CHAPTER 03

1490 Words
TILA naaamoy pa rin ni Sybil ang sagwa ng lasa ng pinaghalong toyo, mayonnaise, curry powder at apple cider. Iyon kasi ang consequence ng pagpili niya ng ‘dare’ kanina. Pero okay lang. Nakaganti naman siya nang pinatanggal niya kay Matthew ang medyas ni Jun gamit ang ngipin nito. At dahil doon, mayroong babauning memory si Matthew papuntang Canada.             Nakatayo siya sa may gate ng bahay nina Matthew habang hinihintay ang paglabas ng kanyang Kuya Pete. Uuwi na kasi sila dahil tapos na ang despidada party ni Matthew. Nagpapaalamanan na lamang ang magkakaibigan.             Hindi pa rin mawaglit sa isip ni Sybil ang mga sinabi ni Jun kani-kanila lang. Naiisip pa lang niyang posibleng siya ang babaeng iyon ay kinikilig na siya.             What if ako nga? What if maging kami? What if...             “Sybil.”             “Ay butiki!” agad siyang napalingon sa kanyang likuran. It was Jun smiling brightly at her.             “Jun! N-nauna ka yata? Nasaan sina kuya?” Pinilit niyang hindi masyadong maging tunog excited ang boses. Ayaw niyang mapahiya rito.             “Tapos na kaming mag-usap ni Matthew. Lalabas na rin ang mga ‘yon maya-maya.”             “Ah. Mabuti naman.”             Matapos ng maiksing sagot niyang iyon ay binalot na ng katahimikan ang paligid. Pareho silang hindi nagsalita. Kahit gustuhin pa man niyang itanong rito kung sino ang babaeng tinutukoy nito kanina sa laro ay di niya magawa. Paano na lamang kung sagutin siya nitong siya ang babaeng iyon? Ano na lamang ang magiging reaksyon niya? Sasagutin ba niya ito agad?             No! Of course hindi, baka malaman ng Kuya Pete niya at magkagulo. Hindi pwedeng masaktan si Jun!             Nagpatuloy pa siya sa kanyang pagninilay-nilay nang binasag ni Jun ang katahimikan.             “Siya nga pala...bukas...”             “A-anong meron bukas?”             Tinitigan siya nito nang ilang sandali pero agad din namang nagbawi ng tingin. “Pwede ka bang makausap?”             Agad nagrigodon ang kanyang puso sa narinig mula kay Jun. My God! Ito na kaya ang hinihintay niya? Will he confess to her?             “Oo naman. T-Tungkol saan?”             “Bukas na lang. Para medyo mahaba-haba ang pag-uusap natin.”             Hindi pa man siya nakasagot ay lumabas na ng bahay sina Baste at Kuya Pete niya. Napilitan tuloy siyang itikom na lamang ang bibig.             “Anong pinag-usapan ninyo? Mukhang seryoso ah.” Ang kuya niya iyon na nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa ni Jun.             “Wala naman, Pare,”sagot ni Jun na lumayo nang kaunti sa kanya. “Aalis na ba tayo?”             Bahagya pang nag-usap ang magkakaibigan pero wala na sa mga ito ang atensyon niya. Lumilipad na ang utak niya tungkol sa mangyayaring pag-uusap nila ni Jun bukas.             At ang susuotin niya? Siyempre ang pinakamagandang pink dress na meron siya!   INILABAS ni Sybil mula sa kanyang pink shoulder bag ang isang maliit na salamin. Sinipat niya ang mukha upang masiguradong maayos ang hitsura niya. Siyempre nais niyang maging perpekto sa paningin ni Jun. Dapat ready siya kapag nag-confess na ito ng nararamdaman para sa kanya.             Nang makitang nasa ayos pa rin ang suot na light makeup ay isinilid niyang muli ang salamin sa bag. Pagkatapos ay inayos niya ang pagkakaupo upang hindi malukot ang palda ng pink dress niya. Pinili niya iyong suotin upang ipakita na paborito niya ang kulay na iyon. Bukod doon ay alam din niyang bagay na bagay sa legs niya ang above the knee length cut ng bestida. Siguradong dalagang-dalaga ang imahe niya. Siguro naman ay magugustuhan ni Jun ang hitsura niya. Sana rin ay lalong mas ma-encourage itong magtapat ng nararamdaman. Iniisip pa lang niya ang posibleng ending ng kanilang pag-uusap ay kinikilig na siya. She might have a boyfriend before sunset!             Mula sa parehong spot na kung saan siya tinu-tutor ni Junsa students lounge ay tinanaw niya ang mga nagdadaanang estudyante. Alam niyang ilang sandali na lang ay dadating na si Jun. Limang minuto na lang kasi ay mag-aalas kwatro na. Iyon ang oras na pinag-usapan nila na magkikita sa may students lounge. At dahil time conscious nga si Jun alam niyang dadating ito nang impunto oras. Sabihin nang excited, pero alas tres y media pa lamang ay nandoon na siya. Ayaw na ayaw niyang ma-miss ang espesyal na araw na iyon.             Muli na sana niyang itsi-check ang sarili nang maramdaman niyang may nakatayo sa kanyang harapan. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makitang si Jun iyon. Napakagwapo nito sa suot na bughaw na polo. And guess what? May dala pa itong isang kumpol ng pulang rosas!             “Jun.”             “Kanina ka pa ba?”             Agad siyang nakaramdam ng saya nang mapansing tinitigan nito ang kabuuan niya. Sigurado siyang paghanga ang nakikita niya sa mga mata nito. “Hindi naman.”Hindi niya mapigilang mapadako ang mga mata mga rosas na nasa kamay nito. Lovely roses for me? “Pasensya ka na ha. Alam ko, gusto mo pang sulitin ang last day ng foundation week. Pero heto at inaabala pa kita.” “Naku. Okay lang. As if naman wala akong utang na loob sa’yo. So... anong pag-uusapan natin?” Pagkarinig ay biglang nagbago ang eskpresyon ng mukha ni Jun. Nawala ang ngiti nito at bigla na lang naging seryoso. “Uhm...Sybil...” Say it my dear! ‘Wag ka nang torpe. “Ano ‘yon?” Mula sa harapang bulsa ng polo nito ay may inilabas itong tila papel. Ganoon ka ba katorpe at kelangan pa ng kodigo? Pero isang saglit lang pala ang excitement na naramdaman niya. Nang inilapag na nito ang papel ay agad niyang nakilala kung ano iyon. “Pasensya na. Nadala ko pala ang libro mo noong huli nating tutorial lesson. Nakaipit ito roon.” Ang malas naman! Kilalang kilala niya ang hitsura ng papel o stationery paper na iyon. Iyon lang naman ang sinulatan niya ng feelings niya para kay Jun noong nagdaang araw!             Nag-init ang kanyang mukha habang pinagmamasdan ang sulat.             “Binasa mo ba ‘yan?”             Tumango si Jun. Mas dumoble yata ang hiyang naramdaman niya. Akma niyang kukunin ang sulat nang biglang hawakan ni Jun ang kamay niya.             “Sybil... I’m sorry. Di ko sinasadyang basahin ‘yan. Pero dahil sa mga nabasa ko, I felt the need to give it back to you.” Huminga ito nang malalim. “I’m sorry Sybil. Hindi ko pwedeng suklian ang nararamdaman mo para sa akin.”             Nanlamig ang buo niyang katawan. Sa dami ng emosyong naglalaro sa dibdib niya ay may isang nananaig doon. At iyon ay ang pagkapahiya. Nahihiya sya para kay Jun na siyang nakabasa ng sulat at lalong lalo na sa sarili niya na sadyang umasa nang lubusan.             Nagsalita muli si Jun. “And you are right. It’s just a chemical thing. Endorphins, dopamine and serotonin played your brain. I don’t know how it will go away but I believe time will help you with that.” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “Nahihiya ako sa’yo dahil hindi ako deserving sa mga nararamdaman mo para sa akin. You deserve someone better than me. Someone who can make you happy and—”             “T-Teka. Ano bang pinagsasasabi mo?” Pinalaya niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Jun at kinuha ang sulat na nakalapag sa mesa. “Ang sulat na ‘to ay praktis lang.”             She took the paper and crumpled it right away. Hindi naman mawala sa hitsura ni Jun ang pagkabigla.             “Ano ka ba? Patola ka naman masyado. Hindi totoo ang nakasulat doon. At saka hindi para sa’yo ‘yon.”             “But it says ‘Dear Jun’. Kaya akala ko...”             “Okay ganito ‘yon. Para sa’yo sana ‘yon. Tinutulungan ko lang ang isang kaklaseng gumawa ng sulat para sa’yo. ‘Yon ang may gusto sa’yo at hindi ako.”             As much as possible ay pinilit niyang huwag mabulol, masinok, masamid at magmukhang tanga habang sinasabi ang walang kwentang alibi na bigla niya lang naisip.             Ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay sapat na upang gawing miserable ang araw niya. Ayaw na niyang dagdagan pa iyon ng pagkapahiya. Hindi niya alam kung maniniwala si Jun sa mga pagsisinungaling niya. Ang importante ay malinis niya ang pangalan niya rito. At magawan niya ng paraan ang nakaambang na pagkasira ng kanilang pagkakaibigan.             Jun stared at her for the longest time. Pakiramdam niya ay inaanalisa nito lahat ng mga sinabi niya.             Please believe my lies kahit ngayon lang.             Matapos ang mahabang sandali ay nakita niya ang biglang pagngiti ni Jun.             “A-akala ko sa’yo galing. Damn! Nakakahiya ang mga sinabi ko. I’m sorry, Sybil.”             Dapat makaramdam siya ng tuwa dahil sa naririnig. Pero tila mas dinurog pa nito ang puso niya.             “S-so, okay na ulit tayo?” Kahit hirap ay pinilit niyang masabi ang mga katagang iyon. It’s the best thing to say at the moment.             Ngumiti ito at saka tumango. “See? Kahit sinasabi ng lahat na matalino ako. I’m still an idiot in so many ways.”             “Sa tingin ko nga.” She faked a smile. Kung alam lang nito ang totoo.             Ilang sandali pa ay tumayo na ito atnagpapaalam na. Bitbit pa rin nito ang dalang bulaklak. Hindi tuloy niya mapigilang magtanong.             “Ang dami mo yatang rosas?”             “Ah oo. Nabili ko sa booth nina Farrah.”             “Para kanino naman ‘yan.”             He smiled brightly. “Para ‘to sa tanging babaeng minahal ako.”             She bit her lip. Sana hindi na lang siya nagtanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD