CHAPTER 3

2124 Words
DANRIOUS's POV Napahawak ako sa pisngi ko pagtapos lumanding ang kamay niya dito, medyo malakas na sampal iyon at mukha hindi ito agad mawawala sa isip ko. Nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis! Unang beses na may sumapal sa'kin at hindi ko akalain na galing pa sa kaniya! Isang maid, chimay at laruan lang namin magkakapatid. Iniisip ko pa naman na bibigay siya pagtapos namin gawin sa kaniya 'yun pero hindi, mukhang matibay ang isang ito at ang pinagtataka ko pa ginamitan ko na siya ng hipnotismo pero mukhang hindi tumalab sa kaniya. "Arrrgh!" na suntok ko ang sahig at panay pa rin ang tawa ni Niel. "Hoy tuwang tuwa ka d'yan! bakit ako lang ang sinampal eh pareho na'tin siyang hinalikan! Unfair pasampal nga." nakakagigil dapat pantay kami ng kambal ko eh. "Hahaha baka na gustuhan niya 'yung halik ko at baka na pikon siya sa pagtawag mo sa kaniyang Runo? Katunog kasi ng pangalan ng aso na bruno haha." napatawa ako doon. "Pfft ga*o baka nga dahil sa pangalan niya hahahaha tara puntahan na'tin sa kwarto niya gaganti ako sa pagsampal niya sa'kin, kapal ng mukha ng babaeng 'yun." hinila ako papatayo ni Niel. "Wag kana gumanti, mawawalan agad tayo ng alaga sige ka, kakatira niya nga lang sa kulungan niya papalayain mo na agad?" Ngumisi ako. "Asa ka naman na makakalaya siya ng buhay sa mansion na 'to, ito ang kulungan niya at dito siya mamatay katulad ng iba." inakbayan niya ko at sabay kaming lumabas ng kwarto. "Pero gusto ko siya Rious, ang sarap n'yang asarin at tignan na'tin kung hanggang saan siya tatagal sa pagmamatigas niya." ginulo ko ang buhok ng kakambal ko. "Okay-okay ang pogi mo talaga haha," tumawa rin siya. "Wala eh kambal tayo." Naglakad kami papuntang kwarto niya at mula dito sa labas rinig na rinig na agad ang iyak niya. Hindi na ko kumatok pa at binuksan na 'yung pinto niya gamit 'yung susi ng kulungan niya, hindi niya alam na itong kwarto na ito ang magiging impreyno niya. "Anong ginagawa niyo dito! Papaano niyo na buksan ang pinto!?" tinaas ko 'yung susi at lumapit si Niel sa kaniya. "Aww umiiyak ka pa rin hanggang ngayon? Halika nga dito pupunasan ko ang luha mo." lalapit palang sa kaniya si Niel pero sinampal niya na agad ito, medyo napangisi ako doon, ngayon pantay na ulit kami ng kambal ko. "Fu*k" lumingon sa'kin si Niel na parang nagpipigil nasa galit, pero kumalma siya at lumuhod sa harap ni Runo na ngayon ay na ngangatog nasa takot. "Hey wag kana umiyak, try mong tumayo diyan sa sahig at pumunta na ulit sa kwarto ni Darenn, sorry sa ginawa namin kanina okay? Akala kasi namin gusto mo." ito na naman 'yung side ni Daniel na nakakapaghulog ng loob ng mga babae, siya kasi 'yung good side at syempre ako 'yung bad side. "Wala akong paki sa sinasabi mo aalis na ko sa mansyon na 'to." seryoso 'yung mukha niya at galit na galit samin, nakikita ko sa mga mata niya ang galit at pangdidiri kaya lalo akong ginanahan na alagaan siya o mas mabuti nang sabihing pahirapan siya. "Kala mo naman makaka-alis ka pa dito? Hindi mo ba alam na kaya ikaw ang na pili namin kasi para wala nang maghanap sayo?" Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" Lumapit ako sa kaniya habang nakapamulsa at umupo rin sa harap niya. "Ulila kana, wala ka nang pamilya na maghahanap sayo pagpinatay na kita." naging blangko ang mata niya, 'yung tipong puro takot at kaba na lang ang makikita, bumilis ang t***k ng puso ko at lalong nang gigigil na kagatin siya. Sige pa! Matakot ka pa! "Alam mo bang lahat ng babaeng maids dito ay pinatay na namin ni Daniel." ngumisi ako at inaabangan kung anong sasabihin niya pero tumungo lang siya at hindi pinapakita ang mukha niya samin. Mukhang iiyak na naman siya. "Tama siya doon Kaelynn, pero syempre bago sila mamatay pinaparanas muna namin sa kanila ang sandaling kalangitan, hahaha, tapos aalisan na namin sila ng buhay hindi ba Rious." masaya talaga pag may kambal ka hahaha tumawa ako at inakbayan si Niel. "Tama siya kaya ano gusto mo bang maranasan ang sandaling kalangitan sa piling namin o magpupumiglas ka pang tumakas? Sagot!" Hindi siya umiimik at nakayuko pa rin samin, nagkatinginan kaming kambal at inaantay ang sasabihin niya. "Oh talaga? Tingin niyo maniniwala ako sa mga kasiran ng ulo n'yong dalawa? Pano sila gumagalaw kung patay na sila?" Hindi namin inaasahan ang sagot niya kaya nagulat kaming pareho. "Pffft." napatawa ako, tama siya nakalimutan kong ipaliwanag. "Hahahaha nakalimutan ko Niel ikaw na nga magpaliwanag." naglean pa lalo si Niel sa kaniya at binulong sa tenga niya ang sagot. "Simple lang, inuubos namin ang dugo nila saka namin sila gagawing alipin habang buhay." napatingala si Runo sa sinabi ni Niel sa kaniya. Pero na gulat kami ni Niel at tumayo siya sa pagkakaupo saka pinagpagang pants niya. "Hindi ako maniniwala, takutin niyo ko kung gusto niyo pero hindi ako maniniwala mga siraulo kayo, mamaya iintayin ko si Sir Daryl at isusumbong ko kayong dalawa." Ibinato niya samin 'yung maleta niya kaya na gulat talaga kami sa pinapakita n'yang tapang. Teka asan na 'yung takot kanina sa mga mata niya? Ba't biglang nawala! Inaasar talaga ako ng isang ito. Tignan na'tin kung hanggang saan ka tatagal. "Umalis na kayo sa kwarto ko at mag-aayos pa ko, aalagaan ko ang kapatid niyo at kayo magsiayos na rin kayo kasi papasok pa kayo." tinulak niya kaming dalawa palabas ng pinto at wala kaming nagawa nung pinag saraduhan niya kami ng pinto. Nagkatinginan kami ni Niel at parang hinahanap kung ano ba ang dapat namin gawin at sabihin, unang pagkakataon namin makakilala ng ganitong babae. "Rious, pano niya ginawa 'yun?" Tanong niya, alam ko na agad ang ibig sabihin ng kakambal ko. "Hindi ko rin alam." pareho kaming na tameme habang nakatingin pa rin sa saradong pinto, pano niya nga ba na bago ang takot papunta sa tapang? ❦❦❦ Inayos ni Niel ang necktie ko at ako naman sa kaniya, andito ako sa kwarto ng kambal ko at nakikibihis, mas gusto ko kasing iisa ang kwarto namin kesa sa magkahiwalay kaya madalas andito rin ako sa kwarto niya. Bata pa lang kami simula ng iwan kami ni mama kay papa at ang isa't isa na lang ang pinagkakatiwalaan namin. Si Mama kasi ang pangalawang asawa ni Papa, hindi namin kapatid sa ina si kuya Daryl at apat na taon ang agwat namin sa isa't isa, ganoon pa man ginagalang pa rin namin si kuya at mahal namin siya pero ang pinagkakatiwalaan ko lang talaga ay ang kakambal ko. Kami lang dalawa ang pwedeng maasahan ng isa't isa wala nang iba kaya simula ng mawala si mama at naghanap na naman ng panibagong asawa si Papa wala na kaming pakialam. Basta magkasama kaming dalawa ayos na kami. "Gising na kaya si Darenn Rious?" nagbikit balikat ako, kanina pa kami hindi makapasok sa kwaro ng kapatid naming bunso dahil sa chimay na 'yun. Ewan ko ba simula nung itinulak niya kami palabas ng pinto nakaramdam ako ng takot, hindi ko alam pero nagdadalawang isip akong paglaruan siya ngayon siguro mamaya na lang paguwi namin. "Iniisip mo pa rin ba yung kanina?" Tanong niya sa'kin habang sinusuklay niya ang buhok ko. "Hindi naman." pero sa totoo lang humanga ako kanina sa chimay na 'yun. "Alam kong humanga ka rin sa kaniya kanina Rious," ngumisi ako, iisa lang talaga ang iniisip namin ng kambal ko hindi ako pwedeng magtago ng sikreto sa kaniya. "Oo napahanga niya ko kanina," napangisi kaming dalawa at mukhang na iisip na ng kakambal ko ang na iisip ko. "Tara mamayang gabi?" Tanong niya. "Sure game na game haha." lumabas kami ng kwarto pagtapos namin mag-ayos at kumatok sa kwarto ni kuya Daryl. "Pasok." at pumasok na kami sa mala office n'yang kwarto. "Anong ipapaliwanag niyo sa sumbong ni Kaelynn kanina sa'kin?" Napakamot kaming dalawa ng ulo. "Hahaha alam mo na 'yun kuya, basta pasok na kami." tumango siya at parang wala na namang pakialam na pinagpatuloy ang itina-type niya. Lumabas kami ng pinto ng kambal ko at naglakad papunta naman sa kwarto ni Darenn. "Ganun pa rin siya workaholic," tumango ako, walang ibang ginagawa 'yan si kuya kundi magcompute ng mga sales at tax ng kompanya namin, hirap talaga maging tiga pagmana ng isang kompanya buti na lang pangalawang anak kami at magagawa namin ang gusto namin. *tok tok* Kumatok kami sa pinto ng kwarto ni Darenn at ang nagbukas ay si Runo. nakasimangot siya at walang buhay na tinanong kami ng "ano?" Unti na lang talaga papangasin ko na ang leeg ng babaeng ito. "Si Darenn? Magpapaalam lang kami aalis na kami eh." ngumiti sa kaniya si Niel at ako todo simangot talaga sa kaniya, medyo nanggigigil na talaga ako sa kaniya unti na lang talaga. "Sir Darenn andito sila kuya papasok na raw sila." tumakbo si Darenn papalapit samin at niyakap namin ang bunso naming kapatid. "Babye tuya." hinalikan niya kami sa magkabilang pisngi at napawi ang badtrip ko sa chimay na ito. "Pasok na kami ah bigyan ka na lang ulit ni kuya ng pasalubong," sabi ko sa kaniya sabay tumango siya at todo ngiti. "Pag-gising mo bukas ng umaga andito na kami, babye Renn." niyakap ulit namin siya ng mahigpit at ang sarap pigain ng pisngi niya pero bawal daw masyado baka lumawlaw kaya pinaghahalikan na lang namin siya. Kumaway na kami sa kaniya at lumabas ng pinto."Wala nang mas kucute pa sa bunso na'tin haha," sabay namin sabi sa isa't isa. "Buti hindi siya mana sa Papa natin no, buti mana siya sa mama niya," sabi ni Niel. "Oo nga eh wala naman tayong nakuha kay papa bukod kay kuya, siya naman talaga ang tiga pagmana haha." totoo 'yun samin magkakapatid siya lang ang kamukha ni papa kasi kaming kambal kamukha ang nanay namin at si Renn naman nagmana rin sa mama niya. Iba't iba ang nanay naming apat, at ewan ko na lang kung madadagdagan pa kami dahil sa babaero naming tatay. ❦❦❦ Hinatid na kami ng driver namin sa school at dumaan sa likod ng mansion, ako ang kinukuha kong course ay Graphic artist at ang kambal ko naman ay Designer o sabihin nating fashion designer, hindi siya bakla ah talagang trip niya lang magdrawing ng damit at magdesign nito. Nakakatamad, lalo na kung ang kasama mo sa unibersidad na ito ay kapwa bampira mo, nakakawasa ilang buwan na ba akong walang kalaro? Wala kasing nagsi-shift samin dito na mortal dahil nga kakaiba ang schedule masyadong gabi. "Ugh bar tayo maya?" Tanong ko sa kambal ko habang break time at tambay kami sa roof top. "Ayoko excited na kong umuwi hahah." muling pumasok sa utak ko 'yung chimay namin. "Sarap n'yang halikan no?" Out of no where lumabas 'yun sa bibig ko. "Kaya nga gusto kong ulitin Rious." Nabigla ako ng hindi niya itinangi 'yun. "Kung harasin kaya ulit na'tin siya mamaya?" nagkatinginan kami at tumawa ng malakas. "As in threesome? First time kong gagawin 'yun tapos kasama ka pa hahaha." binatukan niya ko. "Ga*o hahaha salitan lang bato-batopik?" "Sige ba!" At hindi na kami pumasok sa last subject namin at tumakbo papuntang parking lot para umuwi. Pagdating namin sa bahay tulog na sila kuya at ang ibang maids pwera lang sa kaniya, kasi siya ang nakaassign na mag-intay samin, nakita namin siyang inaantok antok pa na nag-iintay sa sala. "Gisingin na'tin?" Tanong ko kay Niel at binatukan niya ko. "Bo*o dito nasa sofa wala naman tao." humagalpak ako ng tawa kasi excited na 'yung kambal ko pero agad din napawi ang tawa ko ng bumangon siya at naglakad papuntang kusina. "Dalian n'yong dalawa at kumain na kayo saka matulog." inaantok siya at panay ang kusot sa mata pero daredaretsyo pa rin siyang lumakad papuntang kusina. Sumunod kami sa kusina dahil sa kuryosidad at tumabad samin ang pagkain sa lamesa na medyo mainet inet pa. "Ano 'yan?" Tumingin siya samin ng masama pero halatang antok na antok pa rin. "Noodles na may itlog, shunga lang?" Hindi ko alam kung maasar ba ko o matatawa dahil wala na siyang galang samin at ang lame ng pagkain na handa niya samin, saan siya nakakuha ng noodles sa bahay na 'to? "HAHAHA." napatingin ako bigla sa kambal ko na panay na ang tawa, so pinili n'yang matawa kesa sa mainis kaya natawa na rin ako. "HAHHA tara na nga kumain na lang tayo next time na lang 'yun." inakbayan ko si Niel at umupo sa harap nang nag-uusok na noodles with durog na itlog. "Anong pagkain ba 'to? Hahaha pulubi." sabay higop ko ng sabaw at hindi na masama para sa mga commoner na pagkain katulad nito. "Haha nakakatuwa 'yung itlog parang hinagis lang sa noodles." lait-lait ni Niel at tawa ko naman. "Hinagis ko nga lang 'yan para humalo sa sabaw kesa sa buo tapos dudurugin mo rin naman, paboritong pagkain 'yan ng mga bata sa ampunan," ngumiti siya ng malambing at parang tumibok yung puso ko ng mabilis. Napalingon ako kay Niel at nakatitig pa rin siya kay Runo habang nakanganga. Teka baka may hinalo siyang gayuma sa noodles na 'to? Totoo ba ang nararamdaman ko? Ba't parang sumisikip ang dibdib ko?  Hayop. TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD