Jenny NAGSIMULA na naman ang klase namin para sa hapon. Gusto ko mang makinig pero wala akong gana. Gusto kong matulog para bumalik ang sigla ko. At 'yon nga ang ginawa ko. Natulog ulit ako. Hindi ko rin alam kung ilang oras akong tulog. Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa speaker ng school. P*t*ng*nang speaker 'yan! Isturbo! Napaikot ang tingin ko sa paligid. Gosh! My God! Wala ng mga studyante sa classroom! Dali-dali kong inayos ang buhok ko at ang mga gamit ko, hindi ko na nga alam kung paano ako nakalabas ng classroom eh sa pagmamadali. "Paging, Ms. Jenny Abhigael Lee please proceed to the SHSSG OFFICE, You're fiance is waiting for you." "Hala! Patay! Oo! Tinotoo niya talaga!" malakas kong atungal. Akala ko kasi biro niya lang iyon. Hindi man lang ako ginisin