Phabies Jane POV.
"Mom" – Tawag sakin ni Jacob habang busy ako sa pag bibihis dito. Si key naman ay naririnig kong kinakausap parin ang kanyang tita ninang jenel. Andito ako ngayon sa kwarto ng kambal.
"Yes baby? Ang gwapo talaga ng anak ko. "– Sabi ko ng matapos ko itong bihisan. Nakasuot sya ngayon ng itim na tuxedo na bagay na bagay dito. Base kase dun sa invitation na ibinigay samin kanila formal daw ang theme ng party.
"Mommy alam ko po na ayaw mong pumunta dun sa party, pwede naman pong hindi tayo pumunta. Maiintindihan naman po yun si key " – Napangiti naman ako sa sinabi ng anak ko. Para talaga itong matanda kung mag isip.
"Aaaaa. Ang sweet talaga ng anak ko. Hug mo nga si mommy"- Agad naman nya akong niyakap ng sobrang higpit.
"I love you mommy." – Staka nya ako hinagkan sa pisngi
"I love you more my baby Jacob. Sige na kunin mo muna yung book mo. Si key naman bibihisan ko ok?" – Agad naman nyang sinunod ang sinabi ko. Tinawag ko na din si key. At sinimulang bihisan ito. Ang napiling suotin naman ni key ay kulay itim ng dress.
Nang matapos kung bihisan ang kambal ay pumunta na ako sa kwarto at ako naman ang nag bihis. Nag aayos na ako ng mukha ng biglang may kumatok at pumasok si jenel. Naka suot ito ng long sleeve black maxi dress. Na bumagay sa maputi nitong balat.
"Bess, Tama ba pumunta kami? Nakakapag taka lang na, bakit kaylangan gawin ng mga Sandoval lahat ng ginawa nila kanina para lang mapapayag akong pumunta dun sa welcome party na yun. Sino ba naman kami? Nakakapag taka lang talaga." – Sabi ko habang patuloy parin ako sa pag aayus.
"Hindi ko din alam bess. Baka gustong gusto lang talaga ni Mrs Sandoval ang kambal. Kaya pag bigyan mo na. Diba't nangako naman sila na pag katapos ng gabing ito ay hindi na ulet sila lalapit pa sa kambal. " – Sakto naman na tapos na akong mag ayos kaya naman tumayo na ako.
"Yun na nga lang ang pinang hahawakan ko ngayon. Teka saan pala tayo sasakay? "
"Nagawan ko na ng paraan. Tawagin mo na yung kambal, hintayin ko nalang kayo sa labas oki? Late na din tayo. "
-------
"Were here" – Napalingon naman ako sa bintana ng kotseng gamit namin ng mag salita si jenel.
"Mommy lets go. Lets go.." – Excited naman sabi ni key. Naunang lumabas ng kotse si jenel.
"Baby wait. Gusto nyo bang umiiyak si mommy?" – Pag tatanong ko sa dalawang bata sa tabi ko.
"Noooo mom" – Jacob
"Ayoko ko po mommy, maiiyak din po ako." – Sabi naman ni key at yumakap sa akin.
"So ganito. Para hindi umiyak si mommy, mag behave kayo ok? Pag sinabi ko na uuwi na tayo, uuwi na tayo. Key... baby, Wag masyadong makulet ok? Madaming tao sa loob, Wag kayong makikipag usap sa stranger ok? Wag kayong lalayo sakin ha? Pag labas natin ng kotse hawak agad kayo sa kamay ko. Ayokong mawala kayo sakin. Hindi kaya ni mommy. Hug nyo nga ako. " Niyakap naman ako ng dalawa, Hindi ko alam kung bakit ayokong malayo sila sakin. Feeling ko anytime may kukuha sila sakin.
"Mommy magugulo po yung hair ko. " – napatawa naman ako at binitawan silang dalawa.
Lumabas na kami ng kotse. Pag labas namin ay hindi na namin nakita pa sa jenel. baka na una na itong pumasok. Humawak naman sa mag kabila kung kamay ang kambal. Nag simula na kaming mag lakad papasok. Sa bawat pag hakbang ng mga paa ko ay parang may humahatak sakin pabalik sa kotse at itago nalang dun ang mga anak ko. Dahil lahat ng taong nadadaanan namin ay nakatinggin sa kambal. Na wari mo ay isa silang sikat na artista. May lumapit sa aking isang tauhan doon at dinala kami kung saang table kami uupo. Nakahiga naman ako ng maluwag ng makaupo kami ng matiwasay.
"Mommy ang dami pong tao. Pero mommy ikaw parin po yung pinakamaganda " – Sabi naman ni key.
"Hahaha. Ikaw talagang bata ka......... Jacob? are you ok baby? " – Pag tatanong ko dito, mukha kaseng galit ang mga mata nito.
"Those people" – napatingin naman ako sa tinitingnan ng anak ko. Nakita ko yung mga taong walang ginawa kung hindi kami tingnan, may mga nauusap din habang nakatingin samin.
"Jacob? Tingnan mo si mommy sa mata? Diba na pag usapan na natin ito sa kotse? Mag bebehave lang tayo diba? Hayaan mo silang tingnan tayo. Ang gwapo kase masyado ng anak ko, lalo na itong si key ang ganda ganda. Kaya smile kana ok? "– tumango nalang ito at itinuon nalang ang atensyon sa rubiks cubes na dala. Napansin ko naman si key na nag I enjoy sa pag tinggin sa mga ibat ibatng ilaw, at pag mamansin sa paligid.
Nag simula na ang nasabing party, andito nadin sa table namin si jenel. Nagulat naman ako ng nag sitayuan at malakas na palakpalak ang narinig ko. Kaya napatayo din kami ng mga anak ko, para naman hindi kami agaw pansin.
"Tita.. tita.. sya po ba yung iwewelcome?" – Pag tuturo naman ni key. Kaya naman napatingin ako sa tinuturo nito. Bigla akong nakaramdam ng kaba, kaya napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko Makita ang mukha nito, dahil sa madilim na paligid. Pero halata mo sa tindig nito ang magarbong pamumuhay, Para itong isang model kung mag lakad. Lalong lumala ang kaba sa dibdib ko ng umakyat na ito sa intablato at nagliwanag ang paligid. Hindi ko maalis ang tinggin ko sa lalakeng nagsasalita. Hindi ako nag kakamali. Sya yun. Yung kulay asul na mga mata nito, alam na alam ko nung sinong nag mamayari nito.
"Bess ok kalang ba? Pawis na pawis ka?" – napatingin ako sa saglit dito, at ibinalik agad yung tinggin ko kung nasaan ang lalake. Gusto kong makumperma, gusto kong gisingin ang sarili ko na mali ang nakikita ko. Ayoko ko. Natatakot ako. Hindi ko kaya.
"Key. Jacob. Uuwi na tayo. Humawak na kayo sa kamay ni mommy. " – Naramdaman ko naman agad ang kamay ni Jacob sa kamay ko.
" Pero mommy, kakasimula palang ng party." – Pag mamaktol ni key. Umupo naman ako para mag pantay kami ni key.
"Baby please. Wag kana makulet uuwi na tayo" – hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mata ko. Halo halo na ang nararamdaman ko. Takot, takot, takot, pero takot ang namamayani. Naramdaman ko na din na humawak na din sa isa kung kamay si key. Napatinggin naman ako kay jenel, naagad ibinigay yung susi ng kotse. Nag simula na kaming mag lakad ng kambal, hindi ko na ininda pa ang mga tingin ng ibang tao basta ang mahalaga sa ngayon ay makalabas kami ng kambal sa party na ito. Pero bago pa man kami malabas ng malaking pinto ay may humarang sa amin.
"Excuse me lang po. Salamat"
"Pero miss legaspi inaanyayahan po kase kayo sa intablado." – nagulat naman ako sa sinabi nito at napaharap sa intablado.
"Inuulet ko gusto kong anyayahan dito sa taas ng intabdo ang nag-abalang ayusin ang party ko. Gusto ko lang mag pasalamat ng personal. The owner of JK flower shop. Miss Legaspi. Bigyan natin sya ng masibagong palakpalakan. " Nasipalakpakan na ang mga taong uto uto. Nagulat ako na nagdilim ang paligid at nagkaroon ng spot light na nakatapat sa amin ng kambal.
mas lalong umingay ang paligid ng hindi pa ako umakyat.
"Pakipot pa"
"Kainis, sya na nga ang inanyayahan ng isang drew, ayaw pang pumunta tsk"
"Tingnan mo yung dalwang bata, wala silang ama"
"Single mom sya?"
"Kawawang bata"
"Mukha pa syang walang pinag aralan"
"Kawawa naman yung dalwang bata, ang bobo ng mommy nila, hindi maintindihan yung salitang pumunta" – Naramdaman ko naman na humigpit ang kamay ni Jacob na nakahawak sa akin. Tiningnan ko ito, na kahit ako ay natakot sa galit na mga mata nito. Si key naman ay kunti nalang at papatak na din ang luha. Ano ba itong gulong napasok ko, nadamay pati anak ko. Mas lalo kung hinigpitan ang hawak ko sa dalawang kong anak. At taas noo kung tinungo ang itablado. Ayokong mina mata mata lang ang mga anak ko. Special sila, at gusto kong malaman ng lahat yun! Umingay naman ang paligid ng makalapit na kami sa intablado. Sinalubong kami ng nakangiting mukha ng isang mr saldoval, na wari'y manghang mangha. Iwinaksi ko ang takot na nararamdaman ko, sa ngayon gusto kung ipakilala ang kambal, ipag malaki ang kambal kong anak sa lahat ng tao dito. Gusto kung iparating na kanila na special sila. Na dapat malaman nilang lahat ang salitang respeto. Sobra yung galit na nararamdaman ko ngayon.
Binigyan ako ng micropono ng isang MC ng party. At tinangap ko naman ito. Pero bago ako nagsalita ay hinarap ko muna ang kambal at Hinalikan ko sila pareho.
" Magandang gabi po sa inyong lahat, lalo na sayo Mr, Sandoval." – Humarap ako dito at ngumiti ng fake.
"Unang una maraming salamat po na inbitahan nyo kami dito sa party nyo. Dahil sa inyo may chance akong ipag malaki ang buhay ko. Gusto ko lang malaman nyong lahat, Hindi matatayo ang JK flower shop kung wala ang dalawang angel ng buhay ko. KEY AND JACOB. " – nag palakpakan naman ang mga tao ng sabihin ko ang pangalan ng kambal.
"At hayaan nyo mr sandoval na ipakilala ko ang aking sarili jan sa mga tao jan sa may likuran. Sa palagay ko kase ay hindi nila kilala ang taong binabangga nila" – Nagulat ang lahat ng tao sa sinabi ko, pero wala akong paki alam. Anak ko na ang pinag-uusapan dito. nasaktan ang anak ko, bumabawi lang ako. Tumingin ako kay mr saldoval upang humingi ng approval. Ngumiti lamang ito na nagsasabi na go on. Nilimutan ko na muna ang kuneksyon ko sa mr saldoval na yan, ang alam ko lang ngayon ay galit ako.
"Ako nga pala si Phabies jane legaspi. Owner ng JK flower shop, pero hindi lang ako isang owner lang! I am lawyer. At gustong kong sabihin sa inyong lahat lalo na jan sa likuran, na handa kong ipag tanggol ang mga anak ko naayon man sa batas o kahit sa dahas. i can turn the tables in every case i handle so don't you f**k with me coz i know how to kill a man in more ways than one for my siblings. i love my sibling more than my own life so don't you dare! " – Nang matapos kung sabihin ito ay tumalikod na ako. Hinawakan ko na kambal at akmang aalis ng intambado, ng biglang may humawak ng braso ko at iniharap kami ng mga anak ko sa mga tao.
"Everyone may I have your attention please " – Naikitakot ko, lalabas na ata ang puso ko sa kaba. Ano bang nasa isip ng lalakeng ito.
"Gusto kong malaman nyong lahat." – Sa bawat salitang bibitawan nito ay para akong kinakapos ng hininga. Please wag.
"Gusto kong ipakilala sa inyo
.
.
.
.
.
.
.
.
My family" – Lahat nagulat. Kahit ako nagulat, Paano? Natatandaan nya? Mabilis akong nakabawi sa aking pag kagulat ng bigla ulet itong mag salita.
"At sa tao jan sa likod na nag salita ng masama sa mga anak ko, mag kita nalang tayo sa korte. Tapos na ang party magsialisan na kayo. Mas mahalaga ang pamilya ko kesa sa inyong lahat!" – halata sa boses nito ang galit. Nagising naman ako sa pag katulala ng marinig ko ang iyak ni key, mabilis itong yumakap sa akin ng sobrang higpit.
"Mommy... sob... u...wi....uwi na... po sob..... ta....sob...yo..."
"Uuwi na tayo. " – inangat ko ito at inakay naman si Jacob sa isa kung kamay. Gusto ko nang umalis sa lugar na to. Natatakot na ang mga anak ko. Kung pwede ko lang sanang liparin ang pintuan ay ginawa ko na. Nagulat naman ako ng may kumuha kay key sa bisig ko.
"Ako na mag aangat" – tyaka ito nanguna sa pag lalakad. Hoy phabies kumilos ko baka kung saan dalhin nun ang anak mo. Kinarga ko na din si Jacob para mabilis naming masundan si key. Tahimik naman si Jacob na parang ang lalim ng iniisip. Nagulat ako ng pumasok ito ng kotse na dala naming ni jenel. kaya sumakay na din ako sa passenger seat habang kalong parin si Jacob.nag simula ng itong magmaneho. Paanong na punta sa kanya ang susi ng kotse? Buong byahe ay walang ng sasalita sa amin. Nakatulog na din si Jacob sa pag kakakalong ko ganun din naman sa si key na tulog na tulog sa sa pag kakakalong ni drew na hindi naman nahirapan kahit nag mamaneho ito.
Buong byaheng walang umiimik, tumingin nalang ako sa labas ng bintana napansin ko na daan papunta sa bahay namin ang aming tinutungo. Ng makarating kami ay naunang bumababa ito ng kotse at umikot para pag buksan kami. Lumabas na din ako at nanguna sa pag lalakad papasok sa loob ng bahay. Agad kung tinungo ang kwarto ng kambal. Naramdaman ko namang nakasunod ito sa akin. Inihiga ko si Jacob sa bed nito at ganun din ang ginawa nya kay key.
"Mauuna na ako sa labas, sumunod kanalang pag tapos kana dito. madami tayong pag uusapan" – matapos nyang sabihin dito ay lumabas na ito ng kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Ilang minuto na din, pero andito parin ako sa kwarto ng anak ko. Ayokong lumabas, wala akong sasabihin sa kanya. Wala kaming dapat pag usapan pa. Ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si jenel.
"Bess kanina kapa hinihintay ni mr Sandoval sa sala. Puntahan mo na, tulog na ang kambal hindi mo na kaylangan pang bantayan ." – napatingin naman ako sa kambal na ngayon ay mahimbing na natutulog.
"Ayoko. Ikaw nalang humarap sa kanya, paki sabi sa kanya na wala kaming dapat pag usapan pa." – para naman itong nagulat sa sinabi ko.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Wag puro sa sarili mo ang iniisip mo! May anak ka. Kung hindi mo kaylangan ng asawa, Yung anak mo kaylangan nila ng tatay! Matalino ka kaya alam kung alam mo yun. " – pag katapos nito sabihin ay lumapit ito sa may basurahan sa kwarto ng kambal na parang may hinahanap. Ng mahanap ay humarap ito sa akin at may iniabot. Inabot ko naman ito! Isa itong lukot lukot na papel. Hindi ko pa man na bubuksan ay.
"Isa yang invitation sa family day sa school nila. "- natigilan naman ako sa sinabi nito. Bakit hindi ko alam ito.
"Kaninang umaga narinig ko ang kambal mo na nag tatalo. At alam mo ba kung anong pinag tatalonan nila? Wala silang daddy! Alam mo bang habang pinapakinggan ko sila, tumutulo yung luha ko. Lalo ng ng sabihin ni Jacob na " Key please big girl kana. Lagi mo nalang pinapahirap si mommy. Wala tayong daddy, hindi tayo mahal ng daddy natin kaya hindi natin sya kasama ngayon, pero si mommy mahal tayo. Staka nila tinapon pareho yung invitation at sabi nila dapat hindi mo ito Makita kase malulungkot ka na naman. " – napahagulgul ako. Bakit hindi ko alam? Bakit wala akong alam? Bakit hindi ko manlang naramdaman na nahihirapan na pala ang anak ko. Naramdaman ko naman na yumakap ito sa akin.
"Wag mong sayangin yung oras. Baka yung sayo may pag asa pang maging complete family. Kase yung samin ni R? wala na talaga. " –Umiyak na din ito.
"Hays. Tama na nga. Sige na labasin mo na yung ama ng anak mo. Mag usap kayo" – Bago ako lumabas ng kwarto ay inayos ko muna ang sarili ko sinigurado na hindi ako mukhang umiyak.
Pag ka bukas ko palang ng pinto ay lumingon na ito ng sa akin. Nag diridiritso na ako ng lakad palapit dito.
"Bukas, sa ice cream house malapit sa shool ng kambal. Pwede kanang umalis" – tumayo na ito, nabigla pa ako ng bigla ako nitong yakapin.
"Salamat. Salamat" – mahina nitong sabi sa akin
"umalis kana. Lumalalim na ang gabi. "
---
Drew Pov
"Mamimili tayo bukas. Ano kaya gusto ng mga apo ko? Toys kaya? Or dresses kaya?" – pag ka pasok na pag kapasok ko ng mansion ay agad boses ni mommy at ate messy ang narinig ko.
"Hay naku mommy. Basta ako ice cream lang ibibigay ko dun sa dalawang cute kung pamangkin."
"Excited na talaga ako. " – Pag sabi naman ni mommy na parang nagulat ito ng Makita ako.
"Oh drew anjan ka na pala. Kanina kapa jan?" – tumango naman ako bilang sagot.
"kadadating ko lang po." – styaka lumapit dito ay humalik sa pisngi nito.
"Oh kamusta na pala yung mga apo ko? Ok na ba sila? Kung ma trauma talaga ang mga apo ko. Hindi ko talaga mapapatawad yung mga bisita mo sa party."
"Ok lang sila ma. Sige po papahinga lang ako. "
"Ok"- sabay naman sabi nilang dalawa.
|Kinabukasan|
"Jacob? Key? May hindi pa kayo sinasabi sakin?" – Pag tatanong ko sa kanila. Andito kami ngayon sa hapag kainan. Hindi pa sila nakabihis ng uniform kase sabi nila nung hinahanda ko yung susuotin nila kaninang umaga may event daw sa school nila at hindi daw mahalaga yung event kaya hindi nalang sila a attend. Alam ko na ngayon yung family day sa scholl nila. Gusto ko lang na sila mismo yung mag sabi sakin ayokong matutu silang malihim sakin.
"Wala po" – nakayukong sabi ng kambal
"Sigurado kayo na, hindi kayo nag lilihim kay mommy?" Nag iwas naman ng tingin si key, ito naman si Jacob ay nag baba ng tingin parang nag iisip kung paano sasabihin ang totoo sa akin.
"Hindi po ako nakakuha ng high score sa quiz naming sa school. Sorry mommy. Pero pangalawa naman po ako sa pinakamataas. " – Sabi naman ni key at mababa boses. Na ikinagulat naman ni Jacob.
"What? Key! I told you to study hard. But you didn't! "– Mahina naman sabi ni Jacob sa kapatid.
"Pssst. Ok lang baby key kahit ganun lang score mo, ang mahalaga nag aaral kang mabuti. " – Lumapit naman dito sa akin at niyakap ako.
"Thank you mommy, I love you po"
"O sige bumalik kana sa upuan mo. May pag uusapan pa tayo"
"Pero mommy nasabi ko na po sa inyo yung lihim namin."
"Iyon lang ba?"
"Sorry mommy I didn't tell you about the family day" – Sabi ni Jacob na nakayuko.
"Jacob bakit mo sinabi?" – Rinig kung sabi ni key sa kapatid.
"Why?" – Pabalik na tanong ko dito
"Kelangan po kase ng daddy sa family day. E wala naman po kaming daddy. " – Nag simula ng manubig ang mga mata ni key.
"Pag po Sinabi naming ito sa inyo. Malulungkot na naman po kayo, kaya sorry mommy, sorry" – Umiiyak nadin si Jacob.
Parang may bumara sa lalamuna ko ng mga panahon na ito. Alam ko, hindi ako manhid para hindi maramdaman na nasasaktan sila. Hindi man sila nag dedemand, o nag sasabi manlang na gusto nilang Makita ang tatay nila. At hindi ko alam ang tamang salitang dapat kung sabihin.
"Anak?" – Pinahid ko muna ang luha na kumawala sa aking mga mata at hinarap ang mga anak ko.
"Gusto nyo ba ng daddy?" – Ang sakit bitawan ng mga salitang yan. Na parang kinain ko na lahat ng sarilitang binitawan ko nuon. Pero para sa mga anak ko sige.
"Hindi po" – sabi ni key
"No mommy, You is enough " – Sabi naman si Jacob. Habang bumubuhus ang luha sa mga mata nito.
"Lapit nga kayo kay mommy" – Agad naman sumunod ang dalawa. Lumuhod ako sa harapan nila para mag patay ang mga mukha namin.
"Anak. Alam ko na gusto nyo ng daddy, Ramdam ko dito (sabay turo sa puso). Anak ko kayo kaya alam ko yun. Gusto nyo ba syang makilala?" – Tumango naman sila bilang sagot.
" we already know him mommy " – Sabi naman ni Jacob, hindi na ako nagulat pa, matalino ang anak ko.
"Paano?" – pag tatanong ko sa kanila dahil gusto kong mag mula sa kanila ang dahilan.
"Sya po yung guy kagabi na nag tanggol satin sa party. Unang kita ko palang po sa kanya, alam kung sya po yung daddy namin ni Jacob. Kase po mag katulad mo sila ng eyes ni Jacob." – Nag mamalaki namang sabi ni key.
"Bakit hindi nyo sinabi sakin?"
"Because we don't want to see you sad. You always telling us that you're ok but deep in here ( pag tuturo sa puso) you're not mom." – lalong tumulo yung luha ko.
"I'm sorry. Sorry baby, pero promise ni mommy itatama na nya lahat ng mali nya para sa inyo" – tsaka ko sila niyakap ng mahigpit.
"Sige na. mag bihis na kayo sa taas. A attend tayo ng family day, dapat tayo lahat makakuha ng prices. So goo na" – excited na silang pumunta sa room nila. Ako naman ay nag tunggo muna sa flower shop at hinanap ang record nung party na nanyari kagabi. Kaylangan kung makausap si drew.
"Hello? Phabies jane legazpi po the owner off....." – hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng bigla itong mag salita.
"Ooo. Wait lang my dear sister. Wait lang..wag mong ibaba.. wait" – Para naman natataranta ang tao sa kabilang linya. Ilang minute pa ang hinitay ko nag may nagsalita na sa kabilang linya.
"Ibaba mo na yung telepono ako nalang tatawag sayo." –tulad ng sinabi nito ay ibinababa ko nga, kilala ko kase yung boses na yun. Maya maya pa ay nag ring na nga ang phone ko. Hindi na ako nag atsiya pa ng oras at sinagot na ito.
"hello."
"hello" – hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Pero bahala na para sa kambal.
"May family day sa school ng kambal ngayon na yun. Busy kaba hihihi" nahihiya ko pang sabi
"Ok. Pupunta ako jan, bigyan mo lang ako ng 15 minutes. May pinapunta na ako jang tauhan ko para dalhin yung tshirt natin. Bye"
"Wait ano..." – Bago pa ako makapag salita ay naibaba na nito ang phone nya. Paanong? Tshirt? Para saan? At bakit parang hindi manlang ito na gulat.