Chapter 4 -Agatha-

2922 Words
Agatha's POV Ang aga kong nagising. Linggo ngayon at ang sabi ni Thomas ay ito ang araw ng day off ko para naman makasama ko ang aking anak. Buti nga at nagkaroon ako ng day off, akala ko talaga ay wala. Pero mabait naman ang impaktong 'yon at binigay sa akin ang araw ng linggo. Lumabas ako ng aking silid. Tulog pa ang anak ko kaya iniwanan ko na lang muna ito kay Aliya. Kailangan ko pa kasing magluto ng agahan para sa aming lahat. May lakad pa kami ng mga kaibigan ko mamaya, kailangan kong bumili ng ilang gamit ng aking anak. Paubos na ang diapers at gatas, kailangan ko din mamili ng pagkain dahil ang mga pinamili ni Daisy ay paubos na. Share kaming tatlo nila Emalyn at Daisy pagdating sa gastusin sa mga pagkain at sa pagbabayad ng mga bills. Maging sa upa ng apartment na tinutuluyan namin, lahat ng 'yan ay share kaming tatlo. Ngayon naman ay ako ang nakatoka upang mamili ng mga de-lata, bigas at ilan pang gamit at pagkain namin para sa buong linggo na ito. Ganyan kami dito, nagtutulungan sa lahat ng bagay. "Piniritong itlog lang ang niluto ko at saka fried rice dahil may natirang kanin kagabi. Alas otso na ng gabi ng makauwi ako. Nagulat pa nga ako ng inihatid ako ng boss ko dito sa apartment complex. May dadaanan daw kasi siya na hindi naman kalayuan dito kaya isinabay na ako. At least nakatipid ako sa pamasahe, seventy pesos din 'yon. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Thomas. Gusto ko siyang iwasan, pero kailangan ko ang pera na sasahurin ko mula sa kanya. Iiwas na lang siguro ako sa kanya kapag nakikita ko na nagbibigay siya ng motibo. Minsan na akong nagkamali dahil lasing ako. Pero hangga't matino ang isip ko at wala akong impluwensya ng alak, hindi na mauulit pa ang nangyari sa aming dalawa. "Wow, ang aga mo namang nagising?" Napalingon ako ng marinig ko si Daisy na gising na at nag-iinat-inat pa ng katawan. Natawa ako dahil magkaiba ang suot niyang tsinelas. Hindi na siguro niya ito napansin pa. "Maghain ka na, malapit na akong makaluto ng agahan natin. Mag-go-grocery pa tayo after natin kumain ng agahan. Usapan na 'yon, hindi ba?" Hindi naman siya sumagot at nagtungo lang siya sa tauban ng mga plato at kumuha ng apat na pinggan. Inilapag niya ang mga ito sa lamesa at saka ito naupo. "Kamusta naman ang trabaho mo sa gwapong 'yon? Ang gwapo niya, makalaglag panty. Kapag ganyan ang manliligaw ko, hindi na ako magpapakipot pa, sagot agad." Natawa naman ako sa sinabi ng kaibigan ko. Tinapos ko na ang pagluluto at inihain sa lamaesa ang mga pagkain na naluto ko na. Pagkatapos ay gumawa naman ako ng apat na kape. "Manliligaw? Baliw ka talaga! Boss ko 'yon at hindi ko manliligaw. Saka, hindi naman siya ganuon ka-gwapo, slight lang." Siya naman ngayon ang natawa sa sinagot ko. Siguro nga may hitsura si Thomas. I mean... Okay, fine! Siguro nga ay gwapo siya, pero isa pa rin siyang member ng mafia. Ayoko ng uri ng buhay nila, para sa akin lahat sila masasamang tao. Pero syempre, hindi ko naman 'yon sasabihin sa mga kaibigan ko. Baka mamaya idamay pa nila ang mga inosente kong kaibigan. Keep ko na lang sa sarili ko kung anong klase siyang tao. Mas okay 'yon, kaysa mandamay pa ako ng ibang tao. "Gisingin mo na nga sila para makakain na tayo. May lakad pa tayo, mas mabuti kung makakauwi tayo ng maaga." Sabi ko. Tumayo naman si Daisy at nagsimula itong maglakad paakyat sa ikalawang palapag. Ako naman ay naglagay ng mga kubyertos at tubig sa ibabaw ng lamesa. Hindi nagtagal ay sabay-sabay na silang bumababa ng hagdanan. Napangiti pa ako ng makita ko ang maganda kong anak na dilat na dilat ang mga mata. Bilog na bilog ang mga mata niya, katulad ng mga mata ko. Nagpapasalamat talaga ako dahil ako ang kamukha niya at hindi ang kanyang ama. Sigurado ako na mawawala sa akin ang anak ko sa oras na malaman ni Thomas na anak niya ito. Hindi ko 'yon hahayaang mangyari. Hindi na rin ako sumasama sa mga party na dinadaluhan ni Melanie kapag nandito siya sa Pilipinas. Umiiwas na kasi ako kay Thomas, pero hindi ko akalain na sa kanya ako ngayon magtatrabaho. Kung minsan tuloy, iniisip ko na baka pinaglalaruan ako ng tadhana. Parang ganuon kasi ang nangyayari ngayon. "Bff, pwede ba na mamayang hapon na lang tayo mag grocery? May lakad kasi ako. May interview ako mamaya at sana ay matanggap ako." Sabi ni Emalyn kaya napabuntong-hininga ako at tumango sa kanya. "Pwede naman. Tamang-tama, pwede pa akong magpahinga. Antok na antok pa naman ako dahil ilang araw akong puyat sa trabaho ko. Anong oras tayo aalis mamaya?" "Siguro mga four o'clock, basta pag-uwi ko ay aalis na agad tayo. May bibilhin din kasi ako, saka ngayon lang naman tayo nagkakasama-sama ng ganito. Lubusin na natin, kumain na rin tayo ng dinner mamaya at uwian na lang natin si Aliya." Sagot ni Emalyn kaya pumayag kami ni Daisy. Pagkatapos naming kumain ay naglinis na ako ng kabahayan. Katulong ko si Daisy habang si Emalyn naman ay umalis muna dahil may bibilhin daw ito na kailangan niya para sa interview niya mamaya. Mabilis lang kaming nakalinis, maliit lang naman kasi itong apartment na tinutuluyan namin. Naupo ako sa sofa dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong inaantok at napagod. "Duon ka muna sa silid mo magpahinga. Kami na muna ang bahala kay Chloe. Mukhang kulang ka nga sa tulog." Sabi ni Daisy. Nagpasalamat naman ako sa kanya at nagtungo ako sa silid ko. Pagkahiga ko sa kama ay tumunog ang phone ko. Hindi ko ito pinansin at hindi ko tinignan ang caller. Ipinikit ko lang ang mga mata ko at hinayaan kong tumunog ng tumunog ang phone ko. Imposible naman na si Emalyn ang tumatawag sa akin samantalang dito lang 'yon sa malapit nagpunta. Nakapikit lang ang mga mata ko, gusto ko lang talagang matulog, pero ayaw tumigil ng phone ko kaya inis ko itong dinampot at tinignan ko kung sino ang caller. Gulat na gulat ako ng mabasa ko ang pangalan ni Thomas. Bakit siya tumatawag sa akin? Alam naman niya na off ako ngayon. May kailangan ba siya? Nakakainis naman ang lalaking ito, perwisyo sa pamamahinga ko. Sinagot ko agad ang phone bago pa 'yon sumipot dito. Mahirap na, ayokong lagi silang nagkikita ng aking anak. "Hello," sagot ko. Hindi ko alam kung sisigawan ba ako nito dahil kanina ko pa hindi sinasagot ang tawag niya. "Why haven't you answered your phone? I have tried calling you several times, but you never picked up. It's been really frustrating not being able to reach you." ani niya sa salitang English kaya sumibangot ako. Heto na naman itong amo ko, alam kasi niya na hindi ako sanay masyado sa salita niya kaya lagi akong ine-english. Bwisit talaga ang impaktong 'to. "Don't english me. I'm not yet ready." Sagot ko. 'Hala! Tama ba ang english ko? Bakit parang iba yata ang tunog?' Bulong ng isipan ko at natawa pa ako ng mahina. "What? Ready for what?" Sagot niya na parang naguguluhan. Baka nga mali ang english ko. Nakakahiya. Sabi ko pa naman sa kanya basic English lang ang alam ko, pero simpleng english hindi ko yata naitama. "Wala ho sir. Sabi ko ano ho ang kailangan ninyo sa akin? Pasensya na ho hindi ko naman naririnig ang phone ko na tumutunog." "May lakad ako mamaya, I need your company, so please make sure you're available later." Nagulat ako. Magsasalita pa sana ako pero pinatayan na ako ng impaktong 'yon ng telepono. Alam naman niya na off ko ngayon, pero bakit kailangan ko siyang samahan? Inis na inis tuloy ako ng ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko na tuloy namalayan na nakatulog ako ng mahabang oras. Pagyugyog sa aking balikat ang gumising sa akin. Bigla tuloy akong napatingin sa aking orasang pambisig at mag-aalas singko na pala ng hapon. Kailangan ko pang bumili ng gamit at gatas ng anak ko. "Bakit hindi ninyo ako ginising, tignan ninyo, anong oras na?" Nakakunot ang noo ko. Nagmamadali akong tumayo at nagtungo ako sa banyo upang maghilamos at magmumog ng mouthwash. Pagkatapos ay nagmamadali akong naligo, mabilisang ligo lang at hindi ko na nga tinuyo pa ang buhok ko. "Tara na." Nagulat naman sila sa akin. Ang bilis ko kasi, kailangan na kasi ng gatas ng anak ko dahil isang timpla na lang yata ang natitira. "Mama..." Napatingin ako sa anak ko kaya nilapitan ko ito at niyakap. "Aalis muna si mama, bibili ako ng gatas mo at ng diaper. Dito ka muna kay Ate Aliya mo." Bumaba kami sa unang palapag. Pinupog ko pa ng halik ang anak ko, at pagkatapos ay ibinalik ko siya kay Aliya. "Sige na ate, ako na ang bahala kay Chloe. Mamaya naman ay nandito na si nanay para tulungan ako dito. Ako na rin ang magsasaing." "Naku huwag na! Mag-uuwi na lang kami ng hapunan para hindi na tayo magluto. Babalik din agad kami, ikaw muna ang bahala sa baby ko." Wika ko. Muli kong kinuha si Chloe at niyakap ko ito ng mahigpit. Kailangan na kasi naming umalis bago pa kami gabihin. Dumiretso na kami sa isang mall. Supermarket agad ang pinuntahan naming tatlo upang bilhin ang mga pangangailangan namin sa bahay. Binili ko na rin pati ang mga gamit na kailangan ng anak ko. Buti na lang ibinigay sa akin ni Boss Thomas ang kalahati ng sweldo ko. "Gusto ba ninyo magluto ako ng pansit bukas? Tapos dalhan ka namin sa pinagtatrabahuhan mo?" ani ni Daisy. Umiling naman agad ako. Hindi kasi pwede dahil madalas ay umaalis kami ng boss ko. Ipinaliwanag ko sa kanila na sobrang busy ng boss ko. Iba't-ibang building kasi ang pinupuntahan namin, at ang pagkakarinig ko sa usap-usapan ay pag-aari din daw 'yon ng boss ko. Ganuon siya kayaman. "Sige, kapag may time ka, mag message ka lang sa amin, tapos dadalhan ka namin ng pansit bukas. O kaya naman, magluluto kami ng maaga bukas para makapag-baon ka," sabat ni Emalyn kaya umo-o na lang ako. Mas okay 'yon kaysa naman pupuntahan pa nila ako, tapos hindi naman nila ako maaabutan. Pagkatapos naming mag-grocery ay dumaan na lang kami sa isang fast food chain. Madilim na rin kasi at siguradong gutom na ang anak ko at si Aliya. May gatas pa naman ang anak ko kaya kung maghahanap ito ng milk, makakapagtimpla pa si Aliya. Habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada upang magtungo sa sakayan ng tricycle ay isang magarang kotse ang huminto sa tapat namin. Nagulat ako, hindi ako makapaniwala na nandito si Thomas. Ito ang isa sa kanyang sasakyan na dinadala niya kapag may meeting siya. Baka may ka-meeting siya ngayong gabi kaya niya ako kailangan. "Get in." Sabi niya kaya napatingin ako sa mga kaibigan ko. "Sir, pauwi pa lang ho kami, hindi pa ako kuma..." "I said, get in! May meeting ako na kailangan kong puntahan. Hurry up!" Sigaw niya kaya nataranta naman ako. Buti na lang maayos na damit ang napili ko. Bumulong ako sa mga kaibigan ko at naintindihan naman nila ang sitwasyon ko. Linggong-linggo may meeting? Hindi ba marunong magpahinga ang lalaking ito? Mayaman na nga, mas lalo pang nagpapayaman. Nakakaloka! Mabilis naman akong pumasok sa loob ng sasakyan. Sanay na akong maupo sa unahan, ayaw kasi niya na nagmumukha siyang driver ng sarili daw niyang sasakyan kung sa likuran ako mauupo. "Damn it, Agatha! I went to your apartment, and you weren't there. I specifically told you to be ready when I needed you, and yet you weren't. You just went somewhere without even informing me. You're my personal assistant and you're supposed to be by my side, especially when I have an important meeting. This is urgent! I can't believe you would be so careless and irresponsible. I rely on you to keep things running smoothly, and now everything is a mess. This is unacceptable. God damn it, Agatha! I think I'm late to my meeting!" Sigaw niya kaya nagulat ako at napakislot ako sa kinauupuan ko. Naiintindihan ko naman ang sinabi niya, pero hindi ko naman ito masagot ng english. Saka bakit ako ang sinisisi niya eh mayroon naman siyang sekretarya na pwede niyang isama kapag hindi ako available. Nakakaloka naman ang lalaking ito! Saka ano ba ang papel ko duon? Wala naman akong papel duon kung hindi ang maging taga-hawak ng kanyang mga folders at laptop bag. Hindi na lang ako kumibo pa, naiiyak ako. Kasi sigaw siya ng sigaw sa akin samantalang dapat ay day off ko ngayon. Kasalanan ko ba kung late siya sa meeting niya? Pwede naman siyang pumuntang mag-isa duon, wala naman akong mahalagang papel na gagampanan sa meeting niya. Pero heto at sa akin niya ibinubunton ang lahat ng init ng kanyang ulo. Naiinis tuloy ako na naiiyak. Huminto kami sa isang bar kaya nagulat ako. Napatingin ako sa kanya, pero mabilis lang siyang umibis ng sasakyan at naglakad papasok ng entrance ng bar, pero napahinto siya. Nilingon ako at magkasalubong ang kilay niya kaya nagmamadali akong lumabas ng sasakyan. "Don't tell me na hinihintay mong pagbuksan kita ng pintuan?" Bakit ba sigaw ng sigaw ang lalaking ito? Ano ba ang kasalanan ko sa kanya? Naglakad na lang ako at sumunod sa kanya. Nasa likuran lang niya ako, ilang hakbang lang ang pagitan namin. Ayoko kasing dumikit sa kanya at baka sigawan na naman ako. "Hello, Miss. Beautiful. May I know your name?" Napahinto ako sa aking paglalakad ng humarang sa harapan ko ang isang lalaki. Matangkad siya, may hitsura at mukhang may sinabi din sa buhay. Pero mukhang bastos. "Sorry ho, hindi ko ibinibigay ang pangalan ko sa hindi ko kilala." Kinantiyawan siya ng kasamahan niya habang ako ay tinitignan ko kung saan na napunta si Thomas. Mukhang iniwanan na lang ako dito ng sira ulong 'yon. "Ang suplada mo naman. Ganyan ang gusto ko sa mga babae, pakipot." Sabi nito. Natawa ako ng pagak at nagsimula akong maglakad at tinabig ko siya. Pero bigla niya akong hinablot sa braso ko. Madiin ang pagkakahawak niya kaya bahagya akong napangiwi. "Huwag mo akong galitin, masama akong magalit." Naaamoy ko ang alcohol sa hininga niya. Nakikita ko sa mga mata niya na galit ito dahil napapahiya siya sa kanyang mga kaibigan. Pero wala naman akong pakialam sa kanya, hindi ko na kasalanan kung mapahiya siya sa mga kaibigan niya. "Bitawan mo nga ako. Nasasaktan ako!" Malakas kong sigaw kaya ang ibang malapit lang sa amin ay napahinto sa ginagawa nila at napatingin sa amin. "Paano kung ayoko? Halika dito, babaeng pakipot." Sabi niya, sabay hapit sa baywang ko. Sasampalin ko sana ito ng biglang may humablot sa braso niya. Nabitawan niya ako ng palipitin ni Thomas ang kanyang braso. "Sino ang nagbigay ng permiso sa'yo para bastusin ang babaeng kasama ko?" "T-Thomas Johnson? B-boss, pasensya na ho, nakainom lang ho ako." Bigla siyang itinulak ni Thomas. Sumenyas ang kamay ng boss ko. Napatingin ako sa paligid ng makita ko ang mga kalalakihang naka itim na naka-suit ang lumapit sa amin at kinaladkad ang mga lalaki palabas. Hinawakan naman ako ni Thomas sa aking palapulsuhan at halos hilahin ako patungo sa kanyang table. "Susunod ka lang sa akin, hindi mo pa magawa!" Inis niyang sabi kaya napayuko lang ako. Pagkatapos ay bigla niyang hinawakan ang baba ko, inangat niya ang mukha ko at pinunasan niya ang tumulong luha ko. Hala, bakit kumakabog ng mabilis ang puso ko? "Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" Hindi ako makasagot, pero hawak ko ang braso ko. Napatingin siya sa braso ko at hinawakan niya ito. "I will kill him." Sabi niya at biglang tumayo. Natakot naman ako kaya bigla kong nahawakan ang kamay niya upang pigilan siya. Ewan ko, pero parang may milyong-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong sistema ng magdikit ang aming mga palad. "Please sir. Okay lang ho ako. Tama na ho, ayoko ng gulo. Pasensya na rin ho kayo kung nakadagdag pa ako sa problema ninyo." Napatitig siya sa akin. Titig na titig at naupo ito sa tabi ko. Hinawakan niya ang braso ko at hinimas niya ito. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hinagod ng daliri niya ang pisngi ko habang titig na titig siya sa mukha ko. Kumakabog ng mabilis ang puso ko, at ayoko ng nararamdaman ko kaya bigla na lang akong yumuko upang maiwasan ang kanyang mga tingin. "Mister Johnson. Sorry if I'm late." Sabi ng isang boses kaya napatingin ako. Isang lalake na sa tingin ko ay nasa edad forty-five. Nakatitig ito sa akin, pagkatapos ay bahagyang ngumiti at humarap muli kay Thomas. "Is she your wife?" Nagulat ako sa tanong niya. Pero nakaramdam ako ng kasabikan kung ano ang isasagot ni Thomas. Hindi ko alam kung bakit, pero iyon talaga ang nararamdaman ko. "Of course not. Do I seem like the type who would just pick up a random woman and marry her? I have high standards when it comes to women. And besides, wala sa plano ko ang kasal. Additionally, their sole purpose in my life is to provide warmth and comfort to my bed. Their usefulness doesn't go beyond that." Aray ko. Para naman akong sinampal ng lalaking ito dahil sa isinagot niya. Narinig ko pa ang mahina nilang pagtawa kaya mas lalo lang akong napayuko ng ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD