Chapter 3: Kuya

1079 Words
Jenny "KUYA, kalma okay? Look at me, I'm perfectly fine," pagpapakalma ko kay kuya kahit maski ako ay hindi kalmado. Mamaya magkasiraan sila ng mukha, lugi pa si Sky ko—Charot. Secret lang natin 'yan wag niyong ipagsabi kay kuya, baka magtampo, feeling niya pa naman na gwapo siya. Binitawan niya naman si Sky at niyakap ako ni kuya, nakahinga ako nang maluwag, akala ko talaga susuntukin niya na o sisipain niya o bubugbogin niya. Diyos ko po! Totoo nga ang sabi nila, ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. Ayan oh, bully galit sa kapwa bully! "Diyos ko naman aatakihin ako sa inyo!" sabi ko na nakahinga na ng maluwag at napanatag na ang loob. Si Sky naman ay nakakalma na rin, kanina ay hindi maipinta ang mukha niya sa gulat kay kuya eh pero di naman ako painter, siguro kayang ipinta 'yon ng mga painter. "Anong ginagawa mo dito, Kuya? Hindi pa lumalampas ng 24 hours ang pag-alis ko sa bahay miss mo na agad ako?" nakangising panunukso ko sa kaniya. "I'm here to check if you're fine. Wag kang umasa, okay?" supladong sabi niya. "Oh edi hindi. High blood eh," nakanguso kong sabi. "Palibhasa, virgin. Mainit ulo," mahina kong dagdag. "May sinasabi ka?!" maangas niyang tanong. "Wala," nakanguso kong sabi. Nag-usap muna kami ni kuya saglit at umalis na siya matapos sabihin ang mga huling habilin niya. Marami akong hindi naintindihan basta ang pumasok lang sa utak ko ay 'yong call me na 'yon na niya talaga. "Grabe, ang bangis ng kuya mo!" reklamo ni Sky nang makaalis si kuya kaya napahagalpak ako ng tawa habang tinuturo-turo pa ang mukha niya. "Tss. Stop laughing!" masama ang tingin at inis na sabi niya sa 'kin. "If he isn't your brother, I'll probably break his nose bridge for doing that but since I respect him, so yeah." Mas lalo pa akong bumulalas ng tawa. "I said stop laughing, you look crazy!" Hindi ako natinag. Sa tuwing naiisip ko ang mukha niya kanina ay natatawa talaga ako. Sana pala ay na-video ko at in-edit ko, 'yong pina-slow motion. Sayang! Natawa ako lalo sa iniisip ko. "Let's eat!" masungit na aniya at iniwan akong tumatawa sa sala. Sumunod ako sa kaniya nang maka-recover ako. Nakanguso ako para pigilin ang tawa ko dahil paniguradong matatawa na naman ako. Dumighay pa nga ako eh, nabusog ako katatawa. Nadatnan ko siyang kumakain. "Hoy! Ikaw maghuhugas ng pinggan ah," salubong niya sakin. Hindi man lang ako pinaupo? Agad-agad? "Bakit?! Hoy! Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging tagahugas ng pinggan 'no!" sumbat ko sa kaniya. "Eh bakit? Pinalaki ba ako ng magulang ko para maging tagaluto mo? Kung nasa amin lang ako, pagsubo at pagnguya na lang gagawin ko. Maski paghila ng upuan ay di ko na gagawin," mayabang at nakanguso niyang sabi. "Eh inutusan ba kita?" "Shut up, Dwarf!" pikon niyang sabi agad. "Shut up din!" Syempre di ako papatalo. Natahimik kami habang kumakain kasi hindi na siya gumanti. Sinulyapan ko siya. Ang gwapo niyang ngumuya ng pagkain, ang gwapo niya ring sumubo. Ang gwapo niya talaga. Napaayos ako ng upo no'ng marinig kong tumikhim siya, baka isipin niyang pinagnanasaan ko siya. Hindi 'no. Medyo lang naman. "Sa Monday, ako ang maghahatid sa 'yo at ako ang magsusundo sa 'yo. Got it?" "B-Bakit? Di ka ba mag-aaral?" nakangusong tanong ko. "Silly. I enrolled in Japan and I can't just transfer my papers easily, and I prefer studying there, so I might take online classes, Airhead," sabi niya. "You aren't updated. Tss!" "Oh edi salamat sa information!" sarkastiko kong sabi. Makasumbat kala mo naman responsibilidad kong alamin maski paghinga niya. Duh! "Maka-airhead ka naman! Ang sakit mong magsalita ah!" "Fine. I'm sorry." Halos mabulunan ako dahil sa bigla niyang pagkakasabi no'n. Halos lumuwa rin ag mata ko no'ng tiningnan ko siya. Dapat na ba akong maniwala sa himala?! Lumapit ako sa kaniya at pinakiramdaman ang noo at leeg niya gamit ang likod ng palad ko. "Hey! Can't you see I'm eating?" reklamo niya agad. "Wala ka namang lagnat, ba't natuto kang mag-sorry?" "Go back to your seat and continue eating," istrikto niyang utos habang masama ang tingin sa 'kin, "Kunwari pa, nananching lang naman." Tinulak ko ang mukha niya. "Ouch!" "Kapal ng apog mo! Di ako nananching 'no. Para ikaw lang? Never!" Tumawa na naman ang baliw. "Basta sa lunes ah? Ako ang magsusundo at maghahatid sa 'yo. Wag mo akong paghintayin sa labas, ibigay mo sa 'kin ang class schedule mo," sabi niya sa 'kin na tinuro-turo pa ako gamit ang tinidor. "Eh mamasyal pa kami ni Dylan, wala ba akong kalayaan?" nakangusong sabi ko. Natigil siya at kunot-noong napatingin sa akin. "D-Dylan? S-Sinong Dylan?" Bigla ay nautal siya. Anong problema niya? "Dylan, best friend ko. Bakit?" takang tanong ko. "Tss. Lalaki?" "Ay hindi. Tomboy siya, Sky. Tomboy!" pamimilosopo ko. "Kay gwapong pangalan ng Dylan tatanungin pa kung lalaki ba? B*bo!" "Surname?" Anak ng— baka naman nabakla na 'tong higante na 'to? Pati best friend ko gusto na makilala?! "Secret." "I have to meet him, understand?" "Woah! Kuya ikaw ba yan?" "What the—" "Hell? Fudge? Ano?" pagdugtong ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisian ko lang siya at nag-peace sign ako. Baka mamaya awayin ako nito, mahirap na. MAKALIPAS ang tatlong araw, lunes na, hinatid nga niya ako sa school ko. "Hey! You'll wait here kapag di pa ako dumating. I'll pick you 5 PM eksaktong uwian niyo," sabi ni Sky no'ng makalabas ako ng kotse niyang walang backseat, ekis 'tong kotse na 'to. Saan isasakay anak namin? "5:20 kapag wala ka pa rito, ipapa-paging kita, got it?" "Hoy! Nakikinig ka ba?!" Nabalik ang utak ko sa ulo ko bigla dahil sa sigaw niya. "H-Huh? Ano sabi mo ulit?" Bumuntong-hininga siya at pinitik ang noo ko. "Aray!" singhal ko. "Maliit ka na nga, lutang ka pa!" lait niya. Sumusobra na 'to ah. "Ang sabi ko, ipapa-paging kita kapag nag-5:20 na wala ka pa dito." "Paging? Okay ka lang?" "Yeah, perfectly fine," sabi niya at pinaandar muli ang makina ng kotse niya. "Tawagan mo na lang ako kapag nandito ka na," sabi ko. "Tss. Basta 5:20 wala ka pa rito, ipapa-paging kita. Bye!" "Hoy—" Husay! Ang galing! Sinarhan na ako ng bintana ng kotse at pinaharurot 'yon. "Napakasama ng ugali mo! pumutok sana gulong mo!" pahabol kong sigaw habang nakasaludo ang gitnang daliri ko. Siraulo talaga ang lalaking 'yon. Dapat ko pa bang maging crush 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD