Chapter 3 -You signed it, and now, you are mine.-

2056 Words
Thomas's POV Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino ang babaeng nakasiping ko ng gabing 'yon halos dalawang taon na ang nakakaraan. Kung sino man siya ay nag-iwan ito ng alaala na isang kwintas na may heart shape na locket. Nakita ko na ang laman nito, isang babae at lalake na may hawak na isang baby, hindi ko na maaninaw ang mukha nila kasi malabo na ang larawan dahil luma na. Sa tingin ko ay 'yung bata ang nakasiping ko ng gabing 'yon, kaya lang ay hindi na kita ang mukha nito, mukhang nabasa na rin ang loob ng locket kaya talagang malabo ang larawan. Pero sa likuran ng locket ay may nakaukit na AZDA. Pangalan siguro ito ng babaeng nagmamay-ari ng kwintas na ito. Napatingin ako sa aking orasang pambisig, mag-aalas otso na ng umaga at kailangan ko ng pumunta ng opisina. Siguro naman sa mga oras na ito ay nanduon na si Agatha at nagsisimula ng magtrabaho. Sisiguraduhin ko na simula mamaya, kung nasaan ako ay nanduon din siya katulad 'yon ng sinabi ko sa kanya bilang PA ko. Tignan ko lang kung hindi ka bumagsak sa kama ko. Wala na namang mawawala sa kanya dahil may anak na siya at wala na siyang iniingatang dangal, naibigay na niya sa lalaking nanloko lang sa kanya. Sayang, akala ko pa naman ay ako ang makaka-una sa kanya, pero nalawayan na pala siya ng iba, kaya pala ang ilap niya nuon sa akin ay dahil may kasintahan pala ito, 'yun nga lang ay niloko lang siya nito at inanakan. Sayang, nagkainteres pa naman ako sa kanya dati, pero dati 'yon. Hinanap ko pa nga siya kung saan-saan, kaya naman pala nawala ay nagpapakasarap sa kandungan ng lalaking 'yon. Inayos ko ang aking kurbata, pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Ngumisi ako at saka ko hinagod ng mga daliri ang buhok ko ng pasuklay at saka ako lumabas ng silid ko. Malungkot ang mag-isa sa buhay, pero wala akong balak mag-seryoso sa kahit na sinong babae, and I can manage my life without a girlfriend, let alone a wife. Marriage has never been part of my plan. If I decide to have children, I can simply find a surrogate mother to give me the kids I want. That way, I can have an heir to inherit all my wealth without the complications of a traditional relationship. This approach allows me to maintain control over my life and future while ensuring my legacy. "Akala ko ay hindi ka pa lalabas ng iyong silid. Kanina pa ako dito, ang sabi mo seven tayo aalis, pero alas otso na nandito pa rin tayo," wika ni Diego kaya natawa ako. Sinigurado ko lang na gwapo ako, alam mo na kung bakit," sagot ko. Natawa siya at tinapik ako sa aking balikat. "Mukhang ayaw mong tigilan si Agatha, gusto mo talagang maka-isa sa babaeng 'yon. Mag-iingat ka bro, baka panay ang laro mo, tapos si Agatha pala ang katapat mo," wika niya na ikinatawa ko ng malakas. Napapailing na lang siya at sabay na kaming lumabas ng aking mansyon. Pagkarating namin ng aking opisina ay ibinigay ko agad kay Diego ang lahat ng dokumento na kailangan niya at nagpaalam din naman agad ito upang sa opisina na niya ito aasikasuhin. Napatingin ako kay Agatha na busy sa kapupunas ng kahit na yata anong makita niya. Tinitigan ko ang buong katawan niya, para siyang hindi nagkaroon ng anak, ang kurba ay nakakatakam, parang kay sarap hagurin ng dila ang bawat sulok ng kanyang katawan. "Agatha," tawag ko sa kanya kaya bigla siyang napalingon sa akin. Bahagyang kumibot ang gilid ng labi ko ng muli kong masilayan ang malulusog niyang dibdib. I must admit, her body is incredibly captivating, and that only heightens my desire to have her in my bed. Something mesmerizing about her draws me in, mas lalo tuloy akong nasasabik na matikman ang katawan niya. Her physical presence ignites a curiosity and longing within me that I can't ignore. Damn! Magiging akin ka din, uungol ka din sa kama ko hanggang sa mag-sawa ako sa'yo. "Sir? Okay ka lang ba?" Tanong niya kaya para akong natauhan. I smirked at naupo ako sa swivel chair ko. "Starting today, kung nasaan ako, dapat nanduon ka din. Isa 'yan sa nakasulat sa pinirmahan mong kontrata. Siguro naman, sa loob ng dalawang linggo na nagtatrabaho ka sa akin ay nakakuha ka na ng yaya para sa iyong anak." Hindi siya kumibo kaya tinignan ko siya. "Saan po ako matutulog?" Tanong niya kaya natawa ako. "May silid sa tabi ng aking master bedroom, you can occupy that room para mas mabilis kang makalapit sa akin kapag kailangan kita." Bigla siyang napatitig sa akin kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Kaylan ho ako pwedeng umuwi sa amin? May anak ako na dapat kong asikasuhin," tanong niya kaya napabuntong hininga ako at tinitigan ko ang kanyang mukha. Monday, Wednesday and Friday, pwede kang matulog sa inyo, pero the rest ng araw na hindi ko binanggit ay akin ka. I mean, sa bahay ko ikaw matutulog." Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aatubili, pero may pinirmahan siyang kontrata at hindi niya 'yon pwedeng hindi gawin. "Sige ho, uuwi ako mamaya para kumuha ng ilang gamit ko." "Umuwi ka na ngayon, magpaalam ka sa kanila at bumalik ka agad dahil may ipapagawa pa ako sa'yo dito. Martes naman ngayon, so pwede kang matulog sa inyo bukas." Bahagya siyang tumungo ng kanyang ulo at saka ako tinalikuran. "Agatha." Muli siyang lumingon kaya ngumisi ako. "Have you had the opportunity to thoroughly review the contract you signed yet?" Nakita ko ang paglunok niya ng laway kaya napangisi ako. "Number 6. Fulfill all my needs, even my deepest cravings. Cravings, ibig sabihin nito ay pagkain, hindi ba?" Sagot niya. Ngumisi ako, at hinagod ko ng tingin ang buong katawan niya. "You tricked me." Sabi niya at bakas sa mukha niya ang galit ng makuha niya ang ibig kong ipahiwatig, kaya natawa ako ng pagak at tumayo ako. Dahan-dahan akong lumalapit sa kanya habang siya naman ay paatras na naglalakad. Naramdaman niya ang malamig na dingding sa kanyang likuran habang ako naman ay halos idikit ko na ang mukha ko sa kanyang mukha. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga, amoy na amoy ko rin ang pangamba na bumabalot sa kanyang pagkatao. "Are you afraid of me? Don't worry, willing naman akong maghintay hanggang sa ikaw mismo ang magbibigay sa akin ng kailangan ko, pero kapag nainip ako, kukuhanin ko agad. You signed it, and now, you are mine." wika ko at inamoy ko ang kanyang leeg. Naramdaman ko ang paninikip ng pantalon ko. Naramdaman ko ang pagnanasa ko sa kanya, pero hindi ko siya pupwersahin, totoo naman ang sinabi ko sa kanya. Maghihintay ako, at sa mga gagawin ko sa kanya ay sigurado ako na siya mismo ang hihiga sa kama ko upang ibigay sa akin ang gusto ko. "Sige na, bumalik ka agad at marami pa tayong gagawin dito," wika ko sabay layo ko sa kanya. Mabilis naman siyang humakbang palayo sa akin pero agad kong hinawakan ang kanyang palapulsuhan. "Babalik ka kung ayaw mong magalit ako," bulong ko sa kanya. Tumango siya ng bahagya at piniksi niya ang aking kamay saka siya nagmamadaling umalis. Napangisi ako, mukhang palaban ang isang 'yon. Gusto ko 'yon, mas exciting kung palaban ang babae. Napabuntong hininga ako ng malalim. Hindi ako mabuting tao, hindi rin ako pasensyoso at mabilis akong mapikon sa mga taong maaarte. Mag-isa lang ako sa buhay, sanay akong mag-isa at kung may nais man akong makasama sa buhay ko, iyon ay ang nawawala kong kapatid. Bumalik ako sa swivel chair ko. Nagsimula akong magtrabaho dahil lagi akong natatambakan. Mag-isa lang ako, wala na ang mga lolo at lola ko, may mga pinsan man ako, pero may sari-sarili silang inaasikasong mga negosyo ng pamilya nila. Pero may ilan akong mga pinsan na tumutulong sa akin. Mula ng mamatay ang mga magulang ko ay ako na lamang mag-sa ang gumagawa ng lahat. Kaya ko nga pilit na hinahanap ang kapatid ko ay para maibigay ko na sa kanya ang para sa kanya at maprotektahan ko siya sa mga taong pwedeng manakit sa kanya. Lumipas pa ang mga oras, mag-aalas dose na ay hindi pa bumabalik si Agatha. Kinuha ko ang phone ko upang tawagan siya, pero biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko kaya simple kong itinago ang phone ko ng makita ko si Agatha. "May dala akong pananghalian, kumakain ka ba ng rice and chicken asado?" Tanong niya ng ibinaba niya sa table ang isang plastic bag na may lamang tupperware. Hindi ako kumibo, hinarap ko lang ang computer ko at nagsimula na akong magtrabaho. Hindi na rin siya kumibo pa, inutusan ko na lang siya na igawa ako ng kape, at pagkatapos ay inutusan ko rin siya na dalhin ang mga dokumento sa aking sekretarya upang dalhin ito sa HR department. Naaamoy ko ang dala niyang pagkain, hindi pa ako kumakain ng agahan at tanghalian kaya mas lalo akong nakakaramdam ng gutom dahil amoy na amoy ko ang dala niyang pagkain at parang kay sarap nito. Nang makabalik siya ng opisina ko ay naupo lang siya sa sofa, napatingin tuloy ako sa pagkain, para ba sa akin ang pagkaing 'yon? Mabait naman si Agatha, balita ko ay inalok ang lolo at lola niya ng malaking halaga ni Melanie, pero tumanggi ang mga ito. Kaya ang isinasakang lupain nila na inuupahan lang nila ay binili ni Marcus at iyon ang ibinigay sa kanila. "Bakit hindi mo tinanggap ang trabaho na inaalok sa'yo ni Melanie?" "Wala kasi akong alam pagdating sa kumpanya. Hindi naman ako nakatapos ng pag-aaral at hanggang high school lang ako at hindi man lang ako naka-graduate. Gusto kong maging janitress na lang sa kumpanya nila, pero ayaw niya at pag-isipan ko daw ang trabahong inaalok niya sa akin. Hindi ako magaling sa english, basic lang ho ang alam ko at lalong hindi ako magaling sa math. Binibigyan kami ng pera ni Melanie, pero hindi ko tinatanggap dahil kaya kong mabuhay na hindi ako aasa sa pera ng iba, lalo na sa mga kabigan ko. Sapat na 'yung binigyan nila ng masasaka ang lolo at lola ko. Iyon nga lang ay sobra-sobra na, at nagpapasalamat naman ako na hindi na ako kinukulit pa ni Melanie. Saka lagi na siyang nasa Milan at nanduon ang kumpanya na hawak niya at wala dito sa Pilipinas. Madali naman akong matuto, pero hindi sa mga bagay na alam kong hindi ko kaya." Mahaba niyang sagot kaya natawa ako ng pagak. Mukhang napagtanto din niya na masyado siyang maraming nasabi kaya agad na humingi ito ng sorry. "Hala, sorry, ho sir. Naging komportable ako ng ilang saglit, pasensya na ho." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumingin lang ako sa table. "Nagdala ka ng pagkain, bakit ayaw mong kainin?" Tanong ko. Mukhang masarap pa naman at ang amoy nito ay mas lalong nagpapagutom sa akin. "Kumain na ho ako, dinala ko lang 'yan para sana sa'yo. Sa tuwing nagtratrabaho ho kasi kayo ay hindi mo napapansin na lagpas tanghalian na, tapos hindi ka ho kakain. Masama ho sa katawan 'yon, pero kung ayaw ho ninyo ng pagkain ay ilalagay ko na lang ho sa refrigerator para maiuwi ko 'yan mamaya." "It's okay, nagugutom na din naman ako. How does it taste? Did you prepare and cook that dish yourself?" Wika ko. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Agad siyang tumayo at nagtungo sa table at inilabas ang tupperware sa bag. "Oho sir. Kaya ho ako natagalan ay dahil nagluto pa ho ako. Sana ho magustuhan ninyo ito, natutuhan ko itong recipe sa aking lola." Hindi ako sumagot pero tumango ako. Tumayo ako at lumapit ako sa table. Umalis naman siya upang magtungo sa mini kitchen sa loob ng opisina ko at kumuha siya ng isang plato, kubyertos at isang baso. Naupo ako sa silya, at ng binuksan niya ang tupperware ay humalimuyak ang mabangong amoy nito sa buong silid ng opisina ko. Mukha ngang masarap magluto ang isang ito. May talent naman pala, akala ko ang alam lang niya ay magpaloko sa nobyo niya. "Nice, amoy pa lang nakakatakam na. Ang sarap kainin hanggang sa magsawa ako sa pagkain nito." Wika ko, pero hindi ako sa pagkain nakatingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD