Jenny "GOOD morning. Breakfast in bed." Halos mapabalikwas ako ng bangon dahil sa pagpasok ni Sky sa kwarto ko dala-dala ang tray ng pagkain. Napakurap-kurap ako nang hindi ako makapaniwala. Lumapit siya at inilapag sa bedside table ang tray at hinalikan niya ako sa noo na ikinagulat ko lalo. Umupo siya sa kama ko. "B-bakit may pa-breakfast in bed pa?" naiilang kong tanong. "Hindi naman na kailangan. Kaya kong pumunta sa kusina at magluto." Pinilit kong ngumiti para hindi ako magmukhang rude sa kaniya. "Bawal bang ipaghanda kita ng agahan?" Hindi ako nakasagot. Bagkus ay nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Matunog siyang napabuntong-hininga. "Look, Dwarf," aniya. "Babawi ako and I mean it." "You don't have to," sabi ko, "Wala namang tayo, sa katunayan ay wala naman akong karapatang m