WHY THE hell did she wore a sleeveless dress for the night? Nanunuot tuloy sa buto niya ang lamig ng buong cellar. Pero wala sa kalingkingan ang lamig na iyon sa problema niya ngayon. She’s trapped inside the cellar for almost an hour now. At kasama pa ang lalaking pinipilit niyang h’wag alalahanin.
“Jun, sa ating dalawa, ikaw ang matalino. Baka naman may maisip ka pang paraan upang makaalis tayo rito.” Pagmamakaawa niya sa binata.
Dahil parehong naiwan ang mga cellphone nila sa labas ay humingi na lamang sila ng saklolo sa pamamagitan ng pagsigaw. Halos mag-iisang oras na silang sumisigaw ngunit wala pa rin yatang nakakarinig sa kanila. Sa kapal ng pinto at pader ng cellar ay malamang walang nakarinig sa kanila sa labas.
“Wala na tayong magagawa, Sybil. It’s onein the morning. Naka-reserve ang buong bar para kina Matthew at Rubi for the whole night. Kaya magsasara na ang mga staff ko right after the party. Sa tingin ko nga ay nakauwi na sila lahat.”
“Kahit di mo inuutos? Magsasara sila?”
“It’s an SOP. Baka iniisip nila na nakauwi na ako.”
“Pero nasa labas pa ang kotse mo. Hindi ba sila mapapaisip baka nasa loob ka pa?”
“Sanay naman silang naiiwan ang kotse ko rito. Kapag nakainom ako, I just leave my car here and ride a taxi.”
Kainis! Mukhang wala rin namang maghahanap sa kanya ngayon. Malamang ay umuwi na rin ang kapatid niya at si Karen sa condo ng mga ito. Mula kasi noong ikinasal ang kapatid ay bumukod ito ng tirahan kaya naiwan siyang mag-isa sa bahay na dati nilang tinitirhang magkapatid.
Noong pareho na silang nasa Manila upang mag-college ay bumili ng bahay ang kanilang mga magulang upang may matirhan sila. Mas pinili naman ng mga magulang nila na mamalagi na lang sa San Gabriel dahil naroon ang nakabase ang mining company na pinangangasiwaan ng mga ito.
Sinulyapan niyang mulisi Jun. Nakaupo na ito sa sahig habang nakasandal naman ang likod sa pinto. His eyes were closed. Mukhang napagod din ito sa kakahingi nila ng tulong.
Kung tama siya ay iyon na yata ang pinakamahabang nagkasamang muli sila ni Jun simula noong araw na natapos ang pagtu-tutor nito sa kanya. Ang totoo ay naninibago siya na ito lang ang tanging kasama. Madalas kasi ay kumpleto ang lahat ng mga kaibigan nila kaya hindi naman siya naiiwang mag-isa kasama si Jun. Pero ngayon ay wala na siyang magagawa pa. Sa tingin niya ay makakasama niya ang lalaki sa buong magdamag.
A whole freaking night!
Napadako ang mga tingin sa pagod na mukha ni Jun. Kahit na nakapikit ang mga mata ng lalaki ay di pa rin maipagkakaila ang pagka-chinito nito. His skin is still as radiant as before. Mapupula pa rin ang mga labi nito. Medyo nag-iba lang siguro ang hitsura nito nang kaunti dahil hindi na ito nagsusuot ng salamin tulad noon. At naging ivy league haircut na rin ang dating one length hair nito.
But he’s still the same Jun you met years ago, right, Sybil?
Wala namang nagbago kay Jun. Successful pa rin at matalino. Mas matangakad at mas matipuno nga lang.
At napaka-gwapo pa rin.
“May gusto ka bang sabihin?”
Napasinghap siya nang mapansing nagmulat na pala ito ng mata. Mabilis naman niyang inilayo ang tingin rito. “W-wala! Napansin ko lang na mukhang napagod ka sa kakahingi ng tulong.”
“Medyo napagod nga ako.”
“Sorry for causing trouble. Hindi ko talaga sinasadya.”
Umiling si Jun. “It was an honest mistake. Kaya okay lang. Ang problema eh bukas pa talaga tayo makakalabas rito. Hindi ka naman siguro claustrophobic diba?”
Napangiti siya. “No. Hindi naman.”
Bahagya itong tumango. “Good.”
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid nang hindi na muling nasundan ang pag-uusap nila. Hindi niya alam kung bakit tila rin naubusan yata sila pareho ng sasabihin. She ended up hugging both her knees trying to ease the chilly sensation on her skin.
“Are you okay?”
Napaangat siya ng tingin at napansing nakatitig sa kanya si Jun. Sigurado siya. Naramdaman niya ang pag-aalala sa boses nito.
“Okay lang ako.” Sinubukan naman niyang maging totoo. Pero bakit ba pakiramdam niya ay nagsisinungaling siya. Dahil ba kasama niya ngayon ang lalaking sa loob ng maraming taon ay pinilit niyang iwasan?
Si Jun lang naman ‘yan, Sybil. Why are you so worried?
Pinilit niyang kalimutan ang mga agam-agam sa kanyang isip nang makitang biglang tumayo si Jun at naglakad papalapit sa kanya. And in just one second, he’s already seated next to her.
Scratch that.
He’s not only seated next to her. He’s literally beside her. With his shoulders brushing hers.
“A-anong ginagawa mo?”
“You mean ang pag-upo ko sa tabi mo?”
Tumango siya nang hindi inaalis ang tingin sa mukha nito.
“Para ka kasing nilalamig. I suppose, you needed body heat to warm you up.”
Nawindang siya nang marinig ang sinabi nito. “B-body heat?”
“The temperature inside the cellar is 14 degrees. Mas malamig pa sa karaniwang binibigay ng aircon. And looking at your outfit,” pinasadahan nito ng tingin ang kanyang katawan bago muling tumitig sa mga mata niya, “I guess, ilang sandali na lang ay magyeyelo ka na.”
Gustong-gusto na niya itong kontrahin pero alam niyang may punto naman ito. At inaamin niyang bumuti nang bahagya ang pakiramdam niya nang tumabi ito sa kanya.Pero hindi ba’t kelangan na magyakap kapag magbibigay ng body heat?
Bakit? Gusto mo ba ng makipagyakapan sa kay Jun?
Sa gilid ng kanyang mga mata ay pansin na pansin niya ang laki ng braso ni Jun. At dahil maputi ang suot nitong shirt ay pansin din ang tila matigas nitong dibdib.
Hindi rin naman masama. Kapag nakulong ka sa mga bisig na iyon siguradong...
Mainit.
Matigas.
Masarap.
“How are you feeling, Sybil?”
“Yummy.”
“What?”
Sybil found herself at lost as Jun’s eyes are locked on hers. Nakakunot ang noo nito na tila ba litong-lito sa mga sinabi niya.
Gusto tuloy niyang upakan ang sarili.
“H-Ha? W-Wala! Tama ka. Malamig nga! Pero okay lang ako.” She quickly stood up and moved away from Jun.
Ano bang nangyayari sa kanya? Buong gabi na siyang parang wala sa sarili. And worse, the one causing her confusion is right here...locked with her inside the cellar.
Nang akmang tatayo ito ay agad niya itong pinigilan.
“I said I’m okay. Hindi ko kailangan ng body heat.” Agad niyang iginiya ang mga mata upang humanap ng kung anumang maaring gamiting pang kumot sa nilalamig niyang mga bisig. Pero nakailang ikot na ang mga mata niya sa paligid ay wala pa ring siyang makita.
What should I do? What should I...
Natigil siya sa pag-iisip nang mahagip ng kanyang mga mata ang rack ng red wine sa kanyang tabi.
Yes!
Agad niyang tinungo ang mga alak at mabilis na binuksan ang isa noon gamit ang isang wine bottle opener na nasa katabing mesa. Hindi mag-iinit ang katawan kung ang non-alcoholic wine ang iinumin niya. She needs something with alcohol content if she wants her body to get warmer. Hindi lang niya sosobrahan ang pag-inom upang hindi siya malasing.
At mahirap na kapag nalasing siya roon kasama si Jun!
“You know what? This will solve our problem!” Mula mismo sa bote ay tinungga niya ang alak.
Nakatingin si Jun sa kanya ngunit nakataas lamang ang gilid ang labi nito. It seems as if he finds it funny seeing her drink from the bottle.
She cleaned her wet lips using the back of her hand. “Pasensya na. Wala na akong oras para maghanap pa ng baso rito. And I need this to warm my body. Ikaw baka gusto mo rin?”Inialok niya rito ang bote ng alak.
Umiling si Jun habang di pa rin napapalis ang ngiti sa labi nito. “No, thanks.”
Muli niyang tinungga ang alak. “Hmmm! Ang sarap talaga ng wine. Sigurado ka bang ayaw mo? Ikaw din. Lalamigin ka riyan.”
Nakaapat na inom na siya nang maramdamang umiinit na ang kanyang katawan. Umiinit na rin ang pisngi niya na tanda ng epekto ng alak.
“Great! I feel warmer now. Ayaw mo ba talaga?”
Muling umiling si Jun. “On the contrary, hindi naman kasi pampainit sa katawan ang alak.”
Kunot noo niyang tinitigan si Jun. “Are you kidding? Eh nararamdaman ko na nga ang epekto tapos sasabihin mo pang hindi.”
“It’s true. At hindi ako nagbibiro. Alcohol does not make your body warmer. It makes your body temperature colder.”
“T-teka... ano?
“Alcohol’s effect on the body is vasodilation. Warm blood moves closer to the skin’s surface due causing the core body temperature to—”
“Sandali! I don’t speak superhuman language. In English please?”
Sumilay ang ngiti sa labi ni Jun bago nagpatuloy. “Okay... What I’m saying is thatthe warm feeling is only temporary.”
Kung may isang bagay man na seryoso si Jun, iyon ay ang pagsasabi ng mga facts. He doesn’t joke about it. At sigurado siya roon dahil lampas sampung taon na niya itong kilala.
Agad siyang napatitig sa hawak-hawak na red wine. Oh no!Hindi niya pala sinolve ang problema niya. Dinagdagan pa niya ito!
“Sure ka ba? I mean...” Sinulyapan niya si Jun at nakita niyang tumatango ito. “Yeah, right. You’re not bluffing.”
Inilapag na lamang niya ang alak sa kalapit na mesa. “Bakit ba di mo ako pinigilang uminom? Alam mo naman palang ganoon ang epekto.”
“Mukhang enjoy na enjoy ka kasi.”
“Rason ba ‘yon?”
“Hindi ba?”
“Gusto mo lang yata akong manigas sa lamig.”
“I won’t let that happen. Para saan pang naging effective ang body heat?” He tapped the space on the floor beside him. Para bang sinasabi nitong umupo muli siya sa roon.
She cringed at the thought of being beside him. Hindi naman sa ayaw niyang katabi ito. He definitely feels warm and smells freaking good. Pero talagang contradictory naman kapag gagawin niya iyon. Iniiwasan nga niya ito, bakit naman niya tatabihan ito ngayon?
“Di naman ako nilalamig. Okay lang ako.” Umupo siya kung saan ito dating nakaupo. Parang ngang nagpalit lang sila ng pwesto nito.
Isang nakakabinging katahimikan muli ang bumalot sa kanilang dalawa. Hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin. She ended up counting the bottle of wines on the rack in front of her when Jun spoke again.
“Interspecies relationship. Naalala mo pa pala ‘yon?”
Crap! Ang galing naman nito pumili ng topic.
“Ah, oo nga eh. Akalain mo ‘yon? Kahit inaamag na ang memorya ko, naalala ko pa ‘yon?”
“It must be because you associate the term with us.”
“Us?”Nating dalawa?
“Yeah. Us. Kami ng mga kaibigan ko.”
“Ah! Us! I mean you...guys.” Ang engot talaga niya.
“Bakit? May iba ka pa bang naaalala sa term na iyon?”
Oo! Ang interspecies romance natin dati! She immediately shook her head trying to get rid of her thoughts. Wala nang halaga na maalala pa niya ang bagay na iyon. Pareho na silang dalawang may kanya-kanyang relasyon. It’s really stupid to reminisce the past.
“Wala. Sa inyo lang talaga associated ang term na ‘yon. Pero noon ‘yon. Noong magkakaiba pa kayo. Pero ngayon, you’re all the same. You’re all successful.”
“Nah...It’s just hardwork. And we love what we do kaya siguro mas madali sa amin.”
“Pero iba naman ang kaso mo eh. Madali lang naman siguro para sa’yong tapusin ang business course na kinuha mo because you’re smart and all.”
Nakita niya ang mabilis na pag-iling ni Jun. “It’s still hardwork.”
“Well, tama ka roon. Pero bakit ka ba kumuha ng business course? I mean, pwede ka naman sanangmaging chemist, physicist or professor sa science or math. Doon ka naman magaling dati.”
“There was one time na tatanggapin ko sana ang isang scholarship from a good university. Pero may nangyari kaya hindi natuloy. Siguro hindi para sa akin talaga ‘yon. And besides, marami pa rin namang math sa business course na kinuha ko.” Bahagya itong tumawa.
Ano kaya ang nangyari at hindi natuloy ang scholarship nito? Wala kasi siyang narinig tungkol doon.
“Akala ko lang talaga magiging professor ka, inventor or scientist.”
“Akala mo talaga na gusto kong maging nerd forever?”
“Bakit? Masama bang maging nerd?”
“Hindi naman. But we all have choices. At sa tingin ko tama lang ang pinili kong landas.”
She felt a knot on her stomach. Minsan kasi ay naisip niyang dahil puro business courses ang kinuhang kurso ng mga kaibigan nito kaya naimpluwensyahan rin itong kumuha ng ganoong kurso. Mali pala siya roon.
“Pasensya. Akala ko talaga pinag-usapan ninyong lahat na kumuha ng parehong mga kurso noon sa college. Hindi ko alam na wala ka talagang balak na mag-Science major.”
“O di kaya dahil hindi na tayo masyadong nagkakausap simula noong sinipa mo ako bilang tutor mo noon?”
Guni-guni lang ba niya otalagang may lakip na hinanakit sa boses nito?
“Grabe naman, di naman kita sinipa.”Ayoko lang masaktan at mas mapahiya pa sa’yo.
“But you did fire me. Ang sabi ng Kuya Pete mo, ayaw mo na raw magpa-tutor. Nagulat nga ako dahil di naman natin napag-usapan na ayaw mo na palang magpaturo.”
Disapointed ba ito dahil sa biglaang pag-ayaw niyang magpa-tutor rito? “Ayaw mo noon? Di ka na makukulitan pa sa akin. Nakakadistorbo lang naman ako noon sa’yo.”
“Of course, not. Masaya ako tuwing magkasama tayo noon.”
Parang dumagundong ang paligid dahil sa sinabi ni Jun. Did she hear him right? Masaya ito noon?
“C-come on. Paano ka mag-e-enjoy eh kinakain ko ang oras mo. Ang hirap ko pa yatang turuan noon.”
Nagbuntong hininga si Jun. “Don’t do that, Sybil.”
“Ha? Do what?”
“Ginagawan mo ng sariling konklusyon ang mga bagay-bagay. When I said that I felt disappointed that you fired me just like that, it’s not a lie. Napaisip tuloy ako na baka ako ang di marunong magturo noon kaya ayaw mo na. But tell me… bakit ka nga ba umayaw na noon?”
Nahigit niya ang hininga sa mga sinabi nito. Bakit din ba ito nagtatanong pa nang mga ganoong klaseng bagay? At saka, kaya ba niyang sabihing nasaktan ang mura niyang puso noon kaya niya pinutol ang pagtu-tutor nito sa kanya? Could she dare being that honest?
“W-well, I thought kaya ko na naman noon na ‘di na magpa-tutor. Kaya naman di na kita inabala pa. You’ve helped me enough to pass the subjects. Isa pa...” Tila may isang malamig na ihip ng hangin ang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Di tuloy niya mapigilang mapayakap sa sarili.
“Okay ka lang? Nilalamig ka na ba?”
Mabilis siyang umiling. “H-hindi. Okay lang ako. What I was saying is that graduating student ka na noon. Na-nakakahiya naman na aabalahin pa kita.” Hindi na biro ang lamig na bumabalot sa katawan niya. Mas napayakap pa siya nang mahigpit sa sarili.
Naghintay siyang sumagot si Jun ngunit wala siyang narinig mula rito. At nang iangat niya ang mukha upang tingnan ito ay laking gulat niya nang nasa harap na pala niya ito. Wala itong inaksayang oras at agad naupo sa tabi niya.
At hindi na rin siya nakapagsalita pa nang ginagap ni Jun ang dalawang kamay niya at dinala iyon sa bibig nito. Napatitig na lamang siya sa binata habang hinihipan nito ng mainit na hininga ang sa tingin niya ay nagyeyelo na niyang mga kamay.
Doon na niya napagtanto. Ito ang unang beses na nadama niya ang kamay ni Jun. Napakainit pala ng mga iyon. At ang init na iyon ay dumadaloy hanggang sa kanyang puso.
Napatitig siyang muli sa mukha ng binata. Iyon ang unang pagkakataon sa mahabang panahon na malapitan niya itong napagmasdan. Tumanda man ito nang ilang taon, ganoon pa rin ang ganda ng mga mata nito. Ganoon pa rin ang hinahangaan niyang flawless na mukha nito at pula ng labi. Pakiramdam niya tuloy ay nagbalik siya sa nakaraan. Noong mga panahong labis ang paghanga niya sa binata. Noong mga panahong walang ibang laman ang kanyang isipan at puso kung hindi ang pinakamatalinong estudyante ng kanilang paaralan.
Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub.
Damnit!
Mabilis niyang kinuha ang mga kamay mula sa pagkakahawak ni Jun. What the hell is happening with her? Hinayaan niyang maglakbay muli ang isipan sa mga mura niyang ala-ala. Paano niya hinayaan ang sariling hangaan muli ang lalaking nasa tabi niya ngayon? She has a freaking boyfriend for Pete’s sake!
“Okay na ako. Salamat, Jun.”
“Are you sure?”
“Oo.”
Akma siyang tatayo nang pinigilan siya ni Jun. “Lalamigin ka lang. Let’s stay this way.”
Wala siyang magawa dahil ang totoo ay tama ito. Ngayon nga lang na hindi na nito hawak ang kanyang kamay ay nilalamig na muli siya. Paano pa kaya kung maghihiwalay sila ng upo?
Inayos niya ang pagkakaupo at saka muling niyakap ang sarili. Kasabay noon ang muling pagbalot ng nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Malamang ay iyon na rin ang rason nang unti-unting pagbigat ng talukap ng kanyang mata. Pinilit niyang ibuka ang mga iyon ngunit lagi siyang natatalo.
Ang alak. Malamang ay umepekto na pampaantok na katangian nito. Sinubukan niyang iunat ang leeg upang mawala ang antok ngunit hindi siya nagtagumpay. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nilamon ng antok ang kanyang huwisyo.
NAGISING si Sybil nang marinig ang tila walang tigil na pagtambol ng kanyang dibdib. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at napansing wala siya sa sariling kama kung hindi ay nakahilig sa tila isang matigas na unan. Nang inangat niya ang tingin ay isang pamilyar na lalaki ang kanyang naaninag.
Jun?
Mabilis niyang tinakpan ang bibig upang pigilan ang sariling mapatili. Doon na parang rumaragasang tubig ang pagbalik ng kanyang ala-ala sa kung paano sila nakulong sa cellar na iyon.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi na siya masyadong nilalamig. Malamang ay dahil mahigpit ang pagkakayap ng isang braso ni Jun sa balikat niya. Siya naman ay amoy na amoy ang bango ni Jun habang nakahilig siya sa dibdib nito. Ilang oras na kaya sila sa ganoong posisyon?
Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at doon na niya napansin ang himbing na pagtulog ni Jun. She’s just inches away from his face and she could tell how handsome the man is. Hindi tuloy niya mapigilan ang mga daliri na bahagyang hawakan ang pisngi nito.
Pati ang tungki ng ilong...
Ang singkit nitong mga mata...
Ang mapupula nitong labi...
Hindi siya makapaniwala. Nahawakan niya ang mukha ni Jun. At hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang kasaya ng puso niya.
Inilakbay muli niya ang mga daliri upang damhin muli ang pisngi nito nang biglang hinawakan ni Jun ang kanyang kamay. At nang iangat niyang muli ang kanyang mukha ay doon na niya napansin na nakamulat na pala ang mga mata ni Jun at nakatitig ang mga ito sa kanya.
Fuck! Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagrigodon ng kanyang puso. Tila ba gusto nitong kumawala sa loob ng kanyang dibdib.
Pero bago pa siya makapagpasya kung ano ang gagawin ay unti-unti nang bumababa ang mukha ni Jun. Hindi siya tanga upang hindi malaman kung ano ang nais nitong gawin. Pero bakit ba tila di siya makagalaw?
Looking at Jun’s eyes, her heart kept pounding inside her chest. Pero hinayaan lamang niyang mas lumapit pa ang mukha nito sa kanya. At nang isang pulgada na lamang ang layo ng labi nito sa kanya ay awtomatikong pumukit ang kanyang mga mata.
And then... Her lips met his.