MASUYONG inapuhap ni Jun ang kanyang mga labi. Sinubukan niyang magtimpi ngunit di siya nagtagumpay. Sinuklian niya ng kasing init na mga halik ang bawat galaw ng labi ni Jun. Pakiramdam tuloy niya ay nagbabaga ang kanyang mga pisngi sa init ng kanilang halikan.
Tuluyan na ngang nauwi sa isang kopyahan ang halikan nilang dalawa. Nang maglakbay ang kamay ni Jun sa kanyang batok ay di rin siya nagpahuli. Napahawak din siya sa batok ni Jun habang patuloy na pinagsasaluhan ang nakakatulirong halikan nila.
In her twenty five years of existence ay noon lamang siya nakaramdam ng ganoong nakakadarang halik. Tila ba isang trahedya kapag iniwan ni Jun ang mga labi niya.
Ilang sandali pa ay ramdam niya ang tila bahagyang pagtulak ni Jun sa kanya sa sahig ng cellar. Napahawak naman siya nang mahigpit sa batok ni Jun upang hindi magwalay ang kanilang mga labi.
Pero nang sa wakas ay naramdaman niya ang pagdampi ng lamig ng sahig sa kanyang likod ay isang lagutok mula sa pinto ang kanyang narinig. Narinig din pala iyon ni Jun, dahilan upang matigil ang kanilang ginagawa.
Pareho silang napatingin sa pinto pagkatapos ay napatitig muli sa isa’t isa. Doon na sila biglang naghiwalay at agad na tumayo mula sa pagkakayap. And just as she barely fixed her hair, the door of the cellar suddenly opened. Nakatayo roon si Kira na bakas sa mukha ang pagkagulat.
“Boss? Miss Sybil? Anong ginagawa niyo rito?”
Tumikhim si Jun at bahagya pa siyang sinulyapan. “Na-lock kami rito kagabi. Sira ang pinto and we can’t open it from the inside.”
Tila dumoble ang gulat na rumehistro sa mukha ni Kira. “Ho?! Naku! Grabe naman! Okay lang po ba kayong dalawa?”
“Okay lang kami.” Pagkasabi ni Jun ay hinawakan siya nito sa braso ngunit mabilis siyang umiwas. Hindi nga siya dapat nagpahawak kay Jun, nagpahalik pa siya!
“I...I have to go. May flight pa ako.” Walang lingon-lingon na iniwan niya sina Jun at Kira sa cellar.
Pero habang bumabagtas siya palabas ng Hotshots bar ay muling naglaro sa isip niya ang init ng halikan ng nila ni Jun.
How could she put her guard down with him? How could she be so stupid? At nakipaghalikan pa talaga siya!
Nang nasa loob na siya ng taxi ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. It was Max calling.
What f**k has she done? May boyfriend siyang tao at nakipaghalikan siya sa ibang lalaki! At ang lalaking iyon ay may girlfriend din.
Napabuntong hininga na lang siya habang dinadapuan siya ng konsensya.
PARANG nakarating na rin si Sybil sa langit nang sa wakas ay maibabasiya ng taxi sa harap ng bahay niya.Alas dose na pala ng gabi. Dalawang oras din ang binyahe niya mula airport para lamang makauwi. Ang totoo ay para lang niyang inamoy ang hangin sa Cebu at nagbalik agad sa Manila. Na-postpone kasi ang product launching event na siyang project niya sana roon. Gusto niyang mainis sa mga local partners niya saeventdahil sa hindi pag-inform sa kanya ngunit wala na siyang lakas pa. Bukod sa pagod siya ay ang dami pang naglalarong kung anu-anong memorya sa kanyang isipan. Ang pagkakakulong niya sa cellar at ang halik sa kanya ni Jun ay buong araw na gumagambala sa kanya. Gustong-gusto na talaga niyang itulog ang lahat ng stress na nararamdaman.
Nang mabuksan ang gate ng bahay ay agad siyang nagtaka kung bakit bukas ang ilaw ng sa loob. Nakalimutan niya ba iyong patayin bago siya umalis nitong umaga?
Hila-hila ang kanyang luggage ay binagtas niya ang pathway sa gitna ng munting hardin patungo sa pinto ng bahay. At nang isinilid na niya ang susi sa doorknob ay laking gulat niya nang malamang bukas pala iyon. Agad siyang kinutuban. Walang binanggit ang kanyang kapatid na uuwi ito roon. Ang pagkakaalam nito ay nasa Cebu siya at mananatili siya roon nang isang linggo.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at minatyagan ang paligid. Wala namang kakaiba sa loob ng living room nang iniwan niya ito kaninang umaga. Baka nga naiwan lamang niyang bukas ang ilaw at ang pinto.
Uupo na sana siya sa sofa nang makarinig ng kaluskos mula sa kusina. Muli siyang dinapuan ng kaba. Mayroon nga talagang pumasok sa bahay niya.
Agad niyang nilapitan ang estante kung saan nakatago ang mga ilan sa mga liquorbottle collection ng kapatid niya. Kumuha siya ng isa roon upang magamit niya bilang pandepensa sa kanyang sarili kung sakaling isang magnanakaw nga ang naroon.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kusina. Habang tinatawag ang pangalan ng kanyang kapatid.
“Kuya Pete? Nandiyan ka ba? Kuya?” Makailang beses na niya itong tinawag ngunit wala pa rin sagot.
Nang mabuksan ang pinto patungo sa kusina ay napasinghap na lamang siya nang makita ang isang lalaking nakatayo roon na tila ba may kung anong hinuhugasan sa lababo. Sigurado siyang hindi iyon ang kuya niya dahil kahit magsuot pa ng mascot costume si Pete ay makikilala niya iyon.
Now who the f**k is this man?!
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa lalaki. Mahigpit ang hawak niya sa dalang bote upang mabilis lamang niyang maihampas niya iyon kung sakali.
“Sino ka?” tanong niya rito ngunit tila ba hindi siya naririnig ng lalaki. Bagkus ay nagpatuloy lamang ito sa ginagawa.
Tatawagin muli niya sana ito nang makitang akmang aabutin nito ang kutsilyo sa di kalayuan.
‘Di na siya nagdalawang isip at agad tinakbo ang kinaroroonan ng lalaki at inihampas sa ulo nito ang dalang bote.
Nabasag ang bote ngunit hindi man lang natinag sa pagkakatayo ang lalaki. Nanginginig ang kamay niya habang pinagmamasdan ang dahan-dahang pagharap sa kanya ng damuho.
Pero imbes na matakot ay mas nangibaw ang surpresa sa kanyang dibdib. She surely knew who this man is!
“What the f**k? Jun! Anong ginagawa mo rito?”
Pero hindi na magawang sumagot ni Jun. Para itong zombie na nakatitig lang sa kanya. At ilang segundo pa ay bigla na lang itong napayakap sa kanya.
Shit! Hinimatay na pala ito!
“BAKIT KA kasi nagdedesisyon nang di man lang ako kinukonsulta, Kuya? Tingnan mo tuloy kung anong nangyari!” paghuhumiyaw niya sa kapatid habang kausap ito sa cellphone. Nasa labas siya ng minor ER ng Makati Medical Center at hinihintay na matapos ang ginawang pagtatahi sa sugat sa ulo ni Jun. Mabuti na lamang at walang internal injuries na sinapit ang binata mula sa paghampas niya ng bote sa ulo nito.
“Pasensya na. Akala ko kasi talaga hindi ka uuwi nang isang linggo kaya pumayag ako. At saka biglaan naman ang paghingi niya ng pabor sa akin. Kahapon lang. Di na raw niya kasi kaya ang ingay ng sa bahay niya habang may renovation na ginagawa roon.”
“Pero sana sinabihan mo pa rin ako.”
“Oo na. Pasensya na nga eh. Kelangan pa ba naming pumunta d’yan? Okay lang ba si Jun?”
“Tinatahi na lang ang sugat niya. Sabi naman ng doktor pwede siyang umuwi pagkatapos nito.”
“So, ikaw na lang muna ang bahala sa kanya.”
“Ano pa nga ba? Alangan namang iwan ko ‘to rito.”
Matapos kausapin ang kapatid ay siya namang pagtawag sa kanya ng doktor. Maaari na raw makauwi si Jun at kailangan lang daw uminom ng mga gamot na irereseta nito. Wala siyang nagawa kung hindi ay pakinggan ang instructions na ibinigay sa kanya.
Pinili niyang bilhin muna ang mga gamot at bayaran ang bill ni Jun sa ospital bago ito harapin muli. Sabihin nang nag-iipon siya ng lakas ng loob. Pero paano ba niya haharapin ito kung napakasariwa pa rin sa kanya ang mga halik nito noong nagdaang gabi pati na rin ang pagkahampas niya rito ng bote ng alak kani-kanina lang.
Habang iniinspeksyon ang mga gamot na nabili mula sa out patient pharmacy ng ospital ay isang tinig ang tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya habang nakitang naglalakad papalapit sa kanya si Jun.
“Ano bang ginagawa mo? Dapat nakahiga ka pa roon sa ER.” Mabilis niya itong nilapitan at iginiya sa pinakamalapit na upuan.
“I’m okay. Hindi na ako masyadong nahihilo. Ang sabi ng doktor wala rin namang problema ang CT-Scan ko diba?”
“Oo nga. Pero hindi ka pa dapat masyadong naggagagalaw. Baka lumala ‘yang injury mo.”
“I’m fine. Sugat lang ‘to. Ayoko namang maging pabigat sa’yo. Ikaw pa ang bumibili ng mga gamot ko.”
“Sus! Siyempre kasalanan ko rin naman kung bakit ka nandito. Kaya dapat ay ako talaga ang bibili ng mga ito.”
“Naka-earphone ako kanina kaya ‘di ko napansin ang pag-dating mo. Hindi sana umabot sa ganito. Kung gusto mo I’ll stay in the hotel para di na ako makaabala sa’yo.”
Hindi niya mapigilang mapailing sa mga naririnig mula rito. “Seriously? Matapos mangyari sa’yo ‘to papayagan kitang mag-hotel? Let’s just go home. And sort it out tomorrow. Okay?”
Tinulungan niyang tumayo si Jun at inakay ito papalabas ng ospital. And just like the previous night, his arms are over her shoulders once again.
Crap.
Hindi tuloy niya mapigilan ang panunumbalik ng mga nangyari sa pagitan nilang dalawa!
Kahit pa alam niyang malaking kahangalan ang muling mapalapit kay Jun ay wala rin naman siyang pagpipilian. Siya ang nakasugat sa binata kaya responsibilidad niya ang tulungan ito. Kahit pa ang kapalit nito ay ang walang humpay na pag-replay sa utak niya ng mainit nitong halik.