Jenny KANINA pa ako nagtataka kay Dylan, ewan ko kung bakit parang sobrang tahimik niya tapos panay buntong-hininga tapos parang ang lalim ng iniisip. "Bespar, may problema ba?" bulong ko sa kaniya habang nasa klase kami. "Ha? W-Wala naman, bakit mo natanong?" tipid siyang ngumiti. "Wala lang, para kasing pinagsakluban ka ng langit at lupa," pabiro kong sabi. "Loka-loka ka talaga," natatawang sabi niya. "Makinig na nga lang tayo, malapit na exam," sabi ko sa kaniya. "Wow! Buti naisip mo pa yan, Bespar." Sabay kaming natawa dalawa. "Mr. Reyes and Ms. Lee, pwede niyo bang i-share ang pinag-uusapan niyo d'yan?" Natigil ang tawa namin tyaka yumuko si Bespar. Nakangiti ko na lang na tiningnan si Maam. "Tinanong ko lang po si Dylan, Maam." "Ano naman ang tinanong mo?" Chismosa rin 'to