YOU’RE mine!
Sinipat ni Sybil ang mga katabing babae. Tulad niya ay mukhang mga determinado din ang mga ito. Pero wala siyang planong magpatalo. She will do what it takes just to get it.
Inalis niya ang tingin sa mga babae at muling tinitigan ang target. Isa iyong kumpol ng red tulips na hawak-hawak niRubi. Kailangang mapasakanya iyon.
Please be mine lovely ‘bouquet of red tulips’.
Ilang sandali pa ay inihagis na ni Rubi ang bulaklak. Agad siyang naging alerto. Itinaas niya ang dalawang kamay upang masigurong makukuha iyon.
Malapit na!
Nakita niya ang pagbaba nito sa ere. She stretched her hands to reach for the flowers. Kaunti na lamang ay mapapasakanya na ang bulaklak. Kaunti na lang...
Gotcha!
Kunot-noong tinitigan ni Sybil ang mga kamay. Wala pala siyang nasalo. But where the hell are the flowers?
Agad sinagot ang tanong niya ng isang malakas na tili. Napalingon sa kanyang likuran. May ibang babae nang hawak-hawak ang bulaklak.
If only she’s still as athletic as before.
Napadako tuloy ang tingin niya sa kanyang mga paa. Sa lahat ng mga dalagang abay roon ay siya lamang ang may suot ng gown na mahabang saya. Tinatago kasi niya ang peklat sa kanyang legs. Bunga iyon ng isang aksidente noong high school pa siya. Ang aksidente ding iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya tamatakbo pa at tuluyan nang kinalimutan ang sports.
Eh ano ngayon kung ako lang ang may mahaba ang saya? Ma-beauty pa rin naman.
Padabog siyang bumalik sa mesa ng mga bridesmaid. Isang nakakalokong ngiti ang sumalubong sa kanya courtesy of her bestfriend Karen.
“Don’t!” maagap niyang pigil sa kung anuman ang nais sabihin ng kaibigan. Alam kasi niyang aalaskahin lang siya nito. Tulad na lamang noong kasal nito kung saan hindi rin niya nakuha ang bouquet ng bulaklak.
“What?”
“Don’t say it.”
Nakataas ang isang kilay pero di pa rin maitago ang nakakalokong ngiti ng kaibigan. “Say what?”
“Alam ko pagtatawanan mo lang ako.”
Sa wakas ay narinig na niya ang hagalpak ng tawa ni Karen. Para itong kinikiliti ng isandaang anghel. Siya naman ay napasimangot na lang at agad tinungga ang baso ng red wine sa ibabaw ng mesa. Dahil sa sarap ng alak ay bahagya niyang nakalimutan ang inis.
Hinintay niyang matapos ang tawa nito bago siya nagsalita. “O? Tapos ka nang pagtawanan ako? Nakaka-hurt ang lutong ng tawa mo.”
“Sorry, friend. Di ko mapigil eh. Kung makikita mo lang ang hitsura mo habang inaabangan ang paghagis ng bouquet. Naku! Para ka talagang sasali sa Olympics. Ooops! Sorry. Hindi ka na pala mahilig sa sports.”
“Oo. Matagal na. Kaya huwag mo nang ipaalala sa akin. At saka huwag mo na ngang i-critic ang hitsura ko. Di ko na nga nasalo eh, pinagtatawanan mo pa ako.”
“Eh bakit ba kasi trip na trip mong masalo ang mga bouquet ng mga bride? Talaga bang naniniwala ka sa pamahiing kung sino man ang makakasalo noon ay siyang susunod na ikakasal?”
“Bakit? Masaba ba? At least may ilu-look forward ako ano?”
Nagkibit balikat si Karen. “Nagpapaniwala ka sa mga pamahiing hindi naman totoo. Trust me. It takes more than a bouquet of flowers to get married.”
Alam naman niyang tama si Karen. Ilang buwan na rin itong kasal sa kuya niyang si Pete. And the couple went through hell before saying their vows. Kaya na rin siguro atat na atat siyang maikasal din dahil nakikita niya kung gaano kasaya ang dalawa. She could see how her brother loves and takes care of her bestfriend. Gusto rin niya ng taong magpaparamdam sa kanya ng ganoon.
“Siyempre sasabihin mo ‘yan kasi happily married ka na sa kuya ko. Eh ako?”
Siya na yata ang pinakamasayang tao noong ikinasal ang dalawa. Pero di rin niya maitago ang pakiramdam na tila naiwan siya sa ere. Ang dalawang mahahalagang tao sa buhay niya ay nagsisimula nang bumuo ng sariling pamilya. At siyempre hindi siya kasali doon. Maybe that’s why it made her feel like she has to make one for herself.
“Bakit? Di ka ba happy kay Max? ‘Di ba mag-tatatlong buwan na kayo? Don’t tell me isasama mo na naman siya sa listahan ng mga naging shitty relationships mo?”
Agad niyang naalala ang boyfriend dahil sa tanong ng kaibigan.
She’s been in and out of relationships since her college years. At masasabi niyang sa lahat nglimang naging boyfriend niya ay ito na ang pinakamatino. Isa itong engineer at may sariling construction firm. She could also see Max as a good husband material. Ang problema ay parang wala pa itong planong mag-asawa.
“That’s why I need to catch that bouquet. Para at least matulungan ako ng langit, ng kapalaran o ng universe na makumbinsi ang lalaking iyon na mag-settle down. He’s too workaholic to even ask me out for a weekend date.”
“Hindi bouquet and kailangan mo, Sybil. You need to make him realize that he needs you. Mag-date kayo. You know, some romantic dinner na maaaring makapagpalimot sa busy schedules niya.”
May point ang kaibigan. Kailangan lang yata talaga niyang makumbinsi si Max na mag day-off muna upang makapag-date naman sila. Maybe she could do a reservation in a nice and cozy restaurant.
“Pero Sybil...”
Nag-angat siya ng mukha nang marinig ang biglang pagseryoso ng boses ni Karen. “Bakit?”
“Opinion ko lang naman to ha? Ain’t it too soon to settle down with Max? Sure ka na ba sa kanya? I mean… three months pa lang kayo diba?” There was uncertainty on her friend’s voice. Pero naiintindihan naman niya iyon. Nag-aalala naman talaga sa isa’t isa ang magkakaibigan.
“I know what you mean. Pero okay naman talaga si Max. I mean, he’s a good catch. Sayang naman kung pakakawalan ko pa siya.”
“Yeah... Pero diba? Years ago... you still have that thing for—”
“Jun?” Mabilis niyang sagot sa hindi pa man tapos na tanong ng kaibigan. Alam na alam na kasi niya ang tanong nito. Hindi na niya kailangan pang marinig ang buong sasabihin nito upang matumbok ang iniisip ng kaibigan.
She saw Karengrin. “Yeah him.”
“I beg to disagree, friend. Di ko na siya bet.”
Maaaring nakatulong ang pagkakaroon niya ng serious relationships upang mawala ang pagkagusto niya kay Jun. She also realized that it’s time to let go of her childish feelings. Ang dahilan noong nagpapalit-palit siya ng boyfriend ay dahil sa palagi niyang nakukumpara ang mga ito kay Jun. Jun had always been her ideal man. Pero nagbago iyon nang makilala niya si Max. Hindi lang pala si Jun ang maaaring maging ideal man niya. But Max has good points as well. At higit sa lahat, mahal siya nito. Isa pa ay pagod na rin siyang magustuhan ang isang taong kaibigan lang ang tingin sa kanya hanggang sa ngayon.
Nakakunot ang noo ni Karen habang tinititigan siya. “Are you sure? I mean. Matagal mo rin siyang gusto di ba? Seryoso ka na ba talaga?”
Nang mag-college siya ay si Karen lang ang nasabihan niya ng sekretong affection niya para kay Jun kaya naiintindihan niya kung bakit nagtatanong pa ito.
Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang kasalukuyang topic nila. At agad niyang nakita si Jun na kausap ang mga kaibigan. Nakasuot ito ng itim na suit at tunay na gwapo pa rin ito.
“That guy,” sabay turo niya kay Jun, “is out of the picture. Si Max na ang gusto ko.”
Tumango si Karen. “Baka nga. Baka rin nagsawa ka na dahil palagi naman kayong nagkikita at wala namang nangyayaring progress kaya siguro nawala na rin ang interes mo sa kanya.” Inilapat ni Karen ang isang kamay nito sa balikat niya. “Kaya buo ang support ko sa’yo, friend. I hope si Max na talaga. Para ikaw naman ang ikasal soon.”
She smiled. Sana nga magdilang anghel ang kaibigan. Matagal na siyang nangangarap na magkaroon ng taong buong puso siyang mahahalin at mag-aalaga sa kanya.
Muli siyang napalingon sa direksyon ni Jun. At habang tinitingnan ito ay naalala niya ang mga kagagahan niya noong nasa high school pa sila. Inaamin din niyang nasaktan siya nang todo noon kaya bahagya siyang dumistansya kay Jun. Hindi na siya muling nagpa-tutor rito at pinipili na lamang niya ang mga pagkakataon na sumama sa mga pagtitipon ng magkakaibigan.
Ang mas masakit pa para sa kanya ay tila di rin naman napansin ni Jun ang bahagya niyang paglayo. Hindi ito nagtanong. Hindi rin ito lumapit sa kanya. As if para bang walang nangyari. Napagtanto niya tuloy na siya lang pala ang nag-iisip na close na close na sila noong nagtu-tutor pa ito sa kanya. Nasaktan muli siya sa ideyang iyon.
Jun has also been in and out of relationships. Sa pagkakaalam niya ang current girlfriendnito ay isang Japanese at nakilala ni Jun nang minsan ay dinalaw nito ang pamilya sa Japan.
But it really doesn’t matter now. She may still admire his looks and his brains. Pero aminado siyang nakalimutan na niya ang damdamin na iyon. Lumipas na ang nararamdaman niya para kay Jun. All she has to do is focus on Max. Si Max na ang ideal man niya ngayon. And Jun will only be a part of her past.