LAMPAS sampung minuto nang nakatitig si Sybil sa kisame ng kanyang kwarto. Kanina pa siya gising pero hindi man lang niya magawang bumangon mula sa pagkakahiga. Sinulyapan niya ang alarm clock sa gilid ng kama. Mag-aalas sais na pala ng umaga. Malamang ay natutulog pa siJun. May oras pa siya upang pag-isipan kung ano ang sasabihin rito. Will she send him away or let him stay in her house for the rest of the week?
Kung papaalisin niya ito ay magiging isang walang puso siyang nilalang. Siya pa naman ang dahilan ng sugat nito. Pero bakit naman niya papahirapan ang sarili? Hindi naman pulubi si Jun upang hindi makakuha ng hotel room. He will just stay there until the rest of the week. Ang mahalaga ay hindi na maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng cellar. At para mangyari iyon ay kailangan niyang paalisin si Jun sa bahay niya.
Huminga siya nang malalim at saka bumangon. Buo na ang desisyon niya. Jun can’t stay. Kailangan nitong humanap ng ibang pwedeng matuluyan.
Pero paglabas na paglabas pa lamang niya sa pintuan ng kanyang kwarto ay agad tumambad sa kanya si Jun. Nakaupo ito sa may salas at base sa amoy nito ay mukha itong bagong ligo.
Ang aga naman yata nitong nagising?
Nilapitan niya ito upang kausapin na sana nang mapansin na nakalatag sa harap nito ang medicine kit at ang supot ng gamot na binili niya kagabi. Para tuloy piniga ang puso niya sa nasaksihan. Pilit kasi nitong nililinisan ang sugat sa ulo nito. Ang problema ay hindi man lang nito nalilinisan ng maayos ang sugat dahil nasa likod na bahagi iyon.
Oh crap. Wala yata siyang pagpipilian kung hindi ang tulungan ito. Jun looked terrible trying to clean the wound he couldn’t even see.
“Ako na Jun.”
Paglapit niya ay kinuha niya ang alcohol sa medicine kit at saka naglagay sa kamay. Pagkatapos ay kumuha ng malinis na bulak at nilagyan iyon ng antiseptic. Pero bago pa man niya iyon mailagay sa sugat ni Jun ay pinigilan nito ang braso niya.
“Okay lang, Sybil. Kaya ko naman.”
Umiling siya. “Ako na. Ako rin naman ang may gawa nito sa’yo.”
Hindi na rin tumutol pa si Jun at hinayaan siya nitong linisin ang sugat. Kung tama ang bilang niya. May tatlong stitches ang sugat na iyon ni Jun.
Tapos paaalisin mo pa siya ngayon? Ang harsh mo, Sybil!
Napakagat labi siya habang inaatake ng nakonsensya. Kahit pa hindi niya iyon sinasadya, it’s still her fault.
Naputol lamang ang kanyang pag-iisip nang magsalita si Jun. “Sa tingin mo, ilang araw bago maghihilom ang sugat na ‘yan?”
Agad niyang inalala ang pag-uusap nila ng doktor sa ospital. “Ang sabi ng doktor kagabi. Mga ilang araw lang ay magsasara na ang sugat. Basta inumin mo lang ang gamot at linisin itong maigi para mas mapabilis ang paggaling.”
“I think I can do that.”
Napabuntong hininga siya nang maalala kung paano nito nilinisan ang sugat kanina. Ni halos hindi nga tumatama ang bulak na may gamot sa sugat nito. Kapag hindi nalinis nang maayos ang sugat ay baka magka-impeksyon pa iyon. Mas magiging malaki ang problema.
Oh my. I can’t believe I’m doing this.
“Don’t worry, Jun. I’ll clean the wound for you everyday. Kasalanan ko rin naman ito.”
“What do you mean you’ll clean it everyday?”
Naku! Matalino ka naman, Jun. Gets mo na ‘yon dapat.
“Tulad ng pinag-usapan ninyo ni Kuya. You can stay inhis room for the rest of the week. It’s a way para masigurong malilinisan ang sugat mo nang mabuti. Hindi pwedeng magka-infection ‘yan.” She pressed.
Sandaling hindi nagsalita si Jun. Gusto sana niyang makita ang ekspresyon ng mukha nito kaya lamang ay nakatalikod ito sa kanya.
Tatanggi kaya ito sa offer niya?Or baka may maisip itong ibang paraan. She would of course gladly accept any better options. At least hindi na siya mamomroblema.
C’mon, Jun. Baka may ibang ideya ka. At least pareho tayong—
“Okay.”
“O-Okay?”
“Yes. Okay sa akin ang mag-stay nang buong linggo rito. Salamat na rin sa kagustuhan mong mas mapadali ang paggaling ng sugat ko.”
“Ah, o-okay.”
Ang saklap. Wala nga talaga siyang kawala.
Pumasok kayasa isip ni Jun ang nangyari sa pagitan nilang dalawa sa cellar? Hindi ba nito kinonsidera ang awkwardness na pwedeng mamagitan sa kanila?
Hayh! Ano ba nga ba ang pinagpuputok ng butsi niya? Siya naman ang unang nag-offer na sa bahay niya ito titira.
Yun nga Sybil. Kasi affected ka pa masyado sa presence niya!
She immediately shook her head. Ano bang pinag-iisip niya? Mali ang term na ‘affected’. ‘Bothered’ pwede pa! Pero hindi na siya ‘affected’. Naka-get over na siya!
“Aw! Dahan-dahan lang nang konti, Sybil.”
Ooops! Mukhang nadiin niya yata nang malakas ang sugat nito. “S-sorry, Jun.”
“Okay lang. Sa simula lang naman masakit ito. Sabi mo nga in a week, gagaling na to. Tamang-tama lang sa pag-uwi ko sa bahay.”
“Naku. Madali lang maghilom ‘to. Malayo na malayo ang sugat na ‘to sa nangyari sa akin. It took me more than a year to recover, remember?”
Ang tinutukoy niya ay leg injury na nakuha niya noong summer bago siya tutungtong sana ng fourth year high school. Papauwi na siya noon mula sa isang praktis nang mabangga ang traysikel na sinasakyan niya. At dahi sa aksidenteng iyon, nabali ang right thigh niya. Naging bedridden din siya sa loob ng dalawang buwan. Nang makalabas ng ospital ay nagsaklay naman siya hanggang sa tuluyang humilom ang kanyang sugat. Ngunit dahil rin sa sugat na iyon na nagkaroon siya ng malaking pilat sa kanyang legs. Kaya naman nahihirapan siyang magsuot ng maiikling mga damit. Kinakailangan pa niyang magsuot ng leggings sa ilalim ng miniskirts or shorts upang huwag mapaghalata ang kanyang peklat.
“Kaya ‘wag kang mag-alala, malayo sa bituka ‘tong sugat mo.” Paninigurado niya sa binata.
“I didn’t mean to remind you of your accident. I’m sorry.”
“Ano bang pinagso-sorry mo? Hindi mo naman kasalanan ang aksidente. Wala namang may kasalanan noon. At saka matagal na ‘yon.”
“It still made you stop running. Nakakalungkot kasi sobrang galing mo dati sa sport mo.”
Napangiti siya sa narinig. Jun remembered how she used to be good on that sport. Sa tagal na noon ay hindi niya inaakalang maaalala pa nito iyon.
“Well, thank you sa compliment. Pero tanggap ko na na hindi iyon ang kapalaran ko.” Nilapit niya bahagya ang labi sa tenga nito at saka bumulong. “At saka malaki ang kita ko sa pagiging events coordinator. Mas malaki pa yata kesa kung naging atleta ako.”
Natawa si Jun sa biro niya. At dahil doon ay naigalaw nito ang ulo kung saan nakalapat pa ang kanyang daliri na may hawak bulak. Napaungol ito dahil sa pagkakadiin ng sugat nito.
Nakangiting inalis niya ang kamay sa ulo ni Jun. “Dahan-dahan sa paggalaw ng ulo mo. Baka dumugo yan ulit.”
“Aww... Oo na.”
Batid niyang nasasaktan pa ito pero hindi pa rin mawala ang mumunting tawa na lumalabas sa bibig nito. And those little throaty laughs make her smile as well.
“’Yan tapos na,” sabi niya rito nang sa wakas ay natapos na niya ang paglilinis at paglalagay ng gasa sa sugat nito.
“Thanks. Hindi ko ito malilinisan nang maayos kung di dahil sa tulong mo.”
“Kahit ako ang may kasalanan niyan eh ‘You’re welcome’ na rin. Pero hindi diyan natatapos ang paggamot diyan. May iinumin ka pang antibiotics at painkiller.” Pagkasabi ay hinalungkat niya sa supot ng mga gamot ang instructions sa pag-inom ng mga iyon. Doon niya nalaman na after meals pala ang lahat ng mga gamot.
Napangiwi siya. Hindi kasi siya sigurado kung may pagkain siyang natitira sa ref. Hindi kasi siya nag-grocery dahil supposedly ay nasa Cebu siya nang isang linggo.
“May problema ba?” Mukhang napansin na ni Jun ang bahagyang pagtahimik niya.
Hindi agad siya sumagot at saka mabilis ang hakbang na nagtungo sa kusina. At tama nga siya. Wala siyang makitang matinong makakain roon maliban sa dalawang cupnoodles na nasa food pantry. “Kumakain ka ba nito?”
Sumilay ang ngiti sa labi ni Jun. Kasabay noon ang muling paniningkit ng mga mata nito.
Shocks. Bakit ba hindi nawawala ang epekto sa kanya ng mga ngiting iyon. It still made her heart beat a little faster.
“I’ve been living alone for years, Sybil. At di rin ako marunong magluto kaya...medyo close kami ng pagkain na ‘yan.” Nakangiti pa ring sagot nito.
“So, it’s a yes. Mabuti naman.”
“Huwag kang mag-alala. Hanggang sa linggo lang naman ako makikigulo rito sa bahay mo. Tapos na renovation ng bahay ko by then. Today is Tuesday. So, limang araw lang ang titiisin mo. By Monday morning, I’ll be gone.”
Five days...I can live with that. Before I knew it, tapos na ang limang araw na iyon.
And his presence? I have to endure it. Ang mahalaga ay inako ko ang responsibilidad sa nagawang mali kay Jun.
How about the memories? Well, it was more likely a grown up puppy love. And besides, may Max na ako. Jun is no big deal.
And the kiss? Well it’s... I... Uhmm... Napadako kay Jun ang kanyang mga mata. Bahagyang kumikibot ng mga labi nito habang tahimik na binabasa ang mga letra sa gamot.
Damn it! Those god damned lovely lips haunted her for hours. Paano ba niya mawawaglit sa isipan niya ang nangyari sa cellar?
“O. Mag-init ka na lang ng tubig. Ikaw na bahala dyan.” Pagkasabi ay ilapag niya ang cupnoodles sa mesa at saka tumalikod.
“Teka, Sybil. Saan ka pupunta?” Tawag sa kanya ni Jun habang palabas na siya ng kusina.
“Friends mo naman ang cup noodles. Alam mo na paano lutuin yan. Maliligo muna ako. Ang init sa bahay na ‘to!”
+++++++
COMMENTS ARE MUCH APPRECIATED!