CHAPTER 01
RIGHT on cue!
Hingal na inayos ni Sybil ang kanyang sarili bago umupo sa dulong bahagi ng students lounge. Mabuti na lang at miyembro siya ng Sprinting Team. Kung hindi ay baka ma-late siya sa isang napakahalagang meeting—ang tutorial lesson niya kasama ang pinakamatalinong estudyante ng kanilang eskwelahan.
Agad niyang nilabas ang mga gagamiting aklat mula kanyang pink backpack at inilatag iyon sa mesa. Pagkatapos ay iginiya niya ang mga mata sa Science building sa di kalayuan.
And there he is. The apple of her eyes. The half-Filipino, half-Japanesebraniac who makes her life complete. No other than theJunMontez.
Aminado siya. Hindi pa man nagsisimula ang lesson niya sa araw na iyon kasama ang binata ay kinikilig na siya. Ilan lang kaya sa buong mundo ang maswerteng magkaroon ng tutor na hindi lang basta matalino at magaling magturo kung hindi ay may kapangyarihan pang mapag-tumbling ng puso?
Habang tinatanaw si Junna pababa mula sa building ay inilabas ni Sybil ang kabibiling stationery paper mula sa pink niyang backpack. Gamit ang paboritong pink hello kity ballpen ay nagsimula siyang isulat ang nararamdaman.
My dear Jun. Wala akong gusto sa’yo. Ang gusto ko lang ay maging kaibigan ka. Hayh... Pero sino ba’ng niloloko ko?
Sa tantiya niya ay tatlong taon na niyang crush si Jun. Simula nang pumasok siyang freshman sa St. Dominic Academy ay humanga na agad siya rito. Third year high school noon si Jun.
Una kitang nakita sa isang Math quiz bee. Agad mong nakuha ang atensyon ko nang pinapataob mo ang mga kalaban mo. Kahit pa mga seniors iyon, wala silang panama sa’yo. Napaisip tuloy ako... ikaw na siguro ang pinakamatalinong estudyanteng nakilala ko.
Matapos ang quiz bee ay wala siyang ibang ginawa kung hindi mangalap ng impormasyon tungkol kay Jun. Kung sino ito at anong section ito nabibilang. At may nalaman siyang isang napakagandang info. Kaklase ito ng kanyang nakakatandang kapatid na si Pete!
Nang malaman kong close kayo ni Kuya dahil magkaklase kayo ay mas lalo akong sumaya. Lagi na kasi kitang nakikita. Kinukumpleto mo ang araw ko. Pero mas naging masaya ako dahil nakumbinsi ka niyang i-tutor ako.
Minsan sa kalagitnaan ng tutorial lesson nila ay napapatitig na lang siya sa mukha ni Jun. Mas interesado kasi siya sa mga singkit na mata nito na nasa likod ng bilugang salamin. Mas gusto niyang malaman kung paano nito inaalagaan ang flawless na mukha. Kung bakit higit siyang nahahalina sa mapupula nitong labi. At lalong mas nais niyang amuyin ang one length hair nito na bahagyang nalilipad ng hangin.
Geez! Gusto tuloy niyang kumain na lang ng chicharon at titigan lang ito buong araw.
Lalo na kapag nae-explain mo sa akin nang walang kahirap-hirap paano i-solve sina x, y at z. At kung paano mo ako na-convince na hindi isumpa si Dmitri Mendeleev dahil sa pag-imbento nito sa must-be-memorized na periodic table.
Hindi naman siya ganoon ka bopols sa eskwela dati. Nagsimula lamang ang pagpapabaya niya sa kanyang pag-aaral na noong naging active siya sa sports last year. Hindi naman sa ipinagyayabang pero siya ang pinakamagaling na sprinter sa buong eskwelahan nila sa kasulukuyan.
At kapalit nga ng tagumpay na iyon ay ang paghina niya sa klase. Pero hindi pa rin niya magawang ikonsiderang negatibo iyon. Dahil iyon ang natatanging rason upang makumbinsi ang Kuya Pete niya na kunin si Jun bilang tutor. Malamang ay nahiya na si Jun na tanggihan ang kapatid niya dahil magkaibigan ang mga ito. Pero kahit ano pa man, ang mahalaga sa kanya ay ang mapalapit kay Jun. Para itong nagsisilbing bitamina niya bawat araw. Nae-energize siya tuwing nakikita ito.
Sana nga lang hindi lang subject ang chemistry...sana tayo rin meron no’n.
Ang maging crush si Jun sa loob ng tatlong taon ay isang sekretong hindi niya sinasabi kahit kanino. Kahit pa sa kuya niya. Nahihiya kasi siya. Napakabait sa kanya ni Jun. Hindi niya gugustuhing masira ang kung anong pagkakaibigan meron sila ngayon.
Ang totoo ay ngayon pa lamang niya nagawang isulat lahat ng nararamdaman niya para sa binata. Hindi rin naman masama. Nailabas niya kahit sa munting pirasong papel ang kanyang ‘feelings’.
Hindi ko maintindihan kung paano nangyari sa akin ‘to. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Science can explain this logically naman siguro? Ang sabi mo nga, may explanation sa lahat ng bagay.
So, this feeling… It might just be a chemical thing that’ll go away, right?
Pero ang totoo, ayokong mawala ang nararamdaman kong ito sa’yo. I love feeling giddy near you. Masarap ang feeling na kasama ka, Jun. Para akong nanalo ng 100 meter dash kapag nasa tabi kita.
If only...I could ask you to be with me always. Papayag ka kaya? Pero diba sabi nila, ‘Life is too short’? Sabi mo pa nga eh posible ang biochemical warfare in the near future. By then, magiging extinct tayong lahat. So, bakit hindi na lang natin sulitin ang kung meron sa kasalukyan?
Hindi kaya... pwedeng maging...tayo?
Tatanggapin mo bang maging girlfriend ang isang tulad ko?
Will you be my boyfriend, JunMontez?
Waiting for you always…
“Sybil.”
“Ay butiki!” Agad napatingala si Sybil sa taong nasa harap niya. It was no other than the brainiac she was writing the love letter for.
Sumikdo ang kanyang puso nang makitang nakatunghay ito sa kanya. “J-Jun! Nandito ka na pala.”
Kunot-noo tiningnan ng lalaki ang ballpen at papel na hawak-hawak niya. “Anong sinusulat mo?”
“Ha?” Napayuko siya sa kaharap na mesa. Napasinghap siya nang maalala kung gaano kasekreto pala ang sinusulat niyang liham. Mabilis niya iyong tinupi at inipit sa kanyang libro. “Wala ‘to. Nagpa-praktis lang.”
“Praktis ng ano?” Inilapag ni Jun ang sariling mga libro at umupo sa harap niya.
“Uhm... Nagpapraktis ng...essay writing. Tama. Essay writing.”
Tsk! Anong bang pinagsasasabi ko?
“Akala ko sports lang ang hilig mo. Di ko alam na mahilig ka din palang magsulat. Pwedeng mabasa ang laman niyan?”
Akmang kukunin ni Jun ang librong pinag-ipitan niya ng sulat nang mapigilan niya ang kamay nito.
“H’wag!”
“Bakit naman?”
“Ha? Ah wa-wala... Di naman ‘yon 'seryoso. Baka mali-mali pa ang grammar no’n. Nakakahiya.”
Nagkibit balikat si Jun. “Okay. Sabi mo eh. Pero, Sybil.” Ininguso ni Junang kamay nito na hinawakan niya.
Sheeet! Kanina pa pala niya hawak ang kamay nito.
Agad niyang binitawan ang kamay ni Jun. Pinilit rin niyang itago ang kilig na nararamdaman dahil sa pagkakadaiti ng kanilang mga kamay.
“Grabe. Akala ko mag-aasul na ang kamay ko sa higpit ng hawak mo.”
Napangiti siya. Ang cute kasi nito kapag ganoong nanunukso. He seems so normal. At gustong-gusto niya kapag umaakto itong natural. Maliban kasi sa group of friends nito ay sa kanya lang ito medyo mukhang kumportable. Iba kasi ang turing kay Jun sa buong eskwelahan. Everyone treats him like what he is.
A genius.
Pati ang mga guro sa eskwelahan nila ay mataas ang tingin kay Jun. Maski ang principal ay labis ang pag-aalaga rito. Maka-ilang ulit na kasing binigyan ni Jun ng karangalan ang paaralan. Mapa-provincial, regional, national at international na competitions ay napapagtagumpayan nito. Kaya ganoon na lamang ang kung ituring na treasure si Jun ng buong ekwelahan.
Kaya kapag ganoong nakikipagbiruan sa kanya si Jun ay labis siyang nasisiyahan. Para kasing itinuturing siya nitong malapit na kaibigan din.
“So let’s start? Bilisan natin kasi may pupuntahan kami ng kuya mo,” anas nito habang binubuklat ang pag-aaralan nilang libro.
Nagbuntong hininga siya nang marinig ang sinabi nito. May duda kasi siya kung saan pupunta ang mga ito. “Magko-computer games na naman kayo, ‘no? Grabe kayo.”
Nitong mga nakaraan ay nahihilig ang Kuya niya sa mga computer games sa internet cafes. Kasama nito ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Matthew at Baste.
“Hindi kami maglalaro ni Pete, Sybil. At saka nag-usap na kaming apat. After classes or weekends na lang maglalaro noon,” sagot ni Jun habang binabasa ang libro na binuklat.
“Mabuti naman at pumayag ‘yong tatlo. Naku! Ang hilig pa naman ni kuya sa larong ‘yon! Sayang naman kapag na-adik ka dun. Mapurnada pa ang pagiging valedictorian mo.”
Umiiling na sumandal si Jun sa upuan. Bakas rin sa mukha nito ang isang malapad na ngiti. “So... gusto mong hindi na ako makipagkaibigan sa kuya mo?”
Gusto tuloy niyang batukan ang sarili dahil sa pagiging madaldal. Kawalan nga pala niya kaya kapag hindi na nito magiging kabarkada ang Kuya Pete niya.
SybilRamos! Ang bibig mo!
“O-of course not! Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko.” She bit her lips. Hindi talaga siya nag-iisip. Siguradong hindi na ito maliligaw sa bahay nila at tatambay roon kapag di na ito kaibigan ng kuya niya.
Sayang naman!
“Alam mo, Sybil. Wala namang pinipili ang magiging magkaibigan. Even animals can form friendship with animals which are not from their specie.” Tinanggal ni Jun ang eyeglasses at nilinis iyon gamit ang sariling panyo. “As long as it betters their health and lessen stress, they’ll form more bonds with other animals. It’s called Interspecies Relationship,” kaswal na sabi ni Jun bago muling isinuot ang salamin.
Pinigilan niyang itago ang pagkamangha. Wala ba itong hindi alam? Pati buhay ng mga hayop ay sakop pa rin ng stock knowledge nito?
“Sige na nga.Hindi na ko na ikikwestiyon ang friendship ninyo. Baka kung saan pa mapunta ang usapan natin.”
“Thank you.”
“At manonood na rin ako ng NatGeo at Discovery Channel.”
Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ng binata. “Ha?”
“Favorite channels mo yata eh.” Sabay taas na rin niya ang kanang kamay at saka nag-V sign. “Joke lang! Ang dami mo kasing alam na facts. Baka may masagap ako doon kaya manonood na rin.”
Ngumiti ito at bahagyang napailing. “Unahin mo muna itong math saka na ‘yon. Exam na next week. Kailangan nating mag-aral nang mabuti.”
Nagtaas siya ng kilay. “Natin? Ako, oo. Dapat talaga akong mag-aral. Pero ikaw, kahit naman siguro di mag-aral eh mape-perfect mo pa rin ang exam.”
Napapailing na tumawa si Jun. “Sybil, ang utak, tulad ng muscle, ay iniehersisyo rin para di lumiit. Kaya kailangan ko pa ring mag-aral.”
Sasagot na sana siya nang biglang hinawakan ni Jun ang kanyang baba. “Kaya ikaw...”
Pinilit niyang pakalmahin ang kumakalabog na dibdib habang nakatitig sa mga mata ni Jun. “K-kailangan mag-aral para di lumiit ang utak?”
Binitawan siya nito at saka humalakhak. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang gusto ko lang ay sagutin mo ang binigay kong problem at nang ma-evaluate natin kung may natututunan ka sa mga tinuro ko sa’yo.”
Awww. How sweet. Gusto nitong masigurong may natutunan siya rito.
So far effective naman ang pagtu-tutor nito sa kanya. Gumaling na siya nang kaunti sa Math. Isang bagay na nangyari lamang noong naging tutor niya ito three months ago.
“Sige na nga.” Hinarap niya ang libro at sinimulang sagutin ang ibinigay na math problem. Makaraan nang dalawang minuto ay pina-check na niya ang kanyang sagot. Di tulad noon ay mas nagiging confident na siya sa mga pagsagot sa mga math problems. Thanks to Jun.
Pagkatapos basahin ang sagot niya ay agad lumiwanag ang mukha ng tutor. “Good. Tama ang sagot mo. You’re getting better and better.” Kasabay ng ngiti ay ang mas lalong pagsingkit ng mga mata nito.
Heaven... Napakagat labi siya sa magandang tanawing iyon.
Halos isang oras na silang nag-aaral nang nagsalita muli si Jun.
“Our time is up!” sabi nito habang sinisipat ang suot na relos. Unti-unti na rin nitong inaayos ang sariling gamit.
Tiningnan na rin niya ang sariling relos. Eksaktong alas kwatro na nga ng hapon. Isa sa mga katangian ni Jun ang pagiging time conscious. Napaka-precise din nito sa pagtukoy ng oras.
“Salamat sa pagtuturo sa akin sa araw na ‘to, Jun.” Kahit medyo malungkot ay may excitement pa rin namang siyang nararamdaman dahil magkikita muli sila bukas. And she’ll be with him again.
“Walang anoman, Sybil. Just enjoy the rest of the day. Paminsan-minsan lang nangyayari ang foundation week.”
Inikot niya tingin sa kanyang paligid. Doon na niya naalala na kung gaano kabibo ang atmosphere ng eskwelahan nila. Kasalukuyang kasing ginaganap ang foundation weekng St. Dominic High School. At tuwing ginugunita iyon ay mala-fiesta ang buong campus dahil sa dami ng mga rides at booths na nagkalat sa paligid.
Pero hindi na siya nagulat sa sarili. Kahit siguro nasa gitna sila ng giyera basta kasama lang niya si Jun ay magiging romantic na ang ambience. Sayang nga lang at tapos na ang oras nila ngayon.
Akmang tatayo na sana si Jun nang sabay silang napalingon isang kumpol ng mga estudyanteng biglang nagtilian. Tila may minamasid ang mga ito sa di kalayuan. Sinundan niya ang tingin ng mga ito at agad niyang nakita ang isang babae at lalaking estudyante na nasa loob ng isang malapit na booth.
Hindi siya makapaniwala. Magkahinang ang mga labi ng mga ito!
Ang lalaking iyon ay si Matthew. Ang kilalang pasaway sa buong campus na siyang pasimuno ng paglalaro ng computer nina Jun. At ang babae naman ay ang kasalukuyang Student Council Officer na siRubi!
Hindi niya alam na may namamagitan na pala sa dalawang iyon. Paano naman magkakagustuhan ang dalawang taong tila aso at pusa kung magbangayan?
Pero wala pala talagang imposible sa pag-ibig. Kung nangyaring magkagustuhan ang dalawang magkaibang tao ay hindi rin kaya pwedeng... mangyari din ito sa kanila ni Jun? Kung may Interspecies Relationship sa mga hayop baka naman may ganoon din sa mga tao!
At tatawagin iyong Interspecies Romance.
Napangiti na lang siya sa kakulitan ng kanyang imahinasyon. Pero tulad nga ng nasaksihan niya, walang imposible sa pag-ibig.
Biglang umagos ang pag-asa sa kanyang puso. Sana nga ay totoong may tsansa siya rito.
In the near future.
Nilingon niya muli si Jun at nahuli niya itong nakatingin din doon sa pares na naghahalikan.
“Alam mo ang tungkol sa kanila?” tanong niya rito.
Tumango si Jun nang may ngiti sa labi. “Finally, someone tamed Matthew.”
Napangiti na rin siya. Alam ng lahat kung gaano kahirap pakitunguhan si Matthew. Sa mga guro nga ay hindi ito nakikinig. “Well, sabi nga nila ‘Love moves in mysterious ways’.”
Nilingon siya ni Jun. “Naniniwala ka doon?”
“Oo naman. Nangyayari na lang ‘yon bigla. Akala mo gusto mo lang siya pero lumalim na pala iyon. Hanggang nagiging love na.”
“Talaga lang ha?”
“Oo nga sabi.”
“Bakit na-inlove ka na ba?”
“Oo naman!”
Gusto niyang kagatin ang sariling dila. How could she be so careless?
Dahan-dahan niyang sinulyapan si Jun at nakita niyang nakatitig lang ito sa kanya. Mukhang nagulat din ito.
“I mean...hindi pa. Hindi pa ako nai-inlove.” Pinilit niyang bawiin ang sinabi. Hindi maaaring magkaroon ito ng ideya na may nagugustuhan na siya. Magtatanong muli ito. At ayaw niyang magkamali muli ng sagot. Baka kasi kapag nalaman nito ang totoo ay didistansya ito sa kanya. Ayaw niyang mangyari iyon.
“Nagulat lang ako sa tanong mo. Nagkamali ako ng sagot.”
Nawala ang gulat sa mukha ng binata at napalitan iyon ng isang malapad na ngiti.
“Ah. Akala ko talaga meron na. Pero tama iyan. Huwag ka muna ma-inlove. Hindi pa pwede. Bata ka pa.”
Gusto niyang matawa sa kausap. Kung maka-‘bata’ ito ay para bang napakalayo ng agwat ng edad nila. “Fifteen na po ako. Ano bang difference noon sa sixteen na tulad mo?”
“Malaki! Twelve months din ‘yon.”
In fairness, natawa siya sa joke na iyon ni Jun. “Ewan ko sa’yo. Para ka ring si Kuya. Bata ang tingin sa akin.”
“Concerned lang ‘yon.”
“Alam ko naman naman iyon. So kelan ako pwedeng ma-inlove?”
Sandaling natigil si Jun sa tanong niya. Gusto muli niyang sapakin ang sarili sa kung anu-anong mga lumalabas sa bibig niya. Pero huli na ang lahat. Nasabi na niya iyon.
“Ah...Siguro pag nasa college na ako. O ‘pag naka-graduate na?”
Jun reached out and pinched her cheek. “Basta Sybil, huwag ka munang mai-inlove.”