Jenny Nakaramdam ako ng excitement nang makita ko ang mga rose petals sa mismong loob ng gate. Halos mapatili ako nang tumapak ang mga paa ko sa loob ng gate. Parang dinama ko nang todo ang bawat hakbang ko habang nakatingin sa paligid. Sobrang lawak, napakalinis, parang palasyo. Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko na halos matikom ang bibig ko habang hinahagod ng tingin ang halos lahat ng sulok ng lugar. Labas pa lang ito pero napakaganda na. Ang mga ilaw ay nagpaganda pa lalo ng buong lugar. "Ate..." "Ay! Impakta!" gulat akong napatingin sa batang bigla na lang akong sinundot. "Bakit ka ba nanggugulat?" "Sorry po," magiliw niyang hingi ng tawad kasabay ng matamis nitong ngiti. Napaka-cute naman ng batang 'to. "Hi, anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya sinagot