ang paghahanda na ginawa nila para sa pagdating ng CEO, mula sa kotse, sa driver at sa bahay na titirhan ni Breigh. Pibag buksan siya ng driver nung pinto ng kotse sa may likod kaya naman tuluyan na siyang pumasok doon. "Saan po tayo Ma'am? "Tanong nung matandang lalaki na nasa edad 40's na nang makasakay na rin ito sa sasakyan. "Sa Up Land tayo. "Simpleng sagot niya dito kaya naman nagmadali nang magmaneho ang matandang lalaki. Wala na siyang sasayangin pa na oras kaya naman nag pa diretso na siya agad sa kompanya. Kung akala ng iba ay mag papahinga pa siya sa pagkarating niya sa Pilipinas pero doon sila nagkamali. Para kasi kay Breigh ay mahalaga ang bawat minuto niya sa pananatili niya sa Pilipinas kaya naman mas pinili niya nang pumunta sa Up Land kahit na halos 15 hours ang naging flight niya. Hindi nagtagal ay nasa harapan na siya ng Up Land. Mabilis siyang pinag buksan ng pinto ng driver niya tsaka siya dahan-dahan na siyang lumabas. Hindi niya maiwasan na titigan muna ang kabuoan ng kompanya. 'And here I come. ' She said and then walk towards the entrance of the company.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD