CHAPTER 5

656 Words
Phabies POV. Hindi pa man kami nakalabas ng kotse ay naririnig na namin ang ingay sa labas. Halata mo na madami talagang umattend ng family day. "honey, ready na ba kayo?" "Yes po mommy" – Masiglang sabi naman ni key. "Let's go na po mommy, we're late na po" – Pag aaya naman ni Jacob Malaki ang ngiti sa labi ng kambal ng mag simula na kaming pumasok ng school nila. Ngunit naramdaman ko nalang na tumigil sa pag lalakad ni key kaya naman napatingil din kami ni Jacob. "Hey key, let's go inside " – Nag mamaktol na sabi ni Jacob sa kapatid, pero parang walang narinig si key, dahil busy ito sa pag titig sa di kalayuan, kaya naman sinundan ko din ng tingin ang tinitingnan nito. Nakita ko dun ang isang masayang buong pamilya, Yung tatay na karga karga ang anak nitong babae habang ang ina naman ito ay busy sa mag pupunas ng pawis. Mabilis kung nilingon si key na ngayon ay nawala na ang malaki nitong ngiti sa labi. Lumuhod ako sa harapan nito upang mag pantay ang mga mukha namin. Hindi ko pinangarap na makaramdam ng anak ko ng ganito. "Baby? Ok kalang ba?" – Mabilis naman ito napalingon sa akin na parang nagulat. "Yes po mommy" – Naka ngiti na ulet itong sabi, pero alam ko ang tunay na ngiti sa hindi. At ang ngiting ibinigay sa akin ngayon ni key ay isang pilit na ngiti. Pero bago pa man ako malatayo ay yumakap na ito sa akin na ikinagulat ko. " Mommy I'm sorry po, lagi nalang po kita pinapalungot. I'm sorry mommy. Let's go.. sob.. ho..sob.me nalang..sob.. po." – Umiiyak na nito sabi. Parang binibiyak na naman ngayon ang puso ko, bakit ganito ang mga anak ko? Bakit lagi nalang ako yung iniisip nila, kahit na sasaktan na din sila. Bumitaw ako sa pag kakayakap dito at iniharap ito sa akin at hinawakan ko ito sa makabilang pisngi nito. "Baby, listen to mommy, Hindi mo pinapalungot si mommy. Ok? At hindi tayo uuwi. Wag na umiiyak ang baby key ko. Tahan na, papangit ka nya." – ngumiti naman ito sa akin at pinunas ang natitirang luha sa mata. Tumayo na din ako at kinapa ang cellphone sa bulsa ng pantalon na suot ko. Kaylangan ko makausap ang ama ng kambal, kaylangan sya nito ngayon. Pero bago pa man ako maka tawag ay............ "Sorry I'm late" – Isang hinihingal na boses ang nag palingon sa aming tatlo. Nilingon ko naman ang kambal na gulat na gulat ang itsura na wari moy nakakita ng multo. Pero nakabawi agad si Jacob at humawak sa kamay ko. Si key naman ay nakatinggin lang dito habang nakangiti. " let's go? Kukunin pa natin lahat ng awards." – Pag aaya naman nito. Ngunit natigilan ito at napatitig sa anak nitong si key. "Hey beautiful young lady, bakit mugto ang mata mo? May umaway ba sayo? Tell me baby...." – hindi na pinatapos ang sasabihin pa ng ama ng mag salita na si Jacob. "Because of you" – nakayukong sabi ni Jacob, na nag payuko din kay key. "Really? Ooh my sorry. "- malungkot namang sabi ni drew. Bago pa man mag iyakan na naman ang mga anak ko ay nag salita na ako. "Guys. Look we're here to enjoy, remember kid? " "Yess po mommy" – Sabay naman nitong sabi "So, what are we waiting for? Let's go?" – Nag simula na kaming mag lakad, si Jacob na hindi na binitawan pa ang kamay ko at si key naman na enjoy na enjoy sa pag kakakarga ng ama nito. . . . . . . . Natapos ang family day, Hindi man kami ang nakakuha ng lahat ng awards, nakita ko namang masaya ang mga anak ko. Iba yung saya nila pag kasama nila si drew. Oo baka nga hindi ko kaylangan ng isang drew Sandoval pero kaylangan sya ng mga anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD