[ALEXANDER]
Nadatnan ni Raven na tulog na tulog na si Alexander, agad syang nag shower at pinagmamasdan ang nobyo na mahimbing ng natutulog. Madami syang bagay na gustong sabihin pero hindi nya masabi dahil paniguradong masasaktan si Alex. Humiga sya at iniligay sa mga bisig ang bandang ulunan ni Alex at nagpahinga na din.
Nagising nalang si Alexander na may isang malaking bouquet na nakapatong sa lamesa at isang note.
"Good morning, princess. Hindi na kita ginising, sorry for leaving without saying goodbye. Babawi ako. I love you." Basa ng lalaki sa sulat.
Naglakad-lakad papunta sa malaking salamin na tanaw ang buong siyudad si Alexander, naka halukipkip na tila may iniisip. Nagtataka ito sa mga kinikilos ni Raven na dati naman ay hindi nito ginagawa.
Para mag-aliw ng sarili, nagbihis sya at umalis sa hotel para magliwaliw sa mall sa pamamagitan ng mga pagbili ng mga damit. Ganito ang naging gawain nya sa tuwing malalim ang kanyang iniisip o kaya ay may problema.
[MARIAH]
"Bakit kaya ang tagal ni Alexa? Ang sabi nya saglit lang sya." ani Kara na naghihintay sa pinto ng bahay.
"Darating na din 'yun. Pinapakaba mo naman ako, ikalma mo nga ang sarili mo!" Saway nito sa kaibigan.
Ilang minuto pa ay dumating na si Alexa. Ngunit kung paano kasaya ang mukha ng dalawa ay kabaliktaran naman kay Alexa.
"Bakit? May problema ba?" Tanung ni Mariah.
"Sa tingin ko hindi na tayo makakapagtrabaho pa sa pabrika, wala na daw kasing hiring doon at tapos na din. Wala na daw bakanteng posisyon at puno na daw." Malungkot na sabi nito habang nakayuko.
Napa-upo naman si Kara ng marinig ito. Maging si Mariah ay nakaramdam din ng panghihina sa narinig. Malungkot naman na pumasok sa silid si Alexa sabay kuha ng malaking maleta nya.
"Uuwi na ako sa amin, wala na din naman akong gagawin at hinihintay pa dito. Babalik nalang ulit ako sa pagtatanim sa bukid." Nakayukong sabi nito habang nag-aayos ng mga gamit.
Kapwa malungkot na nag-tinginan naman ang magkaibigan at nag-uusap gamit ang mga titig na sila lang ang nakakaintindi at nakakaalam.
Inabot ng kalahating oras na nakaupo lang ang dalawa at nakamukmok. Iniisip nila kung paano nakakauwi dahil ang pera na dala nila ay sakto lang sa pamasahe papunta dito. Ang akala nilang makakatulong na sa pamilya ay nabulilyaso pa.
"Pano, mauuna na akong uuwi sa inyo. Hanggang sa muli, pasensya na kayo dahil wala akong maitutulong sa inyong dalawa dahil sakto lang din ang pera na meron ako. " saad nito sa dalawa na noon ay bakas ang kalungkutan sa mga mukha.
"Ah wala yun. Ayos lang kami, mag-iimpaki na din naman kami ng gamit pagkaalis mo. Gagawa nalang kami ng paraan. Mag-iingat ka sa byahe mo pauwi." At niyakap ito ni Mariah na naluluha maging ni Kara.
"Sige, paalam sa inyo."
At tuluyan ng naglaho sa paningin ng dalawa si Alexa pagkalabas nito sa pinto.
[ALEXANDER]
Kinusot-kusot ni Alexander ang mga mata at pagmulat ay nakita nyang nakangiti ang nobyo sa kanya. Ngunit ang mga ngiti nito ay hindi gaya ng dati, parang may kahulugan.
"Good morning." Bati nito sa kanya.
"Babe, hindi ko alam na umuwi ka kagabi. I miss you." Yakap nito sa lalaki.
"Akala ko hindi ka magpapakita, I'm planning to go home na kasi." Paglalambing nito sa kasintahan.
Ngunit walang kahit na anung reaksyon na natanggap si Alexander galing kay Raven. Sa halip ay seryosong mukha na halos hindi sya matignan sa mga mata.
"May problema ba, babe? What's wrong?" Tanung nito.
Napayuko ang lalaki at pilit naman itong inaangat ni Alex para matignan ito.
"Hey. Tell me."
"I have something to tell you, g-gusto ko na sana makipaghiwalay." Mahinang sabi nito.
Pagkarinig nun ay parang gumuho ang mundo ni Alex. Tumayo ito mula sa kama at palakad-lakad.
"Babe, stop joking. Alam ko may problema lang ang company nyo. Sabihin mo, financial ba? Kayang kaya kong solusyunan. Kahit anu pa yan." Sabi nito na namumula na ang mga mata.
"Hindi ito tungkol dun. Tungkol sa ating dalawa." Napatayo ito sa likuran ng nobyo na alam nyang umiiyak na. Hawak-hawak ang balikat nito sa likuran.
"Ayoko. Hindi ako papayag, nangako ka saken." Pagmamatigas nito.
"Please, hear me out. Look at me." Pilit nitong pinapaharap sa kanya ang kasintahan. Nakayuko lang ito at umiiyak.
"I-i want a child." Utal na sabi nito.
Nang marinig iyon ni Alexander ay mas lalaong nanghina ito.
"I can give you a child!" Tugon nito habang umiiyak. "Please, don't leave me, Raven. Kaya kitang bigyan ng anak." Pagiiyak nito na para bang nagmamaka-awa na din.
"But how?"
"Ma-mag-aampon tayo. Kahit ilan, kung yun lang naman ang gusto mo. Kaya kitang bigyan ng anak." Pagsusumamo nito sa nobyo ngunit nagpupumiglas na si Raven.
"Pero ang gusto ko bilang lalaki ay hindi mo din kayang ibigay, Lex. I know it's selfish, but lalaki din ako na naghahanap ng kaligayahan na sa babae galing. Iyon ang hindi mo kayang ibigay saken." Sabi nitong nangingilid din ang mga luha sa mata.
Pagkasabi niyon ay tumalikod na sya kay Alexander at kumuha ng gamit kasabay ang pagbukas ng pinto. Napaluhod naman si Alex at umiiyak na para bang pakiramdam nya ay sinuntok ang kalahating katawan nya.
Halos ibuhos ni Alexander ang lahat ng mga luha nya para lang pigilan si Raven na umalis ng umagang iyon. Ngunit ayaw ng papigil pa nito at kahit ramdam din ang sakit ay mas pinili nitong maging matigas para sa dating nobyo.
Maghapong umiyak si Alexander at halos isumpa na nya ang lahat dahil sa nangyari. Ang buong akala nya si Raven ang taong magbibigay sa kanya ng panghabang buhay na kaligayahan ay mali pala.
Lumabas ito at naghanap ng bar na pwedeng pag-inuman. Wala na syang paki-alam kong may nakakakilala ba sa kanya dahil sa mga oras na yun ay talaga wasak na wasak ang puso at pagkatao nya.