┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakarating sila sa Safehouse nila sa Cavite ng madaling araw na. Agad nilang ipinasok sa bodega ang tatlong bihag nila. Sila Marcus naman ay nagtungo ng kani-kanilang silid upang magpahinga. Magsisisigaw man ang tatlo nilang bihag ay wala namang makakarinig sa kanila dahil ang safehouse nila ay nasa pinakagitna ng isang malaking lupain at napapalibutan ng mataas na bakod. Walang kapitbahay na mabubulabog kaya kampante lang sila na tanggalin ang busal sa bibig ng tatlo. Si Thomas ay hindi dinadalaw ng antok. Nasa labas lamang siya at umiinom kasama si Chad. Hindi niya maiwanan ng tingin ang bodega kung saan nakakulong ang tatlo. Gusto na niyang pahirapan ang mga ito, pero hinahayaan muna niyang namnamin ng mga ito ang ilang oras na natitira sa kanila. "Gusto ko na silang p