Chapter 6 -Halik-

2313 Words
◄Thomas' POV► Kadarating lang ni Diego dito sa aking opisina. Panay ang lingon niya na tila ba may hinahanap. Naupo ito sa sofa at dinampot ang mainit na kape na ipinagawa ko sa sekretarya ko. "Bakit wala yata dito ang iyong PA? Tinanggal mo na ba siya sa trabaho dahil hindi mo siya makuha? I mean, masyadong mailap ang babaeng 'yon at kahit na ano ang gawin mo ay hindi mo ito makuha." Natawa naman ako sa sinabi ng aking kaibigan. Pitikin ko kaya ang ilong nito para tumigil na sa pag-uusyoso. "Actually, she called at ang sabi niya ay may trangkaso daw siya, but I could tell she was lying dahil sa tono ng boses nito na pilit niyang pinapagaralgal para magmukhang tunog may sakit. She's scared about what happened last night, kasi muntikan na siyang bumigay sa akin. If Marcus hadn't called me, may nangyari na sana sa amin at sisiguraduhin ko sa kanya na hindi ko siya titigilan hanggang umaga. Nanduon na ako, alam mo 'yung ayun na sana, but Marcus's urgent meeting interrupted us. Nakakainis nga dahil naudlot pa dahil bigla na lang may tawag. Tapos sabi ko kay Agatha, itutuloy namin dito sa opisina ko ang nasimulan namin kagabi na hindi natuloy dahil sa tawag na 'yon. She was clearly anxious about sa sinabi ko, and now she's trying to avoid facing it at nagpapanggap pa siya ngayon na may sakit. If it weren't for that call, things would have played out very differently." Nagulat siya sa sinabi ko. Napatayo pa siya mula sa kinauupuan niyang sofa at naupo sa ibabaw ng office desk ko. "Hold on a second, are you being serious right now? Muntikan ng may mangyari sa inyo ni Agatha? Paanong nangyari 'yon eh iwas na iwas sa'yo ang babaeng 'yon? Please, tell me you didn't resort to something as awful as drugging her. Was she genuinely willing or pinagbantaan mo siya? I know you well, man. Kaylanman ay hindi ka namuwersa ng babae, kaylanman ay hindi ka namilit na maikama ang isang babae. So paanong nangyari?" Isang suntok sa tagiliran niya ang ibinigay ko sa kanya. Ano ba ang sinasabi ng sira ulong ito? "Why would I ever drug her? Kaylanman ay hindi ko 'yan gagawin sa mga babae para lang makuha ko sila. Hindi ako ganyang klase ng tao, sira ulo ka. You know me better than that. I would never stoop to such a despicable act. She was drunk, pero hindi naman lasing na lasing at nakakausap ko pa siya ng maayos. Bumigay lang siya sa mga pang aakit ko. Ganuon ang nangyari, at sigurado ako na natauhan na siya kaya ayun at sinabi niyang may sakit siya. Hinayaan ko na lang na huwag pumasok. Darating din ang araw na tuluyan ko siyang maaangkin dito sa opisina ko." "Sira ulo ka talaga! Hayaan mo na si Agatha, may anak na 'yong tao at nagtatrabaho siya dito ng maayos para sa kanyang anak. Best friend 'yan ni Melanie kaya huwag mong paglaruan dahil masasaktan ang kapatid ni Marcus." Hindi ako kumibo sa tinuran ni Diego. Nagsimula lang akong magtipa sa keyboard ko ng kahit na ano. Tipa lamang ako ng tipa, hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung may tinatapos ba akong trabaho dahil parang wala akong naiintindihan. "Kilala kita Thomas, alam ko na ang tingin mo kay Agatha ay katulad ng baba..." I cut him off. "Just stop it! Damn it, Diego! Why do you always have to bring her up? Whatever happened between us is in the past, and that's where it should stay. I don't want to discuss anything about her, nor do I want to hear her name mentioned again. It’s too painful to revisit those memories. To be honest, I feel like all women are the same, without any exceptions. Lahat sila ay mapaglaro at paasa. So please, let's just drop this topic and move on. Can we do that? My God Diego, paulit-ulit na lang!" Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng kaibigan ko. Hindi naman ako galit sa kanya, ayoko na lang pag-usapan pa ang nakaraan ko. Wala namang maidudulot na mabuti ang nangyari sa akin nuon, kaya walang dahilan para balik-balikan ang nakaraan. "Okay. Calm down, will you?" Sabi niya, kaya sumandal ako sa aking swivel chair at ipinikit ko ang mga mata ko. Pagkatapos ay bigla akong tumayo at kinuha ko ang susi ng aking sasakyan. "Saan ka pupunta?" "I will check on her. Let's see kung ano ang ginagawa niya ngayon. Alam ko na punong-puno siya ng pagdadahilan para lamang hindi makapasok ngayon." Natawa siya at tumayo. Sumunod siya sa akin at sabay na kaming umalis ng opisina ko. "Cancel all my meetings for the rest of the day. Hindi na ako babalik pa mamaya kaya siguraduhin mo na walang kahit na anong made-delay na meeting. Cancel mo lang at ako na ang bahalang mag-reschedule. Additionally, do not call or disturb me under any circumstances unless it is truly urgent. I have a strong aversion to interruptions unless they are absolutely necessary. Is that understood?" Wika ko sa aking sekretarya. Hindi ko na hinintay pa kung ano ang isasagot niya. Tinalikuran ko lang siya at dumiretso na ako sa elevator. Wala akong panahon makipag-chit chat sa kanya ng walang katuturan dahil ayokong mag-aksaya ng aking oras. Sakay ng aking sasakyan, tinutugpa na namin ni Diego ang daan patungo sa inuupahang apartment nila Agatha. Tahimik lang ako, maging si Diego ay tahimik lang na nakaupo sa unahan. Akala ko nga ay nagbibiro lang ito na sasama sa akin, pero nagulat ako ng bigla itong sumakay. "Pinapanindigan mo talaga ang kalokohan mo Thomas. Baka si Agatha na ang karma mo kaya mag-iingat ka." "Karma? Ako pa ba talaga ang makakarma? Wow! Talaga ba? Diego, baka nakakalimutan mo kung ano ang pinag-daanan ko. Ako ang tinarantado, ako ang ginago at ako ang winalanghiya. So ako pa talaga ang makakatanggap ng karma?" Hindi siya sumagot sa tinuran ko. Hindi siya umimik at binuksan lang niya ang bintana ng sasakyan ko upang manigarilyo. "Sa tingin ko, sila ang nakakarma. Tignan mo ang nangyari kay Agatha, iniwanan siya ng ama ng kanyang anak. Hindi ako ang makakarma dito Diego dahil wala akong ginawang masama sa kanila." "But bro, hindi naman kasalanan ni Agatha ang nangyari sa'yo." Natawa ako sa sinabi niya at napasulyap ako sa kanya, pagkatapos ay ibinalik ko lang din ang tingin ko sa kalsada. "Alam kong ginagawa mo 'yan para makaganti sa mga babae. Maawa ka naman duon sa tao, naanakan na nga at iniwanan, dadagdagan mo pa ba ang problema niya?" Hindi ako kumibo. Tahimik lang ako na tinutugpa ang daan patungo sa apartment nila Agatha. "Alam kong wala kang pagtingin sa kanya. Bakit mo ba siya hinanap nuon? Magsabi ka nga sa akin, Thomas. Bakit mo siya hinanap nuon?" Tumingin ako sa kanya at ang kalahati ng aking mukha ay ngumisi. "You want to know the truth? Kasi akala ko ay iba siya sa mga babaeng nakikilala ko, at akala ko ay iba siya sa babaeng 'yon. But in the end, katulad lang din siya ng mga babaeng ikinakama ko. She is nothing more than a foolish woman who allowed her boyfriend to impregnate her and then abandoned her and her baby." Tsk! Akala ko talaga ay malinis siyang babae kaya hinanap ko siya. Pero malalaman ko lang pala na naanakan siya ng lalaking nanloko sa kanya. "Ganyan ang mga babae Diego, puro panloloko lang ang alam nilang gawin." "Manloloko? Akala mo naman may relasyon kayong dalawa kung magsabi ka ng niloko ka. Geez Thomas, nababaliw ka na." Sagot niya. Napapailing na lang ang kaibigan ko. Hindi ko na siya pinansin pa. Basta nag focus na lang ako sa pagmamaneho ko hanggang sa makarating kami sa apartment complex. Hindi muna agad kami bumaba ng sasakyan. Tahimik sa kanilang bahay at mukhang walang tao. Tama ang hinala ko, naglakwatsa ang babaeng 'yon kahit alam niya na kailangan ko siya sa opisina ko. Umibis ako ng sasakyan ko at sumunod din si Diego. Ilang katok ang ginawa ko sa pintuan ng biglang bumukas ito. Nagulat pa ang kaibigan ni Agatha na si Daisy ng makita niya ako. "Hala, sir! Hindi ho ba kayo tinawagan ni Agatha na may sakit siya?" Kumunot ang noo ko. May sakit nga ba si Agatha at hindi siya nagsisinungaling sa akin? "May sakit nga ba si Agatha?" Kumunot din ang noo niya. Parang naguguluhan na hindi ko alam kung may mali ba ako sa sinabi ko. "Oho may sakit siya. Mataas ang lagnat niya kaya nga kami ni Emalyn ang nag-aalaga sa anak niya. Akala ko tinawagan ka niya, baka hindi na ho kinaya. Pasok ho pala kayo, mainit diyan sa labas." Tumango ako at pumasok naman ako sa loob. Napatingin ako sa kuna, tulog ang bata at napakaganda nito. Mukhang magandang lahi ang pinanggalingan ng anak ni Agatha. Baka isang mayaman na gusto sana niyang kapitan. pero iniwanan lang din siya. "Nasa itaas ho si Agatha. Umupo muna ho kayo dahil nag-iinit ako ng tubig. Babanyusan ko ho kasi ang kaibigan ko ng mainit na tubig na may alcohol." Naupo naman kami ni Diego. Maliit lang ang apartment na inuupahan nila, pero malinis ang buong paligid. Walang makikita na kahit na isang kalat sa sahig. Maging ang kusina ay napakalinis. "Pwede ko ba siyang matignan sa itaas? Baka may maitulong ako kung sakaling mataas ang lagnat niya." Napatingin sila sa akin, pagkatapos ay nagtinginan din sila. Parang nag-uusap ang kanilang mga mata, at muling ibinalik ang tingin sa akin. "Ate, kukuhanin ko muna si Chloe, duon ko muna siya aalagaan sa amin para hindi siya mahawa kay Ate Agatha." Bigla kaming napalingon sa pintuan ng makarinig kami ni Diego ng boses. Ngumiti sa amin ang yaya ng anak ni Agatha at nilapitan niya ang kuna. "Buti naman at dumating ka na. Mabuti pa nga para maalagaan siya ng maayos. Ikaw na muna ang bahala sa kanya, ihahatid na lang ni Emalyn ang mga kailangan ni Chloe. Mataas kasi ang lagnat ni Agatha at kailangan naming bantayan at baka kumbolsyunin pa." Napatingin ako sa yaya ng anak ni Agatha ng kinuha niya ang bata sa kuna. Tulog pa rin ito at nakakatuwa na makitang pareho kaming may pagka-wavy ng buhok. Pagkaalis ng yaya ay iginiya na nila kami sa itaas. Pagpasok namin sa silid ni Agatha ay tulog na tulog ito. Nakabalot ang buong katawan niya ng kumot at medyo nanginginig ang buong katawan. "Kanina pa siya ganyan. Nangangatog ang katawan niya kaya babanyusan ko ng maligamgam na tubig. Nangangatog kasi ang buong katawan niya at ginaw na ginaw." Pagkasabi ni Daisy ay agad kong hinubad ang coat ko. Lahat sila ay nagulat, pero hindi si Diego na kinuha lang ang coat ko. Tinanggal ko necktie ko, tinanggal ko rin ang butones ng polo ko at tuluyan ko itong hinubad. "Anong gagawin mo? Manyakis ka ba?" sigaw ng dalawang kaibigan ni Agatha. Hindi ako nagsasalita at hinubad ko ang pantalon ko at natira na lang ang boxer brief ko. "Ay wow! Ang kisig!" Sabi nila, pero saglit lang 'yon at tinabig agad ako. "Makukumbulsyon 'yan kapag hindi ko 'yan niyakap. Huwag kayong mag-alala dahil wala akong gagawing masama sa kanya. Kahit diyan lang kayo at huwag kayong umalis. Kailangan ko lang isalin sa kanya ang mainit kong katawan para mawala ang pangangatog ng buong katawan niya." Hindi na sila kumibo pa. Pinanuod na lang nila ako ng tinanggal ko ang kumot na nakabalabal kay Agatha. Damang-dama ko ang nag-aapoy niyang balat kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Si Diego naman ay kinumutan kaming dalawa at saka ko isa-isang tinanggal ang suot niya. "Hoy! Ano 'yang ginagawa mo?" Sigaw ni Emalyn. "Hayaan mo siya. Mamaya lang mawawala na ang lagnat ng kaibigan ninyo. Hindi naman tayo aalis dito kaya walang gagawin 'yan. Huwag kayong mag-panic dahil hindi naman masamang tao si Thomas." Sabi ng kaibigan ko. Hindi ako kumibo. Nararamdaman ko ang kahubdan niya dahil wala siyang bra. Naka-panty naman siya, pero ramdam na ramdam ko ang malulusog niyang dibdib. Pero hindi 'yon dahilan upang mag-init ang katawan ko. Seryoso lang ako na matulungan si Agatha. Akala ko ay niloloko lang niya ako at nagdadahilan lang siya. Hindi pala, dahil totoong may sakit ito. "Kumuha kayo ng panibagong damit, at panglinis ng katawan niya kapag bumaba na ang lagnat niya." Sabi ko. Nagmamadali naman silang nagbukas ng cabinet at kumuha ng mga damit ni Agatha. Nararamdaman ko ang pangangatog ng katawan niya, pero alam ko na hindi magtatagal ay magiging okay na din siya. Saka na lang kami aalis ni Diego kapag alam kong okay na siya. Kung sakaling walang magbabago sa kalagayan niya ay tatawagan ko ang doktor ko upang pumunta dito. Lumipas pa ang dalawampong minuto, ang kaninang panginginig ng katawan ni Agatha ay unti-unting nawawala. Napangiti ako, alam ko na soon ay magiging mabuti na rin ang pakiramdam niya. Kailangan siya ng kaniyang anak, kaya kailangan niyang gumaling. Narinig ko ang bahagyang pag-ungol niya. Napatitig ako sa mukha niya, napakaganda niya at hindi ako makapaniwala na tinalikuran siya ng kanyang nobyo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta hinawakan ko ang baba niya at isang halik ang idinampi ko sa kanyang labi. Nagulat ako sa ginawa ko, napatingin ako kay Diego na alam kong titig na titig sa akin dahil nakita ang nangyari. Buti na lang at hindi nakatingin ang mga kaibigan ni Agatha dahil baka pinagsusuntok na ako ng dalawang 'yon. Bigla akong tumayo, nagbihis ako upang magtungo sa unang palapag. Ayoko na rin lingunin pa si Agatha, magiging okay na naman siya. "Okay na siya, painumin nyo na lang ng gamot." Iniwasan ko ang mapanuksong tingin sa akin ni Diego. Ang gago ko. Ano ba ang ginawa ko? Nababaliw na ba ako? Bakit ko siya hinalikan sa labi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD