Epilogue

1943 Words
Epilogue Marinel AFTER two days, nailabas ko si Caldwill sa ospital, even my son. Mahigpit akong napakapit sa round rod leaning chair habang pinagmamasdan si Caldwill. Nasa coma pa rin siya at parang nasa mahimbing lang ang pagtulog nito. "Ma! Lola is cheating me!" Napatayo ako at lumapit sa beranda. Nasa ibaba ang anak ko kasama ang Mama ni Caldwill. Nagkakatuwaan ang mga ito sa paglalaro ng chess. "I'm not cheating." Natawa ako sa anak ko. Seryoso ang mukha nito sa pakikipagtunggali sa kanyang Lola Cess. "Lola is not cheating you." My son smirks at me. Very Caldwill. Bumalik ako sa upuan ko at kinuha ang shaver. Nagkakabuhok na sa mukha si Caldwill at sa totoo lang ay bagay ito sa kanya. Pero alam kong maalaga iyon sa katawan at paniguradong magagalit iyon kapag hinayaan ko siya sa ganitong ayos. Matapos kong mag-shave sa kanya ay itinabi ko na ang shaver. Lumabas ako ng kuwarto para kumuha ng libro sa library. Simula kasi nang inuwi ko siya rito ay binabasahan ko siya ng mga romance novel. Pagkakuha ko ng libro ay bumalik din naman ako agad sa kuwarto. Ngunit hindi ko inasahan ang dadatnan ko. Nabitiwan ko ang libro. "Hi my universe," bati niya habang nakatayo at nakasandal sa beranda. Agad na bumagsak ang mga luha ko at napatakbo sa kanya. Niyakap ko siya agad at walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko sa mata. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa sobrang tuwa at excitement. "Did you miss me?" Tumango lang ako at napaiyak ng todo habang ang mukha ko ay nakatago sa kanyang dibdib. "Hindi maayos ang pagkaka-shave mo sa mukha ko Marinel." Mas lalo pa akong umiyak ng todo. "Kagabi pa ako nagising. Napasarap yata ang tulog ko. Did I made you worry that much? Hmm?" Inangat niya ang mukha ko. Hindi nga ito panaginip lang. "Akala ko’y 'di ka na magigising. Ang akala ko'y iiwan mo na naman ako." Bigla naman niya akong hinalikan. "It won't happen again." Gumapang naman ang kamay nito at pumaloob sa aking damit. Hinaplos niya ang aking tiyan. "Does it hurt?" Napasinghap ako. "Paano mo nalamang--" "I saw you, standing beside me. I saw you lifting your dress, checking your scar." "Dapat tinawag mo ako." "I'm a bit dizzy last night. Sorry." Hinawakan ko ang kanyang mukha. "Wala bang masakit sa iyo? Nahihilo ka ba? Tatawag ako ng doktor--" Bigla niya akong hinalikan ulit. "Magpapa-check up tayo ngayon, okay? Then after that, tell me everything. Gusto ko malaman kung ano ang nangyari habang wala akong malay." Pinunasan ko ang aking mga pisngi. "Okay." Inalalayan ko siyang makabalik ulit sa kama. "Ipapahanda ko lang 'yong sasakyan," paalam ko pa. Tinanguan niya lamang ako. Mabilis akong napalabas ng kuwarto namin at pumanaog sa hagdan. Gladly, I saw Ivan and Jill sa kusina. "Ivan! 'Yong kotse pakihanda. Jill, bihisan mo rin si Clayd, bilis!" "Marinel, what's wrong?" Nilingon ko ang Mama Cess. "Caldwill is awake." Sa sinabi kong iyon ay agad na napatakbo ang Mama sa itaas. "Ivan ang kotse!" sigaw ko at muling bumalik sa silid namin ni Caldwill. He's talking to his mom. Hinayaan ko lang sila at kumuha ng pamalit ni Caldwill. "How are you son?" Bakas sa boses ng ina ni Caldwill ang pag-aalala. "Better mom." Lihim akong napangiti. "Ma, bihisan ko muna ang asawa ko." Tumango lang din naman ito at lumabas ng kuwarto. "Minamanyak mo siguro ako no'ng wala akong malay," natatawa niya pang sabi. Napanguso ako. "Isang beses ko lang naman hinawakan eh! Hmp! 'Di naman tumayo," sagot ko habang isinusuot sa kanya ang v-neck shirt. Bigla naman siyang tumawa ng malakas. "Naughty woman. How will I react on that time? I'm unconcious. Cheater." Natawa na rin ako at aminado akong uminit ang aking magkabilang pisngi. "Next time, you'll hold this, it won't disappoint you again." "Talaga lang!" "Of course!" Matamis akong napangiti sa kanya. Later, I will surprise you. I will tell you that we’re going to have a twins. Gusto kong makita sa mukha niya ang matinding tuwa mamaya. How I love this man so badly! HETO ako ngayon sa labas ng opisina ni Doc. Conde. Kasama ko si Clayd, ang Mama Cess, Jill, Ivan at Manang Ester. Humabol din sina Andy at Nica. Nasa loob pa kasi si Caldwill at mabusisi pang iniksamen ng mga doktor niya. Kinakabahan man ako pero alam kong magiging okay ang lahat. Bigla namang bumukas ang pinto kaya agad akong napatayo. "Kumusta po ang asawa ko?" "He's absolutely fine," nakangiting sagot nito. Lahat kami ay nakahinga ng maluwag. "Let's have a party!" Andy said. "Itanong mo kay Caldwill 'yan," sabi ko pa at pinasok ang opisina ni Doc. Conde. "Hey," utas nito. "Papa!" Tumakbo agad ang anak kong si Clayd kay Caldwill at kinarga rin naman niya ito. "I miss you buddy." "Me too Papa." How lovely to see them both alive and happy. God, you gave me so much blessing and I am wholeheartedly thankful for that. AFTER namin sa ospital ay nagkaroon nga kami ng simpleng party. Andy was the mastermind. Pool party ang theme at mukhang lahat ay masaya naman. And speaking of handsome, my bipolar husband was not here to join them. "Enjoy guys!" masayang wika ko sa kanila. Mama Cess just smiled at me. Bukas ay darating ang Papa ni Caldwill at excited na akong makilala ito. But for now, I want to spend my time with my husband. Umakyat ako sa bobong ng bahay. "Sungit!" tawag ko kay Caldwill. Nilingon naman niya ako. "Hey." Lumapit ako sa kanya at umupo sa pagitan ng kanyang mga hita. "Bakit nagpapaka-loner ka rito?" "I'm not." Isinandal niya ang kanyang baba sa aking kanang balikat at niyakap ako. Gumalaw ang kamay nito at pumaloob sa aking damit. Muli na naman niyang hinaplos ang aking tiyan na may peklat. "Who did this to you?" "Elena. She tried to kill you but I stopped her. Nauwi kami sa ladies comfort room at do'n na nga kami nagkapatayan. Nabaril ko siya Caldwill." Bumuntong-hininga ako. "Elena fell in love me since she works for me as my secretary. Hindi ko pinansin 'yon dahil may ibang babaeng nakalaan sa puso ko. When I invistigated Moana for stealing my brother's money, nalaman kong magpinsan silang dalawa. But I never fired her, I let them both stay beside me on purpose. But Nel, that was a self defense. Never think that it was an intentionable." "Alam ko. Kung hindi ako lumaban, hindi ko na kayo makikita ulit." Niyakap naman niya ako ng mahigpit. "Past is always a past. We should live and think the near future that ahead us." Hinalikan niya ako sa aking pisngi. "I'm sorry if I was not there to save you, Marinel." Umiling ako at humarap sa kanya. "At least I saved you." He smirks. "So I owed my life to you, huh?" Mahina akong napatawa. "Big time!" He pinch my nose. "How's Clayd?" "Okay siya, wala lang siyang maalala sa nangyari." "Well, that's better." "Sa tingin mo? Do we need a counseling for him?" Umiling naman siya. "I can do that." "Oh?" Hinagkan naman niya ako. "Balak kong magtayo ng malaking ospital Nel." Napaawang ang aking bibig. "Hindi ba mahirap 'yan?" Muli ay umiling siya. "I know how to handle that." Matamis akong napangiti at sumaludo sa kanya. "Aye, captain!" "Good girl." Ako naman ang yumakap sa kanya. "The sunset are really nice to watch over here." "Agree." "Nel?" "Hmm?" Bumaling ako sa kanya. “I want to say something,” I said. He paused for a moment. “What is it?” he curiously asked. Kinuha ko ang kanyang kamay at ipinaloob muli sa aking damit. Inilapat ko ang kanyang kanang kamay sa aking nakaumbok na tiyan. “I’m pregnant,” diretsang utas ko. “What!?” Nakakunot pa ang kanyang noo. “Buntis ako, for real!” nakangiti ko pang sabi sa kanya. Napaawang ang mga labi ni Caldwill kaya agad ko siyang hinalikan. I felt his tears flowing down on my cheeks. Bahagya kong inilayo ang aking mukha sa kanya. Now I finally see him crying again and I know it was tears of joy. “Hindi ka nagbibiro? You really are?” hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Tear eyed akong napatango. Mabilis niya pa akong niyakap at pinuno ng halik ang aking buong mukha. “God! You don’t know how much you make me so happy today Marinel!” “Caldwill, kambal ang anak natin!” muling wika ko. He immediately grabs again me and kiss my whole face. “You really gave me so much surprises Marinel,” aniya. Kumalas ako sa kanyang pagkakayakap at matamis siyang nginitian. Tinuyo ko ang kanyang basang pisngi. “They’re both boy,” pahabol ko pa. Muli ay napaawang ang kanyang mga labi. Agad ko naman itong sinalubong ng halik. “You’re giving me a heart attack my wife,” natatawa niya pang wika. “Stop joking! Hindi rin naman ako nag-expect na parehong lalaki ang kambal natin.” He smiled so widely. “I want to name them right now.” My heart melts. Kitang-kita ko sa mga mata ni Caldwill ang sobrang excitement. “Sige nga? What are those?” Sandali pa siyang napaisip. “It should be followed by my initial like what you named to our first born child,” seryoso niya pang sabi. “So?” Mataman ko lang din naman siyang tinitigan. “Hmm? Cameron Evans and Connor Eros.” Napaarko naman ako ng aking kilay. “Really?” “Yes!” masayang sagot niya pa sa akin. “Well, you are the boss!” Ginulo naman niya ang aking buhok. “Atta girl!” “Nel,” “Hmm?” "I just want to say this. Thank you for everything. Sa simula hanggang sa dulo ay nanatili ka sa tabi ko. Hindi man ako kasing sweet ni kupido but I can be your chocolate..." Nagsimula na tumulo ang mga luha ko sa mata. "Seriously, nagpapasalamat ako sa Diyos at ibinigay ka niya sa akin. Wala kang ginawa kundi ang mahalin ako ng sobra-sobra kahit puro sakit lang ang ibinigay ko sa iyo. Thank you because you kept loving me, even in my worst. You gave Clayd to me and our twins, it was like a treasure that I wanted to keep and buried it in my heart. You light up my whole world Nel. I don't know how will I going to express my happiness but I want you to know that you changed me a lot. I know, I am not perfect but I can be your best. And I always wants you today, tomorrow, next week, and for the rest of my life Nel. You are the reason why I felt like I wanted to fly. You are the reason why I felt that I can touch the sky. You are the reason why there is no need for me to be alone again. Do you even realize how amazing you are to me? Of course you don’t, but you are. Nel, mahal na mahal kita. Higit pa sa buhay ko." I'm speechless while crying. Umiiyak din siya habang sinasabi sa akin 'yan. "And Nel, will you marry me again, for real. I want you to bound with me not just by in contract but in always, forever." Naglabas siya ng singsing na may ruby stone sa gitna at napapalibutan ang round nito ng pinong diamonds. Napaiyak ako ng todo. "Baliw!" tanging utas ko. "Baliw na baliw ako sa iyo aking sinta. Oh Marinel aking Ms. Universe," aniya habang isinusuot sa akin ang singsing. "Baliw na baliw din ako sa iyo sinta. Oh Caldwill aking Mr. Universe." Mahigpit ko siyang niyakap. "We might not end a happily ever after but I assure you, I will always make you happy." "Me too Caldwill. Always," tugon ko. ~Wakas~

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD