Jenny SANDALI kaming nanatili sa sementeryo. Nang mapansin kong oras na para pumunta ako ng eskwelahan ay nagpahatid rin ako kay Sky. Medyo gumaan ang pakiramdam ko, nabigyang sagot ang mga tanong ko at naliwanagan ang isip ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, kung dapat ko bang kaawaan si Sky. Naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lang ang pagmamahal niya kay Raine. Mahal niya ito bilang kapatid. Nagkamali ako ng akala. Nang matapos ako sa klase ko ay agad akong lumabas ng eskwelahan at hindi na ako nagulat nang makita ko si Sky kasama ang mga kaibigan niya. Nagyaya silang mag-grocery dahil gusto daw nilang mag-foodtrip sa bahay na agad ko namang sinang-ayunan. May sama pa rin ako ng loob kay Sky pero hindi ko siya magawang tiisin. Kaya heto at pinapakisamahan at