Makalipas ang apat na taon.
"Mommy si Jacob ayaw na namang makinig sakin !" – Matinis na boses na sigaw ng anak kung panganay.
" Whatever" – Rinig ko namang sagot ni Jacob sa kapatid na lalong ikinainis ni key. Kaya naman nag tungo na ito sa kusina.
"Mommy... " – Hindi na natuloy ang sasabihin ni key sa akin ng mag salita na ako.
" Baby girl.."
"I'm not a baby anymore mommy" – naiinis naman nitong pag tatama sakin. Na ikinatawa ko, nalimutan ko na ayaw nya nga pala na tinatawag ko syang baby. Kase daw big girl na sya.
" Ok. Hindi kana baby. Sige na umupo ka na jan sa upuan at kakain na tayo. Jacooooob anak? Bumaba kana dito at kakain na" – Pag tawag ko naman sa isa kung anak na nasa kwarto nya. Sa palagay ko ay busy na naman ito sa pag babasa ng libro.
"Ok mom. Just a minute and I'll be there" – Pag sagot naman nito sakin. Napatingin naman ako kay key na nakabusangot parin na nakaupo. Kaya naman may naisip akong gawin para hindi na malungkot ang anak kung babae.
"Sino kayang may gusto ng ice cream?" – ngunit hindi nya pinansin ang sinabi ko. Na alam ko naman nag papakipot lang ito.
" Ok. wala naman atang may gusto ng ice cream, ipamimigay ko nalang ito sa labas. Wait lang Key ha? Ipapamigay ko lang ito"
" MOOOMMY!" Tawag naman sakin ni key nang malapit na akong lumabas ng pinto ng aming bahay. Nakinangiti ko naman.
" Yes key? Bakit?" – Pag kukunawari ko na hindi ko alam na gusto nya ng ice cream.
"Mommy I want to eat ice cream so please can you put the ice cream in the table and let's eat together?" – Naka puppy eyes pang sabi nito. HAHAHA Success.
" Ok."- staka ako bumalik sa kusina at ibinaba ang ice cream sa table. Na nag pangiti naman kay key at niyakap ako. Ang sweet talaga ng anak ko na ito. Kaya naman sobrang nag papasalamat ako na ibinigay sila sakin.
"Ang bango naman... mukhang tamang tama ang dating ko. Kakain na ba tayo? " – Masilang sabi naman sigaw ni R. na tuloy tuloy sa pag kuha ng pinggan sa pag sandok ng kain. Abat na unahan pa talaga kami kumain. Bumaba na din si Jacob at tahimik na kumain.
"Tito R. Wag mong kakainin yung ice cream ko ha." – Pag babanta naman ni key sa tito nya.
" I know baby key. Pero pwede patimik lang kahit kunti lang please?"
"Noooo. Mommy o!" – pag susumbong naman ni key sakin.
"Hoy R. Umuwi kana satin. Baka hinihintay ka dun nila nanay. Bumalik ka dito bago mag dilim ok?"- napalingon naman ako sa babaeng kakapasok palang ng bahay ko.
"Tita ninang jenel!"- Masayang bati ng kambal ko.
"Wow na miss ata ako ng sobrang cute kung inaanak a. "- Ang lumapit ito dito at niyakap ng mahigpit. Si jenel ang katukatulong kung mag alaga sa kambal. Iniwan ko muna silang nag kukulitan sa kusina at sinagot ang cellphone ko. Hindi ko na pansin na lumalim na pala ang gabi at hindi na ako nakabalik sa pa sa kusina. Pero alam ko naman na hindi pababayaan ni jenel ang mga anak ko. Kaya napag desisyonan ko nalang na mag pahangin sa terrace. Ng biglang may nag baba ng baso nag lalan ng orange juice sa lamesa. Pero hindi ko na nilingon kung sino man ito.
"Kamusta ang iba nating branch?" – Pag papanimula ko. Kahit alam ko na naman ang isasagot nya.
" Bes. May tatlo pa naman tayong branch na natitira. Kaya pa nating bumawi." – sabi naman ni janel.
"Tatlo? Oo tatlo nalang. Yung dating 16 branch, tatlo nalang ngayon. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ng kalitse litse na naman ang mga investor natin. Ang hirap kase. Hindi ako katulad ng dati ng sarili ko lang yung iniisip ko. Na kahit malugi, wala akong pake alam. Pero bess tatlo na kami. Yung mga anak ko ang iniisip ko. Lumalaki na sila. At mas lumalaki din ang pangangailangan nila. Paano kung wala nang matira? Paano kung tuluyan ng lumubog ang JK flower shop? Paano ang mga anak ko? Saan na kami pupuluting tatlo? Aaa. Tulog na ba yung mga bata?" – Mahabang salaysay ko.
"Oo pinatulog kona. Wait lang kukuha ako ng beer." – Kilalang kilala na talaga ako ni janel. Umiinom lang kaming dalawa pag tulog na ang mga bata. Ayaw ko kase na Makita nilang may problema ang mommy nila.
"O ito inumin mo. "- Pag abot naman ng isang beer in can. Tahimik lang kaming uminom dalawa. Walang nag tatangkang basagin pa ang katahimikan. Kaya naman ako na ang bumasag.
"Wala na akong natitirang pera sa bangko. Lahat na ibigay ko na sa negosyo. " – Na patingin naman ito sakin pero sandali lang ito at tinuon ulet ang tingin nya sa kalawakan na punong puno ng bituwin, na hudyat lang na ipag patuloy ko.
"Yung kotse ko, napag desisyonan ko na din na ipag bili nalang hindi ko din naman masyadong nagagamit. Mag eenroll na naman kase yung dalawang bata. Wala pa akong hawak na pera. Ayokong maramdaman nila na nag hihirap na ang mommy nila."
"Ahm. May natitira pa naman akong pera, baka gusto mong hiramin muna,"
"Naku hindi. High school na si R. mas kaylangan nyo ng malaking halaga. Sya nga pala nakausap ko yung doctor nung kambal. Tapos na daw ang pag gagamot nila. Kaya naman may good news parin kahit papaano. "- Napatawa naman kami pareho.
"Ikaw? Anong problema ?" – Pag tatanong ko dito. kahit naman hindi nya sabihin alam kung may problema ito. Sa tagal na naming mag kasama ay kilala ko na ito.
"Naalala mong yung tatay ni R? Nakita ko sya kahapon sa isang branch natin sa batanggas. Ang saya saya nya sa buhay binata nya! May pa bili bili pa sya ng bulalak! May goodness buti nalang nakapag pigil talaga ako kahapon kung hindi baka pinag lalamayan na sya ngayon. " – May pang gigigil naman pahayag nito. Na ikingiti ko. Alam ko namang mahal parin ni jenel yung tatay ni R. kase kung wala na itong nararamdaman para dito ay di sana may bago na yang jowa. Sa dami ba namang nanliligaw jan.
" Nakita ka nya?"- Pauusisa ko pa.
"Hindi. Bakit pa ako mag papakita sa kanya? Baka mainlove na naman yong pag nakita pa nya ang beauty ko. Naku. Ayoko muna sundan si R. HAHAHAHA"
"BALIW ka na janel! HAHAHAHA "- Loka loka talaga ito babaeng ito.
"Seryoso na. bes may alam kabang iba pang raket jan? Nag aral naman ako ng abogasya kaya hindi naman ako mahirap ihanap ng trabaho e. pero ang iniisip ko lang yung kambal ko. Baka mawalan ako ng oras sa kanila pag pumasok ako sa pag aabogado, kaya nga nilimutan ko na ito matagal na. hays nakakaloka. Matulog na nga tayo. Mag hahating gabi nadin maaga pa tayong mag bubukas ng shop. "
"Sige mauna kana. Madami pa akong iinomin oh. " Pag tuturo naman nya sa mga beer pa sa lamesa. Pero bago pa man ako maalis ay nag salita pa ito.
"Balibalita na dadating daw ang anak ng governador natin. At balibalita din na tatakbo ito bilang mayor nang bayan . Alam mo bess gwapo yun. Naku pag nakita mo yun baka malaglag panty mo. Baka nga kung type ko lang yun baka sya ang ama ni R. kaso hindi e. Masyado syang gwapo, baka pag magkasama kami mag mukha lang akong maid nun. HAHAHA Sige na umalis kana. Byeshe " Pag tataboy nito sakin. Ano namang paki alam ko sa tatakbong mayor na yun. Hays.Baliw na talaga itong si jenel. pero pinabayaan ko na at pumasok na ng bahay. Dumiretso muna ako sa kwarto ng kambal. Nakangiti akong pinag mamasdan ang mga angel ng buhay ko. Ang laki na nila. Hindi ko akalain na mapapalaki ko sila ng maayos
--------
" Ready na ba ang mga babies ko para sa first day of school?" – Pero parang ako lang ata ang excited kase itong kambal parang ang tagal na nilang pumapasok sa school e ayaw nga nilang ihatid ko sila kase nga big girl at big boy na daw sila.
" Ok. Enjoy nyo ang first day ok? Mag papakabait kayo ha? Key ikaw yung panganay dapat lagi mong aalagan itong si Jacob ok? Makikinig din kay teacher . Pag may nang away sa inyo tawagan nyo lang ako yung mga phone nyo sa bag nyo. Yung food nyo din. "
" Yes mom. You can go napo" – Tamad na sabi ni Jacob. Tyaka lumapit sakin niyakap at humalik sa pisngi ko.
"Bye mommy take care. Key lets goo" – at tumalikod na ito at nasimula ng mag lakad. Lumapit na din sakin si key at niyakap at hinagkan ako sa pisngi.
"Bye mommy I love you po "
Matapos nung na ihatid ko na ang kambal ay bumalik na ako sa shop. Pero nagulat ako sa sobrang daming customer. Kaya naman agad ako pumasok dito at hindi malaman ang mukha ni jenel ang naabotan ko. Hindi nya kase alam kung sinong uunahin.
"Bess" – Tawag ko dito
" Hay buti naman at dumating na ang pinaka mamahal kung bessy"
At maghapon nga kaming walang pahiga dahil sa sobrang daming customer. Hindi ko na din nasundo ang kambal kaya si R. nalang ang sumundo sa kanila.
"Mommy were here" – Sabi naman ni Jacob tyaka humalik sakin ganun din naman ang ginawa ni key.
" Mommy look. Meron kaming Gold card." – Energetic na sabi naman ni key. Na curious naman ako sa Gold card na yun.
"Wow. Para saan naman yang Gold card nay an? Bigay pa yan ni teacher? "
"Mommy hindi. Itong Gold card na ito ay para sa ice cream parlor. May 20 percent discount po every product. "
"Key 50 percent discount not 20 Ok! "- Pag tatama naman ni Jacob sa kapatid.
"Whatever . basta mommy may discount. Ang swerte naming diba mommy? Sabi yung masungit na babae dun dalawa lang daw kaming binigyan nyan."
"Wow talaga? Ang galling naman ng mga baby ko. So tama na muna nyang Gold card na yan. Go to your room na. mag palit na kayo ng damit. " – mabilis naman sumunod ang kambal
"R salamat sa pag sundo sa kambal ha. Pag baba nung kambal sumabay kana sa kanilang mag meryenda nasa lamesa na yung meryenda nyo. Punta na muna ako sa shop. "
Malayo palang sa shop ay rinig ko na ang mga tawa ni jenel. ewan ko ba pero para talaga speaker ang bunganga nito. 9pm nang mapag disesyon naming mag sara ng shop. Pagod na din kase ang iba naming tauhan at miski kami ni jenel ay pagod na din. Napaupo nalang ako sa upuan malapit sa akin.
"Bes ang dami nating order ngayon week. Limang order na gagamitin sa kasal. Madami na dami yun. Ito pa bess nalala mo yung kinukwento ko sayo kagabi na anak ng gov natin? Sa atin sila kumuha ng bulaklak na gagamit sa welcome party nya. Oh diba bongga. " – Pag mamalaki naman ni jenel. Pero masaya ako na dumadami na ulet yung mga orders namin. Sana din this month makabangon na ulet ang Jk Flower shop.
"Kamusta pala ang first day ng kambal sa school?"- Pag iiba naman nito ng usapan.
" Ayun at sobrang saya. Kase merong nag bigay sa kanila ng Gold card sa isang ice cream parlor malapit sa school nila. Alam mo naman mahilig ni key at Jacob sa ice cream."
"Gold card? Aaba kay swerte talaga ng dalawang bata na yun. "
"Bakit swerte ? e discount card lang yun. Teka nga ano ba talaga itong gold card na ito. "
"Ano? Hindi mo talaga alam?"
"Like the! bes. Mag tatanong ba ako kung alam ko. "
"Tingin ka sa labas, Kita mo yung tarpaulin na yun? Basahin mo?" – Tiningnan ko naman yung tinuturo nyang tarpaulin. Abat sikat pala talaga yung gold card na yun. Ang daming nakasulat kaso hindi na ako nag aksiya pa ng panahon basahin ang mga nakasulat nun.
"Tapos kana agad mag basa? Bilis ha."
"Hindi ko binasa, nakakatamad. Sabihin mo nalang sakin kung para saan ba yung Gold card."
"Basta yung anak ng governador ang nag bibigay nito. Yung ice cream parlor kase na yun ay pag mamayari nya. Ang alam ko din isa palang ang nabibigyan ng gold card na yun. At pangalawa at pangatlo ang anak mo. Sabi din na pag may gold card ka Malaya kang makakapsok sa mansyon ng mga Sandoval. Yun ang sabi kaya naman madaming gusting makakuha nun "
"Wow ganun ba? E bakit kaya anak ko ba ang binigyan nila. " – Naguguluhan kung tanong.
"Diba ngat sabi mo mahilig ang kambal sa ice cream baka napansin lang nila na lagi silang bumibili kaya sila ang napili. Sige Bes mag papahinga na ako. Sakit nang likod ko." – tumango nalang ako bilang sagot dito. Papasok na dapat ako ng bahay ng may napansin akong tao nakatayo sa labas ng gate. Kaya naman nakaramdam ako ng takot. Pero nawala ito nag tinawag ako.
" Tita phab? " – Si R lang palang pero may kasama itong lalake na base sa kanyang kasuotan ay nag oopisina ito.
"OOO. R. gabi na a. Bakit nasa labas kaba."
" Tita nakikiusap po kase itong si kuya didong kung pwede pa daw bumili ng bulaklak? "
"Ha? Ay sarado na ang shop. Wala ng mag aarrange pa. Hindi po ba pwedeng bukas nalang po ng umaga ?"- mahinahong sabi ko naman dito.
"Naku ma'am napag utusan lang po kase ako sir drew. " – Nung marinig ko ang pangalan na yun. Ay para may nag tatakbuhang mga kabayo sa dibdib ko. Kaya naman napahawak ako sa dito. bakit ako kinakabahan?
"Tita phab si Drew po yung anak ni Gov. " – Iwinaksi ko nalang ang kaba sa dibdib ko at inakit ko sila patungo sa shop. Nang makarating kami ay minadali ko ang pag aarange. Pero pag minamalas ka nga naman hindi ko maayos ng maayos. Bakit ba kase ako na tataranta. Ano bang nanyayari sakin. Pero hindi ko pinahalata sa kanina.
"Aaah ma'am balita po na yung kambal yung anak ang nakakuha ng gold card. Congrats po." – Napalingon naman ako dito. ganun ba talaga ka big deal ang pisteng discount card na yun.
"Tapos na po. ito napo. 700 lang po. " Pag aabot ko dito. Ng makalabas na kami ng shop.
"Aahm Kuya pwede paki hintay ako dito. may kukunin lang ako sa loob. "- tumango nalang ito bilang sagot. Kaya naman dali dali akong pumasok ng kwarto ng kambal. Sana tama ang maging disesyon ko.
"Makikibigay sa sir nyo. Paki sabi. Salamat pero hindi naming matatanggap ang gold card na yan. salamat po. Ingat po kaya sa pag mamaneho. " – Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng hindi ko na matanaw ang kotse sinasakyan nito.
Drew POV.
"Sir pasensya na po kung natagalan. Ito na po yung bulaklak na pinabibili nyo. " – Agad ko naman ito kinuha at mabilis na lakad na ginawa ko papasok sa bahay.
"Oh ayan na pala ang anak mo" – Masiglang sabi ni dad kaya naman nag sitinginan silang lahat sa akin. Lumapit naman ako kay mommy at binigay ang bulaklak na hawak ko.
"Happy birthday ma." – Pag bati ko dito.
"Ngayon na kumpleto na tayo. Simulan na nating kumain." – Sabi naman ni ate messy. Matagal ko silang hindi nakasama, mahigit apat na taon.
"Anak kamusta ang new york?" – Pag tatanong naman ng aking ina.
"Ayos lang ma. Naging maayos naman ang paninirahan ko dun. Madami akong nakilalang tao at napuntahang lugar. Pero syempre uuwi't uuwi ako dito sa pilipinas"
"Mabuti naman kung ganun. Pero anak tumatanda na kami ng mama mo. Wala kabang nahanap na mapapangasawa doon?" – Natigilan naman ako sa aking pag subo dahil sa binitawang salita ng aking ama.
"Ha?" – Sagot ko dito. Kase hindi ko alam kung anong tamang isagot.
"Anak parang humihina kana ngayon a. Mag mula nung umuwi ka dito sa bahay nang wala sa sarili mo nuong nakaraang apat na taon bago ka pumuntang new york , natatandaan mo?. Wala na kaming nabalitang nagging girlfriend mo. Naku anak Sandoval tayo, Dapat hindi tayo nababakanti. " – Mahabang salaysay ng aking ama na ikinatawa ng lahat. Tumawa din ako ng pilit kahit na dahil sa sinabi nito ay nawala ako sa sarili ko.
"Hoyy tama na yan. Kakadating pala nitong si drew. Pinang titripan nyo na agad. "– Pag puputol naman ni ate messy. Kaya naman nag sitigil na sila sa pag tawa at pinag patuloy ang pag kain.
"Aaay sya nga pala drew. Patawarin mo ako pero pinag kaylaman ko yung Gold card mo. Hehehe. Sorry. "– Si ate messy.
"Oo nga drew. Ibinigay naming dun sa cute na dalawang batang suki mo sa ice cream parlor. Naku drew kung hindi ka lang nag punta sa new york. Aakalain naming anak mo yun. Naku ay hawig na hawig mo nung bata ka pa." – Hindi ko nalang pinansin ang pinag sasabi ng aking ina at ate messy. Alam ko namang nanloloko lang ito. Pinag patuloy ko nalang ang pag kain ko. Na miss ko talaga ang pag kaing pinoy.
Matapos ang Hapunan ay nagkanya kanya na kaming pasok sa sarisariling silid. Pero gaya ng nakasanayan ko dito sa bahay. Pupunta muna ako sa roof top bago matulog. At hindi nga ako nag kamali ang gandang tanawin ng bituwin sa kalawakan dito pwesto ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam, nakakarelax and malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Tahimik akong pinag mamasdan ang ganda ng lugar ng biglang tumunog ang phone ko, Kaya naman agad na koi tong sinagot.
"Anong balita?....... ok........ Yes yung luma kung condo............. Ok... ..Mag report ka nalang dito sa bahay bukas.... Sige.........Salamat...." - (end call)
Tapos na ang pananahimik ko, Sapat na ang panahong nasayang. Ngayon. Ito na ang tamang panahon upang hanapin ko naman yung kulang sa buhay ko. At sa tinggin ko yung babaeng nakasiping apat na taon na ang nakakalipas ang mag pupuno sa hulang.