BOLADCT-12
Marinel
"NEL, wake up." Kinusot ko ang aking mga mata bago tuluyang napadilat. Nasa isang puting kuwarto ako at nakahiga sa puting kama.
"You wake up Nel. You don't belong in here." Kumunot ang aking noo.
"Calvin?" gulat kong utas. Katabi ko ito sa kama at nakatitig lamang ito sa kisame.
"Nasaan ako?" Hindi siya kumibo at pumaling sa akin. Isang matamis na ngiti ang itinugon niya sa akin. Dumantay naman sa aking pisngi ang kanyang kanang palad at marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.
"Nel, go back now. They're waiting for you." Tuluyang bumagsak ang mga luha ko sa aking mga mata.
"Nel, you knew I always loved you. But yet, it's not your time to be with me. Go back now to them. They're waiting." Tuluyan na akong napahagulhol. He kiss my forehead then I suddenly fell asleep.
"Huh!" singhap ko at napalunok.
"Thank god! You're finally awake! Three days mo rin kaming pinag-alala Nel!" Dahan-dahan akong napabaling kay Andy.
"T-ubig," mahinang usal ko.
"Oh!? Here."
Pinainom niya ako ng tubig gamit ang straw. Napaungol pa ako nang maramdaman kong may biglang kumirot sa aking tiyan. Marahan kong nasapo ang aking tiyan at agad akong natigilan. Nangilid agad ang mga luha ko.
"Ano'ng nangyari? Ang mga anak ko Andy!?" Sumeryoso naman ang mukha ni Andy.
"Damn Nel! Ayaw kong magalit pero inilalagay mo sa alanganin ang sarili mo! Bakit hindi mo sinabing buntis ka? You're always risking your life!"
Ayaw pumasok sa kukute ko ang mga sinabi ni Andy.
"My babies," nanginginig ang mga balikat ko habang umiiyak.
Bumuntong-hinga naman si Andy.
"You are totally fine and away from danger Nel. Mabuti na lang talaga at hindi ka masiyadong napuruhan ni Elena. That sick woman! Muntikan nang malaglag iyang mga bata sa sinapupunan mo. God! Caldwill will definitely kill me if something bad happens to you, especially sa babies niyo."
Mariin akong napapikit. Thank you God!
"Patawarin mo ako Andy. Nadala lang ako sa galit ko."
"Naintindihan ko naman 'yon Nel, but please, try to tell everything to me or to Nica." Napatango ako.
"Kumusta siya? Nabaril ko siya Andy." Nangilid muli ang mga luha ko sa mata. "It's not your fault Nel. Puwede bang huwag mo muna isipin 'yan."
"I need to know the truth Andy," pamimilit ko. He sighed.
"Elena is dead. Tinamaan mo siya sa leeg at dibdib. But Nel, it was a self defense so don't think to much." Napasinghap ako. Nanginginig kong pinagmasdan ang mga kamay ko.
"N-nakapatay ako Andy," umiiyak kong sambit.
"Hey, please Nel, huwag kang magsalita ng ganyan. Ipinaglaban mo lang naman ang sarili mo. She almost killed you too!"
"Hindi Andy! Parang wala na rin akong pinagkaiba kay Moana! Hindi!" Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad pero agad itong binawi ni Andy.
"Look at me Nel, kung hindi mo naunahan si Elena, sa tingin mo ba matutuwa ang mag-ama mo kapag nakita ka nilang nasa kabaong na? Hindi kakayanin ni Clayd kapag nawala ka. Do you understand me? Hindi mo kasalanan iyong nangyari. Hindi mo naman piniling malagay sa ganitong sitwasyon 'di ba? You need to fight and live for them Nel." Napasinghot ako at napaisip. Tama si Andy, wala akong kasalanan. Hindi ko sinasadya ang nangyari.
"Tahan na Nel." Napasinghot ako at pinakalma ang aking sarili.
"Si Nica?" tanong ko.
"Nasa kabila at minamando ang mga bodyguards na kinuha ko." Napangiti ako. "Thank you," utas ko.
"I'm always here to help Nel, always." Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito ang isang may edad na babae. Sa tantsa ko ay nasa fifty to sixty years old na ito.
"Mommy Cess," sambit ni Andy at agad din namang napatayo para lapitan ito. "Andy, siya ba ang asawa ng anak ko?" Napasinghap ako. Siya ang ina ni Caldwill? Oh my! Nawala sa isip ko. Three years ago, Caldwill told me na ipapakilala niya ako sa Mama niya pero hindi 'yon natuloy dahil nga nagkahiwalay kami.
"Mommy Cess, come. Have a sit."
Iginiya siya ni Andy sa sofa na katabi lamang ng aking hospital bed. Napalunok ako at bigla akong kinabahan.
"I'll leave you both for a while," Andy said. Alanganin akong napangiti.
"Ikaw si Marinel, 'di ba?" Nahihiya akong napatango.
"And you must be the ex lover of my disease son, Calvin." Napalunok ako at muling napatango. Bigla naman siyang ngumiti. Maganda ba 'yon?
"Before Calvin passed away four years ago, he send me an email and told me everything. Every detail if I am not mistaken." Tahimik lang ako at hindi ko alam kung tama ba na sumabat ako agad.
"Hindi naging kayo pero nagmamahalan kayo." Napatango ako.
"Nahirapan ka siguro," anito na agad din namang ikinailing ng aking ulo.
"Mas mahirap po kapag alam mong anytime ay mawawala na siya ng tuluyan." Malalim akong napabuga ng hangin. Bumuntong-hininga naman ito.
"But my son Calvin really loves you even if he's dying. Even if he suffered to that illness of him, he still manage to return you to the man who really owns you." Kumunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.
"Ano po?" Matamis naman nito akong nginitian.
"Bago namatay ang anak ko, nalaman niyang ikaw pala ang first love ni Caldwill. Nakaramdam siya ng matinding guilt sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay inagaw ka niya kay Caldwill. Alam niya ring nakalimutan mo si Caldwill. That time, he thinks that you had an amnesia but he still feel very guilty. Nakita niya kung paano nalugmok ang kapatid niya. I even loathed you for that dahil parang nawalan ako ng anak. Dahil sa iyo, lumayo sa amin si Caldwill at mas lumalim iyon nang malaman niyang nagmamahalan pala kayo ni Calvin. But Calvin told me, it's not your fault. You never knew anything. Kaya kahit alam niyang impossible iyon ay pinilit niya ako. Gusto niyang maging masaya ang Kuya Caldwill niya. Ako ang dahilan kung bakit nakasal kayo ni Caldwill. Pinapirmahan ko sa kanya 'yong marriage contract without him noticing it. I did all the process but Calvin cover it. Pinalabas niyang siya lahat ang may kasalanan no'n para hindi magalit si Caldwill sa akin." Bigla naman itong napatawa.
"Nakatutuwa ang reaksiyon ng anak ko. Para siyang papatay na dahil sinaksak siya patalikod. Oh well, Calvin and I did the right thing. Ikaw ang first love ng anak kong si Caldwill. Kaya siguro siya ganoon kagalit sa iyo dahil hindi mo siya maalala. Well, may topak talaga ang anak kong 'yon." Ako naman ang napangiti.
"Kahit naman po gano'n 'yon ay hindi naman po nawala sa kanya ang pagiging maalaga. Kahit nasaktan ko po siya ay nanatili pa rin ang pagmamahal niya para sa akin." Ginagap naman nito ang aking mga kamay.
"Marinel, alam ko, marami kang pagsubok na dinanas sa kambal ko at nagpapasalamat ako ng lubos dahil iisang babae lang ang kinalokohan ng kambal ko. You are good in and out kaya siguro minahal ka ng lubusan ng mga anak ko."
Tuluyan na akong napaluha.
"Sorry po kung sa ganitong sitwasyon pa po tayo nagkakilala. Nahihiya po ako sa inyo dahil kasalanan ko po kung bakit narito kami ngayon sa ospital."
"No Marinel, walang may gustong mangyari ito. Even my son Caldwill never imagine this." Maging ito ay napaluha rin. "I saw my grand son today and he was so handsome like his father. Andy told me everything, even the twins on womb. You raised Clayd all alone by yourself. You're so brave enough to raise him. And me as your mother-in-law is so proud of that achievement. Masaya ako at hindi mo inilayo sa anak ko ang anak niyo. At mas lalo akong na-excite sa magiging apo ko pa. Wala na akong hihilingin pa Marinel." Mas lalo akong napaiyak. Ang marinig ang mga ito mula sa ina ni Caldwill ay sobrang nakagagaan ng loob.
"Stop crying Marinel, it's bad for you." Napatango ako.
"Salamat po–"
"Mama," dugtong nito.
"Ma," sambit ko rin naman at napangiti. Sobrang gaan ng loob ko ngayon. Sana'y magtuloy-tuloy na ito.
ONE WEEK later, tuluyan na akong na-discharge sa ospital. Naging madali ang pag-recover ko maliban na lamang sa mag-ama ko. Malayo na sa piligro si Clayd pero hindi pa rin ito nagigising. Ang sabi ng doktor ay magiging okay din ito. Unlike my husband Caldwill na nasa state of coma pa rin.
"Bibili lang ako ng pagkain Jill," bilin ko sa katulong.
"Ako na po ma'am Marinel." Umiling ako. "May sadya rin ako sa mga doktor ng mag-ama ko Jill. I'll be fine," nakangiti kong wika.
Lumakad na ako pero bago pa man ako makaliko ay biglang may pumigil sa akin. "Andy?"
"Clayd is awake." Sa narinig kong iyon ay agad akong lumakad pabalik.
"Clayd! Baby!" agad na sambit ko nang makapasok ako sa kuwarto.
"Mama, why Papa won't answer me? I keep calling him." Agad na tumulo ang mga luha ko sa mata. Hearing my son's voice makes me wanna hug him so tight but I hold back. Baka kasi may iniinda pa itong sakit sa kanyang katawan. Tanging paghaplos sa magkibilang pisngi nito ang tangi muna ang aking nagawa.
"Papa's sleeping, you can't wake him up right now. How are you baby? You can tell Mama if there's something you felt so uncomfortable. Does your head hurts? Baby–" Bigla naman niyang tinakpan ang aking bibig.
"Maingay ka Mama, Papa is sleeping, hush." Napanguso ako.
"Pasaway ka talaga," pabulong kong wika. Bigla naman niyang pinahiran ang aking pisngi.
"Papa might scold me because I made you cry Mama. I'm sorry." I shook my head.
"It's my fault." Pinunasan ko ang aking mga pisngi.
"Mama, why are we here? Did our trip ruined?"
"Wala ka bang maalala?" Umiling naman siya. Nakagat ko ang aking labi. Paano ko ba ipapaliwanag sa anak ko ang totoong nangyari.
"Nel," biglang pasok ni Andy.
"God! Andy help me. I don't know where I should start explaining why we ended up here," halos pabulong ko nang wika. Napatikhim naman si Andy.
"Papunta na rito ang mga doctor." I just nod.
"Hey big boy, how are you?"
"Fine." Tumikhim naman si Andy.
"You know--"
"It's fine Papa Andy." Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Andy.
"You understand why we're here?" Andy asked.
"No but I don't want to hear it." Nagtalukbong pa ito ng kumot.
"Excuse us please, ma'am." Ang mga doktor ni Clayd.
Napaatras kaming dalawa ni Andy para hayaan ang mga doktor na i-check ang anak ko.
"How is he?" I asked.
"He's doing great. Any time by now ay puwede na siyang makalabas dito sa ospital." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor.
"And my husband?"
"I'm sorry, but he's still under observation. We're not so sure how long he'll be staying like this." Nakuyom ko ang aking mga kamao. Nag-aalala man ako ng lubusan pero kailangan kong subukan.
"If it's okay, maari ko ba siyang alagaan sa bahay? I am also a doctor and I know how to take care of him."
"I can help too," segunda pa ni Andy.
Bumuntong-hininga naman ang mga doktor ng asawa =
ko.
"I can't guarantee it but you have to sign a waver for him." Huminga ako ng malalim.
"I will."