[MARIAH]
"Pren, bilis! Bilisan mo na. May pupuntahan tayo." pag-pipilit sa kaibigan na noon ay naka-upo sa isang eskinita.
"Ba-bakit ba? San tayo pupunta?"
"Wag ka ng madaming tanung. Biyaya to! Bilisan mo nalang."
Pagdating nila sa isang tabing highway ay may nagkakasiyahang nagtutumpukang mga tao. Merong paligsahan na Ms.GAY 2023.
"Bakit nandito tayo? Ang laki na nga ng problema natin tas may gana ka pang manuod ng ganito?" Inis na sabi nito kay Kara.
"Hindi naman sa ganun, pren. Kulang daw kasi sila ng isang kandidata.
Nag-backout daw yung isa, so na-naisip ko na baka pwede ka sumali." Pahinang sabi nito kay Mariah.
"Anu??? Baliw ka ba? Bat naman ako sasali dyan e mga beki yan. Tsaka tignan mo, mas babae pa tignan kesa saken." Turo sa mga candidates.
"Sige na. Last na to. Nakasali ka na din Naman dati sa baryo natin, last na talaga to. Hindi na kita pasasalahin pa sa iba. Isipin mo nalang na kapag nanalo tayo dito may ipapamasahe tayo pauwi. Baka ito na chance mo para manalo, paligsahan nga lang ng mga bakla." Mahabang pagkukumbinsi nito sa kaibigan.
Sandali naman napatahimik si Mariah. Tinitignan nya ang mga magiging kalaban nya at inisip din nya ang sinabi ng kaibigan na baka manalo pa sya ay makauwi na sila sa kanila.
"Sige, last na to ah."
"Yes. Sige na , magbihis na tayo. Mag-uumpisa na. Talunin mo silang lahat, bakla ka din naman. " Pang-aasar pa nito.
"Naku, napaka-easy." Panatag na sabi nito.
Maya-maya pa'y nag-umpisa na nga ang paligsahan. Masaya ang mga tao at walang tigil ang palakpakan kahit saan.
"Good evening ladies and gentlemen, in front of you is twenty-seven year old stunner. My name is Mariah Quinn Elena Matinag. And I believe in the saying, "bato-bato sa langit, bato-bato sa lupa. Anu? Bangag ka na ba? And I thank you!" At bumuhos pa lalo ang malalakas na hiyawan at palakpakan. At pagkatapos nun ay nag-iwan pa ang dalaga ng mapang-akit na mga ngiti sa mga audiences at judges.
Masayang masaya din naman si Kara na makitang nag-rarampa ang kaibigan na walang nakaka-alam na totoo syang babae. Pag-baba ni Mariah sa backstage ay sinalubong sya ng best friend nyang ni Kara na s***h make up artist, s***h fashion designer.
"Ang bongga mo girl!" puri ng kaibigan at inaalalayan sa suot.
"Thankyou! You know me! Once a kabogera, always a kabogera!" at pumalantik pa ang daliri at kumembot-kembot ang bewang.
Matapos ang ilang oras ay lahat na silang mga kandidata na nakapasok sa top five ay nasa stage para mamili ng papasok sa top three. At kasama si Mariah sa mga pagpipilian.
"Partner, sa tingin mo sino sa kanila ang bet mo?" Sabi ng isang beki na nag-i MC.
"Ay bet ko si candidate number 5. Tignan mo ang body, pak! May kurba! Parang pang girlalo. Secret reveal naman dyan, candidate number five." Puri nito kay Mariah na ngiting-ngiti.
"Tama ka, nakakabakla ang face ni mader." Dugtong pa ng isa.
May lumapit dito na babae at inabot ang isang sobre. "Okey, hawak ko na po ngayon ang pasok sa top 3, sa kanilang top five (5) din po tayo kukuha."
"Bakit partner may iba pa ba?" Pagbibiro naman ng kasama nito na nagtawanan ang mga tao.
Masayang-masaya si Mariah, ganun din si Kara dahil nakapasok sya sa top 5.
Panay naman ang dasal ng kaibigan na sana ay makapasok sa top three (3) para paniguradong may laban.
"Palakpakan naman po natin. Once again our top 3!" Anunsyo ng isa.
Hindi naman na nagsalita pa si Mariah at dali-daling bumaba ng stage. Hinabol naman ito ni Kara at dala-dala ang napakaraming mga gamit nila.
Panay ang pahid sa kamay ng luha ni Mariah habang naglalakad sa kahabaan ng daan, hawak-hawak ang laylayan ng gown nito. Kalat-kalat na din ang make-up nito maging ang pagkaka-ayos ng buhok na para bang sinabunutan.
"Prennn!" Sigaw ni Kara na habol-habol sya sa likuran. "H-hintayin mo naman ako!"
Saka lang naalala ni Mariah na may kasama pala sya at tumigil ito. Napaupo ito sa may gilid ng kalsada at nagpapakaiyak.
"Bakit mo naman ako iniwan? Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo!" Sigaw nito na ikinagulat ni Mariah.
"Paanong hindi ako iiyak? Tinalo ako ng mga baklang 'yun! Kahit top 3 hindi man lang ako nakapasok. Kahihiyan sa pagiging babae ko 'yun!!" Sigaw din nito.
"O sya, tahan na. Last na din naman yun. Tigil na. " Pagpapakalma nito sa kaibigan.
Niyakap naman ito ni Mariah at nagpahagulhol ng iyak sa likuran nito.
Nang mahimasmasan ang dalaga at natigil na sa pag-iyak ay nagpasya na silang mag-umpisang maglakad-lakad.
"Pren, pagod na ako. Ang sakit na ng mga paa ko." Hingal na sabi ni Kara.
"Konti nalang. Tiisin mo na. Ako nga e kanina pa naiinis sa gown na to. Para akong nag-sasagala sa haba ng gabi." Anito.
"Peeeeeppp! Peeppp!!!!" Busina ng isang sasakyan sa likuran nito.
"Ay kalabaw ka!" Sambit ni Mariah dahil sa gulat at nilingon ito.
Walang tigil sa pagbubusina ang sasakyan sa likod nila. Na subrang nagpa-init sa ulo ni Mariah.
"Pren, tabi muna kaya tayo. Parang galit na e. Dali na." Pakiusap ng kaibigan na parang bata.
"Ayoko! Aba, ang laki-laki ng daan na to, pwede naman dun sya sa kabila. Nasa tabi na nga tayo. At saka ang laki ng problema natin, wag na syang dumagdag pa." Tugon nito na nagmamatigas sa kaibigan.
Binuksan ng lalaki ang bintana ng sasakyan. "Hoy, magpapakamatay ba kayo?!! tatabi ba kayo o hindi?!!" Sigaw nito mula sa likuran.
"Pren, lika na. Galit na sya."Pagmamaka-awa ni Kara.
"Hayaan mo sya."
Biglang pinaharorot ng lalaki ang sasakyan nito na kamuntik na silang mahagip. Napasigaw ng subrang lakas si Mariah at Kara dahil sa ginawa nito. Sa subrang galit ni Mariah ay kumuha ito ng bato.
"Hoy, bumaba ka dyan! Sasagasaan mo pa kami!" At binato sa likuran ng sasakyan. At kapwa sila nabigla at napahawak sa bibig dahil basag ang salamin nito.
"Naku, pren. Ayun, sapul." Nabanggit nalang ni Kara at napaupo.
Hindi naman mapakali si Mariah. Parang gusto na nyang tumakbo dahil hindi naman nya aakalaing masasapol nya ito.
Mas lalong kinabahan ang dalawa ng biglang tumigil ang sasakyan.
"Prennnn. Anu bang ginawa mo?" Naiiyak na sabi ni Kara.
Dahil sa lakas ng ilaw ng sasakyan, kitang-kita ng dalawa na bumukas ang pinto nito. Lumabas mula sa loob ng sasakyan ang isang lalaki na naka puting t-shirt at itim na pantalon. Sandali itong tumigil sa may bandang hulihan ng sasakyan para I check ang basag na salamin nito.
"OMYGHOSHHH!! MY BABY!!!!!" Iritang sabi nito at agad na tumingin sa dalawang babae.
Halos nawala naman sa sarili si Kara at napatayo nalang ng makita ang hitsura nito pati ang matipunong pangangatawan.
"Pren, ang gwa-po." Sambit ng kaibigan na noon ay hindi na maipinta ang hitsura.
"K-kita ko. Umayos ka nga!" Utal nitong sabi.
Ngunit habang palapit ang lalaki sa kanila ay may napansin si Mariah na kakaibang kilos nito. Lalo na sa pag-lakad. Medyo pumipitik kasi ang mga daliri nito at kumekembot-kembot pa. Hagya syang napangiti at napahawak pa sa bewang.
"Sayang, gwapo sana. Bakla lang." Mahinang sambit nito.