Phabies POV.
"Thank you" - Basag ko sa katahimikang lumulukob sa loob ng kotse ni drew. Pauwi na kami sa bahay ngayon, Atkasalukuyang tulog na tulog ang kambal sa mga bisig namin ni drew.
"Salamat din" - Makahulungang sagot naman nito. ngumiti nalang ako dito bilang sagot. Maya maya pa'y nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap ng aking mata kaya inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan. at nagsimulang ipikit ang mata.
Drew POV
"Sir andito na po tayo" - Nagising ako sa pag tapik sakin ni kuya didong. Si kuya didong ay driver ko simula noon pa man. Lumingon naman ako sa labas at napagtanto ko na tama ito, sana tapat na nga ako ng bahay ng mag iina ko. Lumabas naman ng kotse si kuya didong at nag hintay ng hudyat ko para busak ang pinto mula sa labas.
Napatingin ako sa anak kong babaeng tulog na tulog sa bisig ko. Kapit na kapit din ito sa bewang ko na parang ayaw ako nitong pakawalan pa. hinaplos ko ang curly nitong buhok at hinalikan ang ulo nito. Napalingon naman ako sa dalawang tao na magkayakap sa tabi ko. Napangiti ako ng mapagmasdan ko ang maamong mukha ng anak kong lalaki, hindi mapag kakailang ako ang ama nila. Para lang akong nananalamin, ilong, labi, mata,kilay, buhok. Lahat ata sakin nakuha.
Naiwas naman ako ng tingin ng gumalaw ng bahagya si phabies.
"Andito na tayo" - Sabi ko naman dito.
"Sorry nakatulog ako" - Pag sabi nito ay inayos ang makakakarga kay jacob. Kumatok nadin ako sa bintana ng kotse para buksan ni kuya didong ang pintuan. At tumalima naman ito.
Phabies Pov
"Jan yung bed ni key, jan mo nalang sya ihiga" - Pag tuturo ko sa kulay pink na bed na katabi ng bed ni jacob. Habang inaayos ko pa ang pagkakahiga ni jacob ay napansin ko na binuhay na nito ang lampshade ni key na hudyat na tapos na itong iayusin.
"Sa labas lang ako" - Pagkasabi nito ay tuloy tuloy itong lumabas ng kwarto.
"Hindi paba ito aalis?" -Tanong ko sa sarili. Tinapos ko ginagawa ko, bago ako lumbas ay Maingat kong pinatay ang ilaw at lumabas ng kwartong tahimik.
Naabotan ko itong nakaupo sa sala at nag hihitay sakin.
"Coffee or juice?" - Patatanong ko dito, dumiritso ako sa kusina.
"Coffee"- Sagot naman nito. At sumunod sakin sa kusina. Napuno naman ng katahimikan ang kusina ko at ang pagsasalbukan lang ng tasa at kutsara lang ang ingay na naririnig.
"Bakit ka umalis ng gabing yun" - Nagulat ako sa tanong nito. Hindi ito nakatingin sakin kundi busy ito sa pag titig sa kutsara hawak. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nito, kasi kahit ako hindi ko alam kung bakit.
" Bakit hindi ka bumalik sakin nung nalaman mong buntis ka?" - Lalo naman akong hindi makasagot.
"Bakit mo tinago sakin ang mga anak ko?"- Sa pag kakataon na ito ay tumingin na ito sakin ng diritso na wari mo'y nag hahanap nito ng sagot mula sa mga mata ko.
"Sorry"- Isang salita lang ang lumabas sa bibig ko ng mga oras na yun. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salita na yan pero alam kong yan ang tamang salitang binitawan ko.
"Sorry!?" - Tanong nito sakin sa mababang tono pero may gigil na kasama. Napayuko nalang ako.
"Wala ka ng ginawang tama! puro kahihiyan nalang ang ginagawa mo!" - Biglang ng eco sa tenga ko ang mga salitang laging sinasabi sakin dati ni daddy. Limang taon na ang nakakaraan pero tulad parin pala ako ng dati. ako parin yung phabies jane na walang ginagawang tama.
"Hey, i'm sorry" - Lumapit ito sakin at hinawakan ako nito sa balikat. Na nagpagising sakin, naramdaman ko na basang basa na pala ng luha ang buong mukha ko. na agad kong pinunasan. Tumayo ako sa pag kakaupo ko at matapang na humarap dito.
"Umalis kana" - walang emosyon na sabi ko. hindi naman ito gumalaw sa kinatatayuan. Kung ayaw nyang umalis ako ang aalis. Tumalikod na ako at nag lakad, kaso nakakailang habang pa lamang ako ay may humila na ng braso ko at natagpuan ko nalang sa sarili kong umiiyak sa bisig nito.
"pssssst. tahan na, im sorry."- first time sa buhay ko na may yumakap sakin habang umiiyak ako. Hinigpitan ko pa angyakap ko dito at binuhos ko lahat ng natagong sakit sa puso ko.
"Im sorry, hindi ko sinasadyang sigawan ka" - Pagkasabi nito ay kumalas ito sa yakap ko. nakayuko naman ako nito at parang batang humihikbi. Bakit sa harap ng lalaking to ang hinahina ko, bakit kaya kong maging mahina pag sya kung kausap ko.
Hinawakan naman nito ang mukha ko gamit ang dalawa nito kamay ay pinaharap ako nito sa kanya. pinunas nito ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. titig na titig naman ako sa mga mata nito na nag sasabi na andito ako hindi kita iiwan. Pinaupo ako nito sa sofa at umupo naman ito katabi ko. Umakbay ang mga kamay nito sa akin at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit yumakap ako sa bewang nito.
Ilang minuto na ang nakakaraan pero walang umiimik samin, pinakikiramdam lang namin ang isa isa. Nakaramdam na din ako ng antok kaya pinikit ko ang mga mata ko habang pinapakingan ang pintig ng puso nito na rinig na rinig na wari moy nagiging musika ng tenga ko. naramdaman ko ding tinatapik nito ng marahan ang balikat ko. na parang mag papatulog ng baby.
"Hindi ko kayo iiwan" - Yan ang huli kong salitang narinig bago ako dalhin ng antok.
|kinabukasan|
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ko. Napabalikwas naman ako at napa yakap sa katawan ko ng maalala ang nanyari kagabi.
"Susmeyomarimar may damit pa ako. Salamat" - napahinga naman ako ng maluwag. Ang naaalala ko lang ay nakayakap ako sa mga bisig nito at black na lahat.
"Bakit andito ako sa kwarto ko?" - iginala ko ang paningin ko sa loob ng silid ko.
"haaaayssss. Ano na namang bang ginawa mo phabies jane! nakakahiya ka! " - Pag sabunot ko sa sarili ko. Napag desisyonan kong bumangon na magtungo sa kusina para mang hilamos.
"O gising na pala ang nag dadalaga kung friend" - napalingon ako sa nag salita.
"O janel. Anjan kana pala, ang aga mo ata" - sagot ko dito na hindi pinansin ang sinabi nito.
"Oo kanina pa ako dito, muntik na nga akong atakihin sa puso ng maabutan ko dito si sir drew."
"Ano? andito si drew?"
"hoowow. Yaney parang gulat na gulat ha. Ano hindi mo alam na dito na tulog si drew ganuuun?"
"Ano dito natulog si drew?" -Pagtatanong kong balik dito.
"aaaa hindi ba KAYO natulog? bakit bes may bagong kapatid na ba ang kambal" - sabi nito habang may nakakalokong ngiting nakaguhit sa mga labi nito.
"Hoy janel! Anong pinag sasabi mo jan. Malisyoso ka!" - grabe parang lalong umiinit dito sa kusina ko.
"hoy din bes. Namumula ka" - natatawang sabi nito.
"anyways nabuksan ko na yung shop. aalis din ako bibisitahin ko yung iba nating branch. Baboooooosh" - Kumaway na ito sakin at nalakad na patungo sa pinto.
"Naabutan mo dito si drew kanina?"- Pahabol kung tanong dito bago ito makalabas ng pinto.
"Oo. Jan tulog sa sofa. bebye" - sagot nito ng hindi lumilingon.
Napaupo naman ako sa upuan dito sa kusina. Dito natulog si drew, sa sofa. Bakit kaya hindi nalang ito umalis kagabi. Nagising naman ako sa pag iisip ko ng may malakas ng boses na pumuno sa buong bahay.
"Titttttaaaaaa, sasama mo ako kay nanay. pwede po ba?"
"Sige R. Sama kana sa nanay mo, ako na bahala sa shop. mag ingat kayo ha." - Pag kasabi nito ay tumakbo na ito palabas ng bahay. Napangiti nalang ako, sobrang pasasalamat ko talaga sa pamilya ni janel sa pagtulong sakin.
Walang pasok ngayon ang kambal kasi sabado ngayon. Kaya naman hindi ko na muna ginambala pa ang tulog nila. Nag punta na ako shop at ng check ng mga stocks.
Drew POV.
"Sir andito na po tayo"
"Salamat kuya didong ha. Pasensya na din po hindi na tayo nakauwi kagabi" - Pag hingi ko ng pasensya dito.
"Nako sir. wala po yun" - Nahihiya nito sagot habang nilalaro sa kamay ang susi ng kotse.
Tinungo ko naman ang daan papasok ng mansyon. Naramdaman ko din ang pag kirot ang sintido ko dahil sa kulang ako sa tulog.
"drew anjan kana pala. Halika ka at mag almusal ka muna" - Sigaw ni mommy galing sa kusina. Lumapit ako dito at nag beso. Nag aalmusal na din sila dad kasama si ate missy.
"Mamaya nalang ako kakain ma. Akyat muna ako sa kwarto" - Sagot ko naman
"Ganun ba"- matamlay na sagot ng aking ina. Papalakad na ako palabas ng kusina ng masalita si daddy.
" drew kelan mo balak dalhin dito sa bahay yung mga apo ko? "
"Oo nga drew. Dalhin mo sila dito" -Pag sang ayon naman ni ate messy.
"Dad ayaw ko po mabigla yung mga bata, kaya po dinadahan dahan po naming sabihin sa kanila ang lahat" - Paliwanag ko sa kanila.
"E yung favor na sinabi ko sayo. Napag isipan mo na ba?" - Natahimik naman ang lahat sa kusina.
"Pinag iisipan ko pa po dad" - At nag tungo na ako sa silid ko.
Alam ko na magulo ang pulitika, ngayon pa ba ako susubok sa gera kung kelan may mga inosenteng pwedeng madamay. Ngayon pa kung kelan alam ko na may anak ako. Ang gusto ko lang ngayon ay makasama sila at mamuhay ng normal.
Kaso paano si dad? paano yung kaisa isa nyang favor na hiningi sakin ay hindi ko pa matupad. Alam kong naging maganda ang pamamalakad ng aking ama sa aming bayan kaya naman ayaw nitong ipahawak pa ang posisyon sa iba.
Kaya ko bang pag sabaying maglikod sa bayan at maging ama sa mga anak ko?