SORRY baby, I can’t go. Something came up. I’ll make it up to you soon, ok? Love you!
Napasimangot si Sybil habang binabasa ang sagot na text message sa kanya ni Max. Nangako kasi itong pupunta sa honeymoon send off party nina Matthew at Rubi. Pero tulad ng dati ay napako na naman ang pangako nito. Isang malaking karibal talaga niya ang trabaho ng nobyo.
Ang ikinaiinis pa niya ay may one week event siyang naka-schedule sa Cebu.
Dahil sa pagiging event organizer ay madalas busy rin siya. May mga pagkakataon na sa ibang lugar ang mga venue kaya nakakapag-out of town siya. Pero kahit ganoon ay pinipilit niyang magkaroon ng oras para kay Max. Kaya lamang ay mas busy yatatalaga ito sa kanya.
Kaya kung hindi sila magkikita ngayon ay sa susunod na linggo pa muli sila magkakasama. Paano na lang niya gagawin ang payo sa kanya ni Karen?
Hay! Palagi na lang, work, work, work.
Wala siyang ganang naglakad pabalik sa loob ng Hotshots—ang bar na pagmamay-ari ni Junkung saan nagaganap ang kasiyahan. Nandoon lahat ng pinakamalapit na kaibigan at kamag-anak ng bagong kasal.
Nandoon din ang Kuya Pete niya at si Karen. Kaya lamang ay parang may sariling mundo ang mga ito. Sweet na sweet at nagbubulungan pa. Mas lalo tuloy siyang walang makausap. Gusto pa naman sana niyang makalimutan ang pang-iindyan ng nobyo.
Minabuti na lamang niyang lapitan ang bartender roon at umorder ng tequila.
Inilapag ng babaeng bartender sa kanyang harap ang order niyang inumin. “A glass of tequila for Miss Sybil, no ice, no salt and no lime.”
Para sa kanya, tequilas are meant to be sipped and not being drunk in one shot. Kapag din nilagyan iyon ng ice o anumang pampalasa ay mawawala na ang tunay na flavor noon. Natutunan niya iyon sa kanyang Kuya Pete.
“Thanks, Kira. Alam na alam mo talaga ang gusto ko.”Matagal nang empleyado si Kira ni Jun kaya alam na alam na nito ang mga paboritong inumin nila.
Pagkakuha ng order ay umupo siya sa harap ng bagong kasal at pinanood ang pagbubukas nito ng mga regalo.
Puno ng tawanan at tuksuhan ang buong bar dahil puro may halong kalokohan ang mga iniregalo sa mag-asawa. Mayroong nagbigay ng pulang underwear, riding crop at glow in the dark na briefs. Napangiti na rin siya kahit papaano dahil sa masayang atmosphere.
Hindi rin maitago ng bagong kasal ang saya sa piling ng isa’t isa. Kung iisipin ay biktima ang mga ito ng mapaglarong tadhana. Kahit ilang taon pang nagkahiwalay ang mga ito ay nagkabalikan pa rin.
At ikinasal pa!
Masaya rin siya dahil nagkaroon siya ng partisipasyon sa pagbabalikan ng mga ito. She helped Matthew figure out how to get Rubi back. Noon pa man ay nais talaga niyang magkabalikan ang mga ito.
Naniniwala siya sa pag-ibig ng dalawa simula pa noong nakita niya ang mga itong naghalikan.
And that day, I was with Jun.
Ipinilig niya ang ulo. Paano ba nasali si Jun sa pagre-reminisce niya sa nakaraan? Pero tama din naman ang alaala niya. Nandoon nga si Jun nang masaksihan niya ang halikan. It was also the same day na sinabihan siya ni Junna huwag muna ma-inlove pero hindi nito alam na may naitatangi na ang kanyang puso noon. And Jun didn’t even know it was him.
Nagpalinga-linga siya. Nasaan na nga ba ang taong iyon? Hindi niya ito nakita mula noong magsimula ang party.
Eh bakit mo ba siya hinahanap?
“Damn it.” She quickly shook her head. Ano bang pumasok sa utak niya at muling naalala si Jun? There’s no use of reminiscing the past.
Itinuon na lamang niya ang atensyon kina Rubi at Matthew na mukhang tapos na sa pagbubukas ng mga regalo.
“Thank you guys! Kahit medyo naughty ang mga natanggap naming regalo ay maraming salamat pa rin. Makakabawi rin kami sa inyo kapag kayo naman ang ikakasal.” Sabi ni Matthew na itinaas pa ang riding crop na hawak-hawak.
Nagsitawanan lahat. Natawa na rin siya dahil siya man ay guilty sa ibinigay na regalo sa mga ito. She gave the couple a pair of toy handcuffs. Bahala na ang mag-asawa kung paano iyon gagamitin.
Dahan-dahang nililigpit na nina Matthew at Rubi ang mga regalo nang biglang may lumapit sa mga ito.
“May pahabol pa akong regalo!”
It was Jun.
He looks great on his white v-cut shirt and faded jeans. Wala pa ring nagbabago rito simula pa noon. He has still the loveliest pair of chinky eyes and the sweetest smile.
Okay, fine. Cute ka pa rin? So, what? May Max na ako.
“Ohno…” Napangiwi siya sa mga sinasabi ng utak. Kung pwede lang niyang iuntog ang ulo sa pader ay ginawa na niya.
Tiningnan niya ang hawak na baso ng tequila. Mukha yatang umeepekto na sa kanya ang espirito ng alak. Ibinaba na lamang niya ang hawak na alak sa mesa. Mahirap na. Baka mag throwback party ang utak niya kapag marami siyang nainom.
Pero di pa rin niya maiwasang mapansin ang presensya ni Jun. Halos tatlong dipa lang yata ang layo nito sa kanya. Kausap pa rin nito sina Rubi at Matthew.
“Jun, pare. Saan ka ba galing?” tanong ni Matthew rito.
“Pasensya na. May inaayos kasi ako sa baba. Di ko pa tuloy naiibibigay ang regalo ko sa inyo.”May hawak-hawak itong tila isang petcarrier. Inilapag nito iyon sa harap ng mag-asawa. At nang makita ni Rubi iyon ay agad itong natuwa.
“Wow! Pusa ba ‘yan?” bulalas ni Rubi. Dahan dahan nitong binuksan ang kahon at inilabas ang isang mukhang imported na pusa. May pagka-gray kulay iyon at mukhang maliksi. “Ang cute naman!”
“That’s a Russian Blue cat. They are smart and friendly. Hypoallergenic din ang pusa na ‘yan kaya wala kayong aalalahanin tungkol sa mga allergies. Naisip kong pet na lang muna ang alagaan ninyo habang wala pa kayong baby.” Jun was smiling and looks so proud of his gift.
“Ang cute nga. Pero baka mag-away lang sila ni Charlie.” Bakas sa mukha ni Matthew ang pag-aalala.
“Who’s Charlie?” tanong ni Jun sa mga ito.
“Ang tuta na kabibigay lang din sa amin. Naku, paano ‘to?” She could sense Rubi getting worried as well.
“Sayang naman ang pusa. Gustong gusto ko pa naman ang kulay niya,” sabi ni Rubi na hinahaplos ang pusa.
“Wala namang problema kahit magiging dalawa ang pet ninyo sa bahay. Dogs and cats may still get along.” Rason ni Jun.
“Aso at pusa, magkakasundo? Malabo yan naman yata ‘yun, Pare,” sagot ni Matthew.
“Pwede naman ‘yon...Hindi ba, Sybil?”
And before she knew it, nakatingin na pala sa kanya si Jun. Agad siyang nanigas nang lumabas sa bibig nito ang pangalan niya. Hindi tuloy siya agad makasagot.
Everyonealso looked at her as if she’s due to answer them.
Teka, ano bang kinalaman ko d’yan sa usapang pusa at aso ninyo?
Kunot-noo niyang tiningnan si Jun. Mukhang naintindihan nito ang pagkalito niya dahil muli itong nagsalita.
“Animal friendship bonds? We talked about it.”
Ano bang pinagsasasabi nito?
“At the students lounge?”
Students Lounge? Palagi naman tayo doon dati eh.
“Yun yung araw na nakita nating may naghahalikan?”
Agad lumipad ang mga mata niya sa dalawang taong katabi ni Jun. How could she forget? Kanina nga lang ay pumasok iyon sa isip niya.
“You even wrote a—”
“Interspecies rom...este, relationship. Interspecies relationship. It’s when two different specie forms a bond, like friendship.”
Sa isang iglap ay tila nakita niyang kumislap ang mga mata ni Jun. Malamang ay natuwa lamang ito na naalala niya ang bagay na iyon kahit ilang taon na ang lumipas.
Pero ano ba ang trip nito at agad nitong naalala ang pag-uusap nilang iyon? Did he honestly think na maalala pa niya ang bagay na iyon?
Don’t tell me na nakalimutan mo na ang term na ‘Interspecie Romance’?
Tila uminit ang kanyang pisngi nang maalala ang coined term na ginawa niya noon. Ano ba kasi ang nainom niya at mukhang nagbabalat sibuyas siya sa mga ala-alang iyon?
Nakuha ng kanyang pansin ang baso ng tequila sa kanyang harap. Mukhang iyon yata ang salarin. Hindi na siya nagdalawang isip at agad na tinungo muli ang bar area.
“Kira, can I have any red wine, non-alcoholic, please.”
“For a while Miss Sybil, wala na kasi ako ng non-alcoholic dito. Naubos ng mga bisita. Kukuha muna ako sa cellar.”
Marami naman talagang bisita ang bar nang gabing iyon kaya di na siya nagtaka kung maubos man ang wine.
“Ako na lang ang kukuha, Kira. Alam ko naman saan kukunin.”
“Are you sure, Miss Sybil? Baka pagalitan kami ni Boss.”
And when she says Boss, she means Jun. At sigurado siyang walang magiging problema dahil mabait naman si Jun sa mga employees nito.
“Don’t worry. Ako na ang bahala.”
Matapos magtanong kung saan ang cellar ay agad na niyang tinungo ang pintuan na may nakapaskil na ‘Do Not Enter, Authorized Staff Only’. Pumasok siya roon at agad nakita ang hagdan papunta sa basement ng bar. Sa dulo noon ay ang malaking pintuan ng cellar.
Hahawakan na sana niya ang door knob ng pinto nang mapansingmay naipit na newspaper sa may pinto. Tuloy ay nakaawang nang kaunti ang pinto. Dahil rin doon ay ramdam niya ang lumalabas na lamig mula sa loob ng wine cellar.
“Ano ba ‘tong mga staff dito? Nagsasayang ng kuryente.” Ipinihit niya ang pinto saka kinuhaang newspaper bago pumasok sa loob. Itinabi niya ang newspaper at saka isinara nang maayos ang pinto upang hindi na lumabas pa ang lamig mula sa loob. Kailangan kasing sakto ang lamig ng temperatura ng wine cellar upang hindi masira ang mga nakaimbak na alak roon.
Pagkapasok ay agad bumungad sa kanya ang daan daang mga alak na nakahanay nang maayos sa wooden wine racks.Dahil karaniwan nang dim light ang gamit na ilaw ng cellar kaya maingat niyang nilibot niya ang wine racks upang mahanap ang mga alak na walang content na alcohol. Mabuti na lamang at maaayos ang pagkaka-arrange ng mga iyon at agad niyang nakita ang hinahanap.
Habang papalapit sa mga alak ay napasulyap siya sa katabing wine rack na puno naman ng red wine. Ang totoo ay tila nakakatuksong isa sa mga iyon ang iinumin niya pero agad niyang pinigil ang sarili. Wala siyang balak malasing sa gabing iyon at hayaan ang utak na paglaruan siya gamit ang mga ala-ala ng tungkol kay Jun. Alam niyang mali iyon kaya siya na mismo ang kokontrol sa sarili.
Aabutin na sana niyaang isang bote ng non-alcoholic red wine nang biglang bumukas ang pinto. Muntik na siyang mapatalon nang malaman kung sino iyon.
“Jun?”
Nanlaki din ang mata nito nang makita siya. “Sybil, what are you doing here?”
“I...I’m getting some wine.” Kani-kanina lang ay nasaisip niya ito. Ang lakas naman yata ng radar nito at sumunod agad sa kanya doon sa cellar.
Nakita niyang nakatitig lamang sa kanya si Jun na tila ba di pa rin makapaniwala ang pag-trespass niya roon.
“Tinulungan ko lang ang staff mo. Naubusan na kasi sa taas. Kesa naman siya pa ang bumaba, kaya ako na lang ang nagpresenta.”
“I see. Thank you kung ganoon.” Nakatayo pa rin si Jun sa may pintuan. Bigla tuloy niyang naalala ang siwang sa pinto na dulot ng nakaipit na newspaper kanina.
Nilapitan niya ito at pinulot ang salarin na newspaper sa may paanan nito. “Alam mo kanina pagpasok ko rito, nakaawang ang pinto dahil sa newspaper na’to. Dapat siguro pagsabihan mo ang staff na isara nang maayos ang pinto ng cellar. Bukod sa aksaya sa kuryente eh baka masira pa ang mga wine rito sa loob.”
Bahagya niyang hinila papasok si Jun na kanina pa nakatayo sa may pituan. “Dapat kasi sinisirado nang maayos ang pinto. Dapat ganito.” Pagkasabi ay inilapat niya nang maayos ang pinto.
“Wait, Sybil!” pasigaw na pigil sa kanya ni Jun na siyang ikinabigla rin niya. Pero huli na ang lahat. Naisara na niya ang pinto.
“B-Bakit?”
“The door...”
“Eh anong tungkol sa pinto? Isinara ko nga para di lumabas ang lamig.”
Napahilamos si Junng mukha. Bakas ang pag-aalala rito.
“Ano nga sabi? Di ko ma-gets.” Maski siya ay kinakabahan na rin sa inaasal ni Jun.
“You shouldn’t have closed the door.”
“Bakit nga?!”
“Sira ang lock ng pinto.”
Holy crap.