┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nandito sila ngayon sa Zambales. Isang abandonadong warehouse sa ibaba ng bundok ang pinagtataguan ngayon nila Zeke. May mga kasama din silang isang malaking grupo ng sindikato na hindi inaasahan nila Thomas at Marcus na may isa pa pala. Pero gayunpaman ay kaya nilang talunin ang mga ito lalo pa at kumpleto ang Venum org sa pagsugod. "Maging alerto kayo sa pagsugod natin mamaya. Kailangan nating mahuli ng buhay ang Zeke na 'yan. Hayaan ninyo si Thomas ang magparusa sa hayop na 'yon. Huwag ninyong lalapitan, hayaan lang ninyo na si Thomas mismo ang humuli sa kanilang tatlo" Wika ni Marcus, tahimik naman si Thomas, tahimik din si Chad dahil namatayan siya ng ama ng dahil sa Zeke na 'yon. Nararamdaman ng lahat ang tension dahil sa pananahimik ni Thomas. "Bro, ilang oras na la