BOLADCT-10

1110 Words
BOLADCT-10 Marinel AFTER our happy meal together, we relax ourselves for a while. Tinungo ko si Caldwill sa aming silid. Pinapatulog niya kasi ang anak namin. Masiyado kasing napagod ang anak namin sa kalalaro kanina kasama si Jill. Kumatok ako at itinulak ang pinto para makapasok. Agad akong napangiti dahil sa nakita ko. Sobrang laki ng ipinagbago niya. Alam ko, nasa stage pa rin siya ng adjustment pero every day he tried to improve. He tried to be a good and responsible father for our son. "Kanina pa ba siya tulog?" Bumaling siya sa akin. "Yes. Kanina ka pa? Hindi kita napansin agad." "Nag-enjoy ako sa panonood sa inyo," nakangiti kong sagot. Tumayo naman ito at inayos ang kumot. Pagkatapos ay agad din naman siyang lumapit sa akin at hinapit ang aking baywang. "He's so tired," he said. Tumango lang ako at isinandig ang aking ulo sa kanyang dibdib. "Magiging doktor din siya balang araw," utas ko. "Did you asked him?" Umiling ako. "He never said anything but he loves to play kiddy clinic games." Hinagkan naman niya ang aking noo. "Whatever he wants to be, we will support him." Ngumiti lamang ako. Kinayag naman nito ako palabas ng silid. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pa. "Swimming." "Ha? Ang lamig kaya," sagot ko pa. "I can be your human hot spring," pilyong wika nito. Agad ko siyang nahampas sa balikat. "Seryoso talaga," nakanguso ko pang sabi. "I'm serious," aniya at bigla akong binuhat. Impit akong napatili at malakas na napatawa. Napatawa rin siya at dinala ako sa dalampasigan. Ibinaba niya ako kung saan nadadama na ng mga paa ko ang malamig na tubig dagat. Napaurong ako habang si Caldwill naman ay agad na hinubad ang kanyang t-shirt at cargo short. Ang tanging iniwan niya lamang na saplot sa katawan ay ang kanyang boxer short at agad din namang lumusong sa tubig. "Hindi mo ba ako sasamahan?" mapang-akit pa niyang tanong sa akin. "Ayoko talaga," tanggi ko. Kumikit-balikat naman ito at biglang inilublob ang kanyang sarili sa ilalim ng tubig. Kumunot ang aking noo. "Caldwill?" Wala akong sagot na narinig mula sa kanya. Agad akong kinabahan. "Caldwill!" muling tawag ko. Sa sobrang nerbyos ko ay agad kong nahubad ang aking mga damit at lumusong sa tubig. "Caldwill! Ano ba!?" Nagsisimula na akong mag-panic. Sumisid ako sa ilalim pero wala akong makita kaya agad din naman akong umahon. "Caldwill!" "Boo!" tunghay pa nito sa aking harapan. Hindi ako nagulat dahil agad na dumapo ang kanang palad ko sa pisngi niya. "Aw! That's hard!" daing niya pa. "Hard talaga!" bulyaw ko sa kanya at tinalikuran ito. Hindi ko maiwasang magalit. Hindi magandang biro iyon para sa akin. "Marinel!" habol niya sa akin at nahapit ako sa aking baywang. "Bitiwan mo ako!" singhal ko ulit habang tumutulo na ang mga luha ko sa mata. Agad naman niya akong napaharap sa kanya at kinulong ang aking mukha sa kanyang mga palad. "I'm just joking," aniya. "Hindi magandang biro 'yon," umiiyak kong sagot. "Stop crying. I'm sorry." Mahigpit naman niya akong niyakap. "Huwag mo na uulitin 'yon. Natatakot ako," utas ko. "I swear, promise!" Muli naman niyang pinaharap ang mukha ko sa kanya at hinagkan ako. Napakapit ako ng husto sa kanyang batok. Sinimulan niyang hubarin ang aking bra at itinapon ito sa buhanginan, kasunod ang aking panty. Nang maglapat ang aming mga katawan ay agad na naibsan ang panlalamig ng aking katawan. Ang init ng katawan ni Caldwill ay parang nagsilbing makapal na kumot na bumabalot sa aking katawan. Napaliyad ako nang lumapat ang kanyang bibig sa aking dibdib. His licking my n*****s while kneading it. Agad na kumawala sa bibig ko ang malakas na ungol. "Caldwill," anas ko at halos masabunutan ko na ito. Maingat naman niyang inangat ang aking pang-upo at pumuwesto sa akin. Dahan-dahan niya pang ipinasok sa akin ang kanyang sandata. Muli akong napaungol. "Nice shot," pilya ko pang anas sa punong tainga nito. "Team Captain," sagot niya at mas lalo pang diniinan nito ang pagpasok sa akin. Mas bumilis pa at sinabayan ko ito hanggang sa pareho naming naabot ang sukdulan. "I love you," anas niya. Nahilig ako sa kanyang dibdib. "Mas mahal kita," tugon ko. MATAPOS ang mainit na eksena ay napapasiyahan namin ni Caldwill na sa kabilang kuwarto na lamang kaming dalawa magpahinga. Malalim pa ang gabi at ayaw kong maistorbo ang anak ko sa mahimbing niyang tulog. "GOOD MORNING my universe," bulong nitong sa akin. Umungol lamang ako. "Wake up now sleepy bird. May pupuntahan pa tayo today." Umiling ako. "Mamaya na," mahinang sagot ko. Kiniliti naman niya ang aking leeg. "Caldwill!" tili ko at naitulak siya. Parang mamamatay yata ako dahil sa ginawa niyang 'yon. Tawa naman siya nang tawa. "Kung nakikita mo lang ang ayos mo my universe, para mo na akong papatayin," aniya at napapahawak pa sa kanyang tiyan. Napaismid ako at itinali ang aking buhok. "Basagin ko kaya 'yan," turo ko pa sa it begins niya. Namilog naman ang kanyang mga mata. "Scarry!" aniya at muling napatawa. "Scarry pala ha!" Agad akong napatalon sa kanya at kiniliti ang kanyang tagiliran. Impit siyang napaungol at napatawa ng malakas. "N-no..." utas nito at dinaganan ako. Kinantilan naman nito ng halik ang aking labi. "I love you," aniya. "Mas mahal kita," sagot ko. Umalis naman ito sa aking ibabaw at inalalayan akong makatayo. "Mag-ayos ka na, gisingin ko lang ang anak natin." "No need," sulpot pa ng anak ko. Agad naman akong lumapit sa kanya. Lumuhod ako para magpantay kami. "Good morning handsome. Kumusta ang tulog ng baby ko?" "Better Mama," sagot nito at humalik pa sa aking pisngi. Kinarga ko naman siya. "Kay ate Jill ka muna anak ha, prepare lang kami ni Papa mo," wika ko. "Behave son," dugtong pa ni Caldwill at humalik sa anak namin. "Okay!" Clayd answered. Lumabas na kami ng kuwarto at dinala ko na siya kay Jill. Bumalik din naman ako agad sa silid na tinulugan namin ni Caldwill. Napuna kong nasa shower na ito kaya hinanda ko na lamang ang damit na kanyang susuotin. Maging ang damit na isusuot ko ay inihanda ko na rin. "Nel," tawag sa akin ni Caldwill. Tinutuyo nito ang kanyang buhok gamit ang tuwalya at nakatapi lang din siya. "I need rice," natatawang sambit ko pa. He smirked. "Just rice?" Kumindat ako at kinuha ang towel sa kama. Tinapik ko ang kanyang abs sabay tanggal sa nakatapi niyang tuwalya. "You!" sambit niya pero agad ko na itong napagsarhan ng pinto. "Pervert!" pahabol pa nito. "You too!" sigaw ko pabalik upang marinig niya ako. Nailing at natawa na lamang ako sa aking nagawang kalokohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD