DIVINA POV Alam na alam ko kung kaninong sigaw ang aking narinig ngayon. Ang totoo ay nakaramdam ako ng takot at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Napatingin agad ako kay Joseph na kapansin-pansin ang galit sa kanyang mukha. “Joseph, si Eindy iyon.” Tinignan lamang ako nito at hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa. Nakita ko si Joseph na naging mabilis ang pagkilos. Para siyang si Flash na napapanuod ko sa telebisyon. Isang superhero na may kakayahan na maging mabilis ang kilos. Saglit lang at tuluyan na siyang nawala sa aking paningin at naiwan akong mag-isa malapit sa punong mangga. "Paano nagawa ni Joseph ang bagay na iyon?” Natutop ko ang aking labi nang mapagtanto ang posibleng dahilan kung bakit ganun ang kaibigan. “Si Eindy nga pala.” Sinundan ko ang direks