Makalipas ang ilang taon ay nakayanan lahat ni Marinel ang sakit. Hindi naging madali sa kanya na kalimutan si Caldwill. Pero tila yata'y pinaglalaruan siya ng panahon. Muli silang pinagtagpo ng binata sa isang event. Ang akala niya'y tuluyan niya nang nakalimutan ito ngunit nagkamali siya. Ito pa rin ang nag-iisang nagpapatibok ng puso niya. Hindi niya inakalang sa dahil sa pagtatagpong iyon ay magaganap ang isang mainit na eksena dahilan para muling makapasok ang binata sa kanyang buhay. Ngayon ay natatakot siyang malaman nito ang totoo. Malaman kaya ng binata ang kanyang itinatago? Matanggap kaya ito ni Caldwill? Would they really end up in a happily ever after? Or would it be another disaster?