Jenny
NAKANGUSO akong naglalakad papunta sa classroom. Nakainis ang kabastusan ng langit na 'yon, di pa ako tapos sa pagsasalita nilayasan agad ako!
"Hey, Bespar! Stop pouting, baka mahalikan mo na ang dinadaanan mo!" Here's my best friend named Dylan Reyes. He was a transferee dito sa school. He's 3 years older than me kaya para ko na rin siyang kuya, ka-vibes kami at siya lang ang nakikilala kong kaya akong pakisamahan.
"Eh naiinis ako eh!" parang bata kong sumbong.
"Why?" he asked showing his concern.
"Tara sa canteen at sasabihin ko sayo ang buong pangyayari pero—ilibre mo ako," parang bata na nakangisi kong sabi.
Bumuntong-hininga siya at ngumiti.
Nautakan ko na naman siya! Ang galing ko talaga!
"Fine!"
Kaagad ko siyang hinila sa canteen para malibre niya na ako agad.
"Anong gusto mo?" tanong niya.
"Tatlong sandwich lang, Bespar, kasi nagbreakfast ako eh," excited kong sabi.
Napataas ang kilay niya at parang matatawa pero umiling na lang siya at binili ang gusto ko.
Ito ang gusto ko sa kaniya eh, walang angal.
"So what happened?" tanong niya no'ng makaupo ako. Kumagat siya ng sandwich niya habang naghihintay ng sagot ko.
Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ako nagsalita.
"I'm getting married!"
Nanlaki ang mata ko sa gulat no'g bigla siyang naubo kaya mabilis ko siyang inabutan ng tubig pero bago 'yon, uminom muna ako kasi nauhaw din ako eh.
"You what?" he asked after he recovered.
"I'm arranged marriage with my ultimate crush." Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Ilang sandali pa ay nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa bote ng tubig. Matagal siyang nakapagsalita.
Napabuntong hininga ako kaya nagsalita siya, nakabawi na siguro sa pagkabigla.
"O-Oh, what's the problem? Skyler Takagi, right? Your ultimate crush, unless may iba ka pang ultimate crush," sabi niya. He's trying his best to remove the sad vibes.
"Si Sky nga. Naiinis ako sa lalaking 'yon, ano ba kasing nagustuhan ko sa kaniya? Napakasama ng ugali!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok sa gigil. Naalala ko na naman ang pag-alis niya na di man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. "Ahh! Amp*ta, Bespar!" inis na inis kong sabi habang kinakain ang sandwich. Mabilis ang pagkagat ko at sunod-sunod.
"Stress eating ba 'yang ginagawa mo?" natatawa niyang tanong.
Napaisip ako, "Hmm—I guess?"
"So, bakit ka naiinis? Eh mapapangasawa mo naman pala ang crush mo? Aren't you suppose to be happy?"
"Masaya ako na soon-to-be Mrs. Takagi na ako, pangarap ko 'yon," paglilinaw ko. Pero napabuntong hininga rin no'ng may naisip. "The only problem is he doesn't feel the same towards me!" malakas na pag-iisa-isa ko sa mga salita. "Para kaming aso at pusa sa bahay, He's not even a gentleman! Nakakainis!"
"Shh! Lower down your voice, you're disturbing others," saway niya sa 'kin.
"Eh bakit papalag sila?" Tumayo ako. "Kayo?! Papalag kayo?!" Maangas kong tanong sa lahat.
Nagsiyukuan lang ang mga estudyante kaya umupo ako ulit at muling kumain.
"Tss. Ang siga mo! Kung tutuosin pwede kang nilang buhatin at ilagay sa trash bin," natatawang biro niya.
"Hays! Let's go na nga, mali-late na tayo," sabi ko sabay irap.
Kung ine-expect ng lahat na may mga kaibigan akong babae? Wala! Totally, wala! Wala namang mapipili sa mga kaklase kong babae eh, imbes puro libro ang dala sa bag, puro pintura ng mukha ang bitbit. Hindi kami magka-vibes. Wala naman akong issue sa kanila, magkaiba lang talaga kami ng hilig.
Buti na lang ako, mabait. Wala akong dalang bag. Isang notebook, isang pad ng papel at ballpen lang sapat na.
Kung si Sky kaya kasama ko ngayon? Mag-uusap kaya kami?
Ay putik na isip 'to! Sabi nang wag isipin si—'yong lalaking 'yon eh! Kulit-kulit! Eh kung i-transfer ko kaya 'tong utak ko sa tabi ng utak niya, mukhang pati utak ko inaakit rin ng lokong 'yon eh. Crush goals!
Napabungisngis ako sa sarili kong iniisip.
"Good morning, Class!" bati ng teacher pagkapasok sa classroom.
Hindi na ako nangialam sa kung anong idi-discuss niya. Di ko nga alam anong subject 'to eh. Ano nga ulit pangalan ng teacher na 'to?
Dinalaw na lang ako ng lagi kong bisita na antok kaya naman ay hindi ko na tinanggihan. Natulog na ako.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog. Nagising na lang ako no'ng may gumising sa 'kin.
"Bespar, lunch time na!"
Uy wag ako ah. Hindi ako naglalaway pag tulog kaya di ako nahiyang iangat ang ulo ko agad-agad.
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko tyaka kami sabay na lumabas. Natigilan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at bigla akong nakatanggap ng isang text message.
Tumalon yung puso ko no'ng makita ko kung sino ang nagtext—si Sky! Pinapaalalahanan akong kumain ng lunch!
Oh my God! Patayin ako ngayon na! Ano ha?! Ako lang 'to!
"Anong nangyari sa 'yo? Para kang palakang tatalon-talon d'yan?" biglang tanong ni Bespar sa 'kin.
Napatigil ako no'ng ma-realize kong hindi lang pala puso ko ang tumalon, pati rin pala ako.
"Si Sky kasi nagtext, ang sabi—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil muling tumunog ang cellphone ko.
Nakangiti ko iyong binuksan. Syempre, damang-dama.
Nahilaw ako bigla. Nawala ang malaking ngiti sa labi ko. Di rin pala ako na-crush back. Akala ko 'yon na 'yon. Sabi niya ayaw niya lang mapahamak sa kuya ko kaya niya ako pinaalalahanan sa lunch.
Sabi ko nga wag mag-assume.
"Tara na nga!" inis ko na sabi at hinila si Bespar papuntang canteen.
Ayos na sana 'yon eh, ayos na sana 'yon, nandoon na eh! Kilig na kilig na nga ako! Ang sama talaga ng ugali ng lalaking yon, sana kunin na siya ni—hindi pa pala, papakasalan niya pa ako at magkakaroon kami ng mga anak. And when I say 'mga' ibig sabihin no'n, madami.
Napabuntong hininga ulit ako. Ikakasal nga kami, di naman niya ako mahal. Tyaka matagal pa siguro 'yon. Paano kung hindi kami magkasundo?
Biglang napalitan ng lungkot ang sigla ko. Isang text lang 'yon pero parang ang sakit na sa side ko at buong pagkatao ko ang naapektuhan.
Ganito ba talaga? Palaging malaki ang epekto sa 'yo ng taong gusto mo? Hindi lang siya nagdadala ng kilig sa buong pagkatao ko. Nakakalungkot pero kung gaano niya ako napapasaya nang di niya alam, ganoon niya din ako kung saktan na di man lang niya napapansin. Manhid amp*ta!
"So, pa'no? Gusto mong mamasyal tayo mamaya sa mall after class?" pagyayaya ni Bespar.
Tatango na sana ako kaso naalala ko ang banta sa 'kin ni Sky.
"Sorry di ako pwede," pagtanggi ko na lang.
Bigla naman nawala ang kislap ng mga mata niya at ang aliwalas ng mukha niya. Nakanguso na siya ngayon kaya agad akong nakonsensya.
"Sorry talaga Dylan, susunduin kasi ako ni Sky mamaya, kapag di ako dumating ng 5:20 sa labas ng school ipapa-paging niya ako."
"Grabe! Strikto ng fiance mo. Gwapo ba 'yan?" natatawa niyang sabi. This is his way of showing that it's fine.
"Yes. Sobra—sobrang gwapo niya tipong, di na kami bagay," malungkot akong napabuntong-hininga.
Hindi mawala sa isip ko ang message niya eh.
"Lungkot naman ng mukha mo. Ganda-ganda mo nga eh, may ibubuga naman itsura mo, di nga lang ang height mo."
"Nakakainis ka!" nakanguso kong singhal kay Dylan. "Kahit kulang ako sa height, bawing-bawi naman sa pagmamahal 'no. Masarap ako magmahal," laban ko.
Tama!
Napangiti ako ulit dahil sa naiisip.
Hindi bale nang wala siyang pagtingin sa 'kin ngayon, papahulogin ko siya. Tuturuan ko siya kung paano magmahal. Ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano ako kasarap magmahal, dahil kahit naman patay na patay ako sa kaniya, ayaw ko pa ring matali sa relasyong walang presensya ng pagmamahal dahil kung meron man—sa ngayon, ako lang, ako lang ang nagmamahal.