[ALEXANDER]
Nagising si Alexander dahil sa mabangong amoy ng nilulutong pagkain. Inalis nya ang kumot sa nakatakip na hubad nyang katawan at nagsuot ng sando. Sinundan nya ang amoy at natunton ito. Hagya syang napangiti ng makitang nagluluto si Raven. Ang nobyo nya, ika- 3rd anniversary nila ngayong araw na ito.
Agad nyang niyakap sa likuran ang nobyo.
Napangiti naman si Raven na noon ay tanging tuwalya lang ang nagsisilbing balot sa katawan.
"Gising ka na pala, nakakalungkot naman kasi balak kong ako ang gumising sayo at idadala ko to. Sayang, hindi na sya surprise." Sabi ng nobyo at humarap ito kay Alexander na nakayakap din at hinalikan sa noo.
"Akala ko naka-alis kana kasi sabi mo kagabi, you have a meeting with Mr. Sanchez. I'm not expecting na nandito ka pa at nagluto ka pa talaga." Ngiti ng binata.
"Hindi naman pwede 'yun. Anniversary natin, we need to celebrate. Ang meeting makakapaghintay naman." Sabi nito.
"Ngayon, umupo na po kayo mahal na prinsesa at ang iyong prinsipe ay pagsisilbihan ka ngayong araw."
Hinawakan nito ang bangko at inalalayan pa si Alexander na umupo.
Halos abot langit naman ang ngiti nito at kinikilig pa. Patatlong taon na nila itong ginagawa at wala namang araw na hindi pinaramdam si Raven kay Alexander na mahal nya ito. Ang kaso ay hindi alam ng pamilya ni Alexander ang relasyon na meron sila. Lalo na at nag-iisa itong anak ng mayayamang Doña Luisa at Don Ramon Montalvo at taga pag-mana pa ng lahat ng ari-arian at kayamanan nito. Lalong hindi nito alam na binabae sya. Mabuti nalang at kakampi nito ang Lola niya na nakakaalam ng totoong pagkatao nya.
Halos parehas silang matipuno ang pangangatawan na hindi aakalain ng kahit na sino na bakla sya, pero hindi naman ito gaya ng iba na talagang naglaladlad at nagpapa-opera para mabago ang sarili. Pinapanatili pa din naman nito ang matipuno at makisig nyang pangangatawan. Ang alam pa nga ng iba ay magkaibigan lang sila ni Raven dahil pagdating sa mga taong hindi naman nila lubos kilala ay lalaking lalaki ang kinikilos nya. Hindi din maitatanggi ang napakagwapo nitong mukha na syang dahilan na habulin din sya ng mga babae.
Sa kabila naman ng kayamanan na meron si Alexander at totoong pagkatao nya ay hindi nya aakalaing may magmamahal sa kanya ng lubos at tinatratong parang totoong babae. At labis ang pasasalamat nya kay Raven dahil sa pagmamahal nito sa kanya. At ngayon nga ay hindi nya aakalaing aabot sila sa tatlong taon ng pagtatago at paglilihim sa pamilya nya.
"Happy anniversary, babe." Sabi ni Raven at inaabot ang baso na may lamang wine.
"Happy anniversary." At kapwa nag toast.
"I love you."
"I love you too." At sabay na ininom ang mga wine na nakalagay sa baso.
Titig na titig si Alexander sa magandang pangangatawan ng nobyo at natatawa nalang ito sa kanya. Sinadya naman nito na tapunan ng wine ang hubad nyang katawan na lalong nagpahina kay Alexander.
"Sinasadya mo ba? P-pwede bang magsuot ka ng damit? Please babe." Naiinis na sabi nito na nangingiti sa nobyo.
"Paano kung ayaw ko?" At kinakagat pa nito ang ibabang labi.
"Please, stop teasing me! Alam mo naman na nanghihina ako kapag nakikita ko yan?" Sabi ni Alexander.
Napapatawa naman ang nobyo sa sinabi nito. Tatayo na sana ito para magsuot ng biglang may tumawag sa cellphone. Kinuha nya ito at sinagot.
"Yes, hello." Napatingin sya sa nobyo at nakangiti lang si Alexander. Matapos ang pag-uusap agad na lumapit si Raven sa kasintahan.
"Aalis ka na?"
"I'm so sorry, I really want to be with you, but I can't. Mr. Sanchez is waiting for me, babawi ako mamaya. Pupunta ako dito. I'm really sorry, babe." Pagpapaliwanag nito kay Alexander habang nagbibihis ng formal.
"It's okey. I understand. Call me kapag nandun kana. Naghihintay lang din naman ako ng call from my secretary." Ani nitong nakangiti sa nobyo habang nag-aayos ng necktie.
"I have to go. Finish your breakfast. I love you." At hinalikan sa labi si Alexander.
"Take care."
Pinanuod lang ni Alexander na umalis si Raven kasabay ang pagbukas ng pinto ng hotel nila.
Isa sa mga business ng pamilya nila ay ang pagpapatakbo ng malalaking hotel at mga condo sa Makati. At sa edad nyang bente-syete ay hinihingian na sya ng apo ng mga magulang nya para daw may mag-mamana pa ng apelyido nila dahil bugtong lang anak sya.
Napabalikwas sa higaan si Alexander ng marinig na may tumatawag sa kanya. Kinuha nito ang cellphone ay sinagot.
"Hello, apo. How's your vacation there?" Sabi sa kabilang linya.
Napabangon si Alex ng marinig ang boses ng Lola nito. At nagtikhim pa bago magsalita.
"Yes, grandma." Ngiti nito. "Okey naman po, sayang nga hindi ko kayo kasama. Nagkita na kami nila mom and dad yesterday, and they both doin' fine." Pagsisinungaling nito.
"Ganun ba? I miss you, apo ko. Umuwi ka ng mas maaga dito ah. Namimiss ka na ni potchi." Ani kabilang linya.
"Aaaaa. I miss you too, Lola. My potchi, Mommy will be there soon." Sabi ni Alex at naghalik-halik pa sa telepono.
"O sige na apo. Nag-pahanap na din ako ng papalit sa PA mo."
"Thanks, grandma."
"Bye. I love you."
"I love you too." At pinatayo ni Alex ang tawag.
Ang alam pala ng Lola nito ay nasa bakasyon pa sya sa Amerika. Lingid sa kaalaman ng matanda na nasa pinas na pala ito at magkasama na sila ng nobyo at mag-iisang linggo na.
[MARIAH]
"Hello ma, opo ayos naman po kami. Bukas po malalaman pa namin. Opo, tatawag ulit ako mamayang gabi. Sige po, ingat din po kayo." Paliwanag ni Mariah sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.
"Kamusta kaya si Lolo? Namimiss ko na din sya." Malungkot na sabi ni Kara sa kaibigan.
"Ayos naman daw sya. Sinabi ni Kaloy, binisita daw niya kahapon. Ibinilin ko na din kasi sa kanya." Aniya sa kaibigan na nag-aalala. Laking ngiti naman ang iginawad ng kaibigan sa kanya at niyakap pa.
"Salamat pren." Kumawala ng malalim na hininga. "Hays, excited na ako magtrabaho tapos mabibili ko na din ang mga gusto ko. Mapapatingin ko na din ng maayos sa doctor ang lolo." Ngiti habang nakatingin sa kawalan.
"Konti nalang. Pasasaan at magkakaroon din tayo ng maayos na trabaho. Nakakasawa na magbuhat ng malalaking maleta at magsuot ng mataas na takong." Sabay nagtawanan ang magkaibigan.
"Kara, Mariah, hali kayo. Pagsaluhan natin itong binili kong pares sa kanto." Alok ni Alexa habang naghahanda ng makakain sa mesa.
"Nakakahiya naman sayo. Pasensya ka na pala ha. Babayaran ka nalang namin kapag nakuha kami sa pabrika." Sabi ni Mariah na uupo na.
"Naku, wag nyong alalahanin yun. Pare-parehas lang tayo ng lagay, sige na kain na tayo." Ngiting tugon nito sa dalawa.
Masayang pinagsaluhan ng tatlo ang hapunan na nasa lamesa.