Jenny "Matulog na tayo, maaga pa ang flight natin kasama ng mga bata," bulong niya sa 'kin matapos ang mahaba-haba naming usapan at asaran habang tumatambay kami sa bench ng garden. "B-Bakit nasaan ba tayo?" nagtatakang tanong ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan talaga kami. "Nasa Japan tayo, nasa bahay namin." Nalaglag ang panga ko sa simpleng pagkakasabi niya no'n. "B-Bahay niyo? N-Nasa Japan tayo? As in Japan?" Natawa siya sa reaksiyon ko at tumango. "We're in our first mansion, Dwarf." "Bakit? Ilan ba mansion niyo?" "I don't have any idea," nakangiti na sabi niya. "Ang mga bata kanina, galing 'yon sa shelter na dino-donate-an ko, hiniram ko muna para sa plano ko." "Nagdo-donate ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi nga? Iyang mukhang 'yan? Nagdo-donat