HINDI siya makapaniwala sa balita. Aalis na si Matthew at di na raw tatapusin ang school year.
Pero paano na sila ni Rubi?
Nakaramdam siya ng lungkot dahil sa balitang iyon. Pakiramdam niya ay nabawasan din ang pag-asang magiging sila ni Jun.
“Anong ginagawa mo diyan?”
Hindi na niya kailangan pang lingunin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kilalang-kilala na niya ito kahit pa nakapikit siya.
“Wala, kuya. Maingay kasi sa loob. Ang daming tao.”
Kasalukuyan silang nasa bahay ni Matthew. Nagpapadespidada kasi ito para sa mga kaibigan. At dahil kaibigan rin siya, hindi siya tumangging magpunta. Minsan nga eh nagiging one of the boys na siya tuwing nasasabit sa mga lakad ng kapatid at barkada nito.
“Anong maraming tao? Sina Matthew, Baste at Jun lang naman ang nandoon.”
“Mas mahangin dito sa terrace. Dito na lang ako.” Inayos niya ang pagkakaupo sa isang rattan chair doon at saka nilagok ang natitirang laman ng hawak na soda can.
“Hindi kita dinala dito para magmukmok dyan sa tabi. Halika rito sa loob at makipagkwentuhan sa mga kuya mo.”
Mga kuya. Gusto niyang matawa sa sinabi ng kapatid. Naiintindihan naman niyang nais lang naman nitong ituring din niyang mga kapatid ang mga mokong na barkada nito. At okay naman siya ideyang iyon. Maliban na lamang kay Jun.
Oh well. At least makakasama niya ito ngayong gabi.
“Oo na. Papasok na.”
Sinundan niya ang kapatid habang pabalik sa may sala ng bahay.
Nadatnan nilang kanya-kanyang upo ang mga barkada ng kapatid sa sahig. Si Baste naman ay may hawak ng isang bote ng softdrink na walang laman. Napansin sila nitong papasok na ng sala.
Agad napansin si Jun. Tipid ang ngiti nito habang nakatingin sa kanilang magkapatid.
“Pete. Halika, maglaro tayo nito.”
Lumapit ang kuya niya kay Baste. “Anong laro?”
“Ano pa eh di truth or dare,” sagot ni Baste habang hinila si Pete para umupo na rin sa sahig.
Gusto niyang matawa sa larong iniisip ng mga lalaking nasa harap. Akala niya kasi ay sa mga babae lang uso iyon. Meron din palang ganoon kahit sa boys party.
“Wala na bang ibang laro? Ang luma na niyan eh.” Si Matthew iyon na tila ba natatawa sa lalaruin nila.
“Sus! Ito na lang para madali,” sagot ni Baste na kumuha na rin ng sariling pwesto sa sahig.
Sinulyapan niyang muli si Jun. Wala itong imik at simpleng ngumingiti lang sa mga patutsada ng mga kaibigan. Ang totoo ay nahihiwagaan siya sa katahimikan nito. Madalas kasi ay maingay din ito katulad ng mga kaibigan. May problema kaya ito?
Tila naman narinig ni Jun ang kanyang iniisip nang bigla itong lumingon sa kanya. Agad siyang nag-panic. Tuloy ay hindi niya alam kung saan ibabaling ang mata. Napagdesisyunan niyang ibaling na lang iyon sa nagsasalitang si Baste.
“So tulad pa rin ng dati ang rules ha.” Paliwanag ni Baste sa mga kaibigan.”
“Ikaw, Sybil? Hindi ka ba sasali?” tanong ni Matthew na sadyang ikinagulat niya. Hindi pa niya kailan man naranasang sumali sa laro ng mga ito.
Napalingon siya kay Jun. Naghihintay rin ito sa sagot niya.
Shocks! Okay lang sana kung ibang laro. Pero truth and dare iyon! Siguradong matatanong siya ng mga sekretong bagay. At wala siyang planong mabunyag ang kanyang mga lihim. Lalong-lalo na ang tungkol kay Jun!
“Naku! Huwag na. Okay lang ako rito. Kayo na lang ang maglaro,” tanggi niya.
Mahirap nang lumabas ang sekreto niyang damdamin para kay Jun. Bukod sa walang ideya si Jun, ayaw niyang pati kuya niya ay malaman din ito.
“Unfair naman! Uupo ka diyan tapos malalaman mo ang mga sikreto namin. Sumali ka na lang para fair!” pilit ni Baste.
“Ah, ang mabuti pa ay sa labas na lang ako habang naglalaro kayo.” Akma siyang tatayo nang nagsalita ang kanyang kuya.
“Sumali ka na, Sybil. Katuwaan lang naman ‘to.”
“Pero kuya...”
“Huwag niyo nang pilitin kung ayaw ni Sybil. Baka naaasiwa lang siya dahil siya lang ang babae. Hindi ba, Sybil?” Si Jun iyon.Pakiramdam niya tuloy ay pinagtatanggol pa siya nito.
“Sus! Tayo tayo lang naman dito. Katuwaan lang ‘to.” Si Matthewnaman ang nagsalita. “Sali ka na Sybil. Despidida request ko ‘to. Kasali lahat para enjoy!”
“Halika na. Dito ka sa tabi ko.” Ang kuya Pete niya iyon na umusog pa upang bigyan siya ng espasyo.
Wala tuloy siyang magawa kung hindi ay sundin ang sinabi ng kapatid. Si Jun naman ay nakatingin lang sa kanya habang naglalakad siya papalapit sa mga ito.
Pagkaupo niya ay agad sinimulan ni Baste ang pag-ikot ng bote. At ang unang swerteng tinuro noon ay si Matthew. Nagkantiyawan ang mga kalalakihan.
“Since ako ang nag-ikot ng bote, ako ang magtatanong. Truth or dare?” tanong ni Bastekay Matthew.
“Truth!” puno ng confidence ang boses ni Matthew.
Ngumisi si Baste. “Okay. Eto ang tanong ko. When is your first kiss?”
Sabay na nagsitinginan nag magkakaibigan kay Matthew. Kitang-kita din niya kung paano pinandilatan ng kanyang kapatid si Baste.
“Bakit?” kibit balikat na tanong ni Baste.
“Ano ba ‘yang tanong na ‘yan? Palitan mo naman, Pare.” Si Jun iyon na siniko pa si Baste. Magkatabi kasi ang mga ito.
Maski siya ay nagulat sa tanong ni Baste. Alam nilang lahat ang nangyari noong nakaraang araw sa pagitan nito at ni Rubi.
“Sasagutin ko ang tanong. Tanong lang naman ‘yan,” sagot ni Matthew na puno rin ng confidence ang boses.
“Sige nga. Sagot na. Sino ang first kiss mo?” pag-uulit ni Baste.
“Ang first kiss ko ay siMama,” walang kagatol-gatol na sagot ni Matthew.
Gusto niyang matawa pero nagpigil na lamang siya. May point din naman ito kahit pa sabihing may pagkapilosopo ang sagot. Mukhang na-gets din ito ng mga lalaki na wala silang mahihitang matino na sagot mula kay Matthew.
“Hay naku! Sinasayang mo ang tanong, Baste,” wika ng Kuya Pete niya.
SiBaste naman ay napailing nalang.
“Akala niyo makakaisa kayo sa akin? So, ako naman ngayon,” sabi ni Matthew sabay kuha sa bote at pinaikot iyon. Nang huminto ang bote ay itinuro noon ang si Baste.
“Truth,” ayon kay Baste kahit hindi pa ito tinatanong.
“Ang tapang ah!” nakangising puri ni Matthew kay Baste. “Sige, eto ang tanong. Anong gagawin mo kapag binasted ka ng nililigawan mo ngayon?”
“O ano? Sagot na,” usig ni Matthew kay Baste.
Hindi kasi agad ito nakasagot sa tanong. Para itong nag-iisip nang malalim. Ilang sandali pa ay nagtaas ito ng kamay.
“Okay. Dare na lang,” walang kaemo-emosyong tugon ni Baste.
Naghagalpakan ang lahat sa tawa. Pati siya ay di rin mapigilang ngumisi. Sa tingin niya hindi kayang sagutin ni Baste ang tanong.
“Sige! Para sa ‘dare’. Pumunta ka sa kusina at kumuha ng isang bote ng suka. Tapos iinumin mo ‘yon,” hamon ni Matthew rito.
Klaro sa mukha ni Baste ang disgusto pero mukhang wala itong magagawa. Tumayo si Baste at pumunta sa kusina. Pagbalik nito ay may hawak na itong isang bote ng vinegar. Tinungga ni Baste ang buong laman noon.
Habang hindi maipinta ang mukha ni Baste dahil sa asim ng iniinom mas lalong lumalakas ang hiwayan at kantiyawang naririnig niya mula sa mga kaibigan nito. Ngayon ay alam na niya kung bakit pinipili pa rin ng grupong laruin ang truth or dare. Mayroon kasing kalakip na excitement at fun habang nilalaro iyon.
Bakas pa rin sa mukha ni Baste ang maasim na lasa ng suka habang iniikot ang muli ang bote. Ito naman ngayon ang may kapangyarihan upang magtanong o magbigay ng dare.
Habang minamasdan ang umiikot na bote ay muling dumapo ang kaba sa kanyang dibdib. Paano na lang kung tatapat ang bote sa kanya? Ano kaya ang pipiliin niya? Truth or dare? Kakayanin kaya niyang sagutin ang mga tanong kung truth ang pipiliin niya? Paano naman kapag dare? Kaya kaya niya ang mga ipapagawa sa kanya?
Nang huminto ang pag-ikot ng bote ay laking tuwa niya nang hindi siya ang tinuro noon. It was...
Jun?
Agad lumipad ang tingin niya rito at nakitang ngumiti lang ito. Tila rin magaang tinanggap nito ang pagkakapili sa kanya.
“Truth or Dare?” tanong ni Baste kay Jun.
“Truth,” may ngiti pang sagot ng huli.
Siya man ay lihim ring napangiti sa narinig na desisyon mula kay Jun. Ngayon ay may bago siyang malalaman na impormasyon tungkol dito. Impormasyon na tanging siya lamang na babae ang makakaalam.
“Aba! Palaban itong chinitong pare natin.” anas niBaste. Hinihimas nito ang baba na tila ba nag-iisip ng tamang itatanong. Ilang sandali pa ay nagsalita muli ito. “Okay! Ito ang tanong ko. Sa dami ng girls na nagkakagusto sa’yo diba’t wala ka pang niligawan kahit isa? Ano ba kasi ang gusto mo sa isang babae?”
Para siyang aatikin sa puso sa gustong itanong ni Baste kay Jun. It’s now her time to know Jun’s standard. At least malalaman na niya kung paano ia-adjust ang sarili.
A big chance!
“Ang boring naman ng tanong mo, Matthew. Siyempre as usual na lang ang isasagot niyan. Kesyo mabait, maganda, matalino kagaya niya. Walang thrill ‘yon, Pare. Ibahin nalang natin,” singit ng kanyang kapatid na si Pete.
Kuya, utang na loob! ‘Wag ka nang makialam!
Gusto tuloy niyang bigwasan ang kanyang kuya dahil sa pambabara nito.
“Sige nga anong tanong mo?” matapang na tanong ni Jun sa kanyang Kuya Pete.
Napasimangot siya. Mukhang mapapalitan talaga ang tanong.
“Since ‘di masyadong makwento tungkol sa mga babae. Hindi na kita tatanungin kung sino ang first love mo. Ang tanong ko ay...bakit ka na-inlove sa kanya?”
“Eh parang ‘what do you like in a girl’ pa rin, Pare eh. Iniba mo lang ang pagkakadeliver.” Reklamo ni Baste sa kuya niya.
“Magkaiba ‘yon. Iba ang spelling!” sagot naman ng kuya niya na nakangisi lang. “Sagot na Jun!”
Siya naman ay hindi mapakali sa kinauupuan. Inlove ba talaga si Jun? May first love na ba ito? Gusto pa rin kaya nito ang babaeng ‘yon? Alin kaya ang pinakamalapit na mangkukulam sa malalapitan niya?
Huminga siya nang malalim upang makontrol ang sarili niya. Akala niya magagandang info ang malalaman niya ngayon. Info pala iyon kung paano basagin ang puso niya!
Kaya kaya niyang marinig ang sasabihin nito? Ngayon pa lang kasi ay nais na niyang kalbuhin kung sino man ang babaeng mahal ni Jun na ‘yon!
“Sige sasagutin ko ‘yan. Medyo madali nga ang tanong eh.”
Madali? Mapapadali talaga ang buhay ng babaeng ‘yon sa mga kamay ko! Spill it out. I’m ready to be hurt!
“The girl I love has the prettiest smile I know.”
Ako Jun, maganda naman din ako kapag nakangiti di ba? Tingnan mo rin kasi ako.
“Hopeless romantic din siya. Naniniwala siya sa true love.”
Ako din naman ah! I believe that ‘love moves in mysterious ways diba’? Naniniwala nga rin ako sa Interspecies Romance eh!
“Palagi niyang pinaparamdam sa akin na ‘di ako iba. Ang mga tao kasi sobrang talino ang tingin sa akin. And honestly, di ko ‘yon gusto. Being with her makes me feel normal.She’s the dearest friend I have.Bukod doon, pinapatawa niya ako kahit siya ‘yong may problema.”
Natahimik ang kanina pa niyang magulong utak. Tama ba ang naririnig niya? DID HE JUST DESCRIBE HER?
OMG! OMG! OMG!
Siya na kaya ang ibig sabihin ni Jun na first love nito? Hindi niya masyadong nakikita si Jun na may kasamang babae. In fact, siya lang yata ang pinakamalapit na babaeng kaibigan nito!She’s his dearest friend!
“And of course, she looks good with pink. She loves anything that is pink.”
GAME OVER! Siya na nga! OMG! Siya na nga yata talaga!
Hindi makahinga si Sybil habang inaanalisa ang mga sinabi ni Jun. She loves pink! Tanga lang ang hindi makakapansin na pink ang paborito niyang kulay. Ang bag niya, pink. Ang ballpen niya, pink! Pati notebooks niya, pink!
Siya na malamang ang sinasabi ni Jun!
Sinulyapan niya si Jun at pansin niya ang malapad na ngiti nito. He looks happy though he wasn’t looking at anyone. His eyes are on the floor.
Kung ako nga iyon, sabihin mo sa akin Jun. Promise, hinding-hindi kita pahihirapan. I’ll treat you right. Promise!