BOLADCT-11
Marinel
PAGKARAAN ng ilang oras ay agad din naman akong natapos sa pag-aayos sa aking sarili.
"Ano 'yan?" tanong ko kay Caldwill. May bitbit kasi siyang dalawang basket.
"You'll know later," aniya.
"Picnic?" tanong ko ulit.
"Yeah. Sumakay ka na." Kumikit-balikat lang din naman ako.
"Mama! Look what I've got," Clayd said.
"Lots of candy. Where did you get that?"
"The lady, wearing a black dress." Kumunot naman ang aking noo. Napalinga-linga ako sa paligid. Wala naman akong nakitang babaeng nakaitim na damit.
"Son, next time, never talk to a strangers."
"I will Papa." Kinarga ko ang anak ko.
"Listen to your Papa, okay?" He nod at me. Isinakay ko na siya sa loob ng sasakyan at maging ako ay sumakay na rin sa harapan ng sasakyan. Pumuwesto na rin naman si Caldwill sa driver's seat.
"Bakit itong Ford Everest ang gamit natin? Nasaan ba 'yong Montero?" usisa ko pa.
"Nasa auto shop Nel. Nasira raw 'yong break sabi ni Ivan." Napatango-tango lang ako.
"Mama, I want you beside me." Nilingon ko naman si Clayd.
"Come. Kandungin ka ni Mama," nakangiti ko pang wika. Mabilis din naman siyang gumapang papunta sa akin.
"Feeling better?" baling pa ni Caldwill sa anak namin.
"Yes!" excited din namang sagot ng anak namin. Mahigpit ko siyang niyakap.
"Let's go," ani Caldwill at pinatakbo na ang sasakyan.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang tawagin ako ni Clayd.
"Ma! Look there!" Sinundan ko rin naman ng tingin ang itinuro niya.
"Ang ganda," sambit ko habang tinatanaw ang lawak ng karagatan.
"Can we stop by?" baling ko kay Caldwill. Hindi ito kumikibo at kanina ko pa napapansin iyon.
"Caldwill may problema ba?" Seryoso niya akong tiningnan at itinuon ulit ang mga mata sa daan.
"Caldwill?" muling untag ko sa kanya. Bigla naman niyang hinawakan ang aking kamay.
"Wala tayong preno," seryosong sagot niya. Kunwari akong natawa sa joke niya.
"Hindi magandang biro 'yan Caldwill. Try another."
"I'm serious," aniya at 'di pa rin mawala sa mukha nito ang pagkaseryoso ng kanyang aura. Sa sobrang inis ko dahil sa pagbibiro niya ng masama ay walang pasabi kong inapakan ang preno. Ngunit laking gulat at takot ko dahil wala itong epekto. Agad na nangilid ang mga luha ko sa mata.
"Mama, why are you crying?" Nailing ako. "Mama is happy," nanginginig kong sagot. Huminga ako ng malalim at bumaling kay Caldwill. Ayaw na tumigil ng mga mata ko sa pagluha. Muling kinuha ni Caldwill ang aking kaliwang kamay.
"B-bakit wala?" umiiyak kong tanong.
"Hey, calm down. Hindi makatutulong 'yan sa atin. We need to think fast. Kailangan mapahinto natin ang kotse." Nanginginig na ang mga tuhod ko at matinding takot na ang umiiral sa akin. Nagsisimula na ring umiyak si Caldwill. Ramdam na ramdam ko ang matinding takot niya para sa amin.
"f**k!" mura niya. Agad ko namang tinakpan ang magkabilang tainga ng anak namin. Malakas niya pang pinalo ang manibela.
"Maayos 'to kanina! How come it lose the breaks!" pagpipigil niyang himutok. Tahimik akong lumuluha habang kayakap ang anak naming si Clayd na wala pa ring kamalay-malay. Ano mang oras ngayon ay puwede kaming madisgrasya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natatakot ako para sa anak namin ni Caldwill.
"Call Ivan," ani Caldwill.
Nangangatal man ay agad kong kinuha ang aking cell phone at tinawagan si Ivan.
"C-cannot be reach..." Mas lalo akong napahagulhol. Kinuha ni Caldwill sa akin ang cell phone at may kinalikot dito.
"You have to jump. Kailangang may sumalo kay Clayd." Napasinghap ako at hindi ako makapaniwala sa aking narinig.
"Baliw ka na ba!? Nasa singkwenta ang takbo natin. Hindi ko kaya Caldwill!" Mariin niyang kinagat ang kanyang labi at pinunasan ang kanyang pisngi.
"Natatakot ako Marinel but we have to do something! We have to save our son!" Nailing ako at walang ampat sa pagtulo ang aking mga luha sa mata. Mahigpit kong niyakap si Clayd. Kinabig naman ni Caldwill ang aking batok at pinaghahalikan ang aking mukha.
"Kaya mo 'to, okay?" Umiling-iling ako.
"H-hindi ko kaya," umiiyak kong sagot. Hindi siya umimik at mabilis na kinalas ang aking seat belt.
"Caldwill, hindi!"
Hindi pa rin niya ako kinikibo at mabilis pang kinuha si Clayd sa akin. Nagsisimula na ring umiyak ang anak namin at mas lalong nadurog ang puso ko.
"On my mark," seryosong utos niya. Panay iling ang aking ulo.
"Mama!" umiiyak na sambit ni Clayd. Natutop ko ang aking bibig. Kinabig naman ni Caldwill ang manibela para makaalis sa kalsada ang sasakyan.
Nanginginig kong binuksan ang pinto sa aking gilid.
"Jump Marinel!" Matindi ang pag-aalinlangan ko pero itinulak ako bigla ni Caldwill kaya diretso akong nagpagulong-gulong sa damuhan. Hindi ako agad nakatayo dahil parang nabalian yata ako. May sugat rin ako sa noo at nagsisimula ng lumabo ang aking paningin.
"Cald..." Huling narinig ko ay ang malakas na busina bago ako tuluyang nawalan ng malay.
NASAPO ko ang aking noo. Kinusot ko pa ang aking mga mata bago ako tuluyang napamulat. Agad akong natigilan dahil sa nakabenda ang kanan kong kamay. May benda din ako sa ulo at ang kaliwang braso ko naman ay naka-short arm cast. Napalunok ako dahil sa panunuyo ng aking lalamunan.
"Caldwill!" sambit ko nang maalala ko lahat ang nangyari. Agad kong tinanggal ang mga nakakabit sa akin at puwersahang napabangon.
"Ah!" daing ko at mariing napapikit. Ngayon lang nag-sink in sa akin lahat ang nangyari. Na-aksidente kami at narito ako sa ospital. Kung ganoon ay nasaan ang mag-ama ko. Diyos ko! Agad kong natutop ang aking bibig at tuluyang napahagulhol. Bigla namang bumukas ang pinto.
"Marinel! What are you doing!?" Andy said.
"Nasaan ang mag-ama ko?" He froze.
"Sumagot ka Andy! N-nasaan ang mag-ama ko!" Malalim naman siyang napabuntong-hininga.
"I'll take you to them," aniya. Inalalayan niya akong makababa sa hospital bed at lumakad palabas ng kuwarto. Walang tigil sa pagluha ang mga mata ko. Takot na takot ako. Nang mag-angat ako ng aking ulo ay ang ICU hallway agad ang bumungad sa akin. Napatigil ako. Parang hindi ako makahinga.
"Maling hallway ang dadaanan natin Andy," utas ko. Hindi ako kinibo ni Andy. Mas lalong lumawak ang kaba at takot ko.
Humakbang pa kami ng tatlong dipa at agad kong nakita ang mag-ama ko. "Hindi!" pagwawala ko.
"Nel, I'm so sorry," umiiyak na wika ni Andy sa akin.
"Hindi 'to totoo Andy! Hindi!" Halos ingudngod ko na ang aking mukha sa transparent wall. Nakaratay ang mag-ama ko sa kama at maraming apparatus ang nakakabit sa kanilang dalawa.
"Nagkaroon si Caldwill ng internal bleeding sa ulo at agad siyang inoperahan. May ilang buto rin ang nabali sa kanya. Caldwill is now in the state of coma. While Clayd have so many bruises. Nagkaroon din siya ng konting bone fracture sa braso at hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Under observation pa rin silang dalawa Nel. Tinitingnan pa ng mga doktor kung ano pa ang maaring natamo ni Clayd." Halos manginig ang buong kalamnan ko. "Bakit!?" hagulhol ko. Nakuyom ko ang aking mga kamao at tinungo ang chapel. "Nel!" habol pa sa akin ni Andy.
Nang marating ko ang chapel ay agad akong tumayo sa harap ng altar.
"Bakit mo ako ginaganito! Ano bang kasalanan ko sa 'yo! Lahat naman ginagawa ko para maging mabuti akong tao! Bakit palagi niyo akong pinapahirapan! Bakit!? Bakit lahat ng minamahal ko ay kinukuha mo sa akin! Wala ba akong karapatang maging masaya! Kinuha mo sa akin ang pamilya ko! Hinayaan mo akong lumaki sa bahay ampunan! Pero nanalig ako! Umasa ako! Dahil naniwala akong may rason kayo! Pero kinuha niyo sa akin si Calvin! Ngayon naman kukunin niyo sa akin ang mag-ama ko! Bakit!? Anong ginawa kong mali!"
Tuluyan na akong napaluhod.
"Bakit!?" Bigla namang may yumakap sa akin.
"Please Nel, don't blame him. Walang kasalanan ang Diyos," utas ni Andy. Nagtagis ang mga bagang ko.
"S-sino ba dapat Andy?" namamaos kong tanong.
"It could be someone else out there Nel." Mariin akong napapikit at muling napahagulhol.
"Bakit niya hinayaang maging ganito ako Andy!? Bakit!?" Napatungo ako. Nahihirapan akong huminga. Naninikip ang dibdib ko.
"Nel! Si Clayd!" biglang bungad sa amin ni Nica. Agad akong napatayo at nagkukumahog na napatakbo sa ICU. Nang umabot ako'y kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagkukumahog ng mga doktor.
"A-nong nangyayari!?" Kinalampag ko ang salamin upang mapansin ako ng mga doktor. Inaawat naman ako ni Andy at Nica.
"Ano ba! Bakit!? Anong nangyayari sa anak ko!"
"Biglang bumaba ang heart rate ni Clayd," umiiyak na imporma sa akin ni Nica.
Mabilis kong tinabig si Nica at pumasok sa loob ng kuwarto.
"Clayd! Baby, no! Don't leave me! Don't leave Mama! Please!"
"Ma'am! Pakiusap sa lumabas po muna kayo," anang isang nurse sa akin. Agad akong umiling.
"Kailangan ako ng anak ko!" Akmang lalapit na sana ako pero nahapit ni Andy ang aking baywang at inilabas ako ng silid.
"Bitiwan mo ako Andy! Pakiusap! Kailangan ako ng anak ko! Andy! Ano ba! Bitiwan mo ako! Clayd! Hindi!" Panay ang pagpupumiglas ko kahit na halos nakasalampak na kami ni Andy sa sahig. "Nel! Please! Let the doctors do their jobs!" umiiyak niyang wika sa akin. Panay ang iling ko.
"My son needs me!" Muli akong nagpumiglas pero malakas si Andy sa akin.
"Andy! Kailangan ako ng anak ko!"
"Please Nel!" Lumuhod naman sa aking harapan si Nica.
"Nel, tama na. Normal na raw ang heart rate ni Clayd." Napatulala ako sa kawalan. "Sa oras na may mangyari sa mag-ama, makakapatay ako." Nagtagis ang aking mga bagang at napakuyom ng aking mga kamao. Agad naman akong niyakap ni Nica. Inalalayan nila akong makatayo at muli kong tinanaw ang anak ko. Unti-unting nadudurog ang aking kalooban. Bakit ba nangyayari ito sa akin? Mariin akong napapikit at nanlulumong umupo sa sahig. Wala akong ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak. Napasinghot ako at napahikbi. Inabutan naman ako ni Nica ng tubig. Mabilis kong nilagok ang lahat ng laman ng baso.
"Nel, bumalik ka na muna sa kuwarto mo. Magpahinga ka. Kanina ka pa iyak nang iyak. Malalagot kami niyan kay Caldwill."
"A-ayoko," namamaos kong sagot.
"Ano ang sabi ng mga pulis?" baling ko kay Nica. Pareho naman silang nagkatinginang dalawa ni Andy.
"Nel, huwag mo muna–"
"Sagot Nica," mariing putol ko sa pagdadahilan niya. Bumuntong-hininga naman siya.
"Hindi aksidente ang nangyari Nel. May sumira ng preno ng kotse at bukod pa roon ay may sumadyang sumagasa sa kotse niyo." Natutop ko ang aking bibig at niyakap ang aking sarili. Kumukulo ang dugo ko, maging ang mga kalamnan ko'y nanginginig din. Wala akong ibang maisip kung sino ang gumawa sa amin nito.
"Wala pa ring lead kung sino ang gumawa nito Nel," ani Andy. Nasapo ko ang aking dibdib at huminga ng malalim.
"Balitaan niyo ako kapag kay resulta na." Napatayo ako at lumapit sa transparent glass wall.
"I will make sure that bastard will pay big time, sweety. Hang on there son, Papa's gonna get well so soon too," bulong ko. Pinunasan ko ang aking mga luha at muling huminga ng malalim.
"Puwede na akong kumain, 'di ba?" baling ko kay Andy.
"Huh? Am, yes. I will immediately buy some food. Wait here. Stay beside her, Nica." Tumango lang din naman si Nica kay Andy.
"Nel, magpahinga ka muna, please? Darating na si Ivan at Manang Ester. Sila muna magbabantay."
"Okay lang ako Nica."
"Pero Nel?"
"Kapag nagising ang mag-ama ko, gusto ko ako mismo ang una nilang makita." Niyakap naman niya ako.
"They're both strong and brave Nel. Gagaling sila agad."
"They should be, ikamamatay ko kapag nawala silang dalawa sa akin. Maraming beses na akong nawalan ng minamahal. Ayaw ko na maulit 'yon Nica. Minsan ng nawala si Caldwill sa akin at hindi ko na kakayanin pa iyon kapag naulit pa." Muli kong pinunasan ang aking pisngi.
"They're my life Nica. They're my source of my strength, my air to breathe, my happiness. If they'll be gone, my life would be a mess."
"They're both fighting so have faith on them, especially him, up there in heaven." I sighed.
"Kahit ganito ang nangyari sa amin Nica, hindi naman nawala ang tiwala ko sa Diyos. Hindi ko lang maiwasan na magtampo at makaramdam ng galit. Bakit ganitong kapalaran at pagsubok ba ang ibinigay niya sa akin? Kakayanin ko lahat Nica, huwag lang ganito. Hindi ang mag-ama ko Nica." Muli akong napahagulhol. Hinagod naman niya ang aking likuran. "Kaya natin 'to Nel," aniya.
"Nel, Nica, let's eat," bungad ni Andy sa amin.
"Doon na muna kayo sa kuwarto ko. Ayos lang ako rito."
"Nel naman," ani Andy.
"My food?" I asked. Ibinigay niya sa akin ang isang supot kahit nababakas ko sa kanyang mukha ang alinlangan.
"Sige na," anas ko. Sinunod nila akong dalawa at lumakad na. Naiwan akong mag-isa kaya napagpasyahan ko na rin ang umupo at kumain. Kahit wala akong gana ay pinilit kong kumain ng marami. Hindi ako makapag-isip ng tama. Sa tuwing pumipikit ako'y ang mga mukha ng mag-ama ko ang aking nakikita. Humihingi sila ng tulong sa akin. Pakiramdam ko'y naging makasarili ako. Parang pakiramdam ko'y kasalanan ko ang lahat kung bakit nakaratay ang mag-ama ko. Napabuga ako ng hangin.
"Mrs. Villaraza?" bungad sa akin ng doktor. Napatayo ako.
"Yes Doc.?"
"I'm Doc. Hector Conde, ako ang naka-assign sa asawa at anak mo. Mukhang nasabi na sa iyo ni Mr. Flores ang kalagayan nila pero may konting dagdag ako ro'n." Agad akong kinabahan.
"What is it? Are they in danger?"
Umiling naman ito.
"No. It's about you. According sa mga test results, may selective amnesia ka. Do you know that?" Napatango ako.
"Well, it doesn't matter, I have no right to asks anything about that matter but you're five weeks pregnant. Kambal ang anak mo at puro sila lalaki. Mrs. Villaraza, you should be careful next time. Dahil sa accident ay possible na makunan ka, but miracle happens, your babies survived. So please, be fully aware. Anyway, they're healthy but still stay away from stress. Excuse me, I'll go ahead."
Napakurap ako ng ilang beses. Buntis ako? Buntis ako! Agad na lumipad sa bibig ko ang aking kanang palad. Mariin akong napapikit. Oh God! Sa sobrang excited ko ay agad kong tinungo ang kabilang kuwarto at kinuha ang mask, scrubs at gloves. Pumasok ako sa kuwarto ng mag-ama ko. Agad kong nilapitan si Clayd at hinalikan ito sa noo. Pagkatapos niyon ay hinila ko ang isang silya para umupo at tumunghay kay Caldwill na wala pa ring malay.
"Hey," namamaos kong utas.
"Caldwill, sobrang saya ko ngayon. You know what? We're having a baby! Not just one but twins!" Pinunasan ko ang aking mga pisngi.
"Gumising ka na, please? Hindi ko kaya ang ganito. Nahihirapan na ako. Hindi ko kaya na makita kang ganito, pati na ang anak natin. Pakiusap, wake up so soon."
Natutop ko ang aking bibig at napahagulhol. Tumayo ako at yumuko upang halikan ang kanyang labi.
"Maghihintay ako," anas ko.
Lumabas ako ng kuwarto at hinubad ang mga suot ko.
Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa waiting area at napasandal sa pader.
Nasa malalim ako ng pag-iisip, nang biglang may pumasok na nurse sa kuwarto ng mag-ama ko. Hinayaan ko lang siyang gawin ang trabaho niya. Makalipas ang ilang minuto ay agad din naman itong lumabas. Laking pagtataka ko dahil nakapantalong itim ito gayong hindi naman 'yan ang proper attire kapag papasok sa isolated room. Agad akong napatayo. Namilog ang mga mata ko nang biglang tumunog ang alarm ng kuwarto ng mag-ama ko. Walang alinlangan akong napatakbo papasok sa loob. Inaatake si Caldwill!
"No! Caldwill!" Agad na nag-unahan sa pagbasak ang mga luha ko.
"Caldwill! Don't you dare f*****g leave me!" Natataranta na ako pero mabilis kong tinanggal ang oxygen nito at nang hilain ko ito'y putol ang dulo.
"H-hindi!" Nanginginig ang mga kamay kong winasak ang kanyang damit at isinagawa ang Cardiopulmonary Resuscitation.
"Come on Caldwill! Breathe!" umiiyak kong wika.
"Caldwill! Pakiusap! Huwag ganito! Hindi ko pa kaya! Huwag mo akong iwan ng ganito!" Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa maramdaman ko ang konting pagsinghap niya. Agad kong inayos ang oxygen mask niya at muling ibinalik sa bibig niya. Nanginginig ang mga tuhod ko at agad akong napaluhod. "Thank god!" utas ko at napahilamos ng aking mukha. Dumating naman agad ang mga doktor, pati sila Andy at Nica. Agad akong napatayo at napatakbo.
"Nel! Saan ka pupunta!" habol pa sa akin ni Andy. Hindi ako nakinig sa kanya. Tumakbo lang ako nang tumakbo at napalinga-linga sa aking paligid. "Magbabayad ka sa akin ng malaki!" utas ko sa kawalan. Naghanap ako nang naghanap hanggang sa masagi ng mga mata ko ang nurse na gustong pumatay kay Caldwill. Papasok ito sa ladies comfort room. Agad akong napatakbo at pumasok sa loob.
"Ikaw!"
"Yes?" baling pa niya sa akin.
"Bakit mo gustong patayin ang asawa ko!?" bulyaw ko sa kanya.
"Miss? Are you crazy!? Anong asawa ang pinagsasabi mo? Do I know you?" Naningkit ang mga mata ko sa kanya at agad na hinablot ang kanyang bag.
"Hey, you! Give that back to me!" Nakipaghilaan pa siya sa akin pero mabilis kong nabuksan ito at binaliktad. Agad na tumambad sa akin ang scrubs, mask, wire, kutsilyo at ang 45 caliber na baril. Pupulutin na sana niya ito pero mabilis ko itong nasipa at napunta sa sulok. Tinapon ko ang bag at nakipagbuno agad sa kanya.
"Sino ka bang hayop ka! Bakit gusto mong patayin ang asawa ko!" Nasipa naman niya ang hita ko, dahilan para mapaluhod ako. Mabilis niyang nahawakan ang buhok ko at hinila ito.
"Ah!" daing ko.
"Buhay ka pa pala!? Akala ko patay ka na! Tama nga si Moana, may sa demonyo kang babae ka!"
"Sino ka ba talaga! Bakit kilala mo si Moana!?" Hinila niya lalo ang aking buhok, dahilan para mapatingala ako. Napahiyaw pa ako nang bigla niyang hawakan ang braso kong may sprain.
"Oh? You don't know me? I'm Elena. Well, ako lang naman ang nag-iisang kakampi ng pinsan ko! Right! Moana is my pure dear cousin! Naging secretary ako ni Caldwill sa New York. I and my cousin fell in love with Caldwill but because of you! He never noticed us! So I and Moana agreed that we should get rid of you! And she did it! Nagkahiwalay kayo for three years! I let Moana took care of Caldwill because she suffered a lot and it goes rough! He can't still forget about you! Ano ba ang mayro'n sa iyo na wala sa amin! Ha!?" Gulat ako sa mga naging rebelasyon niya. Namilog ang mga mata ko nang suntukin niya ang aking tiyan. No! Not my babies!
"Ugh!" Namimilipit ako sa sakit at halos maputol ang aking hininga.
"Masakit ba? Pero mas masakit ang ginawa mo sa akin! Kayo ang dahilan kung bakit wala na si Moana! Siya na lang ang mayro'n ako. Siya na lang ang nag-iisang pamilyang naiwan sa akin pero dahil sa ginawa ninyo ay tuluyan siyang nawala sa akin! Mga wala kayong puso! Nagpapakasaya kayo samantalang naghihirap itong kalooban ko! Ang dapat sa iyo ay mawala sa mundo!" Tinadyakan niya ako at halos gumapang na ako para lamang makalayo sa kanya. Hinila naman niya ang kanang paa ko.
"Ang dapat sa iyo ay mawala na!" Kinuha niya ang wire at matalim na kutsilyo sa kanyang bag.
"T-tama na," nanghihina kong utas sa kanya.
"Nag-e-enjoy akong makita kang ganyan Marinel!" Isang makalas na halakhak ang narinig ko sa kanya. Napahiyaw ako nang apakan niya ang aking braso at bigla niya akong sinakal gamit ang wire.
"Elena..." sambit ko habang pilit na hinihila ang wire sa aking leeg. Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakasakal sa akin at itinali ito sa isa sa mga pinto ng cubicle. Nahihirapan na akong huminga.
"T-tulong..." sambit kong muli. Iniharang ko ang aking mga daliri upang makahinga ako pero masiyadong mahigpit ang pagkakabuhol niya rito kaya konting galaw ko lamang ay masasakal ako ng todo. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang baril sa sulok. Pilit ko itong inaabot kahit na nasasakal na ako ng todo. Hanggang sa tuluyan ko itong nakuha pero huli na ako.
"Masakit ba? Pero mas masakit 'to!" aniya kasabay nang biglaan niyang pagsaksak sa akin. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagbaon ng kutsilyo sa aking katawan. Ngunit awtomatikong gumalaw ang kanang kamay ko at pinaputukan siya ng dalawang beses. Hindi ko alam kung saan ko siya natamaan dahil nagdidilim na rin ang aking paningin. Ang tanging narinig ko lamang ay ang tuluyan niyang pagbagsak sa sahig. Pinilit kong makatayo at kumapit ng todo sa haligi ng pinto. Nanghihina kong inalis ang wire sa aking leeg at sinapo ang aking duguang tiyan.
"D-diyos ko! H-huwag ang mga anak ko..." Napaubo na ako ng dugo at hindi ko na alam kung mabubuhay pa ba ako dahil sa matinding sugat na aking natamo. Mariin akong napapikit. Kinakapos na ako ng hininga. Dahan-dahan akong lumakad hanggang sa tuluyan akong nakalabas ng comfort room.
"H-hindi k-ko n-na k-aya..."
Diretso akong bumagsak sa sahig. Tuluyan na akong napapikit at tanging sigawan na lamang ang huli kong narinig.