bc

MY HANDSOME BOSS IS A GAY

book_age18+
514
FOLLOW
8.3K
READ
love-triangle
HE
fated
independent
heir/heiress
drama
bisexual
mystery
like
intro-logo
Blurb

Kung sa larangan ng pagkabigo, wala na sigurong tatalo pa kay Mariah. Lahat kasi ng pwedeng pagkakakitaan ay pinasok na nya pati ang pagrarampa o pagsali sa mga pageant. Pangarap pa mandin nito na makapag presentation ng bansang Pilipinas. Kahit pa ang paligsahan na para sa mga beki ay pinapatos na din nya, ngunit kahit ang makapasok sa top five ay hindi nya makuha kahit na minor awards ay wala ito. Kahit sa pag-ibig ay lagi ding bigo ito. Iyon ang naging buhay ni Maria magmula ng tumuntong sya sa hustong gulang hanggang ngayong nasa dalawamput pitong taon na sya. Simple lang ang pangarap nya sa buhay ang maiahon sa hirap ang ina nya at mapagtapos ng pag-aaral ang kapatid nyang lalaki. Gustuhin man nyang makapagtapos pa ay hindi na kakayanin pa ng mama nya, kaya kahit anung raket ay sinusunggaban nya pero marangal na trabaho. Tatlong taon lang ang agwat ng kapatid nyang lalaki sa kanya, sa murang edad din nito ay natuto na ding magbatak sa trabaho ngunit kahit pa ganun ay may maganda pa din itong pangangatawan. Maaga kasi sila naulila sa ama dahil sa aksidenteng nangyari. Bagamat ganun ang buhay nila ay masaya sila sa araw-araw at kontento na sa meron at kung may hinihiling may alam nilang pinaghihirapan muna ito.Maganda si Elena, kayumanggi ang kulay. Sakto ang pangangatawan para matawag din na may hubog na labis nilang ipinagtataka kung bakit hindi sya manalo nalo sa kahit anung paligsahan. Hanggang isang araw ay niyaya siya ng kaibigang si Kara para magbakasakali sa manila para sa trabahong kahit sa pangangatulong man lang o pagbabantay ng matanda o bata. Agad naman pumayag ang dalaga sa nais ng kaibigan dahil magkasama naman sila. Pagdating nila sa manila ay hindi ganun sa inaasahan nila ang nangyari. Dahil ang trabahong dapat ay papasukan nila ay biglang nagsabing may nakuha ng iba. Labis ang kalungkutan ng dalawa dahil unang-una ay wala silang bahay na matutuluyan at kahit ang pamasahe pabalik ay wala din. Ngunit sa kabila ng nangyayari ay may kabutihang palad ay may nagmagandang loob sa kanila at pinatuloy ito sa bahay. Matanda na ito at gusto na nyang magpahinga, wala na din itong anak na tinutustusan kaya't aalis na ito sa trabaho. Laking pasalamat nalang din ng matanda ng dumating ang dalawa at hindi na nya kailangan maghanap pa kung saan. Labis ang kasiyahan ng dalawa ng sabihin nitong may naghahanap ng katulong o mag-aalaga sa mansyon na pinagtatarabahuan bilang kapalit nya. Ngunit ganun na lang ang kalungkutan na naramdaman ni Mariah ng sabihin nitong isa lang pala ang kailangan nito. Hindi alam ng kumupkop sa kanila kung sino sa kanilang dalawa ang kukunin nito para isama na sa mansyon. Nagpaubaya nalang ito sa kaibigan dahil alam nyang mas nangangailangan ito para sa pag-papagamot sa lolo nya. Ngunit ang kaibigan ni Mariah na si Kara ay nagkaroon ng biglaang pangyayari sa probinsya kung kaya si Mariah na lang ang ipinasama nya sa matanda. Laking pasasalamat naman ng dalaga sa kaibigan at sinabing ayos lang iyon at maghahanap nalang din sya ng trabaho na malapit sa kanya. Pagpasok nya sa mansyon, para syang nalula dahil sa laki nito. At ang buong pag-aakala pa ni Mariah ay matanda ang kanyang aalagaan ngunit laking gulat nya na ang nag-iisang apo pala nito ang kanyang pagsisilbihan. At doon sa mansyon mangyayari ang mga bagay na hindi nya lubos na mangyayari at maraming lihim si Mariah na malalaman tungkol sa pamilya nito lalong lalo na sa lalaking pinagsisilbihan nya. Magiging kasa-kasama sya nito at magiging sandalan pagdating ng araw. Bagamat sa unang pagkikita ng dalawa ay hindi naging maayos ang pagtrato nila sa isa't isa. At ang lihim ng lalaking pinagsisilbihan nya ay sya at ang lola lang nito ang nakakaalam. Ngunit paano kung dumating ang araw na mahulog ang loob nya sa lalaki? Anu kaya ang gagawin ni Mariah kapag na inlove sya sa isang hindi straight na lalaki ngunit matipuno at makisig ang pangangatawan nito at may gwapong mukha. Paano nya kaya mapaglalabanan ang pag-ibig nito sa kanya lalo na at taga-pagmana ito ng isang mayamang pamilya at malayo ang agwat nang estado nila sa buhay.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
[MARIAH] "Paulo, matagal ka pa ba dyan?! Bilisan mo, maliligo pa ako." Sigaw ni Maria sa may pinto ng kanilang cr. Nang buksan nito ang pinto at agad na tinakpan ni Maria ang ilong dahil sa amoy nito. "Ang baho naman Paulo!!" "Aba, san ka nakaamoy ng mabangong tae. Kasalanan mo naka-abang ka dyan." "Bastos ka talaga!" At binatukan ito. "Umalis kana bago pa kita mabukulan." Sabi ni Maria na gigil na gigil sa kapatid at isinara ang pinto. Mas lalo pa naman itong inasar ng kapatid na lalaki. "Nag-aaway na naman kayo. Ikaw naman kasi umalis kana at tanghali ka na naman sa school. Late ka naman." Sabi ng kanilang ina na nagdidilig ng halaman sa loob. "Aalis na nga po." At inabot ang kamay ng ina para magmano. Pagkatapos maligo ni Maria ay dali-dali itong nagbihis dahil alam nyang dadaan na ang kaibigan nya para sa lakad nila. "Friend, bilisan mo na dyan. Kaninang-kanina pa ako naghihintay. Malayo pa yung pupuntahan natin." Sigaw nito sa baba ng hagdan ng bahay nila. "Andyan na, bababa na. " Ani Maria. "Ma, aalis na po kami. Wag nyo po ako hintayin mamaya." Pagkasabi ay agad na nagmano sa ina maging si Kara. Samantala, palabas na para sa pananghalian si Paulo kasama ang mga barkada. "Naku pare, mukhang iinit na naman ang ulo mo." Ani kaibigan nitong si Akihiro na nakaupo sa bandang kanan nya. Tinuro nito sa kaibigan ang mga binabaeng palapit, at ang isa pa naman sa kanila ay patay na patay kay Paulo. "Pauloooooo! My labs, ang pogi pogi mo talaga. Nakakagigil!" Habang pisil pisil ang bisig ng binata. "Salamat buo na naman ang araw ko nakita kita. Sama ka samen mamaya, may sayawan sa kabilang bayan. Sige na sumama ka na, para naman may tsupapi kaming kasama." Sabi nito na nakayakap na kay Paulo. Panay naman ang atras sa bangko ni Paulo dahil sa ginagawa sa kanya ng beki. "Sayo buo ang araw, akin durog na. At Bago pa sana tuluyang madurog, lumayo ka saken bago ko pasabugin ang mukha mo." Sabi ng lalaki na halatang naiinis na. "Heto naman, sayang ka ang pogi mo pa naman kaso mainitin ang ulo mo." Sabi ng bakla at medyo lumayo sa kanya dahil akmang susugudin na ito ni Paulo ngunit napigilan agad ito ng kaibigan. "Umalis kana dito! Panira ka ng araw maghanap ka ng babadtripin mo ah. Wag ka ng magpapakita saken!" Sigaw nito. Hindi na maikaila dahil sa tikas ng pangangatawan ni Paulo ay habulin sya ng mga babae lalo na ng mga beki. Pero wala sa bokabolaryo nya ang magkaroon ng karelasyon. Katwiran niya ay makakapaghintay naman ang ganong mga bagay. Samantala, nag-uumpisa na ang event ng makarating sila Kara at Maria. Mabuti nalang at ayos na sya at pag dating doon ay pumunta agad siya sa backstage at nakapila kasama ang ibang mga contestant. Hindi na bago kay Mariah ang ganitong klase ng kasiyahan dahil halos lahat ay sinalihan na nya. Ilang oras pa ang lumipas ay tinatawag na sa unahan ang mga kandidatang pasok sa top five. Kampante si Maria ng mga oras na iyon, ngunit bigo na naman sya. Hindi na nya hinintay pa magsalita ang nag-aanunsyo ay bumaba na sya ng stage at patakbong umiiyak kay Kara. "Pren, tama na ang iyak. Ito naman parang baguhan sa larangan ng pagkatalo. Di ka pa nasanay." Pagbibiro ng kaibigan habang nasa sasakyan. Pinunasan ni Maria ang luha at tumingin sa kaibigan na naiinis. Hating-gabi na ng makarating ito sa bahay. Nadatnan nila na gising pa ang ina nito na naghihintay sa kanila. Maya-maya pa ay narinig nilang bumukas ang pinto at lumabas si Paulo. "Hulaan ko ate, olats ka na naman nu? Sabi ko naman sayo wag ka na sasali sa mga ganyan wala kang mapapala kundi ang umiyak lang at maging talunan." Pang-aasar pa nito sa kapatid. Galit naman na nakatitig si Mariah sa kapatid. "Pwedeng-pwede na itanim ni mama ang mga dala mong bulaklak at magtayo ng flower shop." Habol pa nito. Di na nakatiis pa si Mariah at sinunggaban na ang kapatid. Pinagsusuntok ito at niliik pa nya ito gamit ang braso. "Alam mo, bago kita tuluyang ma*atay, umalis kana dito ah!" Sabay bato pa ng damit nito na nakaplastik. "Ate tandaan mo ito, kapag nanalo ka magpapahanda talaga akooo!!" Habol pa nitog sigaw at pumasok sa kwarto. "Anak, alam mo hindi naman kita pinipigilan sa mga gusto mo. Susuportahan kita kahit anu pa yan, pero sana maiintindihan mo din na hindi para sayo ang ganyang paligsahan. Nasasaktan din kasi ako sa tuwing nakaramdam ka ng paulit-ulit na pagkabigo. " Sabi ng Ina nito habang hinahaplos ang likod niya. "Tama si tita friend. Marami pang iba dyan, naku di naman tayo papayag na palaging olats. " Sabi ni Kara sa kaibigan. Matapos mahimasmasan si Mariah, agad agad din silang pumasok sa kwarto nya para makapagpahinga na. "Kars, gising ka pa?" Tanung nito sa kaibigan habang nakatingin sa bubungan ng kwarto. "Alam mo tama naman kayo nila mama, siguro hindi nga para saken ang pageant na yan. Ayoko na mangarap na makasali ako sa Miss. Universe, e baryo pa lang nga ang labanan e talo na agad. Ayoko na din umiyak, simula ngayon hinding hindi na ako sasali sa mga ganyang pa kontes kahit anung mangyari." Maagang nag-paalam si Kara sa kaibigan maging sa ina at kapatid nito na uuwi na. "Ate, lumabas ka na nga dyan sa kwarto mo! Wag ka ng iiyak, tanggapin mo nalang kasi ang pagkatalo mo!" Sigaw ni Paulo sa pintuan ng kwarto nya. Binuksan naman ng kapatid ang pinto at galit na hinarap ang kapatid. "Hindi ako umiiyak, may ginagawa ako sa loob!" Sabay sipa sa may tuhod nito. "Anu ba kasi 'yun, ha?" "Kanina ka pa kasi hinihintay ng bungi mong manliligaw. Ang aga-aga, umaakyat ng ligaw." Kamot sa ulo ni Paulo. "Haysss, bakit mo naman sinabi na nandito ako. Pwede naman na magsinungaling ka. Nakakainis!" Aalis na sana si Mariah ng hawakan sya sa braso ng kapatid. "Uy ate, alam mo matagal-tagal ka na din naman nililigawan nyang si Karding. Bakit hindi mo nalang sagutin, panigurado panalo ka sa kanya. San ka pa?" Pang-aasar ng kapatid nito at nakangisi pa. "Lika, lika. May ibubulong ako sayo." Hila nito sa tenga ng kapatid. "Alam mo kapag hindi ka tumigil ng pang-aasar mo, gagaya ka kay Karding na tatlo nalang ang buhok!" Sabay siko ulit sa tagiliran ng kapatid. Bago humarap kay Karding ay inayos muna nya ang sarili at ikinalma. Hindi naman kasi sa ayaw nya sa lalaki ay malayo ito sa lalaking pinapangarap nya. Kahit papaano ay marunong din naman syang kumilatis ng lalaking talagang iibigin nya. Bukod kasi sa maliit si Karding ay bungi pa ito at kalbo at may iilan pang natira sa buhok nito na kinaiinisan nya sa tuwing nakikita. "Magandang umaga sayo, Mariah. Bulaklak para sayo." At iniabot ang rosas na para bang bagong pitas lang. "Magandang umaga din, Karding. U-upo ka. Ang aga mo ata pumasyal, pwede naman na sa hapon, o kaya ay wag na." Mahinang sabi nito sa sarili nya. "Gusto ko kasi makita ka, Mariah. Nagiging malakas kasi ako sa tuwing nakikita kita sa umaga." Sabay ngiti nito at kitang kita ang pagkabungi ng lalaki. "Ga-ganun ba?" Napipilitang ngiti ng dalaga. Halos isang oras ding pinagtyagaan ng dalaga na kausapin si Karding, nangako pa ito na babalik kinabukasan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
385.0K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
20.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.7K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
60.9K
bc

NINONG II

read
631.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
280.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook