CHAPTER 1
" Paaaakkkk" – Sa sobrang lakas ng pag kakasampal sakin ng aking ama ay napa upo ako sa aming sahig. Pero agad din akong tumayo. Alam ko kase na ni isa na tao dito sa bahay namin ang tutulog saking makalayo. Napangiti nalang ako at tiningnan ang aking ina na ngayon ay tahimik nalang na umiiyak sa isang tabi. Nakangiti ko ding tingnan ang aking ama. Kaya naman isa na namang malakas na sampal ang natanggap ko pero sa pag kakataon na ito hindi na ako natumba pa.
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Umalis ka sa pamamahay ko! Puro kahihiyan nalang ang dinadala mo sa pamilyang ito, hindi kana nahiya. Ano pa bang kulang ha? Ibinigay na naming sayo lahat a. Nung gusto mong makakotse agad kang binilihan ng kuya mo, ilan na bang kotse ang nabigay sayo ha. Nung gusto mag travel sinuportahan ka namin. Hindi kami ng kulang sayo. Ano sabihin mo kung ano kulang ? SABIHIN MO! "
" Alam nyo kayong lahat? Puro kase pag papayaman yang nasa isip nyo!" – Pag kasabi ko nito ay akmang sasampalin na naman ako kaso hindi ito natuloy ng pinag patuloy ko yung sinasabi ko.
" Sige, Sampalin nyo ako. Jan naman kayo magaling diba? Alam nyo yung kulang? Ano gusto nyong malaman nyong yung kulang? Dad, mom, Kayong lahat! Hindi ko kaylangan ng pera nyo. KAYLANGAN KUNG NG ATENSYON NYONG LAHAT! Oras nyo. Yung maramdaman na mahalaga ako sa inyo. Sob.... Sob.. Ang hirap kaseng makanakaw ng oras nyo. "
" Anak"
" No mom . Ok lang. Tanggap ko naman na. DIba 5 years old palang ako. Sinasabi nyo na big girl na ako. Na hindi na kaylangan lagi kayong nandyan. Ngayon ng 23 na ako. Alam ko na. ngayon intindi kona.. Kuya sorry. Yung kotse na ibinigay mo last week lang. Binangga ko talaga yun. Kase baka pag nag aagaw buhay na ako tyaka nyo lang ako bibigyan ng oras kaso mali parin ako. HAHAHAHAHA. Dibat hindi nyo manlang ako dinalaw sa hospital? "
" Bunso may traba...."
" HAHAHA. Oo kuya alam ko, na kyalangan ka ng mga tao ng bayan. dIba ngat isa kang magaling na mayor. At sobrang proud ako sayo. Mom alam nyo inggit na inggit ako sa mga pasyente mo. Minsan hinihiling ko nalang nasana isa nalang ako sa kanila. Hahaha. Ang babaw ko ba? Ooooooh. Dad thank you sayo. Sa pera nyo. Sa pag babayad ng katulong para alagaan ako. Yung mga awards at medals na nataggap ko simula pres school hanggang ngayon sa laws school. Para po sa inyo yun. Kase Gov. I mean dad sawang sawa napo ako ikumpara kay kuya. Kaya naman hinigitan ko sya. Pero hindi nyo parin ako pinag balingan ng kahit kunting atensyon. HAHA. Nakakatawa na ngayon pa na matanda na ako styaka ako ng dadrama. " – Basang basa ang mukha ko dahil sa mga luhang pumapatak. Pero wala na akong paki alam. Gusto kung ilabas lahat ng sakit dito sa dibdib ko.
" Bumalilk kanasa kwarto mo. Bukas na tayo mag usap. " – Sabi ng aking ama at tumalikod na ito. Pero natigilan ito ng...
" Hindi na po. Aaalis na po ako. Hindi ko na po dadagdagan pa yung kahihiyang nadulot sa pamilya nyo."
"PHABIES JANE!" Sigaw ng aking ina. Pero nginitian ko na lamang ito at pinahid ang luha sa aking pisngi.
" Mom. Big girl na ako. Kaya ko na yung sarili ko. Babalik naman ako sa tamang panahon. Aaaay mali Babalik KAMI. Kasama ko itong nasa sinapupunan ko. Sige na alis na ako. "– Tyaka ako lumapit sa aking ina at niyakap ito. Tyaka ko tinungo ang pintuan, Nrinig ko pang tinawag ako ng aking ina at ng aking kuya, pero buo na aking desisyon.
Buong byahe ko iniisip kung tama ba yung nagging desisyon ko. Pero andito na ito walang atrasan pa. Hindi ko alam kung asan ako pupunta. Wala naman akong kaibigan na pwedeng puntahan. Kaya naman nag patuloy lang ako sa pag dadrive. Almost 5 hours na ang nakakalipas pero wala parin akong alam na patutunguhan. 1am na din ng madaling araw. Kaya naman napag desisyonan ko na tumigil muna at mag pahinga. Buti nalang at mahilig akong kumain kaya naman madami ako stock na pag kain sa kotse. Maya maya pa'y nakaramdam ako ng pag ka antok. Kaya naman ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hinaplos ang aking tyan. " Kaya natin ito baby, kapit kalang kay mommy ha. "
Nagising nalang ako ng may kumakatok sa bintana ng kotse ko. Sinilip ko muna ito bago buksan. Nang mapansin ko naman na para naman hindi masamang tao ay ibinaba ko ang binta ng kotse ko.
"Ma'am ok lang po ba kayo?"
" Ha? Opo ok lang po ako. Ano na po kayang lugar ito ?"
" Nasa laguna na po kayo ma'am. Naliligaw po ba kayo? "
" Aaay hindi po kuya. May alam po ba kayong bahay na pinag bibili or pinapaupahan manlang ? Wala po kase ang matutuluyan. "
" Ganoon po ba? Sa bahay napo muna kayo, Habang ng hahanap kayo ng bahay. Malapit lang po dito ang aming muting tahanan. "
"Talaga po kuya salamat po." – Iniwan ko nalang muna yung kotse ko dun at nag lakad nalang kami ni kuya papunta sa bahay nila. Hindi pa man kami nakakarating sa mismong bakuran ng kanilang tahanan rinig mo na ang mga tawanan ng mga tao sa loob. Kaya naman napangiti nalang ako. Nag patuloy lang kami sa pag lalakad papasok ng bahay. Nang makapasok kami ay natinginan silang lahat sa akin. At nag sitahimikan.
" panga si.. ano pong pangalan nyo ma'am ?" – Tanong naman sakin ni kuya.
" Phab po. " – Pag papakilala ko naman at naiilang parin sa mga titig ng mga tao sa loob.
" Panga si ma'am phab. Nag hahanap sya ng bahay na pinag bibili, kaya sinama ko sya dito"
" Ganun po ba? Halika muna kayo at maupo at kakain muna tayo bago nating pag usapan yan. At itong si totoy kanina pa gustong kumain. HAHAHA " – Nakangiting sabi ng ginang. At nag tawanan naman lahat. Kaya naman napangiti nalang ako. Ang saya ng pamilyang ito. Umupo na din ako. At nakakahiyan man ay nakikain nadin ako. Ang sarap kase ng pag kain nia. Sa totoo lang hindi ko alam kung akong tawag dito nila pero ang sarap. Habang kumakain ay kwento lang ng kwento yung tinawag kanina ng ginang na si totoy tungkol sa kanyang eskwela. Kaya naman napuno ng tawanan ang hapag kainan. Ng matapos kaming kuamin ay nag tabuyan pa yung sino daw mag liligpit ng pinag kainan. Kahit gusto kung ako nalang ang mag linis ng mga pinggan ay hindi naman ako marunong baka makabasag pa ako lalong nakakahiya. Kaya naman umupo nalang ako sa isang upuan duon. Maya maya pa ay lumapit sakin ang ginang at binigyan ako ng tubig. Tinanggap ko naman ito at umupo naman ito sa upuan sa hanap ko.
" Nag layas po kayo ano po?" – Pasimula ng ginang. Umupo din si kuya kasama ang isang babae na parang kasing tanda ko lang din at umupo kalapit ng ginang.
" Po?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano nalang iisipin nila pag umamin ako nag layas nga ako.
"Nabuntis po kayo? Tapos hindi tanggap ng pamilya mo?" – Tanong naman ng babaeng kasing edad ko lang. Namangha naman ako at parang alam nila lahat. Manghuhula pa itong pamilya na ito? HAHA. Natawa nalang ako sa aking iniisip.
"Confirm nay. Nag layas nga kase nabuntis. "- Panimula ulet nung babaeng hindi ko alam ang pangalan.
" Janel tama na yan. Kala mo naman hindi ka nabuntis ng maaga a. " – Natatawang sabi ni kuya. So janel pala ang pangalan.
" Whatever tay. Atleast hindi ako naglayas. Kahit hindi ako pinagutan ng walang hiyang lalakeng yun. " – Tyaka ito ng walk out. HAHAHA. Natawa nalang ako ng mahina.
" Naku pag pasinsyahan mo nalang yung bata na yun. HAHA. Ako nga pala si facing pwede mo akong tawaging nay facing at ito naman si karoy. Pero ma'am phab pinag bibili po kase yung bahay ng dati kung amo sa bayan. Baka gusto yung puntahan. Maganda po yun. Sa palagay ko'y magugustohan nyo. "
At pinuntahan nga naming ang bahay nasinasabi ng ginang. Totoong nga at maganda ito. Hindi naman kalakihan pero mukhang mayaman talaga ang nakatira. Kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa at binili ang bahay. Nung araw na din yyun ay nabili ko yung bahay. Buti nalang at may pera ako sa bangko. Hindi man halata sa akin pero magaling akong humawak ng pera. Hindi ko pa man hawak ang titulo ng bahay ay pinayagan na akong tumira dito. Isang buwan daw kase ang pag lilipat sa pangalan ko.
Syam na buwan na ang nakalipas simula ng lumipat ako. Nung unang buwan ko dito ay nahirapan ako mag adjust kase sanay akong may katulong sa bahay. Pero anjan sila nay pasing at tay karoy sa pag gabay sa akin. Dahil sa wala namang trabaho si Janel ay kinuha ko itong kasama sa bahay. Para naman may mapag kitaan ito. Nagging close din kami sa isa't isa. Napag desisyonan ko din na mag tayo ng flower shop dito malapit sa bahay. Sa bayan kase mismo nakatayo itong bahay kaya sigurado akong papatok ang naisip kong business. At hindi nga ako nag kamali. Tatlong buwan palang ay madami na agad kaming customer. Malaki na din ang tyan ko ngayon. At masaya ako kung anong meron ako ngayon. Wala man sa field ng law itong landas na tinahak ko. Masaya naman ako. At alam kung mapapabuti dito ang magiging mga anak ko.
" Phabies mag pahinga ka na muna. Kunti nalang naman itong customer natin e. ako na bahala. " – Sabi naman ni janel, kaya naman naupo na ako. Ang bigat kase ng tyan ko. At binigyan naman ako ng anak nito na si R ng tubig. 10 years old na ito at alam kung napalaki ito ni janel ng maayos. Pag bigay naman nito ng tubig ay lumabas na ito ng shop at naglaro nalang ulet.
"Janel hindi mo na hinanap ang tatay ni R?" – Tanong ko naman kay janel na ngayon ay napatingin sakin.
" Hindi na. hindi naman kaylangan ni R nang tatay na walang paninindingan. Pero gwapo ang tatay nyan. Kaya nga ako nag pabuntis e. tingnan mo't yanong gandang bata. Hahaha " – natatawang sabi nito. Kaya natawa na din ako.
" Ganon ba" – Pag suko ko nalang.
" Ikaw? yang ama nyang bata jan sa tyan mo. Gwapo ba? Ha ? " – nawala naman ang ngiti sa aking mga labi sa tanong nito. Hinawakan ko nalang ang baso at uminom ng tubig parang natuyo ata ang lalamunan ko.
" Ha? Hindi ko alam. Madilim kase nun. " – Para naman itong nagulat sa sinabi ko. Kaya lumapit ito sa akin at binigyan ako ng mapag tanong sa tinggin.
" Anong pangalan? Search nating sa f*******:" – at dali dali itong kinuha ang cellphone. Pero nakalipas na ang ilang minuto ay hindi ko parin sinasagot ang tanong nito. Kaya naman parang naiinis na iniharap nya ako sa kanya.
" So sa tinggin ko hindi mo din alam kung anong pangalan. Gosssh iba ka talaga" – Napakamot nalang ako ng ulo at tumayo at naglakad papasok ng bahay. Ang kaso ang magaling na si janel sinundan ako.
" Paanong nanyaring nabuntis ka? Totoo palang yung nadulas ka tapos ng shoot yung ano mo sa ano nya tapos boom buntis kana. Ganun ba yung nanyari? Or Baka naman... " Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya ng itinaas ko yung kamay ko, sign na tumigil na sya.
"Maupo ka jan at ikukwento ko!" – Pag mamataray ko. Pero ibang klase itong si jenel parang excite na excite pa.
(Flashback)
Worst
"Hi! Alone? "– Hindi ako nag aksya ng panahon pang lingunin kung saan man galing ang boses na ito. At pinag patuloy ko nalang ang pag papadaloy ng mapait ng likido sa lalamunan ko. Gusto kung mag lasing, Gusto kung malimutan lahat ng sakit. Mawala lahat ng bigat dito sakin dibdib. Gusto kung mapagod na ang aking mga mata sa pag iyak.
" Iniwan ka ng boyfriend mo? Or niloko ka ? ahm baka pinag palit ka ? mamili ka sa tatlo "- styaka nya inagaw yung baso na hawak ko at sya na ang uminom ng laman nito. Hindi ko nalang pinansin at humingi nalang ng isa pa sa bartender. Pag kabigay na pag bigay ng bartender ay ininom ko ito ng diretso.
" Wooooo! Lakas mo uminom a. " – Rinig kung sabi nito. Naparang manghang mangha.
" leave. Me. Alone. " – Sinabi ko dito sa mahinang tono pero maawtoridad.
"No I can't. Hindi kita kayang iwan na ganyan ang kalagayan mo. Gusto kong makatulong sayo. " – napatingin naman ako dito. at napangiti.
" Gusto mong makatulong? Bigyan mo ako ng anak! Ano? Kaya mo ba?" - nang Makita kung parang nag alangan sya.
" Sa tingin ko ay hindi. Hindi mo kaya. Kaya pwede ka ng umalis! Hanap nalang ako ng iba. Alis na! " Pag tataboy ko dito. ng hindi pa ito umalis ay. Hindi ko nalang pinansin at pinag patuloy nalang ang pag inom ko. Pero nagulat ako ng hawakan nya ang braso ko, at ihanap nya ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang kulay asul nyang mga mata, may matangos ng ilong at mamumulang mga labi. Nahiya naman yung labi ko parang mas mamula pa yung kanya kesa dito sa akin. Lasing na nga ata ako.
"Bitawan mo ako! At umalis kana!" – Mahina kung sabi pero alam kung narinig nya yun. Pinilit kung tanggalin ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. Pero malakas ito kaya hindi ko matanggal.
"Kaya ko! Bibigyan kita. Condo mo or sakin?"
"Sayo"
---
Ilang oras na ang nakalipas simula nung may nanyari samin. At ito kami ngayon sa iisang kama. Nakayakap sakin ang isa nyang kamay. Tulog na tulog ang lalaki sa tabi ko. Pero ako ito at mulat na mulat parin hanggang ngayon. Nakatingin sa kesame. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya naman napag desisyonan ko na umalis na. Inayos ko ang sarili ko. Nag iwan ako ng note bago ako makaalis. Lumabas ako sa condo nya na parang walang nanyari.
(End of flashback )
Matapos kung mag kwento ay tiningnan ako ni jenel na parang bitin na bitin sa kwento. Naka busangot kase ang mukha nito.
"Yun lang yun?" – Sabi nito na parang tamad na tamad
"Oo yun lang yun"
" Nabuntis ka agad kahit isang beses lang nanyari at wag ka kambal pa. Anong nakasulat sa note na iniwan mo?"
" Secret" – natatawa kung sabi dito. na ikinainis naman nito. HAHAHA. Nakakatawa talaga itong babaeng to.
"Whatever bahala ka sa buhay mo. Uuwi ako kila nanay, hindi ko na muna isasama si R. para may kasama ka dito, Babalik ako mamaya bago dumilim Ok? Bye"
Masaya ako na nakilala ko ang pamilya nila jenel. Sobrang blessing sila sakin. Baka kung hindi ko sila nakilala hindi ko alam kung nasan na kami ng anak ko ngayon. Baka sa lansangan na kami nakatira. Nag karoon na ako ng pamilya, nag karoon pa ako ng kaibigan. Kaya sobrang pasasalamat ko talaga.
" R? Wala pa ba ang mama mo?" – Tanong kay R na ngayon ay nanunuod nan g TV. Para kaseng iba na yung nararamdaman ko.
" Wala pa po tita. Wait lang po tawagan ko " – sagot naman nito. Umupo nalang ulet ako at ininom ang kinuha kung tubig. Baka napagod talaga ngayong araw kaya ganito yung nararamdaman ko. Nawala naman ang aking pangangamba ng marinig ko ng boses nila nay facing at jenel.
"Araaaaaay !" Sigaw ng biglang sumakit ang tyan ko. Kaya naman dali dali silang nag silapitan sakin.
"AAaaaaaaaa" – Sigaw ko ulet nang lalong sumakit.
" Jenel tumawag ka ng sasakyan. Dalhin na natin sya sa hospital "- Rinig kung sabi ni nay facing pero hindi ko pinansin kase talagang sobrang sakit na talaga. Parang anytime matutumba ako at mawawalan ng malay.