bc

Love's Lethal Kiss

book_age18+
7.9K
FOLLOW
109.9K
READ
mafia
addiction
like
intro-logo
Blurb

Kung may pinagsisisihan man si Agatha na nagawa niya sa kanyang buhay, iyon ay ang pagkakamali niya ng gabing nakipag laro siya ng truth or dare sa kanyang mga kaibigan sa loob ng isang bar.

Dare ang pinili ni Agatha, at inutusan siya ng kanyang mga kaibigan na pumasok sa loob ng isa sa vip room at halikan ang natutulog na customer ng bar.

Dahil sa matinding kalasingan ay walang tutol na sinunod ni Agatha ang ipinag-utos sa kanya, kaya ng gabi ding iyon ay naisuko ng dalaga ang iniingatan niyang dangal sa isang Thomas Johnson. Ang isa sa magaling na assassin ng Venum Organization.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Agatha-
-Prologue- "S-sino ka? Anong ginagawa mo dito sa silid ko?" Kunot ang noo ni Thomas habang pilit niyang inaaninaw ang babaeng gumegewang sa paglalakad palapit sa kinahihigaan niyang kama. "H-huwag kang ma-magagalit, gusto lang kitang halikan," sabi ng dalaga. Gustong bumangon ni Thomas ngunit umiikot ang kanyang paningin kaya hindi na niya magawang makabangon pa. Pakiramdam niya ay babagsak ang katawan niya sa tuwing nagpipilit siyang tumayo. Madilim ang silid, ngunit naaninag nila ang bulto ng bawat isa. Nang makalapit ang dalaga sa gilid ng kama ay amoy na amoy ni Thomas ang alcohol sa katawan at bibig nito. Gusto niyang itaboy ang babae, ngunit wala siyang lakas upang gawin ito. Ni hindi nga niya alam kung may maaalala pa ba siya pag-gising niya dahil sa sobrang kalasingan. "Get the fùck out of my room, woman!" May galit sa tinig ni Thomas at tinangka pa nitong ibangon ang katawan niya, ngunit bumagsak lang ang ulo nito sa malambot na unan. "H-huwag ka ngang suplado. I-isang halik lang naman ang gagawin ko sayo," napipiyok na sabi ng babae. Pagkatapos ay inilapit niya ang mukha nya sa mukha ni Thomas at hinalikan ito sa labi. Nang maramdaman ni Thomas ang halik ng babae ay bigla niya itong sinunggaban at hinila pahiga sa kama. Siniil niya ng halik ang babae na agad din namang gumanti ng halik dahil sa labis na kalasingan. "Damn you woman!" Sabay subo ng korona ng dibdib ng babae, habang hinahagod naman ng kamay niya ang katawan nito. Ramdam na ramdam ni Thomas ang makamundong pagnanasa kahit halos hindi na nito maidilat pa ang kanyang mga mata. Ang tanging hangad lamang nito ay maangkin kung sino man ang babaeng nasa loob ng kanyang silid. Hindi na nila namalayan na tuluyan na nilang nahubad ang kanilang mga saplot. Hindi lang sila lasing sa alcohol, lasing na lasing na rin sila sa makamundong pagnanasa at sabik na maangkin ang isa't isa. Malamig ang silid, ngunit tagaktak ang pawis nilang dalawa habang mabilis na umuulos ang binata sa ibabaw ng babaeng kaniig niya. Hindi man niya nakikilala ang babae dahil hindi niya maaninag ang mukha nito, pero siya ang unang lalake sa buhay ng babaeng kasiping niya, at lahat ng 'yon ay malalaman niya pagkatapos ng mainit na gabing 'yon. "Shiiiit! move faster!" Umuungol na sabi ni Thomas habang hawak na niya ang magkabilang baywang ng dalaga. Nakaupo ang dalaga sa ibabaw ni Thomas habang taas-baba itong gumagalaw kasabay ang malakas na pag-ungol nila. "Ooooohhh... uhmmmmmp..." mga ungol ng dalaga habang sige lang ang taas-baba ng kanyang balakang sa ibabaw ng lalaking kaniig nito. Bawat galaw, bawat pag-indayog ng kanilang katawan ay langit ang katumbas na sarap ang idinudulot nito sa kanilang dalawa. Pareho silang lango sa alak at pareho rin silang lasing sa makamundong pagnanasa. Tanging mga nagsasalpukang kaselanan na lamang nila at ang kanilang mga malalakas na ungol ang tanging maririnig sa bawat sulok ng silid. Parang musika ito sa kanilang pandinig, bawat pag-ulos, bawat halik at bawat ungol nila, lahat ng 'yon ay ay nagbibigay ng matinding pagnanasa sa bawat isa. Halos buong magdamag nilang inangkin ang bawat isa hanggang sa tuluyang ginupo na sila ng pagod at antok at magkayakap silang nakatulog. -CHAPTER ONE- -Agatha's POV- Almost two years na ang nakalipas pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang lalaking unang umangkin ng aking katawan. Ang lalaking ama ng aking anak. Walang kamalay-malay ang lahat maging ang aking mga kaibigan tungkol sa tunay na ama ng anak kong babae na si Chloe. Buti na lamang ay ako ang kamukha ng anak ko at wala yatang kinuha duon sa ama. Ang pagkakaalam lang din ng mga kaibigan ko ay nabuntis ako ng aking nobyo nuon at iniwanang luhaan. Mabuti na rin 'yon kaysa malaman nila nila ang totoo kung sino ang ama ng aking anak. Hindi dapat malaman ng lalaking 'yon na may nangyari sa amin ng gabing 'yon. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong nobyo kahit nuon pa, nagkataon lang na naging pasaway ako ng gabing nagkayayaan kaming magkakaibigan sa isang bar. Isang gabing pagkakamali ko, at isang gabi na pinagsisisihan ko kung bakit ako naging isang dalagang ina. Pero gayunpaman, may isang bagay akong hindi pinagsisisihan, ang anak ko. Kung may maganda mang idinulot sa akin ang gabing 'yon, iyon ay dahil binigyan ako ng isang anak na babae. Ang pinakamamahal kong anak. Ako nga pala si Agatha Dimagiba Argonza, pero Dimagiba lang ang ginagamit kong apelyido. Twenty-two years old na ako at may anak ako na isang taong gulang na babae. Almost nineteen years old lang ako nuon ng mahanap ng mga Dux si Melanie at duon ko din unang nakilala ang mayabang at mukhang manyakis na si Thomas Johnson, ang ama ng aking anak, ang lalaking pinasok ko sa vip room ng gabing 'yon sa bar dahil sa kalasingan. Wala talagang naidudulot na mabuti ang alak kapag lango ka sa kalasingan. Tatlo ang kaibigan kong babae, si Emalyn, Daisy Jean at si Melanie. Sila ang kasama ko ng gabing 'yon ng malasing ako at napasok ko ang isang silid sa bar dahil sa isang larong truth or dare. Duon nangyari ang lahat ng pagkakamali ko, ang pagkasira ng pangarap ko, pero gayunpaman ay biniyayaan ako ng isang napakagandang anak. Pero kaylanman ay hindi makikilala ni Chloe ang kanyang ama, kaylanman ay hindi dapat malaman ni Thomas na ako ang babaeng nakasiping niya ng gabing 'yon. Kaylanman ay hindi rin malalaman ng anak ko kahit sa kanyang pagtanda na isa siyang Johnson. Ayoko at hindi ako papayag. Lolo at Lola ko na lang ang kasama ko sa buhay pero nasa Davao sila. Buhay pa naman ang mga magulang ko pero matagal na nila akong iniwanan sa pangangalaga ng aking mga lolo at lola. Sanggol pa lang ako ng iniwanan nila ako nuon dahil hindi na raw nila kaya pa ang maging magulang sa akin at hindi na raw mahal ang isa't isa. At ang huling balita ko na ang aking ina ay nagpakasal sa isang foreigner, habang ang aking ama ay ewan ko kung ano na ang nangyari at hindi na ako binalikan pa. Kahit na anino nila ay hindi ko man lang kilala dahil bata pa ako ng iwanan nila ako, kaya kung makakasalubong ko man sila, deadma lang ako, hindi ko naman sila kailangan na. Hindi ko nga din alam kung may kapatid ba ako sa labas o solong anak lang ba ako. Wala kasi akong alam tungkol sa kanila, at kahit sila lolo ay walang kaalam-alam dahil hindi na sila nagpakita pa sa akin. Para lang akong isang tuta na ipinamigay at hindi na binalikan pa. Sabi ng lolo at lola ko ay hindi naman daw ikinasal ang aking mga magulang at iniwanan ako ng isang locket ng aking ina na hugis puso, pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang laman nuon dahil hindi ko ito binubuksan, ayokong buksan nuon, pero nagsisisi ako na hindi ko ginawa dahil nawawala na ang kwintas ko na may locket. Bata pa raw kasi ang mga ito ng ipinagbuntis ako ng aking ina kaya siguro iniwanan na lang ako kahit sanggol pa lang ako. Pero hindi naman siguro dahilan 'yon para pabayaan nila ako na lumaking walang ama't ina. Ganuon ang nangyari sa buhay ko, kaya huwag nila akong sisisihin kung sakali man na makaharap ko sila dahil susumbatan ko lang sila. Magpakasarap na lang sila sa mga pamilya nila, hindi ko na naman sila kailangan pa. May lolo at lola naman ako na nagmamahal sa akin. Sapat na 'yon upang makumpleto ang buhay ko. Siguro nga ay okay na rin na nawala ang kwintas ko na may locket para hindi ko na sila makilala pa. Para akong nagising sa malalim na pagkakatulog ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko. "Agi hindi pa ba tayo aalis? Tignan mo itong si Chloe, mukhang gusto na talaga niyang gumala." ani ni Emalyn. Karga naman ni Daisy si Chloe. Sila ang kasama ko na naninirahan dito sa apartment. Bumalik kami ng Manila upang makapaghanap ako ng maayos na trabaho. Ang balak ko sana ay maghahanap ako ng yaya para may tagapag-alaga sa aking anak, pero hindi ko pa nagagawa dahil ang impaktong Thomas na 'yon ay ginugulo na naman ang buhay ko. May mga taong nagmamatyag sa akin at alam ko na siya ang nagpadala ng mga lalaking 'yon upang bantayan ang bawat kilos ko. Hindi na lang ako nag-iingay sa mga kaibigan ko, ayoko kasing malaman nila na may kaugnayan kami ng isang Thomas Johnson. Ayoko ding malaman nila na ito ang tunay na ama ni Chloe. Ayokong mag-connect ang lahat tungkol sa anak ko at kay Thomas kaya mas mabuting ako na lang ang nakaka-alam ng tungkol sa pagkatao ng aking anak. "Wait lang, aayusin ko lang ang buhok ko. Sayang nasa Milan si Melanie, sana mag-uwi ulit 'yon ng pasalubong," sagot ko kaya natawa sila. Lagi kasi kaming pinag-uuwian ng mga pasalubong ni Melanie. Kaylanman ay hindi niya kami nakalimutan. Ako ang pinaka-best friend ni Melanie, kami ang sanggang dikit lalo na sa mga kalokohan namin nuon. Ito kasing dalawa ay medyo takot sumama sa amin nuon kasi ayaw daw nilang makulong. Pero ngayon game na game na, kaso lang hindi na namin ginagawa 'yon ni Melanie dahil may pangalan na siyang iniingatan, saka may anak na rin ako kaya bagong-buhay na ako. "Agi, may tao sa labas at ikaw ang hinahanap. Sobrang gwapo, grabe ka sino 'yon?" tawag ni Daisy kaya napakunot noo ako. Sino naman ang tinutukoy niya? Lumabas ako ng silid ko at tinignan ko kung sino ang taong naghahanap sa akin. Ewan kung bakit kinakabahan ako, siguro ay maniningil ng utang. Wala pa naman akong pera ngayon na pambayad sa kanya. "Bumbay ba? Kapag bumbay sabihin ninyo wala ako, umalis ako at hindi ninyo alam kung kailan ako babalik," wika ko kaya natawa sila. "Hay naku, bahala siyang maghintay sa labas, wala pa akong pambayad sa kanya kung maniningil ng utang 'yan." dagdag ko pang sabi sa kanila sa mahinang boses para hindi ako marinig. "Baliw! Hindi naman siya mukhang bumbay. Gwapo nga at saka ang gara ng suot niya. Teka papapasukin ko at sobrang init sa labas," ani ni Daisy kaya nagulat ako. Pipigilan ko sana siya dahil hindi naman namin kilala kung sino ang taong 'yon pero nakalabas na ang kaibigan ko at narinig kong kausap na niya ito. Pero natigilan ako ng makilala ko ang boses niya. Para akong ibinabad sa suka dahil sa pamumutla ko. Hindi ako maaaring magkamali, si Thomas ang nasa labas ng apartment na tinutuluyan namin. "Good morning!" wika nito na hindi ko na namalayan na nasa loob na ng bahay. Napatingin ako sa anak ko na nasa playpen at nanginginig ang tuhod ko na unti-unti kong nilalapitan ang aking anak. Hindi niya dapat makita ang anak ko, huwag sana siyang magduda, akin lang ang anak ko. "Hoy bruha anong nangyayari sayo? Bakit parang natuklaw ka ng ahas diyan?" Napatingin naman ako kay Emalyn dahil sa sinabi nito. Pilit na ngiti ang ginawa ko at napatingin ako kay Thomas na kunot ang noo na nakatingin sa aking anak. Nanginginig talaga ang mga tuhod ko, parang gusto ko ng umiyak. "Kaninong anak 'yan? Ang gandang bata ah?" tanong niya kaya hindi agad ako nakapag salita. Kilala ko ang pagkatao niya, kung paano sila nabubuhay, katulad ng kuya ni Melanie. Hindi ko hahayaan na malaman niya na anak niya si Chloe at hindi ko hahayaan na mapabilang ang anak ko sa isang katulad niya. "Anak ni Agatha sa boyfriend niyang iniwanan lang siya ng malamang buntis siya. Kawawa nga eh, pagkatapos siyang anakan, ayun at biglang naglahong parang bula," sagot ni Emalyn. Nagulat man ako pero mas okay na iyon ang sinabi niya kaysa magduda si Thomas. Nagpapasalamat na lang ako at kamukha ko ang anak ko at walang kinuha sa mukha ng kanyang ama. Nagsimulang maglakad palapit sa akin si Thomas kaya mas lalong nanginginig ang aking mga tuhod sa sobrang takot ko. Sana ay hindi niya maramdaman na may kaugnayan silang dalawa ng anak ko, na siya ang ama ni Chloe. Mabilis na nagtatas-baba ang dibdib ko, takot ang nabubuhay ngayon sa aking pagkatao habang nakatitig ako sa lalaking kaharap ko. "May anak ka na pala, at magandang bata. Pwede ko bang kargahin?" Nagulat ako sa sinabi niya, hindi pwede at hindi ko ito pahihintulutan. "No. I mean, hindi pwede, takot siya sa mga taong hindi niya kilala," nauutal ako, parang ayaw lumabas ng tinig sa lalamunan ko. Kita sa mukha ko ang matinding takot dahil alam kong gumuguhit na ito sa aking mga mata. "Relax Agatha! Hindi ko naman kukuhanin sa'yo ang anak mo, wala akong plano na mag-alaga ng bata. Gusto ko lang kargahin ang anak mo, ilang taon na ba ito?" Hindi ako makapag-salita, natatakot ako na baka maramdaman niya ang tinatawag na lukso ng dugo. Tinitigan niya si Chloe na naglalaro sa playpen. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya, kung bakit titig na titig siya sa aking anak. Natatakot talaga ako, pakiramdam ko ay mawawala sa akin ang anak ko. Ikamamatay ko kapag nangyari ang kinatatakutan ko. "Uhm, aalis kami, may lakad kasi kami. Kung pwede sana umalis ka na Thomas." Napatitig siya sa akin pagkatapos ay ibinalik niya ang kanyang paningin sa anak ko. Gusto ko tuloy umiyak dahil baka nararamdaman na niya na anak niya si Chloe, iyong tinatawag nilang lukso ng dugo. "Kamukhang-kamukha mo ang anak mo. Magandang bata, mukhang maganda rin ang lahing pinanggalingan ng kanyang ama. Kaya lang tanga siya kung sino man ang tatay ng anak mo dahil iniwanan kayo. Anyway, dumaan lang ako dito para mag-offer sayo ng trabaho. Baka lang naman gusto mo, lalo pa at mukhang mas kailangan mo ngayon ng trabaho para mabuhay ang iyong anak," ani niya kaya kumunot ang noo ko. "Agi ayan na ang opportunity na hinihintay mo. Tanggapin mo na agad para may pambili ka ng gatas at diaper ng baby mo." sabi ng kaibigan ko. Lumunok ako, pakiramdam ko kasi ay may malaking bikig sa aking lalamunan. "A-anong trabaho naman ang iaalok mo sa akin?" tanong ko at medyo nawala ang takot ko ng hindi na siya nag-ungkat pa tungkol sa anak ko. "PA. Personal assistant, personal alalay. Twenty-five thousand pesos per month, pero dapat kung nasaan ako ay nanduon ka din. Okay ba sa'yo 'yan? Pero kung naliliitan ka, gagawin kong thirty-five thousand pesos para mabili mo ang pangangailangan ng anak mo." Napa-awang ang labi ko. Thirty-five thousand pesos? Totoo ba ang naririnig ko? "Thirty-five thousand pesos para lang maging PA mo? Pero bakit ako? Ang dami namang pwedeng maging PA mo, bakit ako pa ang sinadya mo dito?" tanong ko. "Wala namang masama sa alok ko, hindi ba? Pero sige, kung ayaw mo ay maghahanap ako ng..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at sumagot agad ako. Kailangan ko ng pera para mabuhay ang anak ko. Hindi naman niya malalaman na si Chloe ay anak niya. Walang nakaka-alam ng buong pangyayari kung hindi ako lang. "Tinatanggap ko. Kailan ako magsisimula?" sagot ko kaya isang ngisi ang gumuhit sa labi niya at medyo kinabahan ako sa ngising 'yon. "Magpapadala ako ng abogado rito mamaya upang papirmahin ka sa kontrata. May mga rules ako na dapat mong sundin kaya hintayin mo na lang siya mamaya. Aalis na ako dahil may trabaho pa ako, and by the way. Ano nga pala ang pangalan ng anak mo?" Napatingin ako sa mga kaibigan ko, pero sinagot ko naman ang tanong niya. "Chloe." Muli niyang nilingon ang playpen at ginulo-gulo niya ang buhok ng aking anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook