[MARIAH]
"Paulo, matagal ka pa ba dyan?! Bilisan mo, maliligo pa ako." Sigaw ni Maria sa may pinto ng kanilang cr.
Nang buksan nito ang pinto at agad na tinakpan ni Maria ang ilong dahil sa amoy nito.
"Ang baho naman Paulo!!"
"Aba, san ka nakaamoy ng mabangong tae. Kasalanan mo naka-abang ka dyan."
"Bastos ka talaga!" At binatukan ito.
"Umalis kana bago pa kita mabukulan." Sabi ni Maria na gigil na gigil sa kapatid at isinara ang pinto. Mas lalo pa naman itong inasar ng kapatid na lalaki.
"Nag-aaway na naman kayo. Ikaw naman kasi umalis kana at tanghali ka na naman sa school. Late ka naman." Sabi ng kanilang ina na nagdidilig ng halaman sa loob.
"Aalis na nga po." At inabot ang kamay ng ina para magmano.
Pagkatapos maligo ni Maria ay dali-dali itong nagbihis dahil alam nyang dadaan na ang kaibigan nya para sa lakad nila.
"Friend, bilisan mo na dyan. Kaninang-kanina pa ako naghihintay. Malayo pa yung pupuntahan natin." Sigaw nito sa baba ng hagdan ng bahay nila.
"Andyan na, bababa na. " Ani Maria.
"Ma, aalis na po kami. Wag nyo po ako hintayin mamaya." Pagkasabi ay agad na nagmano sa ina maging si Kara.
Samantala, palabas na para sa pananghalian si Paulo kasama ang mga barkada.
"Naku pare, mukhang iinit na naman ang ulo mo." Ani kaibigan nitong si Akihiro na nakaupo sa bandang kanan nya.
Tinuro nito sa kaibigan ang mga binabaeng palapit, at ang isa pa naman sa kanila ay patay na patay kay Paulo.
"Pauloooooo! My labs, ang pogi pogi mo talaga. Nakakagigil!" Habang pisil pisil ang bisig ng binata.
"Salamat buo na naman ang araw ko nakita kita. Sama ka samen mamaya, may sayawan sa kabilang bayan. Sige na sumama ka na, para naman may tsupapi kaming kasama." Sabi nito na nakayakap na kay Paulo. Panay naman ang atras sa bangko ni Paulo dahil sa ginagawa sa kanya ng beki.
"Sayo buo ang araw, akin durog na. At Bago pa sana tuluyang madurog, lumayo ka saken bago ko pasabugin ang mukha mo." Sabi ng lalaki na halatang naiinis na.
"Heto naman, sayang ka ang pogi mo pa naman kaso mainitin ang ulo mo." Sabi ng bakla at medyo lumayo sa kanya dahil akmang susugudin na ito ni Paulo ngunit napigilan agad ito ng kaibigan.
"Umalis kana dito! Panira ka ng araw maghanap ka ng babadtripin mo ah. Wag ka ng magpapakita saken!" Sigaw nito.
Hindi na maikaila dahil sa tikas ng pangangatawan ni Paulo ay habulin sya ng mga babae lalo na ng mga beki. Pero wala sa bokabolaryo nya ang magkaroon ng karelasyon. Katwiran niya ay makakapaghintay naman ang ganong mga bagay.
Samantala, nag-uumpisa na ang event ng makarating sila Kara at Maria. Mabuti nalang at ayos na sya at pag dating doon ay pumunta agad siya sa backstage at nakapila kasama ang ibang mga contestant.
Hindi na bago kay Mariah ang ganitong klase ng kasiyahan dahil halos lahat ay sinalihan na nya.
Ilang oras pa ang lumipas ay tinatawag na sa unahan ang mga kandidatang pasok sa top five. Kampante si Maria ng mga oras na iyon, ngunit bigo na naman sya. Hindi na nya hinintay pa magsalita ang nag-aanunsyo ay bumaba na sya ng stage at patakbong umiiyak kay Kara.
"Pren, tama na ang iyak. Ito naman parang baguhan sa larangan ng pagkatalo. Di ka pa nasanay." Pagbibiro ng kaibigan habang nasa sasakyan.
Pinunasan ni Maria ang luha at tumingin sa kaibigan na naiinis.
Hating-gabi na ng makarating ito sa bahay. Nadatnan nila na gising pa ang ina nito na naghihintay sa kanila. Maya-maya pa ay narinig nilang bumukas ang pinto at lumabas si Paulo.
"Hulaan ko ate, olats ka na naman nu? Sabi ko naman sayo wag ka na sasali sa mga ganyan wala kang mapapala kundi ang umiyak lang at maging talunan." Pang-aasar pa nito sa kapatid.
Galit naman na nakatitig si Mariah sa kapatid.
"Pwedeng-pwede na itanim ni mama ang mga dala mong bulaklak at magtayo ng flower shop." Habol pa nito.
Di na nakatiis pa si Mariah at sinunggaban na ang kapatid. Pinagsusuntok ito at niliik pa nya ito gamit ang braso.
"Alam mo, bago kita tuluyang ma*atay, umalis kana dito ah!" Sabay bato pa ng damit nito na nakaplastik.
"Ate tandaan mo ito, kapag nanalo ka magpapahanda talaga akooo!!" Habol pa nitog sigaw at pumasok sa kwarto.
"Anak, alam mo hindi naman kita pinipigilan sa mga gusto mo. Susuportahan kita kahit anu pa yan, pero sana maiintindihan mo din na hindi para sayo ang ganyang paligsahan. Nasasaktan din kasi ako sa tuwing nakaramdam ka ng paulit-ulit na pagkabigo. " Sabi ng Ina nito habang hinahaplos ang likod niya.
"Tama si tita friend. Marami pang iba dyan, naku di naman tayo papayag na palaging olats. " Sabi ni Kara sa kaibigan.
Matapos mahimasmasan si Mariah, agad agad din silang pumasok sa kwarto nya para makapagpahinga na.
"Kars, gising ka pa?" Tanung nito sa kaibigan habang nakatingin sa bubungan ng kwarto. "Alam mo tama naman kayo nila mama, siguro hindi nga para saken ang pageant na yan. Ayoko na mangarap na makasali ako sa Miss. Universe, e baryo pa lang nga ang labanan e talo na agad. Ayoko na din umiyak, simula ngayon hinding hindi na ako sasali sa mga ganyang pa kontes kahit anung mangyari."
Maagang nag-paalam si Kara sa kaibigan maging sa ina at kapatid nito na uuwi na.
"Ate, lumabas ka na nga dyan sa kwarto mo! Wag ka ng iiyak, tanggapin mo nalang kasi ang pagkatalo mo!" Sigaw ni Paulo sa pintuan ng kwarto nya.
Binuksan naman ng kapatid ang pinto at galit na hinarap ang kapatid.
"Hindi ako umiiyak, may ginagawa ako sa loob!" Sabay sipa sa may tuhod nito. "Anu ba kasi 'yun, ha?"
"Kanina ka pa kasi hinihintay ng bungi mong manliligaw. Ang aga-aga, umaakyat ng ligaw." Kamot sa ulo ni Paulo.
"Haysss, bakit mo naman sinabi na nandito ako. Pwede naman na magsinungaling ka. Nakakainis!"
Aalis na sana si Mariah ng hawakan sya sa braso ng kapatid.
"Uy ate, alam mo matagal-tagal ka na din naman nililigawan nyang si Karding. Bakit hindi mo nalang sagutin, panigurado panalo ka sa kanya. San ka pa?" Pang-aasar ng kapatid nito at nakangisi pa.
"Lika, lika. May ibubulong ako sayo." Hila nito sa tenga ng kapatid. "Alam mo kapag hindi ka tumigil ng pang-aasar mo, gagaya ka kay Karding na tatlo nalang ang buhok!" Sabay siko ulit sa tagiliran ng kapatid.
Bago humarap kay Karding ay inayos muna nya ang sarili at ikinalma. Hindi naman kasi sa ayaw nya sa lalaki ay malayo ito sa lalaking pinapangarap nya. Kahit papaano ay marunong din naman syang kumilatis ng lalaking talagang iibigin nya. Bukod kasi sa maliit si Karding ay bungi pa ito at kalbo at may iilan pang natira sa buhok nito na kinaiinisan nya sa tuwing nakikita.
"Magandang umaga sayo, Mariah. Bulaklak para sayo." At iniabot ang rosas na para bang bagong pitas lang.
"Magandang umaga din, Karding. U-upo ka. Ang aga mo ata pumasyal, pwede naman na sa hapon, o kaya ay wag na." Mahinang sabi nito sa sarili nya.
"Gusto ko kasi makita ka, Mariah. Nagiging malakas kasi ako sa tuwing nakikita kita sa umaga." Sabay ngiti nito at kitang kita ang pagkabungi ng lalaki.
"Ga-ganun ba?" Napipilitang ngiti ng dalaga.
Halos isang oras ding pinagtyagaan ng dalaga na kausapin si Karding, nangako pa ito na babalik kinabukasan.