❀⊱Agatha's POV⊰❀
Nakaupo lang ako dito hanggang sa matapos silang mag-usap. Kulang dalawang oras din ang inabot ng meeting nila at hindi ako sigurado kung nagkakaintindihan ba sila. Private room yata ito, o kaya naman ay isang opisina, hindi ko masabi, pero may mga pintuan sa likuran ko at may isang office desk at maririnig pa rin naman ang ingay sa labas.
Nag-uusap na lang sila at nagtatawanan. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ako ni Thomas. Naiilang ako kung minsan dahil titig na titig siya sa akin, iyong titig na akala mo ba ay pinag-aaralan ang bawat sulok ng mukha ko. Kung minsan tuloy ay umiiwas ako ng tingin.
"Ah, so you are still single. Are you currently open to the idea of a serious relationship? I happen to have a daughter who is also single, and I thought you might be interested in meeting her. She is a wonderful person, and I believe the two of you could get along quite well. Perhaps you would like to arrange a meeting and get to know each other better. Let me know what you think about this idea." Sabi ng ka-meeting niya. Hindi man ako magaling magsalita ng english, pero naiintindihan ko naman ang sinabi niya. Sus! Pustahan, kaya niya gustong ipakilala ang anak niya kay impaktong Thomas ay dahil pangit ito. Siguro walang nanliligaw. Nakakainis ang ka-meeting niya! Bakit ba kasi hindi pa umuwi para makauwi na rin ako. Nakakainis.
Narinig ko ang pagtawa ni Thomas. Tawa na parang hindi naman niya gusto 'yung sinabi ng lalaking ka-meeting niya. Hindi naman ako kumikibo at nakaupo lang ako dito sa malambot na upuan.
"Actually, Mr. Tolentino, I must be honest with you. I don't believe I am the right person for you to entrust with your daughter's well-being. Please understand that she would not be safe with me, and it is in her best interest that we do not pursue this matter any further. Additionally, I should share that I do not view women in the context of marriage. I have no intentions or plans to ever marry anyone." Pagkasabi niya ay tumingin siya sa akin. May kahulugan, at hindi ko alam kung bakit ganuon ang pagkakatitig niya sa akin.
Tumingin ako sa ibang direksyon. Heavy tinted ang sliding door ng private room na ito. Kitang-kita ko ang mga nangyayari sa labas, pero ang mga tao sa labas ay hindi kami nakikita dito sa loob.
"I see. Good to know. Anyway hijo, magpapaalam na ako. Hinihintay na ako ng misis ko. Thank you sa oras mo, at kung sakali man na magbago ang isip mo tungkol sa anak ko, pwede mo akong tawagan. I'm open to making an arrangement." Isang tango lang ang sinagot ni Impaktong Thomas sa ka-meeting niya. Tapos 'yung ngisi pa niya, parang iniimagine yata ang anak ni Mr. Tolentino na nakatayo sa harapan niya at kumekendeng. Kainis ang impaktong ito.
Pagkaalis ng ka-meeting ni Thomas ay tumikhim ito. Hindi ko siya nilingon, pero naramdaman ko na nag-slide ang katawan niya para makatabi sa akin.
"Kumain ka na ba?" Hindi ako kumibo. Bwisit siya, iyon nga sana ang sasabihin ko sa kanya kanina na hindi lang natuloy. Hindi pa ako kumakain at kanina pa ako nagugutom. Pero parang nananadya ang tiyan ko, bigla na lang itong tumunog na parang nagsasabing... 'Oo gutom ako, hindi ba halata?'
Natawa siya ng marinig niya ang pagtunog ng tiyan ko. Kinuha niya ang kanyang telepono at nagtipa ito ng kung ano man. Saglit lang 'yon at ibinalik niya ang phone sa ibabaw ng table. Napatingin ako sa phone niya, ang ganda at ito 'yung mga sikat na phone na sobrang mahal. Binigyan kami ni Melanie ng ganyang phone, pero na-snatch naman sa kamay ko habang sakay ako ng jeep. Sayang nga 'yon, ang mahal pa naman ng phone na 'yon. Hindi man lang nagtagal sa kamay ko.
"A penny for your thoughts?" Bigla akong napatingin sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa phone niya. Nakakahiya naman, baka isipin niya gusto ko ng ganuong phone. Baka isipin niya na materialistic akong babae.
"Wala naman akong iniisip. Sa'yo na lang ang penny mo. Hindi 'yan pwede dito sa Pilipinas." Kumunot ang noo ko. Ano ba ang pinag-sasasabi ko? Natawa naman siya, at least napatawa ko siya sa kakornihan ko.
Lumipas pa ang ten minutes. Hindi ko alam kung hanggang anong oras kami dito. Gusto ko ng umuwi para makakain na ako, pero nandito pa kami at umiinom lang siya. Hindi na rin siya nagsasalita, tahimik lang ito at panay ang tingin sa kanyang phone. Baka ang nag-message siya duon kay Mr. Tolentino na gusto na niyang makilala ang anak nito. Siguro iyon ang hinihintay niya.
Nag-ring ang phone niya. Napatingin ako dito, hindi ko nakita kung sino ang tumatawag dahil agad niya itong kinuha. "Okay, pasok lang." Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Nagpasukan sa loob ang mga naka suit na lalaki at bahagyang itinungo ang kanilang ulo. Ibinaba ang maraming paper bag sa table kaya gulat na gulat ako. Alam kong pagkain ang mga ito dahil sa logo ng mga paper bags, pero bakit ang daming pagkain? May inaasahan pa ba siyang ibang tao kaya hindi pa kami umaalis sa lugar na ito?
Sumenyas si Thomas, kaya isa-isang naglalabasan ang mga tauhan niya. Narinig ko ang muli niyang pagtikhim kaya napatingin ako sa kanya. "May hinihintay ka pa ho ba? Pwede ho ba na umuwi na ako? Mamamasahe na lang ako pauwi para hindi ka na ho maabala?" Sabi ko. Natawa siya at inilabas lang ang maraming tupperware na laman ng mga paper bags. Apat na paper bags ang nandito, ibig kayang sabihin ay maraming tao ang darating?
Kumuha siya ng disposable plate na dala din ng mga tauhan niya at saka kubyertos. Nagulat ako ng inilagay niya ito sa harapan ko, pagkatapos ay naglagay din siya ng isang plato sa harapan niya.
"I heard na mahilig ka sa seafoods kaya halos seafoods lahat ng 'yan. Kain na at alam kong kanina ka pa gutom. Sigurado akong magugustuhan mo 'yan. Ang dami niyan at ang lahat ng matitira ay pwede mong iuwi sa inyo." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Basta natameme na lang ako na nakatingin sa kanya.
"Ako ba ang gusto mong kainin? Willing naman akong magpakain." Bigla akong nagulat at pinilig ko ang aking ulo. "Hindi ho. Hindi lang ako makapaniwala na para sa akin ang lahat ng ito. Birthday nyo ho ba?" Malakas siyang natawa at pinagsandok ako ng isang malaking alimango. Take note! Hindi ito basta isang malaking alimango lang. Mas malaki pa yata ito sa aking mukha.
"Ang laki naman ho yata nito? Ito pa lang, tatlo na yata ang pwedeng mag-ulam." Muli siyang natawa. Hindi ko alam kung paano ko ito kakainin, alangan namang kutsarahin ko ito, o kaya naman ay gamitan ko ng tinidor. Baka naman itong steak knife ang kailangan dito. Nakakahiya naman kung magkakamay ako sa kanyang harapan.
Tumingin siya sa akin. Siguro nababasa niya sa mga mata ko na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Natawa siya ulit ng mahina. Puro na lang tawa ang ginagawa ng impaktong ito, pero ang sweet naman niya para gawin ito.
Binuksan niya ang isang maliit na plastic, may inilabas siyang ilang sachet, tapos ay binuksan niya ito gamit ang kanyang ngipin na hindi inaalis ang tingin sa akin. Inilabas niya ang isang wipes mula sa sachet at pinunasan niya ang kamay ko. Ganuon din ang ginawa niya sa kanyang sarili. Akala ko pwede ng kumain, pero ng hahawakan ko ang alimango ay bigla niya akong pinigilan sa aking kamay.
"Not so fast." Sabi niya. Kaya medyo napahiya naman ako. Ibig ba niyang sabihin sa tinuran niya ay mabilis ako? 'Yung parang patay-gutom lang ang peg? Syempre, kasi pagkain ito noh! Ang mahal kaya nito at hindi namin afford ang mga ganitong uri ng pagkain kung kaming magkakaibigan ang bibili.
Kinuha niya ang isang pakete, pinilas niya ito ngayon ng daliri niya na tila may pag-iingat, pagkatapos ay dinukot niya sa pakete ang pair gloves. Rubberize ito na clear color at itinapat niya ito sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko, ilalahad ko ba ang kamay ko?
"Give me your hand," sabi niya kaya naman itinapat ko sa kanya ang kamay ko. Tinitigan niya ang kamay kong maliit, pero mahahaba naman ang mga daliri ko. Isa ito sa mga assets ko, ang magagandang daliri sa aking mga kamay at sa aking mga paa.
Isinuot niya sa kamay ko ang gloves, at sinunod ang isa. Humapit ito sa kamay ko kaya napangiti ako. Ganito pala kumain ang mayayaman, dapat naka gloves kapag magkakamay ng seafoods. Sa amin kasi, hugas lang ng kamay tapos lafang na. Pero sila, may nalalaman pa silang wipes at gloves.
"Eat, magpakabusog ka para hindi ka magkasakit." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero mabilis na tumitibok ang puso ko. Bakit ba ginagawa ito sa akin ni Thomas? Alam ko naman at dinig na dinig ko ang sinabi niya sa Mr. Tolentino na 'yon. Akala yata niya ay hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.
Sinuot din niya ang gloves at nagsimula siyang magbalat ng malalaking sugpo. Gustong-gusto kong humingi, pero nahihiya ako kaya ito na lang malaking alimango ang kakainin ko. Pero nagulat ako ng pagkabalat niya sa sugpo ay inilagay niya ito sa plato ko. Napatingin ako sa kanya, hindi niya nililingon at patuloy lang siyang nagbabalat ng sugpo. Pagkatapos ay nilalagay niya ito sa plato ko. Dumampot din siya ng red lobster, biyak na ito sa gitna, inalis lang niya ito sa pinaka-shell nito at inilagay din sa plato ko.
"Ang dami na nito, okay na ito. Salamat," sabi ko. Nahihiya na kasi ako, ang dami ng pagkain sa plato ko, pero siya ay hindi pa kumakain. Nakita niya na nahihirapan ako sa alimango kaya kinuha nya din ito at tinanggal ang talukap nito. Duon ko lang napagtanto, na biyak na pala ito sa pinaka likuran nito kaya ang dali niyang natanggal ng talukap.
"Eat. Alam ko na hindi ka pa naghahapunan. Kasalanan ko dahil hindi kita tinanong kung kumain ka na ba. Enjoy mo lang ang dinner mo, ako na ang bahala sa lahat." Hindi ako makakibo. Mabait naman pala ang impaktong ito, o baka naman nagbabait-baitan lang ito?
Ganuon na yata ako kagutom dahil naubos ko ang pagkain ko. Lahat ng inilagay ni Thomas sa plato ko ay naubos ko at walang natira. Pero marami pang pagkain ang nasa table, ang sabi niya ay iuuwi ko ang lahat ng ito. Sigurado ako na matutuwa ang mga kaibigan ko. Kailangan kong tanggapin, kasi ang sabi niya kapag hindi ko tinanggap ay itatapon niya ang mga ito. Hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na tumanggi, kaya kaysa masayang ang lahat ng ito, makakain pa namin. Saka ang sarap kaya ng mga ito.
Akala ko after naming kumain ay uuwi na kami. Pero sumandal lang siya sa upuan at saka uminom. Inabutan niya ako ng isang baso na may alak, tumanggi ako kasi busog ako. Pero ipinilit niya ito sa akin kaya para walang usap ay tinanggap ko na lang ito.
Nagustuhan ko ang lasa niya, smooth at hindi masakit sa ilong. Gumuguhit siya sa lalamunan dahil matapang, pero hindi ito katulad ng ibang alak na maduduwal ka. Pagkaubos ko ng ibinigay niya sa akin ay sinalinan niya ulit ang baso ko. Tumanggi na ako, baka kasi mawala ako sa sarili ko. Pero itinulak lang niya ulit ito sa akin.
"Drink, walang masama kung uminom ka," sabi niya. Amoy na amoy ko na ang alak sa katawan niya, ang hininga niya ay parang nakakalasing na. Kanina pa siya umiinom, hindi nga siya masyadong kumain. Puro ako ang inasikaso niya, tapos ngayon umiinom na naman siya. Dinadamay pa niya ako sa kalasingan niya.
"Walang masama diyan, uminom ka lang, safe ka dito sa bar na 'to dahil pag-aari ko ito." Sabi niya. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit takot sa kanya 'yung mga lalaki kanina, tapos lahat ng mga lalaking naka-suit na itim ay sumusunod agad sa utos niya.
Kinuha ko ang baso. Mabango talaga ang alak na ito, pero hindi ko alam kung anong klaseng alak ito, basta nasasarapan ako kaya tinungga ko ulit ito. Natawa siya ng makita niya na sinaid ko ang laman nito.
"Malakas ka palang uminom?" Ngumiti lang ako ng bahagya. Nararamdaman ko ang pangangapal ng mukha ko. Katunayan ito na tinatalaban na ako ng alak. Ayokong mawala sa sarili ko kaya ng sinalinan niya ulit ang baso ay pilit na akong tumatanggi. Ayoko ng magkamali ulit, ayoko ng madugtungan ang nangyari sa amin nuon.
"Isa na lang 'yan, hindi ka naman malalasing diyan." Dahil sa pangungulit niya ay wala na akong nagawa kung hindi ang tanggapin ito. Muli kong naubos ang laman nito, pero sa pagkakataong ito ay inuunti-unti ko lang. 'Yun nga lang, dahil sa masarap ito, naubos ko din agad.
'Yung last na ibinigay niya sa akin, akala ko ay 'yun na 'yon, pero nasundan pa ng ilang tagay at hindi ko na ito nahihindian pa lalo pa at nakikipag-kwentuhan na siya sa akin ng kung ano-ano at nakikitawa sa akin.
"You are so beautiful, Agatha." Sabi niya, pagkatapos ay hinimas niya ang pisngi ko. Naipikit ko ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay umiikot na ang mundo ko. Masyado yatang naparami ang alak na nainom ko, kasalanan ito lahat ni Thomas.
Naramdaman ko ang dila niya sa leeg ko, hindi ako makatanggi. Bakit hindi ko magawang tumanggi? Hindi dapat mangyari ito, hindi na dapat maulit pa ang nangyari nuon, pero bakit hindi ko siya magawang hindian?
"I will never take you against your will or force you into anything. My desire is for you to give yourself to me willingly, out of your own desire. I long to taste you, to be intimately connected with you, to feel myself inside you, and to experience that profound intimacy together. Will you allow me?" bulong niya. Muli niyang dinilaan ang leeg ko, at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga kahit amoy alak ito na nagpapahina sa aking kalamnan. Oh my, inom pa more!
Humiwalay siya sa akin. May pinindot siya sa ilalim ng coffee table, at kusang sumara ang mga blinds ng silid na ito na yari sa salamin. Maging sa harapan ng pintuan ay kusa itong sumara. Narinig ko din ang pag-lock ng pintuan kahit hindi naman siya tumatayo.
"I want you, Agatha." Hindi ako nagsasalita, hindi ko alam ang sasabihin ko. Dinilaan niya ang labi ko, pagkatapos ay humimas siya sa katawan ko kaya isang ungol ang umalagpas sa labi ko.
"Will you let me?" tanong niyang muli. Hindi ko na namamalayan na tumatango na ako. Bigla niya akong siniil ng halik. Halik na may pag-iingat, halik na may respeto at halik na... ewan ko. Baka naguguluhan lang ako.
Dinukot niya ang dibdib ko at tinanggal niya ang bra ko at saka niya ako inihiga sa malapad at malambot na sofa. Tinanggal niya ang pagkaka-butones ng damit ko at humantad sa kanya ang malulusog kong dibdib.
"Damn. Mukhang mababaliw ako sa'yo." Napaungol na lamang ako ng bigla niyang sinipsip ang korona ng dibdib ko. Nailiyad ko ang katawan ko, para akong mababaliw na nasasarapan sa ginagawa niya. Sinalat niya ang panty ko, at hinila ito pababa, pero natigilan siya ng tumunog ang kanyang telepono. Iba ang ring tone nito, kaya bigla siyang napaangat ng mukha.
"Damn it, Marcus. Why now?" Bulong niya. Hindi niya ito pinansin. Hinila niya ang panty ko paibaba, at ng matanggal niya ito ay pumagitna siya sa mga hita ko. Pero natigilan siya ng muling tumunog ang kanyang phone kaya napamura siya. Sinagot niya ang kanyang phone, at alam ko na naiinis siya. Napatingin ako sa kanyang pantalon, at nakikita ko kung gaano galit na galit ang kanyang sandata.
"I can't!" Sabi niya. Pero nakikinig siya sa kausap niya at marahas na napasabunot sa kanyang buhok.
"Fine! I'll be there in a few minutes." Pahagis niyang ibinaba ang phone niya. Tinitigan niya ako, pero hindi ko masyadong maidilat ang mga mata ko.
"I will take you home now as I have an urgent meeting with Marcus. But this is far from over. We will continue this tomorrow in my office. The anticipation of tasting your honeypot is already driving me wild. I can’t wait to experience that pleasure with you, my beautiful PA." Isinuot niya sa akin ang panty ko. Isinuot niya ang bra ko at ang damit ko. Pagkatapos ay kinarga na niya ako. Narinig ko pa na inutusan niya ang mga tauhan niya tungkol sa pagkain ng makalabas na kami ng silid. Iyon na lang ang naaalala ko dahil nawalan na ako ng malay dahil sa kalasingan.