CHAPTER 2

2293 Words
KAELYNN's POV Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Sir Darenn at inilibot ang mata ko rito, iniwan na ko ni Ate Mila dahil madami rin daw siyang gagawin kaya ito ako ngayon medyo hindi alam kung ano ang unang gagawin sa pag-aalaga kay Sir Darenn. "Sir Darenn?" Hindi ko siya mahanap sa kwarto niya, puno ito ng mga laruan at malalaking stuff toys, medyo madilim din ang lugar at hindi sakto para sa edad niya. "Sir Darenn?" tinawag ko ulit siya mukhang gusto niya maglaro ng tagu-taguan? napangiti ako at napaisip nang magandang idea. Humarap ako sa dingding at tinungo ang ulo doon saka nagbilang. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, sarap maglaro sa dilidiliman. Pagkabilang ko ng sampu na katago na kayo. Isa dalawa tatlo apat lima anim pito walo siyam.... Sampu." bigla akong humarap at ako ang nagulat dahil nakatayo siya sa harapan ko at nakatitig lang sa'kin. Feeling ko nasa horror house ako ngayon sa mga pinapakita nilang ugali sa'kin, umakyat ang kaba ko ng makita ko ang malamig n'yang tingin sa'kin, nakasimangot siya at nakatingala sa'kin. Hindi bagay sa isang cute at mukhang inosenteng bata. "Sir Darenn, kailangan niyo pong magtago maglalaro tayo." bahangyang tumagilid ang ulo niya na parang nagtatanong. Lumapit ako sa kaniya at lumuhod kahit pa na natatakot ako na baka isa pala siyang multo o manika na nagalaw, jusko naman kasi ang creepy pa ng kwarto niya at ng kilos niya. "Akala ko gusto mo magtagutaguan kaya makikipaglaro sana ako sayo." ngumiti ako at pilit na tinanggal ang kaba saka ko hinawakan ang dalawang balikat niya. "Laro tayo?" Tanong ko sa kaniya at kumunot ang noo niya. "Di genyen ang laro namin tila tuya." gusto ko tumawa kasi medyo bulol pa siya kaso baka maupset siya at kagatin ulit ako kaya tinanong ko na lang siya. "Ano ba nilalaro niyo nila kuya mo?" Tinuro niya yung TV at parang X-box ba ang tawag doon. "Ah digital games? Pero gusto mo ba ng totoong laro?" Tumahimik siya at sumimangot sa'kin. "Ayoto at ayoto sayo!" Tinulak niya ko at nagulat ako dahil napaupo niya ko sa liit n'yang 'yun, parang ang lakas niya ata? "Ayaw mo makipaglaro sa'kin?" Hindi niya ko sinagot bagkos tumakbo siya sa kama niya at nagtaklob ng kumot. "Kaelynn hayaan mo muna siya inaantok na 'yan." nagulat ako at napalingon sa likod ko, saka ko nakita si Sir Daryl na nakapamewang at hawak ang isang briefcase. "Ala una na at hindi pa siya na tutulog kaya inaantok na siya, patulugin mo na lang." tumango ako. "Kayo po may kailangan po ba kayo Sir Daryl?" Hindi ko alam pero parang ang tagal niyang tumitig sa'kin kaya kinilabutan ako bahagya, kahit sabihin nating pogi at mayayaman sila hindi ko talaga gustong titigan ng iba, pakiramdam ko binabasa nila ang isip ko. "Wala, gusto ko lang sabihin sayo na aalis ako saglit at babalik din ako mamayang 4pm at isa pa pala mamayang 6pm papasok ang kambal kaya kung gusto mo matulog ngayon matulog kana dahil iintayin mo sila maka-uwi mamayang 12 midnight." tumango na lang ako, isa pang weird sa bahay na ito ay yung mga schedule nila sa pagpasok, pumapasok si Sir Daryl sa company nila ng mga bandang hapon at 'yung kambal naman night shift 'yung tipong hindi na uwi ng normal na istudyante, nakakatulog pa kaya sila ng ayos doon? "Kung iniisip mo kung na kakatulog ba kami ng ayos, oo 10am mo dapat gisingin ang kambal bukas. Maliwanag ba 'yun Kaelynn?" Ngumiti siya sa'kin, 'yung ngiti na imbes na gumaan ang loob mo parang may meaning pa 'yun na dapat mong katakutan. "Yes Sir." sabay tungo ko, tumango rin siya sa'kin at sinara na ang pinto, napahawak ako sa dibdib ko sa tensyon na dala ni Sir Daryl. Medyo iba ang pakiramdam ko sa bahay na ito, meron hindi normal sa mansion na ito eh. Hindi lang dahil sa itsura kundi pati ang mga nakatira dito ay kakaiba. Bakit lahat sila pagpalubog na ang araw saka sila nalabas ng bahay? Mala bampira ba sila o aswang? Jusko kinabahan naman ako doon. Sa pag-iisip ko hindi ko na malayang bumangon na pala si Sir Darenn at nakatingin sa'kin ng masama, umupo ako sa kama niya at tinabihan siya. "Tulog kana raw sabi ni kuya Daryl mo, gusto mo bang kwentuhan kita ng fairy tale?" Tanong ko. "Ala kong books." ngumiti ako sa kaniya at pinat ang ulo niya. "Hindi na kailangan meron akong baon dito." sabay turo ko sa ulo ko at ngiti sa kaniya, pinahiga ko siya at tumalikod siya sa'kin. "Dito ka humarap kukwentuhan kita hindi ba?" Wala na siyang na gawa dahil hinila ko siya papalapit sa'kin at kinuwentuhan. Nung una ayaw niya pang makinig sa'kin at binabaliwala ako pero nung hinaluan ko na ng acting, nakakatuwang nakikinig na siya sa'kin at makikita mo na 'yung pagkamangha sa mga mata niya. At mga tatlong story pa ata bago siya nakatulog, kinumutan ko siya at tumayo na. Kailangan kong ayusin 'yung mga gamit ko na naiwan ko pa sa baba at suotin 'yung uniform ko, pero habang naglalakad ako sa madilim na pasilyo na kasalubong ko ang kambal. "Magandang hapon po." nagbow ako sa kanila at binati sila pero sila nakasandal lang sa pintuan ng kwarto nila at mukhang bored na naman. 'Yung mga mata nila parang kakainin ka at hinahalungkay ang pagkatao mo, hindi ko talaga matanggal yung feeling ko na kakaiba sa kanilang dalawa. "Kaelynn tama?" Hmmm sino nga ba siya? Left side ang buhok? Si Sir Daniel,"Opo may iuutos po ba kayo?" Nagulat ako ng akbayan nila akong dalawa. "Oo may iuutos kami sayo." umakyat ang kilabot sa katawan ko nang ibulong sa'kin yun ni Sir Daniel. Napalunok ako sa kaba at pilit na kinalma ang sarili ko. "Sige po, ano po ba ang lilinisin ko?" Sabay silang bumulong sa magkabilang tenga ko. "Hindi paglilinis Kaelynn iba pa dun." Mapang-akit nilang sabi sa'kin, parang gusto ko silang sampalin at magsisisigaw nang harassment pero ano? Tanggal na agad ako? "Parang awa niyo na po Sir, kahit ano po iutos niyo sa'kin basta 'yung kaya ko lang pong gawin." naiiyak na ko sa kaba. "Oo naman kayang kaya mo ito actually baka mag-enjoy ka pa nga sa gagawin na'tin," sabi ni Sir Daniel at tumawa naman ni Sir Darious.  Anong ibig nilang sabihin? 'Yung bagay na 'yun ba? Hindi ko kaya! Bata pa ko at isa pa gusto ko mapunta ito sa taong mahal ko. "Hindi po pwede ayoko po virgin pa po ako saka po may pangarap po ako sa buhay please master wag po." kinakabahan ako baka tanggalin agad nila ako sa trabaho sa unang araw ko mismo. "Pffft." "Pffft." At sabay silang tumawa nang malakas sa pasilyo ng bahay. "HAHAHAHAHAHA virgin." sabay nilang sabi, hindi lang sila kambal at pareho sa mga bagay, sabay na sabay din sila magsalita at sobrang kinainis ko 'yun. "Hahahaha virgin ka pa? As in haha," sabi ni Sir Danrious. "Ano bang iniisip mong gagawin namin sayo? Hahahaha bakit mo sinabing virgin ka haha sh*t sakit ng tiyan ko," sabi naman ni Sir Daniel at tawa sila ng tawa doon samantalang ako hinahanap pa rin kung anong bagay ang nakakatuwa sa sinabi ko. "Ano po ba 'yung sinasabi n'yo? Hindi po ba inuutos niyo sa'kin na gawin ang bagay na 'yun?" Sabay sila nagkatinginan at tumawa na naman ng malakas sabay hila sa'kin papasok sa loob ng kwarto nila. Nabigla ako ng inihagis nila ako sa sahig na may makapal na carpet at isinara maigi ang pinto."Hahaha ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito Danrious, haha virgin ka as in?" Bakit ganoon? Big deal sa kanila ang virgin? Dapat nga ikaproud 'yun eh. "Opo at proud ako doon," sabi ko pa, kaya lalo silang tumawa, actually hindi ko na ge-gets bakit tuwang tuwa silang malaman na virgin ako, mukha ba kong pariwalang babae? "Hahaha oo na virgin kana pero hindi iyon ang usapan! Uutusan ka sana namin na makipaglaro samin ng play station." sabay turo ni Sir Danrious ng malaking TV sa harap ko. "Iyan hindi ba mag-eenjoy ka d'yan? Hahaha ikaw ha ba't iyon agad naisip mo? Gusto mo bang gawin namin 'yun sayo? Ano threesome tayo?" Dagdag pa ni Sir Danrious, teka Threesome? Ano naman pinag sasabi nito? Pero kung ano man 'yun pinapainit nila ang ulo ko sa inis. "Oy Rious tama na hahaha mukhang na pipikon na ang bagong alaga na'tin." sumama ang tingin ko sa kanila, anong alaga ang pinagsasabi nila? Ano ako hayop? "Tsk, andito naman siya para pagsilbihan tayo eh at wala siyang magagawa kung ano man ang gawin na'tin sa kaniya Niel." nakangisi sa'kin si Sir Danrious at sinusuri ang buong mukha ko. "Hahaha Rious hindi ba sabi ni kuya Daryl mag-intay muna daw tayo dahil pagod na siya maghanap ng yaya ni Darenn." umupo si Sir Danrious sa harap ko dahil nakaupo pa rin ako sa carpet gawa ng pagkahagis nila sa'kin kanina. Lumapit siya sa'kin at napaurong ako sa kaba, ano bang pinagsasabi nilang dalawa? Ano 'yung mag-intay muna? Bakit ano bang gagawin nila. "Haaayy! Nakakatamad na ilang linggo na rin tayong walang mapaglaruan, kahit unti lang hindi ko naman siya sasaktan." umusod ako ng umusod hanggang sa napasandal na ko sa pader, na corner niya na ko anong gagawin ko? "Sige na nga ako rin pala." lumapit din si Sir Daniel sa'kin at bigla akong hinawakan ni Sir Danrious sa kamay. "Anong gagawin niyo sa'kin? Bitawan niyo ko!" sa sobrang takot ko na nginginig ang mga tuhod ko at na ba-blangko na ang utak ko. "Ayaw mo magplay station tayo? Sige ibang laro ang lalaruin na'tin, dito kung sino ang hindi kayang pigilan ang hininga siya ang talo." mapaglarong sabi ni Sir Danrious sa'kin at lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko. "Ano game?" Naiiyak na ko hindi ko alam ang gagawin ng bigla magpalit ng hawak sa braso ko ang dalawa, si Sir Daniel na ang humahawak sa braso ko samantalang nasa harap ko pa rin si Sir Danrious at nakangisi sa'kin. Pakiramdam ko mga hayop sila, hindi ko alam kung makakatagal pa ko at lalo hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, masyado silang malakas para pumalag miske isang galaw hindi ko magawa. Tapos ang mga mata nila para kang hinihipnotismo at pinapasailalim sa mga utos nila."Game," sabi ni Sir Danrious at hinawakan niya ang baba ko saka ako hinalikan sa labi, nanlaki ang mata ko at marahas akong napapikit ng kagatin niya ang ibabang parte ng labi ko at tuluyang ipinasok ang dila niya sa bibig ko. Gusto kong sumigaw at nagpupumiglas ako pero mariin n'yang hinawakan ang mukha ko at idinidiin sa mukha niya. Naiyak na lang ako dahil pakiramdam ko binababoy nila ako kahit sabihin pa na'ting halik lang iyon pero first kiss ko ang kinuha niya. Hindi na ko makahinga sa lalim ng halik niya, napakatagal at habang hinahalikan niya ko nakatingin lang siya sa mata ko na umiiyak na, lalo niya pang nilaliman ang halik at parahas ito ng parahas, hindi na ko makahinga kaya umiling na ko ng umiling at humingi ng tulong sa kaniya kahit siya pa mismo ang dahilan kung bakit ako naghihirap ngayon. "Ha ha—" habol ko sa hininga ko ng putulin niya ang halik namin, umiyak ako ng umiyak sa ginawa niya pero silang dalawa tahimik lang. "Ako naman," sabi ni Sir Daniel kaya nagulat ako ng bitawan niya ko at hawakan naman ako ni Sir Danrious. "Talo ka sa'kin Runo oh kay Niel ka naman." seryoso ba sila? Hahalikan nila kong dalawa? Mga hayop sila! "Tigilan niyo na ko! Ayoko na aalis na ko sa bahay na 'to!! Aahhhh tu—" hinawakan nang madiin ni Sir Daniel ang bibig ko at bumulong sa tenga ko. "Wag ka maingay magigising si Darenn, gusto mo bang magising ang alaga mo? Isa pa walang tutulong sayo dito dahil pagmamay-ari ka na namin simula palang ng pumasok ka sa gate ng mansion na ito hahaha," Nanginginig ang buong katawan ko, mga siraulo ang dalawang ito, mga baliw! Hindi ko kayang pumalag pa dahil pakiramdam ko mababali ang buto ko sa ginagawang hawak sa'kin ni Sir Danrious. "Game." hindi pa ko nakakahinga ng maayos at bigla naman ako hinalikan ni Sir Daniel, hindi katulad ng halik ni Sir Danrious 'yung sa kaniya malumanay, na bigla ako dahil iniisip ko marahas niya rin akong hahalikan pero nakatitig lang siya sa'kin at nakita ko siyang napangisi. Nagulat ako doon at bigla n'yang hinawakan ang likod ng ulo ko at idiniin pa lalo ang labi ko sa kaniya. Marahas niya na rin akong hinalikan katulad ng hayop n'yang kakambal at wala na kong na gawa kundi ang umiyak na lang at pumikit kesa sa makita ko ang parehong mukha ng lalaking bumababoy sa'kin ngayon. Bumitaw na siya sa halik at hindi ako umiimik, pakiramdam ko manhid na ang labi ko sa marahas napaghalik nila sa'kin. Wala na kong na gawa kundi ang tahimik na umiyak dito sa kinauupuan ko. "Ano Kaelynn masarap ba? Akala mo passionate kiss 'yun no?" Tumawa siya sa harap ko, ano naman paki ko eh na unang kinuha na ng kakambal mo ang unang halik ko? Naramdaman kong lumuwag na ang hawak sa'kin ni Danrious at umupo rin sa tabi ko. "Say what Runo, sinong mas masarap samin humalik? Ako o si Daniel?" Kapal naman ng mukha n'yang tawagin akong Runo pagtapos ng pambababoy nila sa'kin ng kambal niya. Tinaas ko ang ulo ko at malakas na sinampal si Danrious, na walan na ko ng galang sa kanilang dalawa. "Iyan para sayo sa pagnanakaw mo ng first kiss ko! At isa pa wala kayong karapatan na tawagin ako sa unang pangalan ko! Aalis na ko dito! Mga hayop kayo!" Tumayo na ako at tumakbo pababa ng hagdan. Babalik na ko sa ampunan, hindi na nila kailangan na tanggalin ako sa trabaho ko dahil ako na mismo ang aalis dito! Napahawak ako sa labi ko at dare-daretsyong umiyak habang tumatakbo papuntang kwarto ko. Kung sana andito lang ang best friend kong si Red walang makakaaway at makakapanakit sa'kin dito, kung sana andito lang sila sister na ipagtatanggol ako kaso wala, mag-isa nga pala akong pumasok sa impyernong mansion na ito. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD