Jenny "DWARF," iniabot niya sa 'kin ang lalagyan ng nilutong fries. Kami ang nagluluto ngayon sa kusina dahil wala palang alam ang mga kaibigan niya kundi kumain lang. "Taste good," komento niya matapos tikman ang fries na hinipan niya kanina no'ng bagong hain ko pa lang. "But I like this better with cheese and sauce." Nagtunog maarte siya sa paraan ng pagkakasabi no'n. "Dwarf?" "Hmm?" Abala ako sa pagluluto kaya hindi na ako masyadong nagsalita. Gusto ko ay katahimikan habang nagluluto para makapag-focus. "Do you want to taste some?" Umangat ang kilay ko. "Some of what?" "Some of me." Sinundan niya iyon ng pilyong tawa na hindi ko alam kung paano ako nahawa at natawa rin. "Parang tanga," tatawa-tawa kong sabi. Paano na ako makakapagsungit nito? Natawa na ako. Panira naman eh. Su