Sabado ng umaga, habang nag-didilig ng mga halaman ang ina nila Mariah at Paulo binilinan na mamalengke ang magkapatid.
"Anak, samahan mo ang ate mo mamaya sa pamamalengke, ng bukas ng umaga ay hindi na ako mamili pa."
"Ma, baka pwedeng si ate nalang po." Reklamo nito.
"Naku mama, alam nyo kaya ayaw nyan sumama. Makikita na naman kasi nya yung isang tinderong bakla dun na patay na patay sa kanya. Akalain mo, ibang klase yung manliligaw ko tapos ang kapatid ko lapitin sa mga beki. Naku kung alam lang nila na isang beses ka lang naliligo sa isang linggo." Sigaw ng dalaga na naghuhugas ng pinagkaitan at tumatawa pa.
"Tatlong beses naman ate! Basta ma, ayoko sumama ." Pagkasabi ay agad na sinara ang pinto ng kwarto.
Tawang-tawa naman si Mariah at ang ina nito.
"Ate, bilisan mo na kasi dyan!" mahinang sigaw ni Paulo na nakatalikod habang hinahawakan ang hood na jacket na parang may tinataguan.
"Oo na. Last na to."
"Hi gandang bae, bakit mag-isa ka lang. Hindi mo kasama si pogi?" Tanung ng tinderong kaharap ni Mariah.
Napapangiti naman ang dalaga at pasimpleng tinuturo sa beki ang nakatalikod na si Paulo. Ng makita ito ng bakla ay agad-agad na umalis sa pwesto at pumunta sa binata na para bang sabik na sabik makita.
"Paulooo! Pogiii!" Patakbong papunta sa kapatid nya. Hindi naman mapigilan ni Mariah ang tumawa lalo na ng makita ang reaksyon ng kapatid. Nagtatatakbo ito na parang mga bata na naghahabulan.
Bilang ganti ni Paulo sa ate ay hindi nya ito tinulungan mag-buhat mula sa palengke hanggang sa bahay. Nang makarating sila ay wala pa ring tigil sa kakatawa ang ate nito. Inilapag ng dalaga ang mga binili sa lamesa pagkapasok sa bahay. Nang bigla-biglang naririnig nila sa labas ang nagsisisigaw na si Kara.
"Pren, pren! Matutuwa ka. Umuwi na si Aling Magda, at alam mo ang magandang balita. Meron daw siyang kilala na naghahanap ng mga tauhan sa isang pabrika sa manila. Prend, ito na yun." Masayang sabi nito sa kaibigan at nagtatalon pa.
"Talaga? Ma, narinig nyo po yun? Sa wakas, magkakaroon na din ako ng maayos na trabaho." Niyakap pa ang kaibigan at kapwa nagtatalon na parang mga bata.
"Kelan pala pwedeng lumuwas, sinabi ba sayo?" Tanung ni Mariah.
"Bukas daw ng madaling araw. Nabigla nga ako e siguro ay kailangang kailangan nila. Sayang naman kung palalampasin natin diba?"
Pagkukumbinsi ni Kara sa kaibigan.
"Tama, sayang ang pagkakataon. Gora na tayo." At muli at nagtatalon sa labis na tuwa ang mag-kaibigan.
Masayang nag-iimpake ng mga gamit si Mariah, pakanta-kanta pa ito. Ng may narinig syang kumakatok sa pintuan ng kwarto nya. At agad na binuksan ni Paulo ang pinto at umupo agad sa kama ng kapatid ganun din ang ina nito.
"Ate, totoo ba? Aalis ka na bukas? Sa wakas! Matatahimik din ang buhay ko!" Napasuntok pa ito sa hangin at biglang humawak sa tenga dahil piningot na ito nga kapatid.
"Mag-tatrabaho ako para sa inyo ni mama, kaya mag-aral ka ng mabuti. Alagaan mo si mama kapag wala ako."
"Masusunod madam." nagsaludo pa ito habang nagtatalon-talon.
"Anak, mag-iingat ka kapag nandun kana ha. Hindi mo kilala ang mga tao sa lungsod, malayo ang ugali nila gaya nating mga nasa probinsya. Balitaan mo kami palagi." Halos naiiyak na sabi ng Ina nito.
"Wag po kayong mag-aalala, mag-dodobleng ingat po ako. Kayo po, wag nyo po pabayaan ang sarili nyo habang wala ako." Ngiti nito sa ina.
"Nga pala ate, paano kapag hinanap ka ni Karding bungi? Anung sasabihin ko?" basag ng kapatid sa kasiyahan ng mag-ina. Binato naman ito ng unan ni Mariah at dali-daling lumabas sa kwarto na tawang-tawa.
KINABUKASAN, inilalagay na sa likuran ng van ang mga gamit ng mag-kaibigan. Panay ang paalam at paalala ng Ina nito sa dalawa at hindi na mapigilang umiyak pa.
"Tumawag ka lagi, anak ha. Mag-ingat kayo dun." Sabay punas sa mga pumapatak na luha.
"Opo, aalis na po kami." Malungkot man ay hindi nya pinapakita sa kapatid at ina, niyakap nya ito ng buong pagmamahal at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha. Kumakaway pa ito bago tuluyang isinara ang pinto ng sasakyan.
Pagdating nila sa lugar ng address na nakasulat ay agad na lumapit sa kanila ang isang babae na nasa isang taon lang ang tanda sa kanila. Nagpakilala ito ay pinatuloy sila sa bahay.
"Pasensyahan nyo na ang kalat. Kababalik ko lang din kasi kagabi kaya hindi pa ako nakakapag-linis." Paliwanag nito.
"Naku ayos lang. Hindi mo kailangan humingi ng pasensya." ngiting tugon ni Mariah.
"Ako nga pala si Alexa, ako yung tinawagan ni Tita Magda." Iniabot ang kamay para sa dalawa.
"Ako naman si Kara, at si Mariah, kaibigan ko. Magkabaranggay kami ni aling Magda." Pagpapakilala din ni Kara at agad naman na nagkasundo ang tatlo.