"Hoy, babae! Alam mo ba kung gaanu kamahal ang pag-papagawa ng sasakyan dahil sa ginawa mo?" Medyo mataas na boses na sabi nito.
Napa-irap sya ng marinig ito.
"Una sa lahat, may pangalan ako. Wag mo nga ako maturo dyan!" Pagtataray nito. "P-pasensya na kung nasapol hindi ko sinasadya, t-tsak pag-iipunan ko ang pambayad kaso matatagalan nga lang."
Napangisi naman ang lalaki at naghalukipkip pa ito.
"Alam mo kahit magpakatrabaho ka pa ng isang taon, hindi mo kayang bayaran yan." Sabay turo sa kanyang luxury car.
"A-ako p-pwede ako magtrabaho sayo bilang pambayad. Kahit anu gagawin ko." Singit ni Kara sa usapan habang titig na titig lang sa lalaki.
"No way! Sa susunod wag kayo humarang sa daan na para kayo ang nag-mamay-ari. Pathetic!" Inirapan pa nito si Mariah at kitang kita nya iyon. Amoy din nito ang alak sa lalaki.
"Aba! Hoy, ikaw tong may kasalanan. Bakit sayo ba tong kalsada na to! May pangalan ka ba? At saka kung mag-iinom ka ilagay mo sa tiyan wag sa ulo! Nasa tabi naman kami ah, ikaw tong ayaw magpalusot. Subrang laki naman nitong kalsada." Sunod-sunod na sabi ng dalaga.
"What?! Ikaw pa matapang, ikaw na nga may kasalanan!"
"Kaya kong bayaran yung nasira ko sayo, kahit magkano pa yan!" Taas noo nitong sabi.
"Pren, tama na yan. Makiusap nalang tayo ng maayos." Awat ng kaibigan.
"Are you serious? Look at you! You can't even buy ng bagong sandals, pag-papagawa pa kaya ng sasakyan ko? Tignan mo ang ang gown mo? Look so cheap! San mo ba nabili, parang sa divisoria lang. Ang panget pa ng design!" Sunod-sunod din nitong sabi na medyo pumipitik pa ang mga daliri.
Napatawa naman ng hagya si Mariah.
"Aba, konpirmado. Bakla nga. Walang straight na lalaki ang manlalait ng ganun sa gaya kong babae. Pati ba naman gown ko, napansin pa." Sabi nito sa isip.
"Lika na, Kara. Wala tayong panalo dyan. Ako ang maghahanap sayo at babayaran kita." Sabi nya sa lalaki at kinukuha ang mga dalang mga gamit ni Kara.
"No thanks! Hindi ko na kailangan. Ibili mo nalang yun ng maayos na gown." Pang-aasar nito sa kanya at umalis na.
"BAKLA!!" Habol na sigaw niya rito ngunit nakapagpatakbo na ng sasakyan.
"Pano na tayo nyan, wala na nga tayong matutulugan, walang pera, tapos nakasira pa." Problemadong sambit ng kaibigan.
"Pero in fairness ha, ang gwapo nung bading na yun. Hindi halata sa kanya." Nangingiti pa nitong sabi.
"Tumigil ka nga dyan, anhin mo pagkagwapo nya e daig pa ang babae kung mang-insulto. Naku wag lang talaga mag-ko cross ang landas namin. Lika na nga."
Malayo layo na din ang nilakad ng dalawa ngunit wala ni kahit isa ang nag-alok sa kanina na magpasakay at hindi din naman sila pumapara ng sasakyan dahil wala naman silang pamasahe.
Maya-maya pa ay napatigil sila sa isang tindahan. At saktong nakita sila ng isang hindi naman katandaang babae.
"Mga iha, san kayo pupunta? Naglayas ba kayo?" Tanung nito.
"Naku po, hindi ho. Naghahanap lang po kami ng matutuluyan. Galing ho kasi kami sa probinsya." Pahayag ni Mariah.
"Ganun ba? Tuloy muna kayo dito. Mabuti nalang at bukas pa ako. Kumain na ba kayo?" Dugtong na tanung nito sa dalawa.
"Hindi pa nga po e. Gutom na nga po kami." Mabilis na tugon ni Kara na agad siniko sa tagiliran ng kaibigan.
"O sya, Kumain muna kayo. Dito na din kayo matulog. Anu ba ang sadya niyo rito? Napakadelikado pa naman sa daan kapag ganitong oras, mabuti nalang at walang nangyari sa inyo."
"Salamat po ng marami."
Pagkatapos nila kumain, ipinaliwanag nila ang totoong pakay nila. Tamang-tama naman na aalis kinabukasan ang matanda sa mansyon na pinagta-trabahuan nya at naghahanap ng kapalit. Ngunit isa lang ang kailangan. Malungkot ang dalawa at naisipan ni Mariah na si Kara nalang ang magtrabaho doon para mapagamot na nya ang lolo nito. Masayang-masaya naman ang kaibigan dahil sa pagpapa-ubaya nito.
Nag-aayos na ng matutulugan ang dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Mariah.
"O, Paulo. Napatawag ka? Kamusta dyan? Si mama?" Sunod-sunod nitong tanung.
"Ate, kasama mo ba si ate Kara?"
"Oo, bakit?"
"Ang lolo nya kasi, sinugod sa hospital ngayon lang. Nahihirapan na huminga. Mabuti nalang at may nakakita sa kanya. Nandito ako sa bahay para sunduin si mama, sya kasi muna ang mag-babantay." Hayag nito mula sa kabilang linya.
Malungkot naman na tumingin si Maria kay Kara. Nang sinabi nya ang dahilan ng pagtawag ng kapatid ay halos mawalan ng malay-tao ang kaibigan. Sa Lolo na kasi ito lumaki, parehas na iniwan siya ng kanyang mga magulang nung bata pa.
Hindi mapakali si Kara at kung pwede lang lumipas pauwi ay ginawa na nya. Iyak din ito ng iyak. Labis naman ang pag-aalala ni Mariah rito bukod sa walang pamasahe e wala pa silang nakuhang trabaho.
Nang malaman ito ng matandang kumupkop sa kanila ay agad na bigyan ng pamasahe si Kara at subra pa ito. Napag desisyonan na din nyang sa Mariah nalang ang pumalit sa kanya sa trabahong siya dapat. Agad ding nag-paalam si Kara para umuwi. Napuno naman ng iyakan ang buong silid ng matanda.
"Mag-iingat ka ha. Tawag ka kapag nandun kana." Sabi ni Mariah na pinipigilang umiyak.
"Ikaw din. Mag-iingat ka dito. Tumawag ka lagi." Saad nito at agad na niyakap ang kaibigan.
Nagpaalam na din ito bago tuluyang sumakay sa tricycle na nakaabang na sa labas. Para ihatid sya sa pier. Nakangiti naman na kumakaway si Mariah habang palayo ng palayo ang kaibigan.
[ALEXANDER]
"Good evening sir." Bati ng lalaking naka nod kay Alexander ng bumaba sya sa sasakyan.
"Good evening." Sabay sarado ng pinto.
"Ah kuya, paki-suyo nalang din po ng sira nyan kasi mayron lang nangyaring hindi maganda. Sana po maayos agad bago magtanghali bukas kasi Uuwi na ako sa bahay. " Bilin ng binata at tumango naman ang lalaki.
Pagkabigay ni Alex ng susi dito at naglakad na sya papasok sa hotel.
Binuksan nya ang pinto at hinubad ang mga damit ganun din ang pang-ibabang suot at naligo.
Sinuot nya ang bath robe pagkatapos maligo at habang pinupunasan nito ang basang buhok ay napukaw sa paningin nya ang litrato nila ni Raven.
Inilapag nya sa kama ang maliit na towel at kinuha ang litrato at umupo. Tinitignan nya ito habang pumapatak ang mga luha.
"Mahirap para saken ang nawala ka, Raven. Pero hindi ko matanggap ang ginawa mo. Sana hindi na kita makita pa at kung sino man ang babaeng ipinalit mo saken para lang magkaroon ng anak." Matigas na sabi ng binata at pinunasan ang mga luha. Ipinataob na din nya ang litrato at kinuha ang cellphone.
"Hi grandma. Miss me?" Ani Alex sa selpon na may malumanay na boses.
"Apo ko. Yes naman. Kelan ka ba uuwi at miss na miss na kita. Nga pala bukas na dadating yung pinapahanap natin.
Mabuti nga at nakahanap agad tayo ng kapalit." Sunod-sunod na sabi nito at natigil ng mapansing malungkot sa linya ang apo. "Apo, may problema ka ba?"
"No, grandma. I'm fine. Napatawag po ako kasi I just want to tell you na uuwi na ako tomorrow. Make sure I have something to eat like adobo and sinigang." Pakunwaring sabi nito sa matanda.
"Hey, apo. Alam ko kapag may problema ka. Why? Did you break up with your boyfriend?"
"No!! Lola, how would I have a boyfriend?"
"Alangan naman sabihin ko na girlfriend? E babae ka din." Napatawa pa ito ganun din ang apo.
"Okey Lola, see you tomorrow. Bye."
"Take care, apo. I'll make handa for you."
At parehong ibinaba ang mga linya ng telepono. Maaga natulog si Alexander dahil maaga din syang uuwi sa mansyon. Kahit ang totoo ay halos isang linggo na sya dito sa Pinas na hindi alam ng Grandma nya.