Agatha's POV
Nakatingin ako sa malaking salamin, inayos ko ang buhok ko, ang ganda kong tignan sa suot ko, pero masyado naman yatang maigsi ang ipinadala nilang uniform sa akin, pati ang dibdib ko parang puputok sa suot ko. Pero aaminin ko, kurbang-kurba ang katawan ko, parang hindi ako nabuntis nuon sa hitsura ko ngayon.
"Agi, saan ka pupunta? Bakit ganyan ang bihis mo?" tanong ni Daisy Jean. Napalingon ako sa kanya at inayos ko pa ulit ang aking suot. "Hindi ba at sinabi ko sa inyo kagabi na ngayon ang unang araw ko bilang isang PA? Hinihintay ko lang ang anak ni Aling Nedie na si Aliya dahil mula ngayon ay siya na ang magiging yaya ni Chloe. Puro ka kasi phone kaya hindi mo naiintindihan ang pinag-uusapan natin," wika ko at umirap pa ako sa aking kaibigan. Natawa naman siya at kinuha si Chloe sa kuna at nilaro-laro ito.
"Sa tingin mo dapat akong bumalik sa pagtitinda ko ng gulay at prutas? Hahango ulit ako sa Batangas, sayang din kasi marami kaya akong customer sa palengke. May pang puhunan naman ulit ako, sa tingin ko ay mas mainam kung babalik na lang muna ako sa pagtitinda habang wala pang tumatanggap sa akin sa mga inaplayan ko. Alam mo naman, hindi ako tapos ng high school, wala naman kasi tayong pera kaya hindi tayo nakapagtapos." Napangiti naman ako kay Jean at tumango agad ako sa kanya. Katulad din niya ay matagal na kaming nag-a-apply kung saan-saan pero lagi na lang ag hinahanap ay at least daw nakatuntong ng kolehiyo. Iyon lang nga ay hanggang high school lang talaga ang narating namin, hindi pa kami naka-graduate. Pero kung bibigyan kami ng pagkakataon sa mga ina-aplayan namin ay madali naman kaming matuto. Mostly na inaaplayan namin ay janitress, iyon lang naman kasi ang pwede naming gawin. Si Melanie ay inalok kami ng trabaho, pero hindi namin kaya ang magtrabaho sa loob ng kumpanya dahil wala kaming alam tungkol sa pamamalakad ng bawat kumpanya. Ano ba alam namin? Kaya kahit nagtampo siya nuon, nauunawaan naman niya. Tinulungan naman niya ang mga pamilya namin, sapat na 'yon, ayaw naming umabuso.
"Ate Agatha nandito na po ako. Sabi ni nanay ay ako na ang magiging yaya ng anak mo, excited tuloy ako na maalagaan si Chloe." Napalingon kaming bigla sa pintuan at nakangiting Aliya ang bumungad sa amin. Bata pa ito, nineteen pa lang at huminto na rin sa pag-aaral dahil kapos din sa buhay ang kanyang mga magulang, makakatulong ang perang kikitain niya sa pag-aalaga ng anak ko, isa pa ay kilala ko sila, mababait sila at mahal nila ang anak ko kaya hindi ako mangangamba. "Nandito na pala ang magiging yaya ng baby ko, buti at dumating ka na, kailangan ko na kasing umalis," wika ko, at kinuha ko si Chloe sa aking kaibigan. Malapit naman si Chloe kay Aliya dahil lagi dito ang anak na dalaga ni Aling Nedie. Tuwang-tuwa kasi siya kay Chloe dahil napaka-gandang bata daw nito, syempre kamukha ko kasi. Nanghihinayang lang siya na hindi ko daw nakatuluyan ang ama ng bata kasi parang ang gwapo daw sa imahinasyon niya ang ama ng aking anak. Ang hindi nila alam na ang tatay ni Chloe ay ang lalaking amo ko ngayon. Pero syempre hindi ko ito ipapa-alam sa kanila dahil ayokong magkaroon ng pagkakataon si Thomas na malaman na anak niya si Chloe, na may anak kami at ako ang babaeng nakasiping niya ng gabing 'yon, na siya ang tunay na ama ni Chloe at wala naman talaga akong nobyo na nanloko sa akin. Ito ang sikreto ko na pinag-iingatan ko at sisiguraduhin ko na walang makakaalam na kahit na sino.
"Agi, may magarang sasakyan sa labas, sino ang bisita natin?" wika ni Emalyn na ikinagulat ko. Iniabot ko kay Aliya ang ang aking anak at nagtungo ako sa labas. Nagulat ako na sa driver seat ay lumabas ang isang lalaki, at si Thomas ito na nakatitig sa akin. Mabilis na kumakabog ang aking puso, hindi ko alam ang sasabihin ko, para akong nauubusan ng hangin na hindi ako makahinga. Bakit naman ganito ka-gwapo ang isang Thomas Johnson?
"Ano nangyayari sa'yo? Natulala ka na diyan?" sabay na sabi ng dalawa kong kaibigan. Seryoso naman ang mukha ni Thomas na hindi yata marunong ngumiti na nakatingin lang sa akin. Ewan, para talaga akong nahihipnotismo sa kanya sa tuwing makikita ko siya, kaya nga lagi akong umiiwas sa kanya dahil kilalang-kilala ang isang Thomas sa pagiging babaero nito at marami ng pinapaiyak na babae. Ayokong mapabilang sa mga babaeng ginagawa lamang niyang parausan niya. Mga babaeng umaasa na mamahalin din sila ni Thomas, pero sa huli ay ginagamit lamang sila nito para pampainit ng kama ng impaktong ito, gwapo nga pero may sungay naman.
Kahit nga ang aking kaibigan na si Melanie ay nagkukuwento sa akin ng mga bagay-bagay tungkol kay Thomas nuon kung paano daw nito paasahin ang babaeng ikinakama ng ilang linggo lang, at kapag nagsawa na ay papalitan niya agad ang mga ito. Ganuon si Thomas, masyadong heartless sa mga babae.
"Tatayo ka na lang ba diyan? Huwag kang masyadong magpa-espesyal sa akin, may pinuntahan lang ako malapit lang sa lugar na ito kaya napagpasyahan ko na daanan ka na lang para makita mo kung saan ka lagi pupunta sa umaga. Sumakay ka na, hindi kita pagbubuksan ng pintuan ng sasakyan. At huwag ka rin uupo sa likuran, hindi mo ako driver." Wika nito. Kung hindi lang ito nakaharap sa akin, tataasan ko talaga ito ng kilay. Kaya lang ay sayang naman kung hindi pa man ako nagsisimula ay patatalsikin na agad niya ako sa trabaho.
"Saglit lang Thomas," wika ko. "Sir. Sir Thomas ang itatawag mo sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sagot niya kaya napatingin ako sa mga kapitbahay namin na nag-uusyoso na. Mga tsismosang frog na walang alam gawin sa buhay kung hindi pansinin ang buhay ng ibang tao. Kung may pera lang talaga ako, matagal na kaming lumipat ng apartment, malayo sa mga mata ng mga dalahira sa lugar na ito.
"Pasensya na ho Sir Thomas."
Hindi na siya sumagot pa, kinuha ko na lang sa loob ng bahay ang bag ko at humalik ako sa aking anak. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas matapos kong magbilin sa kanila.
Mabilis din naman agad humarurot ang sasakyan ni Thomas at napahawak pa ako sa aking seatbelt. Nakakatakot naman pala magmaneho ang lalaking ito, napakabilis at parang nasa isang karerahan ng sasakyan. Kumakabog tuloy ng mabilis ang puso ko sa takot.
habang binabaybay namin ang daan patungo sa kanyang building ay tahimik lamang siya. Panay pa ang tunog ng kanyang phone na nakapatong sa dashboard ng kanyang sasakyan. Hindi niya ito sinasagot, para lamang itong bingi na hindi pinapansin ang mga tumatawag sa kanyang phone. Mabilis lang siyang nagmamaneho kaya mahigpit lang akong nakakapit sa seatbelt.
"Remember my rules, ayoko sa lahat na pakikialaman ang mga gamit sa loob ng bahay ko at sa loob ng opisina ko. Understood?" Wika niya ng binasag niya ang katahimikan na namamayani sa pagitan naming dalawa. "Yes, sir." Sagot ko lang. Napatingin siya sa mga hita ko dahil nakasuot ako ng maigsing skirt, pagkatapos ay tumingin siya sa mukha ko pababa sa dibdib ko. Bigla ko tuloy tinakpan ng braso ang dibdib ko kaya ngumisi lang ito at muling tumingin sa kalsada.
"Gusto ko ang suot mo, kapag nasa opisina ko, gusto ko ay ganyan lagi ang suot mo. Duon ka lang uupo sa sofa at kung ano ang kailangan ko, susundin mo. Siguro naman ay binasa mong mabuti ang kontratang pinirmahan mo, hindi ba?" wika niya. Bigla tuloy namilog ang mga mata ko. May nakaligtaan ba ako sa kontrata? Binasa ko naman ang lahat bago ako pumirma sa harapan ng kanyang abogado. Kinakabahan tuloy ako na baka may nakaligtaan akong basahin." Isang pagak na tawa ang nagpalingon sa akin at tinitigan ko ang mukha ni Thomas habang nagmamaneho. Bakit ba napaka-gwapo niya? Ang pangahan niyang mukha, ang makakapal niyang kilay at ang bilog na bilog niyang mga mata na kulay abuhin. Ang maninipis niyang labi na bagay na bagay sa matangos niyang ilong. Ang bagong ahit niyang balbas na nagbibigay astig sa kanyang kaanyuan. My gosh, hindi ako pwedeng ma-in love sa isang lalaking walang puso.
Isang taon lang naman ang kontrata ko sa kanya at kapag daw nagustuhan niya ang serbisyo ko ay papipirmahin niya ako ulit. Pero ngayon pa lang parang ayoko na, ayokong mahulog sa isang lalaking walang mahalaga sa kanya kung hindi sęx.
Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa mataas na building. Napatingin ako sa napakagandang building habang umuusad ang sasakyan at pumapasok sa isang basement parking lot.
Nang makahinto na ang sasakyan ay bumaba agad si Thomas at dumiretso sa isang elevator. Ako naman ay hindi ko malaman kung paano ko tatanggalin ang seatbelt ko. Pindot ako ng pindot pero ayaw namang matanggal. Paano ba kasi ito tanggalin? Napatingin sa sasakyan si Thomas ng hindi pa rin ako bumababa, kaya dalawang kamay ko ng tinatanggal ang seatbelt pero ayaw pa rin. Nakita ko ang pag hakbang ni Thomas papalapit sa sasakyan at salubong ang dalawang kilay nito. Nakakainis naman kasi ang seatbelt na ito.
Bumukas ang pintuan at kumunot muli ang noo niya ng makita niya na pilit kong hinihila ng dalawang kamay ang seatbelt ko. Napailing ito ng ulo at dumukwang sa harapan ko kaya ang puso ko ay para ng sasabog sa sobrang lakas ng pagtibok nito.
Huminto pa siya ng matapat ang mukha niya sa mukha ko at tumingin sa akin. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango, jusko po napakabango naman ng lalaking ito.
"Seatbelt lang, hindi mo pa matanggal." Napalunok ako ng laway ng humahalimuyak ang mabangong amoy ng kanyang hininga na tumatama sa aking mukha. Sana ay hindi niya marinig ang mabilis at malakas na pagtibok ng aking puso.
Isang pindutan ang pinindot niya malapit sa pindutan ng aircon at ng stereo, pagkatapos ay nakarinig ako ng click sa seatbelt ko. Napangisi ako sa kanya at nag-peace sign pa ako saka ko tinitigan ang pindutan na may naka-design na seatbelt.
"Siguro naman ay marunong kang bumasa, hindi ba?" ani niya. Nanulis lang ang nguso ko at pagharap niya sa akin ay biglang nagtama ang labi namin kaya bigla kong napaatras ang ulo ko. Maging siya ay nagulat, kita ko sa mga mata niya ang tanong. Akala yata niya ay sinadya ko siyang halikan, jusko po! Hindi ko naman gagawin 'yon.
Hindi naman siya nagsalita, umiiling lang ang kanyang ulo na lumabas na ng sasakyan. Ako naman ay nakatakip pa rin ng kamay ang bibig ko, ewan, ang lambot ng labi niya at sobrang bango. Palihim tuloy akong nagbuga ng hininga sa kamay ko na nakatakip sa bibig ko at inamoy ko ito. Syempre nakakahiya naman kung mabaho pala ang aking hininga.
"Bilisan mo diyan dahil marami pa akong trabaho na dapat kong asikasuhin, huwag kang babagal-bagal sa pagkilos mo." Wika niya. Nagmamadali lang akong sumunod sa kanya at tumayo sa likuran niya. Nang pinindot niya ang elevator ay bumukas agad ito, at pagpasok niya ay sumunod lang ako. Nagulat pa ako ng pagbukas muli ng elevator ay loob na ito ng kanyang opisina at naupo na lamang ito sa kanyang swivel chair. Ako naman ay nakatayo lang, hinihintay ko lang na mag-utos siya ng kahit na ano.
"Black coffee. Means, no sugar, no creamer." Utos niya. Grabe naman itong lalaking ito. Syempre alam ko 'yon noh! Ano ba ang akala niya sa akin, ganuon katanga? Kakaloka itong amo ko.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang mini kitchen kaya duon ako nagpunta. Hindi naman niya ako nilingon, wala naman siyang pakialam sa akin. Binuksan lang niya ang laptop niya at nagsimula lamang itong tumipa.
Buti na lang at marunong akong gumamit ng coffee maker dahil kay Melanie. Siya ang nagturo sa akin kung paano ito gamitin sa tuwing pupunta kami nuon sa condo niya, kaya lang ngayon ay halos hindi na siya umuuwi ng Pilipinas dahil may mga negosyo siyang hawak sa America, pero madalas pa rin naman kaming mag-usap kapag may oras siya or free time. Hindi niya kami nakakalimutan lalong-lalo na ako. Kaya kapag umuuwi siya ng Pilipinas, bago ang lahat at kami muna ang pinupuntahan niya at binibigyan niya ng pasalubong ang inaanak niya.
Pagkatapos kong gumawa ng kape ay agad ko itong dinala sa desk ni Thomas. Tumingin lang siya sa akin at muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Wala na naman siguro siyang ipag-uutos kaya naupo na lang ako sa sofa at ibinaba ko ang maliit kong bag.
Pagkaupo ko ay tumunog ang phone ko. My gosh, nakalimutan kong mag-mute ng phone. Napatingin ako kay Thomas na masama ng nakatitig sa akin kaya agad kong kinuha ang phone at pinatay ko ito.
"When you're working, keep your damn phone off, or I will fúcking toss it into the toilet." Galit niyang sabi. Nakalimutan ko lang naman, alam ko naman 'yon. Nakalimutan ko lang talaga dahil bigla siyang sumulpot sa apartment complex.
"Sorry po sir." Mahina kong sabi. Hindi na siya kumibo pa. Tumayo lang ako at nagpunas-punas ako ng mga dapat punasan kaysa naman sa nakaupo lang ako. Paglingon ko sa kanya ay nagulat ako na sa puwitan ko siya nakatitig. Mabilis naman niyang binawi ang kanyang mga mata at muling tumingin sa laptop. Bumalik na lang tuloy ako sa sofa kaysa naman pag-pyestahan ng kanyang mga mata ang matambok kong pwet.
"Mas okay kapag ganyan lagi ang suot mo Miss. Agatha, mas ginaganahan akong mag-trabaho."
"Gwapo nga, manyak naman." Bulong ko na hindi ko namamalayan. Akala ko ay isipan ko lang ang nagsasalita.
"Anong sinabi mo?"
Gulat na gulat ako at napatakip pa ako ng kamay sa aking bibig. Nakikita ko na nagliliyab na yata ang kanyang mga mata na titig na titig sa akin. "Sabi ko po, masipag na gwapo pa."
Hindi siya kumibo. Inis lamang nitong isinara ang laptop, pagkatapos ay naglakad papalapit sa akin. Huminto ito sa harapan ko, pagkatapos ay dinukwang ako na ang isang kamay ay nakadiin sa sandalan ng sofa sa gilid lang ng ulo ko. Saka ito nagsalita sa akin.
"Isipin mong mabuti ang pinirmahan mong kontrata, baka may nakaligtaan kang basahin. May kopya ka naman, hindi ba? Bisitahin mo mamayang gabi para maunawaan mo." Wika niya na halos idikit na sa labi ko ang kanyang labi. Ang tahimik kong puso ay parang gusto ng lumundag palabas ng ribcage ko. Pagkatapos ay ngumisi siya sa akin at mas lalong inilapit sa labi ko ang kanyang labi, kulang na lang ay maghalikan kaming dalawa.
Nagpapasalamat na lang ako ng biglang may kumatok sa kanyang pintuan kaya agad din siyang lumayo sa akin at bumalik lang siya ng kanyang swivel chair.
"Come in."