Simula
Jenny
"GOOD morning, Mommy, Daddy, Kuya Zkat!" masiglang bati ko sa kanila nang makarating ako sa dining area at nadatnan silang kumakain ng agahan.
"Good morning, Baby," bati naman ni Kuya Zkat sa 'kin.
Ngumiti lang sila ni Mommy at Daddy at hinihintay nila akong makaupo bago biglang humirit si Mommy. "Hmm, Anak!"
"Yes?" tanong ko habang nagsasalin ng pagkain sa aking plato. Hindi ko maiwasang mawirdohan sa approach niya ngayon.
"Anak!" sabi niya ulit na halos mapunit bibig niya sa kakangiti.
"Why?"
"Anak!"
Ayan na! Hay naku! Inaamin kong cute si Mommy minsan pero napapasobra naman madalas. Hindi ko alam kung paano siya nato-tolerate ni Daddy.
"Ano nga?" kunot-noo ko na tanong.
"May surprise si Lolo mo para sa 'yo mamaya!" parang kinikiliti na sabi ni Mommy. "Dalaga ka na talaga, Baby Girl!" emosyonal kunwaring dagdag niya.
"Surprise? Di ko naman birthday, anong occasion?" nagtakang tanong ko. Mukhang hindi maganda ang kutob ko rito ah.
"Excited ka pa talaga, Mommy?" sarkastikong tanong ni Kuya Zkat. "Ewan ko kung anong tinatakbo ng utak niyo, super supportive lang ba kayo? Or feeling teenager lang?"
"Zkat..." saway ni Daddy kay Kuya.
Tumayo si Kuya Zkat at bumaling bigla sa 'kin. "Bilisan mo na d'yan, mali-late ka na!" masungit niyang sabi sabay alis.
Anong nangyari do'n? Parang tanga, may mood swings.
"May mens na naman ang kuya mo, Anak," sabi ni Mommy sabay hagikhik. "Oh, sige na, Anak, dalian mo na d'yan ha? Mag-ingat ka sa school. Tyaka makinig ka na sa lecturers ha?"
Tumango na lang ako para hindi na mahaba pa ang usapan. Uminom ako ng tubig tyaka ko isinukbit ang bag ko at nagpaalam na sa kanila na aalis na ako.
Syempre kahit sa edad kong 'to, hatid-sundo pa rin ako ng Kuya kong bully. Sabi ko naman kasi turuan nila akong mag-drive, ayaw pa, ayan napiperwisyo ko tuloy sila kapag pasukan. Ito naman kasi si Kuya, ayaw pang ipaubaya sa driver namin ang paghatid at pagsundo sa 'kin sa school, parang pangarap niya yatang maging driver.
NANG makarating ako sa school ay agad naglakad papasok sa classroom, hanggang gate lang ako inihatid ni Kuya.
"Good morning, Bespar!" bati sa akin ng best friend kong si Dylan Ramirez.
"Hello, Dylan!" simpleng sagot ko.
Aaminin ko, wala ako ngayon sa tamang pag-iisip, naglalakbay ang utak ko para makahanap ng sagot sa kung anong sorpresa ni Lolo sa akin.
Bakit parang unusual ang kilos ni Mommy kanina? She looks really excited and happy, I don't know why. Dati naman nang masayahin si Mommy, but she's extra today. Ayan napapa-english na ako. Ang wirdo kasi ng nanay ko.
Nag-usap kami saglit ni Dylan, nagsimula ang klase at hindi ko man lang namalayan na uwian na pala. Wala man lang pumasok kahit isang topic sa utak ko.
Nagsasayang lang talaga ako ng tuition fee sa pagkamahal-mahal na school na 'to, sabi ko naman kasi kina Mommy, sa public na lang ako para kahit magpaulit-ulit ako ng ilang taon, di ako magsasayang ng pera. Eh ayaw nila, edi wag.
Masyado akong ini-stress ng nanay ko. Bakit kasi nag-share pa kung hindi rin naman sasabihin ng buo, hindi niya ba alam ang curiosity kills the cat? Teka, tama ba 'yon?
"Hello, Kuya?" naiinis ko nang sambit nang sa wakas ay sagutin na ng Kuya ko ang tawag. "Nilalangaw na po ako dito sa kahihintay, anong petsa ka ba dadating?"
"Wait lang, Baby," sabi niya. "Kalalabas ko lang ng opisina."
Napairap ako. Knowing my brother, sigurado akong nasa opisina pa siya ngayon paupo-upo at paikot-ikot sa swivel chair niya. Kaya naman, nakaisip ako ng kalukohan.
"Bilisan mo na, Kuya!" maarteng sabi ko. "May nakakatakot na lalaking nakatingin sa 'kin… parang may balak yata siyang masama."
"What?!" Halos magkanda-utal-utal niyang sagot, halatang biglang kinabahan. "Fine—ah… ano... P-Papunta na ako. Don't panic. Maghintay ka sa 'kin malapit sa guard house, Ahbi!" nagmamadaling sabi niya at tyaka pinatay na ang tawag.
Napahagalpak naman ako ng tawa sa sarili kong kalukohan, biktima ka na naman, Zkat Aidenry Lee! Panalo na naman ako.
Wala pang limang minuto ay dumating na si Kuya, pawis na pawis, hingal na hingal akala mo ay tinakbo ang distansya ng kompanya at school kaya mas lalo tuloy akong nasiyahan.
Sa wakas! Nakaganti rin ako sa huling prank na ginawa niya sa 'kin na iniyakan ko talaga.
"Ahbi!" nag-aalalang tawag niya at agad akong niyakap.
Tyaka ako napahagalpak ng tawa sa itsura niya, tipong mangiyak-ngiyak ako sa sobrang epic ng itsura niya.
"Why are you laughing?" tanong niya nang kumalas sa madrama niyang yakap.
"It's a prank!" sigaw ko sabay bulalas ng tawa.
Tinulak niya ako sa inis niya at napairap siya. Kulang na lang ay sabunutan niya ako, hindi siya natutuwa habang ako ay tawang-tawa.
"Baliw ka!" inis niyang singhal.
"Uy! We're even! Akala mo nakalimutan ko na 'yong prank mo sa 'kin na nakabuntis ka?"
"Kasalanan ko bang uto-uto ka?"
"Hoy! Hindi ako uto-uto, Kuya!"
"Silly kid," sabi niya sabay irap sa 'kin.
Agad nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya.
"I'm not a kid, Idiot!" inis na sabi ko.
"Hindi ba? Seventeen ka lang, bata ka pa rin! Naka-baby bra pa!"
Napikon ako agad sa sinabi niya. Kailangan niya ba talagang sabihin 'yon? Sa inis ko ay hinampas ko siya nang hinampas sa braso habang tuloy-tuloy ang tawa niya.
"Ang pangit mo!" sigaw ko sa kaniya. Namumula na ako sa inis.
"Ang gwapo ko kaya," mayabang niyang sabi.
"Gwapo? Saan banda? Wala ka ngang girlfriend eh, busted ka lagi sa crush mo!"
Natigil ang pagtawa niya nang mabanggit ko 'yon. Siya naman ngayon ang napikon.
"Pumasok ka na nga lang sa kotse, ang pangit ng tabas ng dila mo, kasingpangit mo!" inis niyang sabi.
Nakangisi akong sumakay sa kotse niya, syempre di na ako nagpapilit, baka magbago pa isip niya, maglakad pa ko pauwi.
Nagsimula naman siyang mag-drive pauwi. Kaya lang habang nasa byahe kami, may ideyang biglang sumagi sa isip ko.
"Kuya, what if mauna akong mag-asawa sayo?" I asked out of nowhere.
"Aray! Ba't ka pumiprino bigla?" reklamo ko no'ng halos masubsob ako. Hindi ko inaasahan na 'yon ang magiging reaksiyon niya.
"You what?" kunot-noong tanong niya kasabay ng masama niyang tingin sa 'kin.
"Sabi ko, paano kung mauna akong mag-asawa kaysa sa 'yo!" inis kong sabi, pinagkadiinan pa ang mga salita. "Bakit ba gulat na gulat ka? Hindi hamak naman na mas may chance akong makapag-asawa kumpara sa 'yo!"
"Tingin mo may papatol sa 'yo?" Bumulalas siya ng tawa at tiningnan ako na parang nandidiri. "Eh para ka ngang isang beses lang naliligo sa isang linggo!"
Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hoy! Naliligo kaya ako araw-araw! Tyaka shut up nga! Most groomed girl ako no'ng elementary taon-taon!"
"Groomed girl?" ulit niya, tyaka nagsimulang mag-drive ulit. "May award ka ba no'ng elementary?"
"Sumusobra ka na ah!" napipika kong sabi at inambahan siya ng suntok.
"I'm just telling the truth. Hindi nga makapaniwala ang teachers ko na kapatid pala kita. Ang layo eh… ako hakot awards, ikaw hakot palakol!"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Grabe siya! Di naman ganoon kalala ang grades ko!
"Sigurado ako, major turn off 'yon sa mga lalaki," nang-aasar niyang sabi.
Napakibit-balikat na lang ako at napanguso tyaka napairap sa kaniya. "Sana, Kuya, tumanda kang binata at mamamatay kang virgin! At sana magka-boyfriend na ang crush mo!" sabi ko sa kaniya.
"Sumusobra ka na ah? Sasagutin din ako no'n, hintayin mo lang. Kinakausap na kaya niya ako," nagmamalaki niyang sabi.
Malakas akong natawa. "Kinakausap ka naman niya dati pa, 'di ba? Minumura ka nga lang!"
"Pangit mo!" sabi niya at di na nagsalita. Kapag crush niya na talaga ang pinag-uusapan napipikon na siya.
Nakarating na kami sa bahay matapos ang ilang minutong byahe.
"Lumabas ka na, Nuno," nang-aasar niya pa ring sabi. Kung anu-ano na lang tinatawag niya sa 'kin.
Porque matangkad siya at mala-tore ang height, ang yabang niya na, tatangkad din ako pag umedad ako ng twenty!
"Bumagsak ka sana sa engineering, Kuya!" nakangusong sabi ko sa kaniya. "Sana masira lahat ng project mo at sana sungitan ka na naman ng crush mo at murahin ka nang murahin!"
"Whatever, Nuno. Pumasok ka na nga sa bahay," sabi niya. "Sabihin mo kay Mommy sa condo ako uuwi, may project kami at di ako makakapag-concentrate sa bahay dahil sa bunganga mo!"
I just showed him my middle finger bago ko padabog na sinara ang pinto ng kotse niya. Inilabas ko pa ang dila ko at nag-make face. Nang makarating ako malapit sa pinto ng bahay, humarap pa ako muli sa kaniya at naglagay ng letrang L sa noo ko gamit ang mga daliri ko. Tuwang-tuwa naman ako nang makapasok ako sa bahay.
"Ma, nakauwi na ako!" sabi ko sabay takbo sa kwarto ko na hindi man lang hinanap kung nasaan si Mommy.
Agad akong nagbihis ng pambahay at dumagan sa kama ko at nag-cellphone. Gusto kong maghanap ng pwedeng makain sa online, nagugutom ako, gusto ko magpa-deliver.
Nasa gitna ako ng pagpili ng pagkain nang biglang namatay ang ilaw sa kwarto ko. At biglang may kumuha sa kumot ko at itinalukbong sa akin.
Napatili ako at parang isdang nagpupumiglas, kinabahan ako nang maramdaman ko ang mga braso ng salarin na nakayakap sa kin para hindi ako makatakas.
"Mommy! Mommy! Help!" sigaw ko habang nagpupumiglas ako, hindi ako halos makagalaw sa higpit ng yakap ng kung sinuman.
Nagsimula akong kabahan. Baka kidnapper! Pinasok ng magnanakw ang bahay namin? Hala! Baka ipa-kidnap for ransom kami?!
"Mommy! Mommy! Daddy! Manang!" paulit-ulit kong sigaw. "May kidnapper dito sa kwarto ko!"
Napatigil ako sa pagpupumiglas nang marinig ko ang mahinang hagikhik at pamilyar na natural na angas no'n.
What the hell?!
Bumitaw sa yakap ang salarin at unti-unting lumakas ang tawa niya, naramdaman ko pa ang pabagsak niyang higa sa kama ko kaya mabilis kong inalis ang kumot na nakatalukbong sa 'kin.
At bumungad sa 'kin ang tumatawang gwapong mukha ng isang… Skyler Takagi.
"Sky?!" gulat ko na sambit. Marami nang nagbago sa kaniya pero kilalang-kilala ko ang singkit niyang mga mata at ang natural niyang awra… at ang pamilyar na t***k na bilis ng t***k ng puso ko na may sariling ritmo.
"Yes, Baby?" nakangiti niyang sabi, nanglalandi.
Nanlaki ang mga mata ko. Atomatikong gumalaw ang kamay ko para kunin ang pinakamalapit na unan sa 'kin at hinampas ko direkta sa mukha niya.
"Walang 'ya ka! Halos atakihin ako sa ginawa mo! Bwisit ka!" gigil kong sabi. Hindi pa ako nakuntento, hinablot ko pa ang buhok niya at sinabunotan ko siya.
Tatawa-tawa naman siya habang paulit-ulit na dumadaing sa sakit.
Tyaka biglang bumukas ulit ang ilaw sa kwarto ko, hindi pa naman madilim kaya naaninag ko pa kanina ang mukha ni Sky.
"Ano 'yon, Ahbi?" si Mommy pala. "Bakit ka sumisigaw kanina?"
"Si Sky po, Mommy!" nakangusong turo ko kay Skyler.
"Oh my gosh! Akala ko pa naman ano na," madramang sabi ng nanay ko. "Oh, magbihis ka, may pupuntahan kayo ni Sky, nagpaalam na sila sa 'kin ng Lolo mo," sabi ni mommy.
"Po?"
Ngumiti lang si Mommy sa 'kin tyaka na umalis. Mas lalong weird siya ngayon.
"You heard what mom said, maligo ka na at magbihis, ang baho mo na."
Nalaglag yung panga ko sa sinabi niya, "Ang kapal ng mukha mo! Maka-mom ka d'yan, kapatid ba kita? Kapatid kita?"
He just shrugged and made a face.
"Ang kapal mo!" sabi ko at padabog na pumunta sa banyo para maligo.
Pero teka nga, bakit kaya nandito ang unggoy na 'to? Di ba nasa Japan siya? Anong ginagawa niya dito?
He is Skyler Takagi, my ultimate crush, my long ultimate crush. He's my bully… but one of my knights in shining armor, tindi, parang fairytale.
Unang tingin sa kaniya, ang singkit niyang mga mata ang makakakuha ng atensiyon. Iba ang awra niya, ibang-iba ang datingan niya. Siguro dahil crush ko siya, kaya ganoon. Matangkad si Skyler, noon pa lang kitang-kita ko na, kahit nung elementary kami, maraming may gusto sa kaniya.
Noong second year high school pa lang yata ako ang huling kita ko sa kaniya? Di ako sigurado. Kaya naman nagtataka ako kung bakit biglaan ang dating niya ngayon.
Mas lalo lang siyang gumwapo ngayon.
Nagmadali akong maligo at magbihis. Nang makalabas ako sa kwarto ko ay nadatnan ko siyang pasimpleng nakahiga sa kama ko.
"Ang tagal mo naman," reklamo niya.
Matagal pa 'yon? Eh parang wisik-wisik na nga pagligo ko, siraulong 'to!
"Whatever," sabi ko sabay irap sa kaniya.
Nauna akong lumabas ng bahay at pumasok sa kotse niya. Alam ko na agad kung nasaan kotse niya kasi saulo ko lahat ng kotse namin at ang kotse niya lang ang hindi pamilyar sa 'kin.
Nang makapasok siya ay tinignan ko siya na para bang isang daang araw akong naghintay sa kotse.
"Ang tagal mo naman," panggagaya ko sa kanya.
"Bakit? Miss mo agad ako?" kinindatan niya ako sabay ngisi nang nakakaloko—'yong nang-aasar na ngiti pero nakakahawa.
Napamaang na naman ako sa sinabi niya, syempre para di ako mapangiti.
In fairness ang cute niyang kumindat, sarap bunutin isa-isa ang mga pilik-mata niya.
"Stop staring," nakangising sabi niya. "Ngayon ka lang ba ulit nakakita ng gwapo?"
"Siraulo!" binatukan ko siya at inirapan pero tumawa lang ang g*go at nagsimulang mag-drive.
Maya-maya pa ay huminto kami sa isang magandang restaurant, malapit lang ito sa kompanya ni Kuya Zkat. Taray ng Kuya ko, kahit nag-aaral pa, may negosyo na. Ako lang talaga ang walang wastong direksiyon ang buhay sa 'ming tatlong magkakapatid.
"We're here," anunsiyo niya.
"Nakita ko, ayan oh! Fritz Restaurant," sarkastikong sabi ko at malamyang tinuro ang restaurant.
"Sinabihan ka lang. Baka kasi sa 'kin mo lang ginagamit 'yang mata mo." Kumindat ulit siya.
"Ew!" Inirapan ko siya kasabay ng pagngiwi, kunwari diring-diri. "Tigilan mo yang pagkindat-kindat mo baka bunotin ko ang eyelashes mo," banta ko sa kaniya.
"Kapag inggit, pikit!"
"Di naman 'yan maganda!" asik ko.
Nag-beautiful eyes pa ang g*go, iniinggit ako sa mahaba niyang pilik-mata.
Inirapan ko siya at binuksan ko ang pinto ng kotse para makalabas na, dahil alam kong never niya akong pagbubuksan ng pinto. Pero halos atakihin ako sa puso nang bigla ay matapilok ang paa ko at muntik pa akong masubsob sa semento. Buti nalang at nakahawak ako ako sa pinto ng kotse. Badtrip! Nakakahiya!
Sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ko ang hagalpak ng tawa ng mokong at tinuro-turo pa ako ng gago.
"Di mo ba ako tutulongan?" inis na sabi ko.
Pero hindi niya talaga ako naisipang tulungan. Tumawa lang siyang nang tumawa na sanay kabagin siyang siraulo siya!
Gusto ko siyang sapakin nang isang daang beses sa mukha sa inis ko. Nakakahiya 'yon!
Umayos ako ng tayo at inirapan ko siya, "Pakialam mo kung ganun ako bumaba ng kotse?" mataray kong palusot tyaka nauna pang naglakad papunta sa entrance, sumunod naman siyang tatawa-tawa pa rin.
Nakakainis. Ang lampa naman kasi, Jenny Ahbigael! Nakakahiya 'yon!
"Good Evening Maam, Sir... Table for two?" tanong ng crew na sumalubong sa 'min.
"No... Can you lead us to Mr. Alejandro Lee's reservation?" pormal na tanong ni Sky, aba, tumino!
Napansin ko ang napakalagkit ng titig ng crew kay Sky. Child abuse! Isang linyahan lang naman ang kilay. Hoy! Sa 'kin 'yan, baka maubos kakatitig mo!
Bakit naman kasi di halatang bata pa si Sky?! Marami tuloy naa-attract sa kaniya. Marami tuloy akong kaagaw.
"Of course, Sir, this way po," pabebeng sabi ng babae at nagpapa-cute pa akala mo naman bagay, kulang na lang magpabebe wave. Eh kung pagbubuholin ko kaya daliri niya? Epal 'to!
"Tanda!" I shouted in excitement nang mapunta kami sa VIP area na nireserve nila Lolo.
Umupo ako sa bakantenng upuan. Medyo matagal rin kaming hindi nagkita ni Lolo eh.
"Wow ang sarap ng pagkain ah!" Namamanghang sabi ko habang natatakam na tinitingnan ang pagkain isa-isa.
Paglapit ni Sky ay nagmano siya sa kasama ni lolo na matanda at kay lolo na matanda rin.
Sana all nagmamano.
Umupo si Sky sa tapat ko, magkaharap kami. Katabi ko si Lolo at katabi niya rin ang isang matanda.
"For once, maging pormal ka Jenny Ahbigael, kumilos ka na naaayon sa edad mo," saway ni Lolo sa 'kin.
"Bakit niyo nga pala kami pinatawag, 'Lo?" tanong ni Sky. "You know I was doing fine back in Japan, why did you pull me out suddenly?"
"Oo nga, 'Lo?" nakangusong tanong ko at kinuha ko ang isang shrimp tyaka ko kinain. "Tyaka sino 'tong kasama niyo—Hi po," ngumiti ako ng matamis.
Sinamaan ako ni Lolo ng tingin dahil sa pagturo ko sa kasama niya.
"Manners, Jenny Ahbigael," simpleng saway ni Lolo sa 'kin.
"Ay, sorry," sabi ko at mahinang natawa tyaka ko sinipsip ang daliri ko na may sarsa.
Nakita kong napahilot si Lolo sa kaniyang sintido kaya mabilis akong napadalo sa kaniya.
"Hala, Lolo, okay lang kayo?" concerned kong tanong sa kaniya. "Umatake na naman po ba highblood niyo? Sabi naman kasi bawal ang ang seafoods sa inyo eh, akin na lang ha?"
"Oh my God! Kailan ka ba magma-matured, Jenny Ahbigael?"
Napatigil ako nng marinig kong natawa ang isang matanda, iyong tawa na tuwang-tuwa talaga ang tono.
"Nakakatuwa naman 'yang apo, Alejandro," tatawa-tawang sabi ng matanda na ikinangiti ko.
"Buti pa siya, Lolo, na-gets niya joke ko. Kaya ka tumatanda nang mabilis kasi ang seryuso mo masyado," nakangusong sabi ko tyaka binalingan ang matanda. "Hi po ulit."
"So, what's the reason behind all of this, Lolo?" tanong ni Skyler doon sa matandang katabi niya. Oh! So, Lolo niya 'yan? In fairness, parehas sipang singkit.
"We're here to announce your wedding," pasimpleng sabi ni lolo na walang preno-preno, diretso agad, walang traffic.
Nagsalubong ang kilay ko, nagulat ako syempre. "Anong wedding? Teka muna! Wait! Anong wedding-wedding?"
Nagkatinginan kami ni Sky, umawang ang labi niya tyaka binalingan muli ang matanda. "Are you kidding me?"
"No," nakangising sabi ni Lolo. "Jenny Ahbighael, Skyler? Ikakasal kayo sa isa't-isa kapag pwede na sa lalong madaling panahon."
Ano daw?! Naloko na! Ito ba 'yong surprise na sinasabi ni Mommy?! G*go! Surprise nga!