DIVINA POV Malapit na ako sa lugar kung saan nangyayari ang gulo pero ng makarating ako doon ay hindi ko akalain ang mga bagay na tumambad sa akin. Puro bitak ang lupa at halos mawasak na ang mga punong mangga doon. Makalat ang buong lugar na tila may dumaan na sakuna. Ang hindi ko matanggap ay maging ang aking kaibigan ay wala na din sa lugar. Isa lamang ang ibig sabihin nun at iyon ay nakuha na si Eindy ng mga kalaban. Hinanap ko sa paligid si Joseph at nakita ko siya sa tabi ng punong mangga. Mabilis ko siyang nilapitan upang tignan ang kalagayan nito. Wala siyang malay at duguan ang kanyang katawan maging ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung anong buong pangyayari pero base sa kanyang hitsura ay tila nais kong umiyak sa posibleng nangyari kanina. Tinulungan ko nalang si Joseph a