bc

Bluew Eindzel COMPLETED (TAGALOG)

book_age16+
587
FOLLOW
1.3K
READ
dark
sex
fated
drama
tragedy
twisted
sweet
bxg
mystery
school
like
intro-logo
Blurb

Eindy, ang babaeng lumaki sa piling ng kanyang Lola Ima na kanyang nakasama simula pagkabata. Biktima din s'ya ng bullying sa paaralan na pinapasukan n'ya.

Walang kaibigan si Eindy pero hindi nagtagal ay nakilala n'ya si Divina. Si Divina ay kaibigan naman ni Joseph, ang lalaking bibihag sa puso ni Eindy.

Maayos na ang takbo ng kanyang buhay pero lingid sa kanyang kaalaman ay may nakatagong lihim sa kanyang pagkatao. Malapit na ang 18th birthday ni Eindy at magaganap na ang nakasulat sa propesiyang matagal na tinago ng kanyang Lola Ima.

Tatanggapin nga ba ni Eindy ang buhay na inilaan sa kanya ng tadhana. Kaya n'ya din ba tanggapin na maging si Joseph ay may tinatagong lihim tungkol sa pagkatao nito.

Itinakda ng propesiya para sa magiging katahimikan ng kanilang kaharian bilang BLUEW EINDZEL (blue angel).

chap-preview
Free preview
ANGEL 1: CHILDHOOD
“There was a good angel and dark angel who fall in love with each other. Both of them are from a different kingdom that’s why they can’t be together. There’s also a war between them at that time, but they really love each other. Because of their love for each other and also for their kingdom, they decided to do something that will stop non-ending battles between them. A prophecy been born and there will be no war. Soon their kingdoms lived happily ever after. “ Ito ang lagi kong naririnig sa tuwing papatulugin ako ni Lola Ima. Hindi ko talaga alam kung saan n’ya nakuha ang kwentong ito dahil noon pa man ay hindi ko nakitaan si Lola na gumagamit ng libro.   "Ohh apo matulog ka na at maaga ka pa bukas,” pagpapatulog niya sa akin at kinumutan ako saka lumabas ng aking kwarto. Hindi ko alam ang simula ng lahat tungkol sa aking buhay dahil simula ng magkaisip ako ay si Lola Ima na ang nakasama ko. Mabait, matulungin, masipag, madaldal, bibo at matalino daw ako. Please note daw kasi yun ang sinasabi nila. Sakyan nalang natin ang trip nila sa buhay para masaya. Marami din ang nagsasabi na mukha daw akong anghel. Ang totoo nakakita na ba sila ng anghel kaya nila nasasabi iyon? Sakyan nalang ulit natin ang trip nila para lalong sumaya. Pero sandali, seryoso na ako ang dami ko kasing sinasabi. Sa kabila kasi ng mga papuri nila sa akin ay heto ako ngayon at tinutukso ng aking mga kalaro. "Eindy bakit ang pangit naman ng pangalan mo?” Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin. "Ang pangit din ng mukha mo,” wika ng isa kong kalaro at tinulak pa ako nito. "Hindi hamak na mas maganda tayo sa kanya dahil mga prinsesa tayo,” nakapameywang na sabi naman ng isa pa nilang kasama. “Hay naku iwan na nga natin yan.” “Hindi na kami makikipaglaro sa’yo.” “Pangit mo bahala ka na nga d’yan.” Nagmartsa na sila palayo sa akin. Nangilid ang luha sa mga mata ko dahil hindi ko alam kung bakit ganun sila sa akin. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang masama sa kanila dahil sila pa nga ang nanakit sa akin. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at tumayo na mula sa pagkakasalampak ko sa buhangin. Agad kong pinagpagan ang dumi sa aking puwitan at nagpasya ng umuwi. Nagdesisyon ako na hindi ko na sila muling papansin at hahayaan ko na lamang na wala akong kaibigan. Ayoko na din makarinig ng kung ano pang masasakit na salita galing sa kanila. Anim na taon pa lamang ako pero sabi nila ay para na daw akong may edad kung mag-isip. Hindi ko alam ang kanilang ibig sabihin kaya hindi ko sila iniintindi. Sa halip na paglalaro ay mas itinutuon ko ang aking pansin sa pagtulong sa hanapbuhay ni Lola Ima. Nagtitinda kami ng gulay at katulong ako ni lola sa lahat ng gawain. Eindy Mackhert ang pangalan ko at lumaki ako sa pangangalaga ni Lola Ima. Nakakalungkot isipin na hindi ko na naabutan ang aking mga magulang at hindi ko man lamang sila nakilala. Sabi ni Lola Ima ay matagal na daw namatay sina mama at papa na hindi naman sinabi sa akin kung anong dahilan ng kanilang kamatayan. Mabuti na lang at kahit wala na ang mga mahal kong magulang ay nandito naman sa tabi ko si Lola. Masuwerte na din ako dahil kahit kalian ay hindi ako pinabayaan ni Lola. Pero hindi parin mawawala sa akin ang mga tanong sa aking buhay na nais kong malaman. Hindi detalyado ang mga kwento sa akin ni Lola. Sa aking pagmumuni ay hindi ko napansin na uwian na namin. “Mabuti na lang,” naisip ko. Palabas na ako ng paaralan nang harangin na naman ako ng tatlong bully na mas pangit sa akin. Sabi ko nga sa inyo ee matured talaga ako compared sa mga kapitbahay kong bata na kasing-edad ko. Madalas ay dinadaanan ako ni Lola Ima sa paaralan bago ito umuwi pero wala s’ya ngayon kaya trip na naman ako ng mga bruha kong kaklase. "Ang pangit talaga ng pangalan mo,” nakataas na naman ang kilay nito sa akin. "Wala ba s’yang ibang tanong para sa akin,” tanong ko sa sa sarili. "Eww, hindi lang pangalan dahil pati itsura ang pangit,” umakto pa ito ng naduduwal. "Mas eww ka naman sa akin noh,” wika ko pa din sa isip ko. Mahirap na kapag narinig nila. "True! ang pangit talaga ng nilalang na iyan, buti nalang mga prinsesa tayo.” Naka-irap pa ito ng sabihin iyon. "Hmpff paano sila naging prinsesa, kung may kapangyarihan lang sana ako,” piping dalangin ko sa isip.  Hindi ko na sila pinansin dahiI wala naman akong mapapala sa kanila kahit patulan ko. Ako lang ang masasaktan dahil tatlo sila at mag-isa lang ako. Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad para makauwi na din agad. Mas gusto ko pa ang tahimik na lugar kaysa makasama ang mga babaeng iyon. Kung tutuusin ay mas maganda naman talaga ako sa kanila. Nagpasya akong dumaan sa paborito kong lugar bago ako umuwi ng bahay. Umupo ako sa ilalim ng punong manga, ang tangi kong nakakaramay kapag nalulungkot ako. Bumuntong-hininga ako upang ilabas ang masamang hangin sa aking dibdib. Hindi ko alam pero kapag nandito ako sa punong ito ay nagiging okay ang pakiramdam ko at lumalakas din ang loob ko sa pagharap sa araw-araw na takbo ng aking buhay. Hayaan nalang natin sila sa mga gusto nilang gawin sa akin. Basta ako masaya ako sa buhay ko. As usual ay nakatulog ako sa comfort place ko.   Nagising ako dahil nakakarinig na ako ng huni ng mga kirikit sa paligid. Medyo madilim na din kaya nagpasya na akong umuwi. Konting lakad na lang naman ang gagawin ko at nasa bahay na ako. Agad kong tinulungan si Lola sa pagluluto nang makarating ako sa bahay. Nagugutom na din ako. Nagkuwentuhan muna kami ni Lola bago ako nagpasyang matulog dahil may pasok pa din ako bukas. “Lola Ima salamat po,” inaantok kong wika. “Para saan naman Eindy?” nakakunot ang noo na tanong n’ya sa akin. “Sa lahat po ng ginagawa n’yo para sa akin.” Inayos ko na ang unan para makahiga ng ayos. Ginulo naman ni Lola ang buhok ko dahil sa sinabi ko. “Bata ka pa ang dami mong sinasabi,” nakangiting wika n’ya sa akin. Anim na taon pa lang ako pero ang dami ko na agad naiisip sa buhay. Hinalikan ko si Lola dahil inaantok na talaga ako. “Sige na matulog ka na iha,” Hinalikan din ako nito at nagpasya ng lumabas sa silid para makapag-ayos na din at makatulog. "Sana talaga ay may kapangyarihan ako para magbago kahit papaano ang takbo ng buhay ko.” piping hiling ko sa sarili.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
162.5K
bc

A Billionaire In Disguise

read
660.2K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
704.9K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.2K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
319.6K
bc

POSSESIVE MINE

read
975.3K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
66.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook