CHAPTER 3

1394 Words
Phabies Jane Pov. "Bess ano? Kamusta yung kambal? Tampo parin ba?"- tumango naman ako bilang sagot. Pagkagising na pag kagising kase nila kaninang umaga, agad hinanap ni key yung Gold card. Tapos nung sinabi ko na sinauli ko. Ayun at hindi umiimik sakin pero si Jacob naman parang naintinhan agad nya. "Hindi ko din maintindihan, Bakit kaylangan mo pang ibalik? E diba't hindi naman yun hiningi nung kambal, kosa nilang ibinigay yun. "– Sabay inom ng kape. Kaloka itong babaeng to. Parang stress na stress. Andito kami ngayon sa terrace. Hindi ko laman kung bakit nag ayang mag kape yan. "Alam ko kung anong tumatakbo sa utak ng mga politoko na yan. Lahat ng ginagawa ng mga yan, may purpose. At ayaw kung maging konektado ang anak ko sa kanila. Sobrang g**o " –Pag sagot ko naman. Naalala ko si kuya at si daddy, nalala ko yung sakit. Naramdaman ko nalang na may umaagos na palang likido sa pisngi ko. Kaya madalian ko ito pinunasa. Pero hindi parin ito nakaligtas kay bess. "Umiiyak kaba?" "Naku wala to. May naalala lang ako" –Nahalata ata ni bess na hindi pa ako ready pag usapan kaya naman iniba nalang nya ang usapan namin. "Sanabi ko na sayo yung welcome party nung anak ni Gov. hindi ba? mamaya na yun ng gabi. Naayos na naming lahat ng order. Ang kaso may problema. " – Nahihiya namang sabi ni bess, ikina ngiti ko. Alam ko na ito. "Kaylangan ng representative? Tapos itatanong mo kung pwedeng ikaw nalang yung umattend ?"- Pag tatanong ko dito, naparang ikinagulat naman nya. " Ha? Nalaman mo na agad? Ang brainy mo talaga. Ano payag kana?" – may pa puppy eyes pang sabi nito "Hindi! Nakapag desisyon na ako, sila nay facing at tay karoy nalang ang papapuntahin natin" – Tsaka ako umarte na seryoso. Para mag mukhang makatotohanan. "Ganun ba? Sige." – Nakasimangot naman nitong sabi at nag salin ng panibagong kape sa tasa nya. Naikinatawa ko ng malakas. "Wag kang tumawa jan. Kitang kita mo naman problemadong problemado yung tao dito e. " – Naiirita naman ito sabi. "Bakit gustong gusto mong pumunta dun sa party ng mga saldoval? " – Pag tatanong ko dito "Wala"- Sabi nito. "Hoy jenel! Wag mo akong lokohin ha. Alam kong may dahilan ka. Ano yun? Sabihin mo sakin at ikaw na ang papapuntahin ko dun sa party. Ano sasabihin mo na? o hindi? " "Sasabihin na. Yung tatay ni R. alam ko na pupunta dun, kaya gusto ko ding pumunta. Bess hanggang ngayon pala hindi parin ako nakakamove on. " "O yun naman pala. Edi goo! Ikaw na umattend. Niloloko lang naman kita kanina e. syanga pala aalis kami ng kambal mamaya. Mag hapon kami sa ice cream parlor, para naman makabawi ako kay key. Ikaw na muna bahala sa shop. HAHAHA" – Pag katapos kung sabihin yun ay iniwan ko na ito.  Drew Pov "Tok tok tok " – napatingin naman ako sa pintuan ng opisina ko dito sa bahay ng may kumatok. Maya maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si manong didong. "O manong. Pasok po kayo. May problema po ba ?"- pag tatanong ko naman dito ng makapasok na ito. "E kase sir. Hindi ko po ito na ibigay sa inyo kagabi. Nag mamadali po kase kayong pumasok ng bahay. Patawad po" – nakayuko naman itong inabot sa akin. "Hindi daw po matatanggap ng ina ng kambal ang gold card na yan. Salamat po daw! Aalis na po ako sir. Salamat po" – staka ito lumabas ng pinto. Agad ko naman kinuha ang phone ko tinawagan si ate messy. Ang kaso hindi sumasagot, kaya naman si mom na ang tinwagan ko. (On the line) "Hello handsome. Anong meron at napatawag ka?" "Ibinalik nung binigyan nyo ng gold card yung Gold card. Kaya nasa akin na ulet ito. Sino ba kase yung binigyan nyo? Gusto ko silang makilala. " "Ha? Sa totoo lang hindi din naming kilala ni messy e. Ang tanda ko lang Key yung pangalan nun babae. Pero kung gusto mo talaga silang makilala. Pumunta ka sa dun sa shop natin sa bayan. Ahm.. 3-4 pm. Sigurado akong andun sila. Bye.. See you soon son" – Ibinababa ko na ang phone ko sa lamesa ang kaso ng rereplay parin yung sinabi ni mom na pangalan nung batang babae. "Key . key. Key. Key. "- Nag mamadali naman ako binuksan ang drawer ko. At hinanap yung note na iniwan nung babae matapos syang iwan. Nang Makita ko ay agad kong binasa yung nakasulat. Note: Hi thank you. Salamat sa sperm mo. Girl : Key Boy : Jacob Goodbye. Daddy  Napaupo naman ako ng mabasa ko. Posible kaya? Pero bakit andito sila sa laguna? "Noooo. Drew niloloko mo yung sarili mo. Imposible na andito sila sa laguna. Ang layo ng manila sa laguna. Baka kapangalan lang." – Napahawak nalang ako sa ulo ko ng biglang may kumatok. Kaya umayos na ako ng upo. "Yes?" – sabi ko ng agad bumukas ang pinto. "O ikaw pala. Pasok ka." Umupo naman ito sa katapat na upuan ng kinauupuan ko. "Sir nakuha na po namin yung CCTV nung condo nyo nung karaang apat na taon. "- Panimula naman nito. Tumango naman ako, hudyat para mag patuloy ito sa pag sasalita. " 3:15am noong May 8 2013, Lumabas ng pinto ng kwarto nyo yung babae. sumakay sya sa kotse may plate number na AAJ 8^^8. Na detect na din naming kung sinong nag mamayari ng kotse apat na taon na ang nakalilipas. Ang pangalan ng may ari ng kotse ay Phabies jane legaspi . Pero nitong nakalipas na dalawang buwan ipinagbinta yung kotse at pag mamayari na ito ngayon ni kettle buwan. Na taga dito sa laguna. Sir may ipapatrabaho pa po ba kayo sa akin?" "Wala na. Sapalagay ko. Nahanap ko na ang pinapahanap ko, naihulog ko na sa account mo yung sweldo mo. Makakalis kana."  (Ice cream parlor) "Good afternoon sir. " – Lahat ng makakasalubong kong tao sa shop ay bumabati sa akin. Lumapit ako sa casher at nag tanong. "Alam mo ba kung sinong binigyan ng gold card?"- Pag tatanong ko. "Aham yes po sir. Kambal po sila, wait lang po. Hahanapin ko po yung pangalan" - nag mamadali naman nitong kinuha yung record book. At nag simula ng mag hanap. "Pa punta na ba sila dito" – Napa tunghay naman ito sa akin at tumingin sa kanyang relo. "opo sir. Pero sa palagay ko po ay maya maya ng kunti. Halos araw araw po kase silang andito sa shop. Gusto nyo po bang pag dumating po sila ay papasukin ko sa office nyo ?" "Naku hindi na. Paki katok nalang ako sa office. Ako nalang ang lalapit sa kanila,wag mo ding sasabihing gusto ko silang maka usap. Maliwanag? Salamat." – at tumalikod na ako at pumasok sa opisina ko. Pero hindi ako mapakali. Parang kinakabahan ako ng ewan. Paano kung tama ako? Maya maya pa ay may kumatok na at bumukas ang pinto. "Sir anjan na po sila" – Pag kasabi nito ay isinara na yung pinto. Kinakabahan pero kaylangan kong mahanap ang katotoohan. Kaya naman lumabas na ako ng opisina at tinungo kung nasan ang puwisto ng batang nag ngangalang Key. Pero hindi na ako nakalapit ng matanaw ko na sa malayo ang nakangiting mukha ng babaeng nakikipag usap sa dalawang batang nakatalikod sa pwesto ko, babaeng umiwan sa akin apat na taon na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung ipag papatuloy ko ba ang aking pag lakad o tatayo nalang kung nasaan ako ngayon. Pero may maganda akong naisip. Kaya naman bumalik ako sa office at kinuha yung phone ko at dialed ang number ni mommy. "Mommy" "Hello son. Napatawag ka ulet. Nasa parlor kami ngayon ni messy, pwedeng bang mamaya na natin pag usapan yang mga sasabihin mo. Nag papaganda pa kami para sa welcome party mo mamaya. " "mom Gusto kung umattend yung dalawang bata na binigyan nyo ng gold card. Isama nyo na yung mommy nila. Hindi ko alam kung anong dapat  gawin para mapapunta sila. Pero yun lang mom ang gusto kong manyari mamayang gabi. Bye mom love you." – napangiti naman ako. Alam kung lahat gagawin nila mommy at ate messy para lang matupad ang hiling ko. Kaya. See you later my soon to be wife and my twin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD